Shadow of the Stars
Chapter 11
“Number 135, please proceed to the stage” ang narinig kong tawag sa number ko.
At nang marinig ko yun ay pakiramdam ko ay mas lalo akong nanginig sa nerbyos.
Pero naglakad parin ako paakyat ng stage at nanginginig na humarap sa panel ng judges na yun.
Nagpalinga-linga ako sa paligid.
Isang theater yun at konti lang ang tao dahil audition palang ito. Pero kahit ganun ay hindi ko parin mapigilang kabahan.
At isa pa…ay wala ang lalaking yun para sumuporta sa akin sa audition ko.
“Okay, say your name, age, and the piece you’re going to play for us” ang sabi ng isang babaing judge.
Nanginginig naman akong lumapit sa microphone.
I gulped. “M-my name is…m-my name is Snow Sanchez…seventeen…and…and…the piece I’m going to play is…The B-ballad of the W-winter”
Halos hindi ako makapagsalita ng mabuti nang dahil sa kaba.
Tinitigan naman ako ng judges and then…
“Okay, start” ang sabi lang ng isang lalaking judge.
At after nyang sabihin yun ay pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Pakiramdam ko ay napako ako doon at for a moment ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
“What are you doing?” ang iritableng tanong ng isang judge. “We don’t have all day so please start”
Pero…hindi parin ako makagalaw.
At pakiramdam ko ay nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Saka ako napalingon uli sa paligid.
Pero…wala parin sya.
Bakit…
Bakit pakiramdam ko ay frustrated ako ngayon na hindi makita ang lalaking nangakong pupunta sa audition ko?
Kung nandito lang sana sya ay baka…baka mabawasan ang kaba na nasa dibdib ko.
Samantalang nanatili lang na nakatitig sa akin ang tatlong judge na para bang nababagot na at napunta narin sa akin ang atensyon ng lahat ng nanduon.
Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa nangyayaring ito.
Tama.
Mas mabuting hindi ko nalang ituloy ‘to kesa naman sa mapaiyak sa harapan ng maraming taong nanunuod sa akin ngayon.
And when I was about to turned away ay bigla nalang bumukas ang malaking pinto ng theater na yun at humahangos na tumakbo papasok ang gwapong lalaking yun.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita sya.
Si Taehyung.
Teka…bakit sya nandito?
Agad syang nagpalinga-linga at nang makita ako sa stage ay ngumiti sya ng malapad saka sya nagtaas ng kamay at nagtatalong kumuway sa akin.
“GO SNOW! KAYA MO YAN! FIGHTING!” ang sigaw nya sa gitna ng lugar na yun dahilan para mapalingon sa kanya ang lahat.
“OMG…diba si Taehyung yan?”
“Kyaaahh…! Ang gwapo nya!”
“Oo nga…wait, bakit sya nandito sa audition ng classical music department?”
Yan ang sumunod na bulong-bulungan nang makita sya ng mga nanduon.
At hindi ko alam pero…after kong makita ang nakangiti nyang mukha at after kong malaman na may sumusuporta sa akin ay…bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko.
Lalo na nang makita ko syang naupo sa harapan na mga upuan at parang excited na kumukuway parin sa akin ngayon at nagfa- ‘fighting’ sign.
Napangiti ako.
Tama.
Wala nga ang lalaking mahal ko para suportahan ako but still…
Itinaas ko ang violin sa balikat ko at pumikit.
…I have an alien friend with the named of Kim Taehyung who’s now smiling and waving at me from the audience.
And with that thought, ang lahat ng kaba, ang lahat ng frustrations ko ay biglang nawala and I started playing the violin.
********************
Natapos nalang ang audition pero hindi parin sya nakarating.
At ngayon ay nakaupo ako sa labas ng theater na yun habang nakayuko.
Nabigla nalang ako nang may sumulpot na kape sa harapan ko kaya napataas ako ng mukha at nakita ko ang nakangiting mukha na iyon ni Taehyung.
“Malamig ngayon kaya kailangan mo ng kape” ang nakangiti nyang sabi.
Napatingin naman ako sa kape na hawak nya at malungkot na kinuha yun.
Mukhang napansin naman nya ang lungkot sa mukha ko kaya bigla nalang nya ginulo ang buhok ko.
“Aiiishhh..! Tama na nga yan!” ang sabi nya. “Wag ka ng malungkot! Ang galing mo nga kanina eh! Sa tingin ko, matatanggap ka talaga sa agency namin!”
Hindi naman yun ang ikinakalungkot ko ngayon.
Ang nagpapabigat sa dibdib ko ay ang isipin na…hindi man lang sumipot ang lalaking yun sa audition ko. Naiintindihan ko naman na busy sya but still…nalulungkot parin ako.
For a moment ay tinitigan nya lang ako samantalang nanatili lang akong nakayuko doon.
But then…
Bigla nyang inilagay ang baso ng kape nya sa tabi ko at tumayo sya sa harapan ko.
“Snow…” he called me.
Pero nanatili lang akong nakayuko.
“Look at me” he ordered.
Nagtaas naman ako ng mukha and I came face to face with his serious blank face.
But then…
Bigla nalang syang ngumiti ng nakakaloko at bigla nalang syang gumawa-gawa ng weird facial expressions sa mukha nya.
At after nun ay sinabayan nya pa ng weird dances habang nagsisigaw sya ng…
“HO! HO! HO! HO!” he chanted while dancing in front of me.
At hindi ko alam but…
Seeing him acting so weird like this in front of me…
For the first time…
I smiled.
Yes, for the first time in my life…
“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!” I burst into laughter.
*******************
Hay grabe.
SAAN BA NAGPUNTA ANG V NA YUN?!
Nang dahil sa kanya kaya galit na galit ngayon si Mr. Han.
Umalis ba naman sya before mag-start ang show kaya ang nangyari ay nag-reason nalang kami na hindi maganda ang pakiramdam nya kaya hindi sya nakasama sa amin.
Napahinga nalang ako ng malalim.
And now, I’m driving my car para puntahan ang sarang ko sa audition nya.
Aiiiissshh…! KASALANAN NG PALPAK NA CREW AND STAFF NG SHOW NA YUN KAYA SUPER LATE AKO NGAYON SA AUDITION NG SARANG KO!
Sana nga ay maabutan ko pa sya doon.
Hays, kawawa naman ang sarang ko.
Wala man lang syang kasama sa audition nya. UWAAAAAAHHHH!!!
Nang makarating ako dun ay ini-park ko na ang kotse sa tabi ng driveway.
At bababa na sana ako pero…
Nahagilap ng mga mata ko ang magkaharap na dalawang taong yun na nasa isang side ng lugar na yun.
Ang sarang ko na nakaupo at si…V na nagsasayaw sa harapan nya…
But what froze me is what I saw from that cold girl…
She’s laughing so hard while looking at Taehyung dance…
At hindi ko alam.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko sa eksenang nakikita ko.
Marunong din palang…
Marunong din palang tumawa ng ganun ang sarang ko?
Pero bakit…
Bakit…
Simula nang magkakilala kami…ay never ko syang napatawa ng ganun?
to be continued...