Chapter 10

606 Words
Shadow of the Stars Chapter 10 Nagising ako nung umagang iyon na kinakabahan. Oo. Ngayong araw na kasi ang audition namin sa agency. Tumayo nalang ako sa kama ko at naghugas ng mukha at nagsipilyo. Pero habang ginagawa ko yun ay bigla nalang tumunog ang doorbell ng apartment ko. Eh? May bisita ako sa ganito kaagang oras? Nagtataka akong lumabas ng banyo diretso sa may pinto. At… Paglabas ko ay wala namang katao-tao doon. Huh? Bakit walang tao? Hindi kaya guni-guni ko lang yun? Nagkibit balikat nalang ako at papasok na sana nang may nahagilap ang mga mata ko sa sahig. Isang white rose. At katulad din ng simula akong makatanggap ng white rose na ‘to ay wala na naman itong tinik at may maliit na card na nakasabit doon. Pinulot ko yun at binasa ang laman. Goodluck to your audition for today, beautiful. Ang nakalagay sa card. Pero computerized yun. Napangiti ako. Baka kay Jungkook galing ito. Simula kasi ng dumating ako dito ay lagi nalang ako nakakatanggap ng thornless na white rose sa umaga at katulad nito ay laging may message. At katulad din ng dati ay napapangiti ako at gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko ang magandang bulaklak nay un. ******************* I’m trembling. Dahil narin sa pinaghalong kaba at takot. Paano kung pumalpak ako? Paano kung hindi ko matugtog ng mabuti ang piece na tutugtugin ko? Oo. Nasa backstage na ako ngayon dahil ngayon na ang audition para sa agency. At ngayong nandito na ako ay hindi ko kasama si Jungkook. May TV show kasi silang aattenan ngayon kasabay ng audition ko pero nag-promise naman sya na pupunta sya kaya nga lang mali-late daw sya. Pero… Ako na ang susunod sa tumutugtog ngayon sa stage pero bakit…hindi parin sya dumarating? ********************** Kanina pa hindi mapakali si Jungkook na pabalik-balik ng lakad sa likod ng backstage saka nya nilingon ang staff na nanduon. “Hindi pa ba tayo magsisimula?!” ang sigaw na nya. Oo. Kanina pa kasi sila naghihintay doon dahil nagka-problema daw sa sound system kaya hindi pa sila makapagsimula kaagad. “Ah Mr. Jeon, malapit na po. Standby lang po---“ “IT’S SO EASY FOR YOU TO SAY THAT!” ang singhal nya. “PUPUNTAHAN KO PA NGAYON ANG SARANG KO PERO DAHIL SA KAPALPAKAN NYO KAYA MALI-LATE AKO!” Agad namang tumayo si Rapmon at inawat na ang nagwawalang si JUngkook. “Easy lang maknae…” ang sabi nya saka tinapik-tapik si Jungkook sa balikat. “…malapit na nilang maayos ang sound system. Easy lang” “Pero…” si Suga na mukhang nag-aalala. “…okay lang kaya si Snow doon?” “Oo nga…” si J-hope. “…wala syang kasama na susuporta sa kanya doon…” “At knowing Snow…sigurado akong kinakabahan sya ngayon” ang malungkot na sabi ni Jimin. “Sana okay lang sya dun…” si Jin. At nang marinig yun ni Jungkook ay mas lalo syang naasar sa mga staffs na nanduon. “AAAAIIISSSHHH!!!” ang asar nyang sigaw sa kinatatayuan nya. “Sir, okay na po. Magsisimula na po tayo sa Show” ang sulpot naman ng isang staff. “Aiiishh! Buti naman!” ang asar pa na sigaw ni Jungkook. Saka sila inayusan uli ng mga make-up artists. At inayos narin ang mga damit nila. At pagkatapos nun ay naglakad na sila papunta sa set. Pero… Bigla nalang tumigil sa paglalakad si Jimin at nagpalinga-linga. “Teka…” he said. “Nasaan si V?” to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD