Shadow of The Stars
Chapter 9
After naming kumain ay lumabas na kami sa restaurant na yun.
“Waaahhh~~! Nabusog ako dun ah!” si J-hope habang hawak pa ang tyan.
“Mga hyung” ang lingon naman ni Jungkook sa kanila kaya napalingon silang lahat. “Mauna na kayo sa apartment”
Nagkatinginan naman sila nun.
“Bakit? May pupuntahan ka pa ba?” si Suga ang nagtanong.
Pero ngumiti lang si Jungkook at nabigla pa ako nang bigla nalang nya ako hilain at inakbayan.
“Magdi-date muna kami ng sarang ko habang wala pa tayong ginagawa ngayong araw na ‘to!” he said.
Agad naman akong pinamulaan ng mukha.
“Ayyyyeee…! Si maknae makikipag-date na naman sa girlfriend nya!” ang kinikilig pa na sabi ni Jimin.
“Huhuhu! Binata na talaga si maknae!” ang madrama at teary-eyed pa na sabi ni J-hope. “Parang kailan lang kami pang mga hyung mo ang nagpapalit ng diaper mo nung baby ka pa! Wahuhuhu!”
“At kailan naman nangyari yun, hyung?” si Jungkook.
Pero agad ng hinila ni Jimin si J-hope. “Halika na nga hyung! Nakakaistorbo ka pa eh!”
“Bye maknae! Mag-iingat kayo ha!” si Rapmon saka nilingon si Taehyung na nanatili lang na nakatingin sa amin. “Halika na, V!”
Yun lang saka sila tumalikod at naglakad paalis.
Kaya ngayon…
“Oh~sarang~” ang nakangiti nyang lingon sa akin. “Excited ka na ba sa date natin ha?”
Pero namumula lang akong nagbaba ng tingin at hindi na nagsalita pa.
“Aiiiisshhh..! This cold girl…” ang sabi nya saka nya ginulo ang buhok ko. “Hanggang ngayon ba naman ay nahihiya ka parin sa akin?”
Namumula naman akong nagtaas ng mukha at nakita kong sobrang lapad ng ngiti nya.
Saka nya inayos ang makapal na coat na suot ko.
“Nilalamig ba ang sarang ko ha?” ang nakangiting tanong nya saka nya kinuha ang kamay ko dahilan para mas mamula ako. “Aiiiggoo…ang lamig ng kamay ng sarang ko”
At parang uusok sa init ang mukha ko sa sumunod na ginawa nya.
Itinaas nya ang dalawang kamay ko at hinipan yun ng mainit na hininga nya.
“Nilalamig ka parin ba sarang ha?” ang tanong nya habang hinihipan ang kamay ko.
“A-ah eh…okay lang---”
Pero hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ay inilagay nya ang dalawang kamay ko sa magkabilang pisngi nya para pakiramdaman yun.
Mas lalo akong namula lalo na nang titigan nya ako.
“Kawawa naman ang sarang ko…” he said. “Hindi ka sanay sa klima namin dito pero nandito ka at nagtitiis sa lamig…”
Nagbaba nalang ako ng mukha at hindi na nagsalita pa.
“Pero sarang…” he said habang hawak parin nya ang kamay ko sa pisngi nya. “Thank you…”
Napatingin ako sa kanya.
He grin. “Thank you at nandito ka kasama ko. Thank you dahil pinili mong sumama sa akin dito”
Napatitig lang ako sa kanya saka ako ngumiti.
“Masaya naman ako dito eh…” ang sambit ko. “…kaya okay lang”
For a moment lang ay nakatitig sya sa akin saka nya ginulo ang buhok ko. “AYYYEEEE…! ANG SARANG KO! MASAYA NA KASAMA NYA AKO! UUUUYYY!! KINIKILIG TULOY AKO…!”
Naramdaman ko naman ang pagragasa ng dugo sa pisngi ko pero yumuko nalang ako at hindi na nagsalita pa.
“So…” ang sabi nya saka ini-pat ang ulo ko. “Ibibigay ko sa sarang ko ang kalahating araw ko. Saan ba gustong pumunta ng sarang ko ngayon ha?”
Meanwhile…
Tumigil sa paglalakad si V at nilingon ang dalawang taong yun na masayang magkaharap sa lugar na iniwan nila.
At habang nakatingin sya sa masayang mukha ng dalawa ay bakit parang…mas lalong humahapdi ang dibdib nya?
“V?” ang sulpot naman ni Rapmon. “Okay ka lang? Sino yang tinitignan mo?”
At tinignan din nito ang direksyon na tinitignan nya pero nilingon nalang nya ito at ngumiti.
“Wala hyung. Tara na” ang sabi nya lang saka naunang naglakad paalis.
Samantalang napatingin naman si Rapmon sa tinitignan ni V at nakita nya sina Snow at Jungkook sa direksyon na yun.
Nagtaka sya.
Bakit tinitignan ni V sa ganung ekspresyon ang dalawang yun?
Saka nya nilingon uli si V na tahimik lang na sumunod sa ibang kasama nila.
**********************
Nakataas na naman ang hood ng itim na jacket nya habang naka-shades.
Oo. Kahit dito sa Korea ay ganun parin ang get-up nya.
At ngayon ay namamasyal kami sa gitna ng mga kulay brown na paligid. Autumn kasi ngayon sa Korea kaya pala mas lalong lumalamig ang paligid dahil sa papalapit na winter.
Napatingin ako sa kanya at halatang ang saya-saya nya habang hawak ang kamay ko.
Saka kami naupo sa isa sa mga bench doon at tahimik na tinignan ang magandang paligid.
“Hayyy…ang sarap talaga ng pakiramdam na ito…” ang sabi nya saka nya ako nilingon. “…ang saya ko talaga na maka-date ka ng ganito sarang”
Ngumiti lang ako.
Hindi ko mapigilang mapangiti nang dahil sa saya na nakaguhit sa mukha nya.
Pero nabigla pa ako nang bigla nalang syang naupo ng maayos.
“Ay tama pala sarang!” ang parang excited nyang sabi. “Malapit na pala ang winter!”
Nagtaka naman ako. “A-ah eh…bakit?”
Parang excited syang lumingon sa akin. “Tamang-tama na nandito ka sarang! Makakasama kita sa first snow!”
“Eh? F-first snow?”
He grin. “May kasabihan kasi dito sarang na kung sino man ang kasama mo sa first snow ay sya ang makakatuluyan mo. Kaya dapat magkasama tayo nyan ha! Ayyyss..! Excited na ako!”
First snow?
May ganun pala na kasabihan dito?
Pero ngumiti ako. “Okay…”
Napalingon naman sya sa akin at nagtaka pa ako dahil sinisipat-sipat nya ako.
At hindi ko alam kung bakit parang bigla nalang sya nalungkot.
"Pero sarang..." he said then pout. "Nasaan na yung necklace na ibinigay ko sayo dati ha? Bakit hindi mo suot?"
Napakurap ako.
Tama. Naiwan ko pala yun sa apartment.
Napatingin naman ako sa kanya. "Ah...ano...kasi..."
"Aiiisssh...this cold girl..." ang parang asar nya pang sabi pero ini-pat naman nya ang ulo ko kaya napatingin ako sa kanya.
At namula pa ako nang makita kong nakangiti sya sa akin.
"Pero okay lang yun sarang...alam ko naman na ganyan ka talaga..." he said.
Guilt.
Oo, yun ang nararamdaman ko ngayon.
Kaya nagbaba nalang ako ng tingin.
Mukhang napansin naman nya yun kaya ngumiti lang sya sa akin at inakbayan ako. "Okay lang yun sarang. Okay lang kahit hindi mo lagi maisuot yun. Basta wag mo lang wawalain ha?"
Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko ang malapad na ngiti nya na yun.
"O-okay..."
to be continued...