Shadow of The Stars
Chapter 8
Naging tahimik lang ang pitong lalaking yun na bumalik sa backstage ng Show na yun saka sila dumiretso sa bakanteng kwarto na katabi lang ng set.
At pagpasok na pagpasok palang nila ay agad ng nilingon ni Jungkook si V.
“Taehyung” he called him in a grim expression. “Sino ba yung babaing tinutukoy mo kanina na gusto mo ha?”
Nilingon naman sya ni Taehyung samantalang tahimik lang na nakamasid sa kanilang dalawa ang ibang ka-myembro nila na para bang naghihintay lang ng mangyayari.
For a long moment ay tinitigan lang sya ni Taehyung.
And then…he sigh.
“Aiiishhh…!” he said. “Ano ba naman kayo ha? Sinabi ko lang yun para may ichismis naman sila tungkol sa atin. Hindi ba kayo nakikinig sa sinabi ni Manager bago ang interview?”
Doon naman unti-unting kumalma ang ekspresyon ng mukha ni Jungkook at napangiti narin ang ibang ka-myembro nila.
“Aaaiiiissh!!” si J-hope na tumatawa na ngayon. “Akala ko talaga si Snow ang tinutukoy mo kanina!”
“Oo nga!” si Suga. “For a moment kinabahan tuloy ako!”
“Waahhh!! Ang galing talagang mag-isip ni V!” si Jimin. “Naisip nyang magpanggap na may nagugustuhan sya para may pag-usapan sila tungkol sa atin!”
Saka nya tinapik pa sa balikat si V.
“V…” si Jin saka tinapik din sa balikat si V. “…ang galing mo talaga. Akala ko din si Snow ang tinutukoy mo…buti nalang pala hindi”
“THE MAJECTIC V!!!” ang masayang sigaw naman ni Rapmon at itinuro pa sya.
Samantalang ngumiti nalang sya sa mga kasama.
Doon naman sya hinarap ni Jungkook at nakangiti itong nagsalita sa kanya.
“Aiiish…akala ko talaga ang sarang ko ang tinutukoy mo kanina” ang nakangiting sabi ni Jungkook sa kanya. “Buti nalang pala talaga at naka-move on ka na sa kanya. Ang galing ng ginawa mo V hyung! The best ka talaga!”
At tinapik-tapik pa sya nito sa balikat.
“Oo naman…” ang sabi lang nya sa nakangiting si Jungkook. “…matagal na akong naka-move on sa kanya kaya wag kang mag-alala…”
Ngumiti lang si Jungkook sa kanya saka nilingon ang ibang kasama.
“At dahil tapos na ang interview natin ngayon…kakain tayo ng roasted beef!!!” he announced happily.
“YEHEEEEYYY!!!” ang sigaw naman ng mga kasama nila.
Pero…
Doon na nawala ang ngiti sa labi nya at nandidilim ang mukhang napatalikod nalang sa mga nagsasayang kasama.
Dahil kahit sinabi nya ang lahat ng yun sa mga kasama nya…ay alam nyang…nagsisinungaling lang sya.
*******************
“Oy! Wag nyong agawin ang roast beef ko!” si J-hope.
“O Jimin, kumain ka ng marami…” si Rapmon saka nilagyan ng pagkain ang plato ni Jimin.
Teary-eyed namang napalingon sa kanya si Jimin. “Uwaaaahh!! Rapmon hyung! Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-caring!”
Pero ngumiti lang sa kanya si Rapmon. “Oo naman Jimin. Kailangan mo talagang kumain ng marami dahil baka may pag-asa pang tumangkad ka! WAHAHAHAHAHAHA!”
Opo. Nasa isang restaurant kami ngayon dahil after ng interview nila ay niyaya nila akong kumain ng lunch sa labas.
At katulad ng dati…nagkakagulo na naman sila sa harapan ko habang katabi ko si Jungkook at si Taehyung.
“Sarang…kumain ka ng marami ha” ang sabi pa ni Jungkook habang naka-focus sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.
“O eto rin Snow o…” si Taehyung na nilagyan ng ulam ang plato ko habang ngumunguya sya ng pagkain. “Masarap ang roasted beef nila dito”
Napalingon naman ako sa kanya at ngumiti.
“Salamat…” I said.
At hindi ko alam pero after kong ngumiti at magpasalamat sa kanya ay natigilan sya at bigla nalang syang nabulunan at namumula syang biglang napaubo.
Natataranta ko namang ibinigay sa kanya ang baso ng tubig ko at pinainom sya nun.
“Taehyung? Okay ka lang?” si Jungkook ang unang nagtanong.
Samantalang hinimas ko naman ang likod nya.
Itinaas naman nya ang kamay nya at doon ko na sya binitiwan.
“O-okay lang ako…” ang namumula parin nyang sabi saka uminom pa uli ng tubig.
Doon naman kami bumalik sa pagkakaupo ng maayos pero napatingin parin kami sa kanya ng may pag-aalala.
Pero…
Bigla nalang syang natigilan at napatingin sa baso na hawak nya.
At sa nakakalokong ngiti ay lumingon sya sa amin ni Jungkook.
“Teka lang…” he said. “…diba kay Snow ang baso na ‘to?”
Eh?
Bakit naman nya itinatanong kung sa akin ba yun?
Pero…
That wicked grin drew up on his face at tinignan si Jungkook. “Paano ba yan leader…nagkaroon na naman kami ng indirect kiss ni Snow”
I-indirect…kiss?
N-nagkaroon kami ng…i-indirect kiss?
Tama. Uminom pala ako kanina doon sa basong yun bago ko ibinigay yun kay Taehyung!
At si Jungkook…
“KIM TAEHYUNG!!!!” he roared saka sya tumayo sa upuan nya at sinugod si Taehyung na agad namang tumayo at tumakbo.
“WAHAHAHAHAHA! MAY INDIRECT KISS NA NAMAN KAMI NI SNOW! BLEH! BLEH! BLEH! BLEH!” ang tumatawa at tumatakbong sigaw ni Taehyung sa loob ng restaurant na yun.
“TAEEEHYYYUNNNG!! IBALIK MO ANG INDIRECT KISS NG SARANG KO!!” ang pikon na pikon na sigaw naman ni Jungkook habang hinahabol sya.
Opo.
Nakakahiya silang tignan dalawa.
Lalo na’t napunta na sa kanila ang lahat ng atensyon na nanduon.
At mukhang ganun din ang iniisip ng limang lalaki na naiwang nakayuko habang kumakain sa mesa namin.
“Kumain nalang tayo ng mabuti…” si Rapmon na hatalang halos gusto ng malusaw sa kahihiyan nang dahil sa ginagawa ng dalawang ka-myembro.
“Oo nga…magpanggap nalang tayo na hindi natin sila kilala” si Suga na nakayuko din habang sumusubo.
“Never kong naisip sa twenty-three years of existence ko na mahihiya ako ng ganito katindi” si Jin na nakayuko habang kumakain din.
“Akala ko ako lang ang baliw sa grupo na ‘to. May mas malala pa pala” si J-hope.
“Sa ginagawa ng dalawa, nagpapasalamat nalang ako na height lang ang kulang sa akin at hindi kahihiyan” ang sabi naman ni Jimin na kumakain nalang din ng mabuti.
Saka ako napatingin sa dalawang lalaking yun na ngayon ay nagtatapunan ng ng tubig sa may washing area.
Pero habang nakatingin ako sa kanilang dalawa ngayon na masayang nag-aasaran ay hindi ko mapigilang…mapangiti.
to be continued...