Shadow of the Stars
Chapter 7
Kinabukasan…
Nagising ako mula sa malambot na kama na yun nung umagang iyon.
Saka ako napatingin sa paligid.
Tama.
Wala na pala ako ngayon sa kama ko sa bahay namin pero…nandito ako sa kama ng apartment na ibinigay sa akin ni Jungkook…at..nasa ibang lugar na ako.
Next week pa kasi ang audition at habang wala pa yun ay dito muna ako para sa preparations ko.
Pero…
Kaya ko na ba talagang pumasok sa mundo na mayroon sya?
Kasi kahit na nandito na ako ay parang…naninibago parin ako.
Parang hindi ko parin ma-imagine ang sarili ko na tutuntong sa isang stage at magpi-play ng violin…
Minsan lang din kasi akong nagpi-play ng violin sa stage nung nag-aaral pa ako. At sa minsan na yun ay grupo kami kaya hindi ko pa naranasang tumugtog ng mag-isa sa harapan ng maraming tao.
Tumayo nalang ako sa kama at naglakad papuntang banyo para maghugas ng mukha at mag-sipilyo.
Saka ako lumabas doon at nagpalinga-linga sa marangyang paligid ng apartment na yun.
Tama.
Ngayon nga pala ang interview nila sa isang TV show.
Nakaalis na kaya sila?
Nagpunta ako sa pinto para lumabas ng apartment na yun pero…
Natigilan ako sa nadatnan ko sa labas ng pinto ko.
Isang bouquet ng red roses at may nakaipit pa na card doon. Nagpalinga-linga ako sa empty na hallway na nanduon.
Saan kaya galing ito?
Pero nasagot ang tanong ko nang buksan ko ang card at ang familiar na handwriting ni Jungkook ang nabasa ko.
Good morning sarang! Sorry sarang at hindi ako makakasabay sayo mag-breakfast ngayon. Nagmamadali kasi kami para sa TV show ngayong umaga. Panuorin mo ako ha? At kumain ng mabuti. Parang pumapayat na naman kasi ang pisngi ng sarang ko. Ayokong pumapayat ang sarang ko. Saranghae!
Your sarang,
Jungkook
Napangiti ako.
Tama.
Kahit na hindi ako handa sa mundong ito ay pinili ko ito para sa lalaking mahal ko.
Kaya kahit mahirap ay kakayanin ko ‘to para sa kanya.
Papasok na sana ako pabalik sa loob nang may mahagilap pa ang mga mata ko sa sahig.
May isang white rose na nanduon at hindi ko lang napansin kanina dahil natakpan sya ng bouquet.
Nagtataka akong yumuko at pinulot yun at doon ko nakita…
Na tinanggalan ng thorns ang white rose na yun at may nakakabit pa sa stem nito na isang maliit na card.
Binasa ko ang card na yun at…
You’re beauty is as pure as this white rose.
Yun ang nakasulat.
Eh?
Saan galing ‘to?
At bakit…tinanggalan pa ito ng tinik?
Pero…napangiti parin ako. Tama. Baka kay Jungkook din galing ang rose na ‘to kasama ang bouquet ng red roses.
Bumalik nalang ako sa loob at napatingin sa orasan.
Mag-a-alas nuebe na pala kaya binuksan ko ang TV.
Alas-nuebe kasi ang oras ng TV show na yun na aattenan nila.
And when I opened it, ang agad kong nakita ay ang pitong lalaking yun.
“Mr. Jeon Jungkook…” ang sabi ng host na nanduon. “What can you say about the rumor that you’re dating someone right now?”
At doon naman ipinakita ang nakangiting mukha ni Jungkook saka nya itinaas ang microphone na hawak nya at nagsalita.
“Well…” he said then gave out that big grin on his face. “…it’s not a rumor. I’m actually dating someone right now”
Nabigla ako sa mabilis na pag-amin nya na yun. Teka…bakit nya…inamin na may idini-date sya ngayon?
Agad namang naghiyawan ang mga audience at nagkagulo doon. At ipinakita din na nakangiting nag-‘appear’ ang ibang members nya na nakaupo sa tabi nya.
Ipinakita din sa TV ang mga fangirls na may iba’t-ibang reaction sa balitang narinig nila.
May ibang mukhang kinilig sa narinig.
Ang iba naman ay mukhang hindi pabor sa nalaman na may idini-date nga si Jungkook.
Pati ang dalawang host ng interview na yun ay mukhang nabigla din sa narinig dahil bigla silang napatayo at parang hindi makapaniwalang napatingin sa audience.
“WOW!” ang sigaw ng lalaking host. “THAT WAS SOMETHING! THAT’S A BIG REVELATION! A BIG REVELATION!”
“YES! JEON JUNGKOOK IS NOW OFFICIALLY DATING SOMEONE!” ang sigaw naman ng babaing host.
Samantalang nanatiling nakangiti si Jungkook sa kinauupuan nya…at bakit…parang ang saya nya pa na inamin nya yun sa mga tao?
“So…” ang naiinteresadong simula ng lalaking host. “Is she an idol too?”
Ngumiti sya at parang kinikilig pang nagsalita uli.
“No. She’s not an idol but…” he paused then smiled. “…she’s my idol. She’s my everything”
Tilian mula sa audience ang sumunod na pumaibabaw sa show na yun.
At after nyang sabihin yun ay…hindi ko mapigilang mapangiti.
“WOW! THIS IS BIG NEWS! BIG NEWS! THE LEADER OF BTS IS DATING A NON-IDOL! THIS IS A VERY BIG NEWS!” ang sigaw pa ng host na parang hindi pa nakaka-move on sa malaking rebelasyon ni Jungkook.
Oo. Kahit sino naman ay mabibigla sa ganung eksena.
Si Jeon Jungkook…ay umamin na may girlfriend sya sa isang international TV Show.
“Okay! Okay!” ang awat na ng babaing host sa nagkakagulong paligid.
Natahimik naman uli ang paligid kaya nagpatuloy sya. “If you’re going to sing a song for her right now, what it would be?”
Ngumiti sya at hinarap ang camera.
At ngayong…naka-focus sa kanya ang camera ay parang…tumitibok lalo ng mabilis ang puso ko.
“It would be…You’re My by Taehyang…” he said while smiling at nakatutok sa camera.
Naka-focus sa kanya ang camera kaya parang magkaharap lang kami ngayon.
At ngayong mas lalo kong nakikita ang gwapo nyang mukha ay hindi ko mapigilang mapangiti.
“Can you sing it for us?” ang kinikilig pang request ng babaing host.
He gave that handsome grin. “Sure”
Saka sya humarap uli sa camera at nai-focus naman sa kanya yun.
“Sarang…” he called me.
He called me na para bang magkaharap lang kami ngayon na nag-uusap.
“I know…being here with me is a little hard for you…” he said while talking to the camera. “…alam kong nalulungkot ka ngayon dahil wala ako para pangitiin ka kaya, kakantahin ko ang kanta na’to para sayo. So sarang…smile for me, okay?”
Napangiti ako.
At narinig ko naman ang tilian na yun sa audience.
Saka nya itinaas ang microphone nya uli at narinig ko ang magandang boses nya na yun.
“You're my ice cream
My sweetest ice cream
I really wanna have you
You, who is so sweet
I wanna have you
Wanna have you…”
Hindi ko alam…kung bakit parang…hindi ako makagalaw habang nakatingin sa nakangiting gwapong mukha nya.
“The one who gave me the gift of love, that's you
The one person who gave me that dazzling love
That's what you are…”
At pakiramdam ko ay nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.
Paano ba nya nagawang i-announce sa harapan ng mga nanunuod sa kanya na may girlfriend sya?
Saka sya tumitig sa camera at parang nakatingin lang sya sa akin ngayon na nakangiting kumakanta.
“To you, who is looking at me
I'll sing a song just for you…”
Hindi ko mapigilang mapangiti.
Tama.
Hindi parin sya nagbabago.
Wala parin syang pakialam sa sasabihin ng iba kahit na malaman ng ibang tao na may girlfriend sya.
“You're my candy
Lollipop candy
I really wanna kiss you
I really wanna love you…”
At doon na natapos ang pagkanta nya.
Sumunod naman doon ang tilian at hiyawan sa audience.
“That is so sweet of you Mr. Jeon” ang sabi ng lalaking host. “I know right now, your girlfriend is smiling for you”
He grin at parang kinikilig pang nagsalita uli.
“Yes. Sana nga…napangiti ko sya sa pagkanta kong iyon para sa kanya. My girlfriend is a type of a girl who doesn’t usually smiles. Kaya kapag ngumingiti sya…” saka nya nahawakan ang dibdib nya and took a deep breath then smiled. “…she always takes my breath away. She may be cold, she may be hard-headed but….” Saka sya tumingin uli sa camera. “…my sarang is the prettiest when she smiles”
After nyang sabihin yun ay agad kong naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
Paano ba nya…nasasabi yun sa harapan ng camera?
Nahihiya ako sa ginagawa nya at the same time ay napapangiti din.
Samantalang nag-tilian uli ang audience nang dahil sa sinabi nyang iyon at nakangiting nagtinginan lang ang mga ka-myembro nya.
“Yes, so much about Mr. Jeon’s lovestory…so now….” Ang sabi naman ng babaing host at nilingon si Taehyung. “…we heard Mr. V, that you have someone that you like right now?”
Nagtilian uli ang mga fangirls nang dahil sa itinanong na yun ng host.
Napangiti naman si Taehyung.
Samantalang napunta naman sa kanya ang mga mata ng mga ka-myembro nya na para bang nabigla sila sa narinig mula sa host.
Pati ako ay nagtaka rin doon.
May…nagugustuhang babae si V ngayon?
He smiled saka itinaas ang microphone para sumagot.
“Yes” he said. “I have someone that I really like right now…”
At after nyang sabihin yun ay ipinakita pa sa TV kung paano naghiyawan ang mga ka-myembro nya. Saka nila ginulo ang buhok ni V at pinagpapalo sa braso na para bang ang saya-saya nila sa narinig mula dito.
“V! Bago yan ah!” si J-hope na mukhang tuwang-tuwa sa narinig. “Bakit hindi mo sinabi sa mga hyung mo?!”
“Oo nga! Sino ba ang babaing yun ha?!” si Rapmon.
“Aiiisshh…! Mauunahan pa ata akong magka-girlfriend ni V!” si Jimin.
Samantalang ipinakita lang sa TV ang sobrang lapad na ngiti ni V na para bang kinikilig pa sya sa ibinalita nyang iyon.
“V hyung!” si Jungkook na mukhang masaya rin sa nalaman. “Wag mo sabihing magkaka-girlfriend ka na rin?”
Pero doon na medyo nawala ang ngiti sa mukha ni V at nagsalita uli. “Aiishh…yun na ang nakakalungkot doon. Hindi ko sya pwedeng maging girlfriend”
“And why is that, Mr. V?” ang tanong ng lalaking host.
For a long moment ay nakatingin lang sya sa kawalan na para bang nag-iisip and then slowly, a sad smile curved up on his lips and spoke.
“Dahil…” he said. “…may nagmamay-ari na sa kanya”
At hindi ko alam pero after nyang sabihin yun ay nakita ko kung paano natigilan ang ibang ka-myembro nya. Nawala narin ang ngiti sa mga labi nila at nagkatinginan.
Nagtaka naman ako ng dahil sa reaksyon ng mga kasama nya…bakit bigla nalang ata nag-iba ang ihip ng hangin matapos ang sinabi nyang yun?
At bakit…bigla nalang nag-seryoso ang mukha ni Jungkook?
to be continued...