Shadow of the Stars
Chapter 6
Seoul, Korea
Beautiful lights.
Big and luxurious buildings.
Cold surroundings.
Yes.
This is Seoul, Korea.
At ito…
Ito ang mundo ng lalaking mahal ko.
Nakikita ko rin ang malamig na hangin na lumalabas sa bibig ko ng dahil sa sobrang lamig ng paligid.
At dahil hindi ako handa sa ganitong lamig ay isang manipis na jacket lang ang nadala ko the reason why I’m trembling now habang nasa labas na kami ng airport ngayon.
Pero…
Naramdaman kong may naglagay ng jacket sa akin kaya napataas ako ng mukha.
At nakita ko ang nakangiting mukha ni Jungkook.
“Aiigoo…nanginginig sa lamig ang sarang ko…” he said while grinning. “…isuot mo ‘to sarang ko”
Saka nya isinuot sa akin ang makapal na itim na jacket na yun na may fur pa sa hood. Itinaas nya pa ang hood na yun sa ulo ko at tinitigan ako ng mabuti.
Bigla naman akong namula sa pagtitig nya na yun sa akin.
“B-bakit?” ang naitanong ko.
Pero ngumiti lang sya.
“Wala lang sarang…” he said then grin. “…masaya lang ako na nandito ka kasama ko…ngayon kasing kaharap kita ngayon dito sa Korea parang…nasa isang panaginip lang ako…”
He said that while staring at my face kaya mas lalo akong namula.
Nag-iwas naman ako ng tingin at hindi na nagsalita pa.
“Sarang…” he called me kaya napataas ako uli ng mukha.
At sumalubong sa paningin ko ang sobrang sayang mukha nya.
“Thank you…” he whispered. “…matagal ko na talaga kasing pinapangarap na makasama kita dito. Kaya thank you sarang at tinupad mo yun…grabe, ngayon palang excited na akong makasama ka dito!”
“Leader! Nandito na ang van natin!” ang narinig kong tawag ni J-hope sa kanya.
Tinignan naman nya ako at nakangiting inilahad sa akin ang kamay nya.
“Sarang…” he said. “I would like to welcome you into my world…”
For a moment ay nakatitig lang ako sa kanya but then later on ay kinuha ko ang kamay nya at nakangiting nagsalita.
“Thank you…” I whispered. “…sarang”
*******************
Hindi ko ini-expect ang lugar kung saan ako mamalagi dito sa Korea.
Isang malawak na apartment na katabi din ng apartment ng BTS. At si Jungkook ang…nagbigay nito sa akin…
Kulay puti ang kulay ng mga dingding at may malawak na sala yun. At sa tabi naman ay kusina at napakarangya ng designs. May isang kwarto rin doon at sa tingin ko ay doon ang bedroom at sa tabi naman ng pinto nun ay pinto ng banyo naman.
At ngayon…
“WOHHOOO!! FIRE IN THE HOLE!!” ang sigaw ni J-hope saka tumakbo papunta sa sofa at nagtatalon na parang bata doon.
“Maganda sana kung kulay pink ang kulay ng pader…” si Jin. “At may mga kulay pink din na stuff toys sa paligid”
“Wala bang pagkain dito?” si Taehyung saka binuksan ang ref na naduon at agad na kuminang ang mga mata nya nang makitang puno yun ng pagkain. “THIS IS NO WONDER...THE BEST DAY OF MY LIFE!! WOHHOOO!!”
“Hoy Taehyung! Pahingi din ako!” si Jimin na sinaluhan sya.
Opo. Kakapasok palang namin sa apartment ay nagkagulo na naman ang mga lalaking ito.
“Rapmon, bakit hindi ka pumapasok sa loob?” si Suga na nilingon si Rapmon na nakasilip lang sa labas.
“Natatakot ako na baka may mabasag ako sa loob. Baka pagalitan pa ako ni leader…” ang sagot nya lang.
At si Jungkook…
“BANGTAN BOYS!!!” he screamed through gritted teeth.
Agad naman napalingon sa kanya ang mga kasama at natigil ang lahat ng ito sa mga ginagawa nila.
“SA SARANG KO ANG APARTMENT NA ITO AT HINDI SA INYO!” ang sigaw pa nya.
Pero…
“Eh ano ngayon maknae? Nakiki-party lang naman kami ah! HO! HO! HO! HO!” si J-hope saka nagpatuloy sa pagtatalon-talon sa sofa.
“Oo nga!” si Jimin. “Dapat may welcome party tayo para kay Snow!”
Doon naman nawala ang pagkakunot ng mukha ni Jungkook at bigla syang ngumiti.
“Tama! Bigyan natin ng welcome party ang sarang ko!” ang excited nyang sabi.
“Pwede tayong mag-rent ng videoke at kumanta tayo all night!” si Suga.
“At pwede din tayong umorder ng pink balloons!” si Jin.
Sabay namang napalingon sa kanya ang ibang members.
At for a moment ay nakatitig lang sila sa pinakamatandang ka-grupo nila.
And then…
“Wala ka na ba talagang ibang maiisip pa hyung kundi puro PINK nalang?” ang lakas-loob na tanong ni Suga. “Hanggang ngayon nga nagtataka ako kung bakit ka pa sumali sa BTS kung pwede ka namang sumali nalang sa PINKY”
Nilingon naman sya ni Jin. “Bakit? May problema ba dun Min Yoo-gi?”
Tama.
Natawag na naman si Suga sa totoong pangalan nya.
Napa-gulp naman si Suga.
“A-ahahahahaha!” ang tawa ni Suga saka sya napahawak sa batok nya. “W-wala hyung! W-wala! M-masaya talaga ako na makasama ka sa BTS! Sus! PINKY?! Mas cool tignan ang BTS pag nakasuot ng pink! Ahahhahaha!”
“Oo nga…” ang masayang sabi naman ni Jin saka sya hinawakan sa balikat. “Natatandaan ko pa na isusuot mo nga pala sa next concert natin ang isa sa paborito kong pink shirt”
At after sabihin yun ni Jin ay parang namatayan na napaupo sa sofa si Suga at maluha-luhang napatingin sa itaas with expression of ‘WHY ME?!’
“Pero sarang…” ang tawag naman sa akin ni Jungkook na noon ay tumabi sa akin. “…gusto mo ba ng welcome party ha?”
At after nyang itanong yun ay napatingin sa akin ang lahat ng members nya na para bang nagsusumamo silang pumayag ako sa party na yun…
Kaya….
I gulped. “Ah eh…o-okay…”
“YEHEY!!!” ang masayang sigaw nila saka sila nagtatalon.
Bakit nga kaya…parang excited sila sa party na yun?
“Then…” ang sabi naman ni Jungkook sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya.
At namula pa ako nang makita ko ang gwapo nyang mukha na nakangiti ngayon.
“…let’s have a welcome party for my sarang…” he announced.
“YEEEEEEESSSSSS!!! PARTY! PARTY!” ang masayang sigaw ng mga kasama nya.
Nag-iinit naman ang pisngi kong napababa ng tingin.
“Boys…” ang sulpot ng boses na yun sa labas dahilan para matigilan ang pitong lalaking yun.
Napalingon naman kami sa pinto kung saan nagmula ang boses at nakitang nakatayo doon si Mr. Han.
“Baka nakakalimutan nyong maaga pa tayo bukas para sa TV show na aattenan nyo?” ang sabi nya dahilan para sabay-sabay na mawala ang ngiti ng pitong lalaking yun.
“Aiiissh! May Tv show pa pala tayong pupuntahan bukas!” ang frustrated na sigaw ni Jimin.
“WAAAAAAAHHH!!! PAANO NA ANG WELCOME PARTY NATIN PARA KAY SNOW?!” si J-hope.
“Oo nga…” si Rapmon. “Matagal narin simula nung nagka-party tayo…”
“Ays…masaya talaga sanang magka-party…” si Suga na mukhang naka-recover na sa mental torture sa pag-iisip ng pagsusuot nya ng pink shirt ni Jin sa next concert nila.
Samantalang naging tahimik lang sina Jin at Taehyung na mukhang binagsakan din ng langit at lupa dahil hindi matutuloy ang party namin.
Nilingon naman ako ni Jungkook at napakamot sya ng batok. “Aiisshh..sorry sarang pero…baka sa sunod na araw nalang tayo magkakaroon ng party para sayo…”
Pero ngumiti lang ako sa kanya. “Okay lang yun, may susunod na araw pa naman eh…”
Napatingin naman sya sa akin. “Sorry talaga sarang…gusto pa naman kitang makasama ng mas matagal ngayon…”
I smiled. “Okay lang…sa sunod nalang natin gawin ang party na gusto nyo”
“O sige na boys” ang sabi naman ni Mr. Han mula sa pinto. “Kailangan nyo ng magpahinga para bukas”
Sabay-sabay namang napahalumbaba ang pitong lalaking yun at sa malungkot na boses ay nagsalita.
“Neh…” ang sabay nilang sagot.
to be continued...