Shadow of the Stars
Chapter 17
Excited akong lumabas nung gabing yun papunta sa katabing park ng building na yun. Doon kasi kami magkikita ni Jungkook at late na ako.
Na-late ako dahil ilang oras ko ding pinag-isipan ang isusuot ko.
At nang makarating ako dun ay hinihingal akong napatigil sa pagtakbo at napayuko.
Nakikita ko pa ang malamig na hangin na lumalabas sa bibig ko ng dahil sa sobrang lamig ng gabing yun.
Saka ako nagtaas ng mukha.
Na-late na ako...
Pero...
Nagpalinga-linga ako sa paligid.
...bakit wala parin sya?
******************
"Hindi pa ba tayo matatapos dito ha?!" Ang reklamo na ni Jungkook sa mga staff na nanduon.
Natapos na sana ang shooting nila kanina pero may iniba ang director sa script kaya natagalan sila. At ngayon ay nakatayo na sya sa harapan ng mga staffs na yun habang nakasalubong ang kilay nya.
"Sorry po Mr. Jeon pero may isang scene pa po tayong tatapusin---"
"WHAT?! MAY ISANG SCENE PA TAYONG TATAPUSIN?!" ang galit nyang sigaw.
Tumayo nalang si Jin at inawat ang nagwawala na namang leader nila.
"Maknae, isang scene nalang yun so relax lang" ang sabi nya habang minamasahe ang likod ni Jungkook.
"Aiiish!!" Ang naisigaw lang ni Jungkook saka napaupo doon at napasabunot ng buhok nya. "May date pa kami ngayon ng sarang ko pero hindi na naman matutuloy ng dahil sa palpak na schedule na 'to!"
Saka nya kinapa ang cellphone sa bulsa nya at nanlaki ang mga mata nya ng makita kung anong oras na.
"Lagot na" ang sabi nya saka sinimulang mag-dial sa phone nya para tawagan si Snow. Pero... "Bakit hindi sya makontak? AIISSSSH!!!"
"Maknae anong problema?" Si Jimin.
"Ang sarang ko..." He said habang nag-aalala paring ga-dial. "...hindi na naman sya makontak at sigurado akong naghihintay na sya doon"
"Naghihintay saan?" Si Rapmon.
"Sa cherry blossoms park. Doon kami magkikita ngayon pero...aiiisssh!!! That cold girl...bakit hindi na naman sya makontak?!" Ang nag-aalala na nyang sigaw.
Napatingin naman sa labas si Jin. "Teka...sobrang lamig ngayon doon. Wag mong sabihing kanina pa sya naghihintay doon?"
At nang marinig yun ni Jungkook ay mas lalo syang nag-alala. "Sarang please...please kahit ngayon lang sagutin mo ang tawag ko...sarang..."
Nabigla nalang sila nang bigla nalang tumayo sa kinauupuan nya ang kanina pang tahimik na si V at bigla nalang tumakbo palabas ng set na yun.
"Hoy V! SAAN KA PUPUNTA?!" si Jimin.
"TAEHYUNG!" Si Suga pero hindi na ito lumingon sa kanila.
Nagkatinginan naman sila nun.
"Hindi kaya..." Si J-hope. "Hindi kaya dumating na ang spaceship na susundo sa kanya pabalik sa planeta nya?"
*****************
Nanatili lang akong nakaupo sa isang bench na nanduon habang nakatingin sa madilim na paligid ng park na yun.
Saka ako napahinga ng malalim.
Hindi na naman sya darating...
Nabigla pa ako nang may biglang tumayo sa harapan ko kaya napataas ako ng mukha.
At nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ang hinihingal na gwapong lalaking yun.
Si Taehyung.
Saka sya nagtaas ng mukha at hinhingal parin na nagsalita. "Aiiissh...! Bakit ngayon pa ako walang masakyan na taxi ha?! Tinakbo ko nalang ito galing sa set namin. Buti nalang at naabutan kita"
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
Tinakbo nya..
Tinakbo nya lang ito galing sa set na pinagso-shootingan nila?
Saka nya ako tinitigan gamit ang blank face nya na yun. "Aaaiissh..! Kapag isang oras ng hindi dumarating ang taong hinihintay mo ay dapat umalis ka na! Pero bakit nandito ka pa?!"
Napakurap ako.
Bakit ba sya nandito? At bakit...bakit nya sinasabi sa akin yun?
"Hindi na darating si leader"ang sabi nya saka tumingin sa ibang direksyon. "Nandito lang ako para sabihin yun sayo dahil hindi ka nya makontak para sabihin yun"
Nabigla ako sa sinabi nya.
So...tumakbo sya galing sa set nila papunta dito...para sabihin lang yun?
Pero...napababa nalang ako ng tingin dahil nalungkot ako sa sinabi nya.
"Alam ko..." I whispered. "Tinawagan nya ako kanina at sinabi na nya yun sa akin..."
Sya naman ngayon ang mukha nabigla sa sinabi ko. At mukhang nainis sya sa narinig.
"Alam mong hindi na sya darating but still, you're waiting here in this cold place?! NABABALIW KA NA BA?!" Ang galit nyang sigaw.
Pero yumuko lang ako. "Eh kasi...baka magbago pa ang isip nya...baka dumating sya bigla dito pero wala na ako para hintayin sya...kaya hinihintay ko sya para maabutan nya pa ako"
Natahimik sya sa sinabi kong iyon. Samantalang nanatili lang akong nakayuko at hindi na nagsasalita.
And then I felt his warm hand that gently pats my head kaya napatingin ako sa kanya.
"Tama na nga yan" he said with his blank face. "...sorry at nasigawan kita. Nag-alala lang talaga ako sayo kaya nasabi ko yun"
Nabigla ako sa sinabi nya.
Nag-alala...sya sa akin?
Pero nagbaba nalang ako uli ng tingin.
Ibang lalaki ang hinihintay ko...pero ibang lalaki din ang dumating...
"Aiiissh..!" Ang reklamo na naman nya at nabigla pa ako nang tanggalin nya ang suot nyang makapal na coat at ipinasuot yun sa akin.
"T-teka---"
"Don't move" he said in a serious tone kaya natigilan ako. "Nanginginig ang kamay mo kaya alam kong sobrang nilalamig ka"
At wala na akong nagawa nang ayusin na nya ng mabuti ang pagkakasuot ko nun.
At namula pa ako ng titigan nya ako ng mabuti.
"B-bakit?" Ang tanong ko.
For a moment ay tinitigan nya lang ako but then...a smile curved up on his lips.
"Nothing"he said saka nya ibinulsa ang kamay nya sa jeans nya at nakita ko pa ang malamig na hangin na lumabas sa bibig nya.
Napatingin naman ako sa suot nya at nanlaki ang mga mata ko nang makitang isang simpleng shirt nalang yun.
Oo. Yun nalang ang suot nya sa sobrang lamig na gabing ito.
"T-teka Taehyung. Isuot mo nalang ito---" saka ko aakmang tatanggalin yun pero agad nyang hinawakan ang kamay ko na tatanggal sana doon and in a serious face he spoke.
"Pag tinanggal mo yan, hahalikan kita" ang dire-diretsong sabi nya dahilan para mamula ako.
T-teka...
D-did he just said...that...that he's going to kiss me?
Pero agad syang ngumiti at nag-V sign. "JOKE! JOKE! JOKE! HAHAHAHAHAHA!"
Grabe.
Bakit parang ilang ulit na akong napagtripan ng lalaking ito?
"Pero totoo yun..."he whispered.
Napalingon naman ako sa kanya. "Eh?"
Nilingon nya rin ako. "Ha?"
"M-may sinabi ka ba?" Ang tanong ko.
Oo. Parang may ibinulong kasi sya.
Parang nagtataka naman syang napatitig sa akin. "Wala na akong sinasabi..."
"Ah..."ang sabi ko nalang.
Tama. Baka guni-guni ko lang yun.
"Tara na, umuwi na tayo" ang sabi nya. "Ihahatid na kita---"
Pero bigla syang natigil sa pagsasalita at napatingin sa paligid.
Nagtataka naman akong napalingon sa tinitignan nya at...
Natigilan din ako nang makita ko ang isa-isang pagkakahulog ng mga puting nyebeng iyon sa madilim na paligid.
T-teka...
I-it's snowing...
Kung ganun...
But before I could utter a sound, he smiled ang spoke.
"The first snow..."he whispered.
For a moment ay natigilan ako at napatitig lang sa mga puting nyebeng iyon na nahuhulog sa paligid.
Saka ako nagbaba ng tingin.
Tama.
Si Jungkook ang dapat na kasama ko sa first snow...
Pero...
Saka ako napalingon sa gwapong lalaking iyon na ngayon ay nakangiting nakatayo sa tabi ko habang pinagmamasdan din ang paligid.
...si Taehyung ang nandito at kasama kong nakatayo sa gitna ng malamig at umuulan ng nyebe na paligid...
to be continued...