Chapter 18

1278 Words
Shadow of the Stars Chapter 18 Napatingin nalang sa labas si Jungkook mula sa pagbabasa ng script. At doon nya nakita ang mga nyebeng iyon na umuulan sa madilim na paligid. The first snow. Pero hindi nya kasama ngayon ang sarang nya para makita yun... "May naghihintay siguro sayo ngayong first snow" ang biglang sulpot ng boses na yun sa tabi nya. Napalingon naman sya at nakitang si Seohyun yun. Napababa naman sya ng tingin. "Oo...hinihintay ako ng girlfriend ko pero hindi ako makakapunta..." A sad smile curved up on her lips. "It's a pity. " she said dahilan para mapatingin sya dito. "...hanggang kailan kaya nya kakayaning maghintay sa isang idol na katulad mo?" Natigilan sya sa sinabi nito kaya hindi sya makapagsalita. She smiled. "Sige, kakausapin ko muna ang director. Bye" Yun lang saka sya naiwang mag-isang nakatayo doon. Napatingin nalang sya uli sa labas at napatitig sa snow na nahuhulog sa labas. Tama. Hanggang kailan kaya sya kakayaning hintayin ng sarang nya? Kinabukasan... Kumakain ako ng breakfast nang bigla nalang tumunog ang doorbell ko. Nagtataka naman akong napatayo mula sa mesa at naglakad papunta sa pinto. At nang buksan ko yun ay nakita ko na naman ang isang white rose na yun na nasa may pinto. Nagpalinga-linga muna ako sa walang katao-taong hallway na yun bago pinulot yun. Saka ko tinignan ang card na nanduon. Goodluck to your first day of class as a Trainee, beautiful. Napangiti ako. Tama. Baka kay Jungkook na naman nanggaling ito. Nakangiti nalang akong pumasok at inilagay uli yun sa vase na nanduon. Puno na nga yun dahil araw-araw akong nakakatanggap ng white rose. Matapos yun ay nag-sipilyo na ako at naghanda. Oo. Ito ang first day ko as a trainee sa agency kaya mas kinakabahan ako. Huminga muna ako ng malalim habang bitbit ang violin na yun bago ako lumabas ng pinto pero... "Sarang!" Ang sulpot ng nakangiti at gwapong mukha ng lalaking yun sa harap ng pinto ko. Napaatras pa ako sa sobrang pagkabigla. "T-teka...akala ko ba maaga kayo ngayon sa shooting---" Pero hindi na ako nakagalaw nang lapitan nya ako at niyakap ako ng mahigpit. At parang bata na nagsalita. "Aiiishh...na-miss ko talaga ang sarang ko...kahapon lang tayo nagkita pero nami-miss na naman kita"he pout. "P-pero diba may shooting kayo ngayon?" Ang tanong ko habang nakayakap parin sya sa akin. Binitiwan naman nya ako at namula pa ako ng titigan nya ako. Then he smiled. "Nakiusap ako sa director na mali-late ako ngayon ng thirty minutes" he said. Napakurap ako. "At bakit...bakit ka naman mali-late ng thirty minutes?" He gave me that big grin. "Eh kasi gusto kong ihatid ang sarang ko sa first day nya as a trainee sa agency!" he said. "Atsaka kailangan ko na talagang bumawi sa sarang ko ng kahit 30 minutes lang kasi hindi ako nakapunta sa date natin kagabi...sorry sarang ha...sorry talaga..." Tinignan ko naman sya. "Okay lang...naiintindihan ko naman" Oo. Naiintindihan ko naman talaga ang sitwasyon nya ngayon. Sobrang busy na nila ngayon. Namula pa ako nang bigla nyang hawakan ang magkabilang pisngi ko at nag-aalalang tinitigan ako. "Aiissh...kawawa naman ang sarang ko. Lumiliit na naman ang pisngi mo. Kumakain ka ba ng mabuti ha?" ang nag-aalalang tanong nya. Namumula naman akong tumango. "A-ah eh...oo...kumakain naman ako..." He smiled then pats my head. "Mabuti naman kung ganun...so...tara, sarang?" Ngumiti din ako. "Okay..." ******************* Pagpasok na pagpasok palang namin sa agency na yun ay agad nang napalingon sa amin ang ibang trainee na naghihintay sa lobby ng building na yun. They were all struck in awe by that idol na ngayon ay kasabay kong pumasok sa building na yun. Pero nanatili lang silang nakatitig sa amin habang kinikilig na napapatili ang ibang babaing nandun. At sa harapan din ng ibang trainee na katulad ko at hinarap nya ako at nakangiting tinitigan ako. "So sarang hanggang dito nalang siguro ako...hinihintay na kasi ako sa set. Galingan mo dito ha?" he said. Nakayuko naman akong tumango nalang as a respond. Saka nya ini-pat ang ulo ko kaya napatingin ako sa kanya. Then I came face to face with his handsome face. At ngayon ko lang napansin na medyo nangingitim ang ilalim ng mga mata nya at halatang pagod na pagod sya. "Sarang..."he whispered. "...sorry ha at isang idol ang naging boyfriend mo. Sorry dahil halos wala na akong oras para sayo...pero...sana...kahit na minsan nalang tayo magkasama, ay mahalin mo parin ako...kasi ako sarang...mahal na mahal talaga kita" Bigla akong namula sa sinabi nya. Mahal na mahal nya ako? Then I heard him gave a deep sigh at ibinulsa ang mga kamay nya. "Bye sarang. Ingat ka dito ha atsaka..."he said then his face turned serious. "...sabihin mo sa akin kung may poporma sayo dito. Aiisssh! Iisipin ko palang na lalapitan ka na ng ibang trainee dito parang gusto na kitang kunan ng bodyguard! Pero sarang, sabihin mo talaga sa akin kung may poporma sayo dahil ipapakain ko sa kanya ng buo ang musical intrument nya!" Napangiti ako. "Para namang magagawa mo yun sa agency ninyo" But he just stared me. "You think I'm kidding? I'm serious. Ipapakain ko talaga sa kanya ng buo ang intrument nya!" At nag-pout pa sya. Pero ngumiti lang ako. "Sige na, walang poporma sa akin kaya umalis ka na. Baka ma-late ka pa sa shooting ninyo" Pero parang ayaw pa nyang umalis. "Aiishh...dito nalang muna kaya ako? Ipapa-cancel ko muna shooting namin para mabantayan kita dito" Saka sya tumingin-tingin suspisciously sa mga lalaking trainee na nanduon. Pero ngumiti nalang ako at itinulak na sya. "Sige na, mali-late ka na sa shooting nyo" "Pero sarang..." T3T "Wag kang mag-alala, walang poporma sa akin..." Ang sabi ko naman. "Sarang...ayaw talaga kitang iwan dito..." "Sige na" ang sabi ko pa habang natatawang itinutulak sya paalis. "Mali-late ka na o. Tapos na ang 30 minutes na hiningi mo..." Doon naman sya lumingon sa akin at napahinga ng malalim. Saka nya ginulo ang buhok ko at tinitigan ako ng mabuti. "Basta sarang ha..."he said while looking at my face. "...wag kang titingin sa ibang lalaki. Dapat sa akin ka lang nakatingin." I smiled. "Oo naman..." He smiled too and in a gentle tone he spoke. "Saranghae..." Namula ako nang dahil sa sinabi nya pero ngumiti parin ako at nagsalita. "I love you" ang sagot ko lang. At after nyang marinig yun ay mas lumapad pa ang ngiti sa labi nya. At nakita ko pa ang pamumula nya. "Aish! Ang saya-saya kong marinig yun sayo sarang!" He said while looking at me. "Minsan ko lang marinig yan sayo kaya ang saya saya ko sa tuwing nairinig ko yan sayo" Ngumiti lang ako. "Sige na...mali-late ka na..." Doon naman sya nagsimulang maglakad ng paatras habang kinikilig paring nakatingin sa akin. "Bye sarang! I'll see you later! Sabay tayong mag-lunch,okay?" I smiled. "Okay..." At doon na sya nakangiting tumalikod sa akin at naglakad paalis. Samantalang nanatili lang akong nakatitig sa likod nya. At katulad ng mg nakalipas na ilang araw ay nandun na naman ang pakiramdam ko... ...na unti-unti na syang lumalayo sa akin... I sigh. Saka ako napalingon sa mga trainee na kasama ko pero... "Oh my, so she's the girlfriend of Jeon Jungkook" "I can't believe na makakasama natin sya dito" "Yeah. I didn't expect na isa palang trainee ang gf nya" Oo. Ngayon ay nakatayo akong mg-isa sa harapan ng mga taong yun na umuusisa sa akin. Lahat sila ay nakatingin sa akin habang nagbubulungan parin. "Huh, goodluck nalang sa mga sasaeng" one girl said saka sila tumalikod at isa-isang umalis. Samantalang naiwan naman akong natitigilan dun. Sasaeng? Ano ba ang ibig sabihin nun? At bakit... Bakit nya nasabi yun? to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD