Munting pagkamuhi

1627 Words
Chapter 3 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ "Anong balak mo ngayon, Nimfa? Sigurado akong masusundan ka ng ama ni Alyana. Ikaw na rin ang nagsabi na maimpluwensya ang mga Sebastian at hindi mo maitatago habang buhay dito sa San Nicolas ang bata," mahinang sabi ni Lagring kay Nimfa, maingat na hindi marinig ng pamangkin ang kanilang usapan kahit nasa loob na ito ng kwarto. Saglit na sumulyap sa kanya si Nimfa at pinagpatuloy ang ginagawang kakanin na ibebenta nito. "Lagring, naisip ko na rin iyan pero mukhang malabo naman na alam ni Cristobal na may anak kami. Hindi niya nakita si Alyana ng tangkain niya kami habulin kanina," sagot nito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lagring. Kita sa mukha nito ang pag-aalala para sa kapakanan ng dalawa. "Pinaalalahanan lang kita, Nimfa. Kung hinabol ka niyang dati mong nobyo, ibig sabihin lang noon ay gusto ka nitong makausap. Nakita ka na niya dito sa Batangas, tingin mo ba hindi ka ipapahanap noon?" sabi ni Lagring. Binitawan ni Nimfa ang ginagawa at sumulyap sa pinsan. Sa puntong ito, napaisip siya na may punto ito. Paano kung balikan siya ni Cristobal? Paano kung kukunin nito nag anak nila? Mayaman ang pamilya nito at kayang-kaya nitong ipahanap silang mag-ina. "Isa lang ang sinisigurado ko, hindi malalaman ni Cristobal ang tungkol kay Alyana. Bukas magtanong-tanong ako sa bayan at kung may mahanap akong mapapasukang trabaho sa kabilang bayan ay mag-aaply ako para lang mailipat ko si Alyana," determinadong sabi ni Nimfa. "Sabihan mo lang ako, Nimfa, at nandito lang ako para sa inyo ni Alyana," niyakap ni Lagring ang pinsan. Alam niyang mabigat ang pinagdadaanan ng mag-ina at nakikita niyang halos lahat ng trabaho pasukin ni Nimfa para maitaguyod lang ang anak. --- Alas-siyete na ng gabi at Sabado ngayon. Abala sa pagluluto ng hapunan si Lagring at day-off niya ngayong araw, siya na muna ang nag-asikaso ng kanilang kakainin. Kanina pa siya pasilip-silip sa lumang gate ng kanilang bahay; hindi pa rin kasi dumadating si Nimfa. Dati naman pagsapit ng alas-singko ng hapon, nakarating na ito sa bahay. Iniwanan niya ang nilulutong paksiw at kinuha ang de-keypad na selpon. Tinawagan niya ang numero nito ngunit hindi ito nagri-ring. Kinakabahan na tinawagan niya ito ulit. Sumulyap siya sa pamangkin na abala sa pagkukulay sa drawing book nito sa sala. Tumingin sa kanya ang bata, wari’y hinihintay nito ang sasabihin niya. Tinawagan niya ulit ang numero ni Nimfa ngunit “cannot be reached” pa rin ito. Kinabukasan, maagang dumulog sa presinto at Barangay Hall si Lagring dahil hindi pa rin umuwi si Nimfa. Pinadeklara na niya itong missing lalo na’t wala naman ibang kamag-anakan na maaaring puntahan maliban sa kanya. Umiiyak na rin si Alyana dahil hinahanap nito ang ina. Kung kanina ay nagtitimpi pa si Lagring, ngayon ay kusa na siyang nanghina at pinakawalan ang pinipigilang iyak. Kagabi pa siya hindi mapakali; halos wala na nga siyang tulog kakasilip sa bintana at kakahintay na dumating ito. Akala niya ay dahil medyo masama ang panahon kaya nagpatila muna ito, ngunit inumaga na lang siya sa kakahintay na walang Nimfa na dumating. "Nimfa, nasaan ka na ba? Bumalik ka ba kay Cristobal? Umuwi ka na, Nimfa, huwag mo naman kaming iwan ng anak mo," hindi niya maipigilang sabihin sa sarili habang patuloy na dinadayal ang telepono nito kahit malabo nang sumagot ito. Maya-maya may lumapit sa kanya ang isang pulis. "Ma’am, kung pwede ay magpahinga na muna kayo. Maghapon na ho kayo nandito sa presinto, wala namang nakapagbigay ng malinaw na impormasyon sa amin maliban sa huling namataan siyang sumakay ng traysikel pasado alas-singko ng hapon kahapon. Ginagawa naman ng mga kapulisan ang lahat para mahanap siya," sabi nito kay Lagring. "Sige ho sir, umaasa ho kami na sana ho gawin ninyo ang lahat para mahanap ang pinsan ko," malungkot na saad ni Lagring. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng mga napagtanungan niya na baka nagtanan nga si Nimfa, lalo na’t sinabi sa presinto na nakita pa itong sumakay ng traysikel kahapon. Malakas ang kutob niya na may masamang nangyari sa pinsan niya. Tumayo siya at nakipagkamay sa pulis. Hinawakan niya ang kamay ng pamangkin at lumabas sila. Idinadalangin niya na sana bukas ay mahanap na si Nimfa at bumalik na sa kanila. Alam niyang hindi nito kayang maglaho na lang na parang bula. --- Isang linggo na ang matuling lumipas at nakatanggap ng tawag mula sa presinto si Lagring. Iniwan niya sa kasama niyang kasambahay si Alyana at pumunta ng presinto. Ngunit laking gulat niya nang samahan siya ng mga pulis sa morgue para sa pagkikilanlan umano sa natagpuang sunog na bangkay ng isang babae. Agad na pinuntahan ni Lagring ang sinasabing bangkay. Kinakabahan man, lakas-loob niyang binuksan ang nakabalot na bangkay ng tao. Napahawak siya sa bibig at maya-maya pa ay umatungal na ng iyak dahil nakilala niya ang suot nitong sunog na damit at pulseras sa pulsuhan. Si Nimfa ang natagpuang sunog na bangkay na itinapon sa may ilog. Hindi na rin nakita ang mga gamit nito kaya posibleng pagnanakaw ang motibo ng krimen. Hinahanap na sa ngayon ang nasakyan nitong traysikel drayber na maaaring makasagot sa pagkamatay ni Nimfa, ngunit pati ito ay nawawala din at hindi pa mahanap. Sa pagdaan ng mga araw ay unti-unting tinanggap ni Lagring ang pagkamatay ng pinsan at pinaintindi ito sa pamangkin. Alam niyang hindi pa masyadong naiintindihan ni Alyana ang mga nangyayari, ngunit darating ang araw na maiintindihan din nito ang lahat. Binigyan ng maayos na burol si Nimfa. Pagkatapos ng burol, isinama ni Lagring ang pamangkin sa mansyon ng mga Gutierrez. Pinakiusapan niya ang among lalaki na si Mayor Fernando kung maaari silang doon muna habang wala pang magbabantay dito. Stay-in kasi siya at Sabado't Linggo lang ang day-off. Agad namang pumayag si Mayor Fernando kaya bitbit ang maliit na lumang bag na lagayan ng gamit nila, pumasok si Lagring sa kwarto nilang mga kasambahay. Double deck ang kama nila ngunit pinili ni Lagring sa baba matulog at kasama niya ang pamangkin para baka mahulog ito. Mababait naman ang mga kasamahan niya sa mansyon kaya hindi siya mahirapan makisama sa mga ito. Iniligpit na muna ni Lagring ang gamit nila ng tiyahin bago siya lumabas ng silid para tumulong sa mga gawain. Iniwan niya ang pamangkin sa loob at pinayuhan na huwag lumabas hanggat wala siyang sinasabi. --- Sa hardin, nakahiga sa bench sa tabi ng swimming pool si Noah kasama ang ate nitong si Veronica. Inihatid ni Lagring ang meryendang pinapahatid sa kanya ng magkapatid. "Senyorita Veronica, Senyorito Noah, ito na ho ang sandwich at juice ninyo. Tawagin na lang po ninyo ako kung may iuutos pa ho kayo," magalang na sabi ni Lagring sa magkapatid. "Okey na ito, Aling Lagring. Tawagin ninyo na lang si Mom sa taas. I thought sasamahan niya kami mag-swimming," yamot na sabi kay Lagring ng dalagitang si Veronica. "Sige, Senyorita, tatawagin ko ang Senyora," sabi ni Lagring at iniwan ang magkapatid para puntahan ang among babae sa taas. Dahil sa inip, umandar na naman ang kapilyuhan ni Noah at pumasok sa silid ng mga kasambahay. Ito ang nakasanayan niyang gawin pag nagbabakasyon silang magkapatid dito sa probinsya—ang pagtripan ang kanilang mga katulong. Pumasok siya sa loob dala ang isang lagayan na puno ng mga laruang ipis. Walang tao sa silid at nasa labas ang lahat abala sa paghahanda ng hapunan. --- Akmang aalis na si Noah nang makita ang isang batang babae na mahimbing na natutulog sa may higaan. Agad na nilapitan niya ito at napangiti. Kinuha niya ang mga pekeng ipis na plastik na pinabili pa niya sa driver nila at inilagay ito sa tabi ng bata. Napapahagikhik siya habang binubuhos sa tabi nito ang mga plastik na ipis. Sigurado, pag gising nito, ay mapapasigaw ito sa takot. Hindi nga nagkamali si Noah dahil habang kumakain silang mag-anak sa may pool, ang matinis na sigaw ni Alyana ang narinig sa buong bahay. Napatakbo ito sa sala at putlang-putla. Gulat na napatayo silang lahat. Si Mayor Fernando naman ay agad na nilapitan ang nanginginig na batang babae. Binigyan niya ng masamang tingin ang anak na si Noah. Kinuha naman agad ni Lagring ang pamangkin at ipinasok ulit sa kwarto. Pinainom niya ito ng tubig at inalo hanggang sa humupa na ang takot. Inalis niya ang mga nagkalat na pekeng laruan. Sa loob ng silid ng mag-asawang Gutierrez, dinig ni Noah ang pagtatalo ng mga ito. "Nakiusap sa akin ng maayos si Lagring, Claudette. Hindi na ako nagdalawang-isip na patuluyin dito ang mag-tiya. Mapagkakatiwalaan si Lagring sa ilang taon niyang pamamalagi dito sa bahay, kilala na natin siya. Alyana is just a little kid para pag-isipan mo ng masama," galit na sagot ni Fernando sa asawa. "Hindi ito tungkol sa bata Fernando. My point is hindi you didn't even bother me to inform na may ititira kang bata dito at iba ang naging dating sa akin ng ginawa mo. Para mo akong inalisan ng karapatan ko dito sa pamamahay na ito and beside alamo na makulit yang anak mo.Nakita mo ba kung anong nangyari kanina? What if hindi lang ganyan ang gagawin ni Noah sa batang iyon?" inis na sabi ni Claudette at kinuha ang kopita ng alak at lumabas ng silid nilang mag-asawa. Hindi na binigyan ng pagkakataon magsalita ang asawang lalaki. " Ayaw ko makipagtalo para lang sa isang walang muwang na batang babae" habol na sabi ni Felipe sa asawa ngunit dederecho lang ang naging lakad nito palabas ng kanilang silid. Gulat na nabungaran ni Claudette si Noah sa labas ng pintuan nila na umiiyak dahil dinig nito ang kanilang away ni Felipe loob. Mabilis na niyakap ni Claudette ang anak at sinamahan sa loob ng silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD