Paglaya

1671 Words
CHAPTER 4 Rated 18+ MATURE CONTENTS READ AT YOUR OWN RISK❗ "Saavedra, may bisita ka." Napabalikwas ng bangon si Alyana nang tawagin siya ng gwardiya na nagbabantay sa kanila sa loob ng selda. Ipinusod niya ang mahabang buhok at lumabas, tiningnan niya ang mga mesa at hinanap ang sinasabing bisita. Ngunit hindi niya makita ang Tiya Lagring na bukod tanging kamag-anak niya na maaring maging bisita niya. Napakunot ang noo ni Alyana nang ituro ng guard ang sinasabi nitong bisita niya. Isang matangkad na lalaki na nakatalikod sa kanila at nakapamulsa ang dalawang kamay sa pantalon. Literal na nanlaki ang mata ni Alyana at para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang humarap sa kanya ang napaka gwapong lalaki. The one and only Noah Gabriel Moore Gutierrez. "Oh! it was nice to see you freaked out. Did I scare you b***h?" Noah said with a mocking look. Hindi siya nakasagot at napaatras nang lumapit ang lalaki. Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na pagkalipas ng tatlong taon ay makita pa niya ito ulit. Marami siyang masakit na karanasan dito at lagi siyang napapagalitan ng Senyora dati dahil sa mga katarantaduhang ginagawa nito sa kanya noong nasa mansyon pa siya nakatira. Hindi na lang niya ito pinapansin kagaya ng laging bilin sa kanya ng Tiya Lagring. Isa din ito sa dahilan kung bakit nasa kulungan siya ngayon.Muling kumirot ang kanyang puso sa naalala. "Anong kailangan mo at bakit ka nandito?" matapang na tanong niya dito derechong nakatitig sa lalaki. Isang mapanuyang ngiti ang nakita sa mukha ni Noah. "Don't feel so overwhelmed, you w***e! Hindi kita pinuntahan dito para dalawin. Pinuntahan kita dahil maniningil ako sa mga kasalanan mo," "Nakakulong na ako, lahat-lahat, pero ginugulo mo pa rin ako. Sabihin mo na kung ano ba ang gusto mo dahil kung hindi, aalis na ako at babalik na ako sa loob ng selda," masama ang loob na sabi ni Alyana sa lalaki. Pakiramdam niya hihimatayin siya sa sobrang kaba at galit.Mas gustuhin pa niyang makulong habang buhay kaysa makita ang lalaking ito nasa harapan niya. Napaatras ulit siya nang muli itong lumapit ito sa kanya. Amoy na amoy niya ang mabangong amoy nito kahit may distansya sa pagitan nila. Mas lalo yata ito naging guwapo sa paningin niya. Kung ang musmos niyang puso noon ay humahanga na dahil sa kakisigan nito, mas lalo ito naging lalaking-lalaki sa paningin niya ngayon. Ang maganda nitong mata na may mahahabang pilik na animo'y nangungusap. Matangos ang ilong na bumagay sa mapupula at makorteng labi, may mga manipis na balbas sa mukha nito na mas lalo nakapagpadagdag ng appeal sa lalaki at binagayan pa lalo ng makakapal nitong kilay. Mas lalo itong tumangkad ngayon; hula niya nasa 6-footer ito. Para kay Alyana, papasa itong isang aktor ng Turkish movie na napapanood niya sa selpon pag wala siyang trabaho sa mansyon noon. Nag-iwas siya ng tingin dito dahil hindi niya kaya tagalan ang mga titig nito sa kanya na punong-puno ng galit at pagkamuhi. Palihim na kinastigo ang sarili dahil imbes na iwasan ito, napatitig pa siya sa lalo lalaki. Hinaklit ni Noah ang braso niya dahilan para mapadaing siya sa sakit. Galit na mas diniin pa nito ang pagkakahawak sa kanyang braso. "Bitawan mo nga ako," agad na piksi niya kaya napabitaw ito. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha. Nanlaki ang mata niya sa gulat at nag-angat ng tingin sa lalaki.Sapo ang mukha na lumingon siya at halos lahat ng tao na nasa visitors area ay nakatingin sa kanila. "Pinuntahan kita dito to tell you that your happy days in this cell are over. Did you think I would let everything slide after you had an affair with my father and agreed to be his mistress? Huh! Three years--three years of imprisonment are not enough for you to pay for all the sins you've committed against our family, lalo na sa kapatid ko Alyana." punong-puno ng galit na sabi ni Noah sa kanya. Now he was calling her by her name. Sandaling namayani sa kanila ang katahimikan.It was useless anyway para kay Alyana na magpaliwanag dito kaya kaysa sumagot, nanatiling tahimik at tikom ang kanyang bibig. Ilang beses na ba niyang sinubukan magpaliwanag sa pamilya nito na hindi totoo ang binibintang nito sa kanya na umano'y kabit siya ng ama nito but no one believes in her. She just nodded and walked away from him, kahit narinig niya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. **ALYANA** Nanginginig sa galit ang katawan ko pagkatapos namin magharap ni Noah. Kung hindi ko ito tinalikuran, baka nawalan ako ng malay sa sobrang kaba. Napahawak ako sa dibdib dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ng mga oras na ito. Matinding trauma ang naranasan ko sa pamilya nito. Five years old pa lamang kasi nang makilala ko ang lalaki at palagi ako nitong binubully at ginagawan ng kalokohan. Masasakit ang mga binibitawan nitong salita laban sa akin. Tawag sa akin ng magkapatid na Noah at Veronica ay isang kahig, isang tuka. Pag naalala ko ang ginagawa nitong kalokohan sa akin, nakakaramdam ako noon ng sobrang takot. Hanggang sa nagsampung taong gulang ako, grabe pa rin ang pambubully nito sa akin kahit na binatilyo na noon si Noah. Palagi din ako napapagalitan ng Senyora Claudette dahil lagi ako nito pinagbibintangan sa mga kasalanan na hindi ko naman ginawa. Lingid sa kaalaman ng lahat, pinapalo din ako ng Senyora pag walang nakakakita at kung anu-ano ang sinasabi sa akin na nakakasakit sa loob ko. Mas lalo ako nito pinag-initan pag kinakampihan ako ng Senyor Felipe noon kaya isang araw ay pinagbibintangan akong nagnakaw ng mga alahas sa kwarto nito. Pero lumabas ang totoo na ang anak nitong si Veronica ang kumuha. Hindi rin naman humingi ng tawad sa amin magtiya ang Senyora sa pamimintang nito pero ramdam ko na mas lalo itong naging mainit sa akin. Minsan nang nagbakasyon ang Senyorita Victoria, hinila nito ang aking buhok at inihulog ako sa swimming pool. Hindi pa ako marunong lumangoy noon kaya nakainom ako ng maraming tubig. Mabuti na lang dumating si Senyor Felipe at tinulungan ako makaahon sa pool. Mabait ang Senyor, wala akong masabi sa kabaitan nito. Lagi ako binibigyan ng baon pag pumapasok kahit ayaw ko tanggapin ang offer nito. Scholar din ako nito kaya libre ang pag-aaral ko noong high school. Pero pagkatapos ng klase, agad na dumidiretso ako ng mansyon at tumutulong sa mga gawaing bahay. Ako ang naglalaba, naglilinis, nagluluto, at namamalantsa tuwing Sabado't Linggo dahil pumapasok naman daw ako kaya sa akin nakatoka ang lahat ng gawain pag weekend dahil pinag deday-off ng Senyora ang mga kasamahan kong kasambahay. Minsan si Tiya Lagring ay sinasamahan ako ngunit pinagalitan ito ng Senyora kaya tuwing walang pasok, mag-isa akong gumagawa ng lahat ng gawain sa mansyon. Pakiramdam ko nga luging-lugi na ako dahil gumagawa din naman ako pag umuuwi galing ng school. Dahil gusto ko talaga makapagtapos ng pag-aaral kaya minabuti ko na lamang sumunod at sipagan sa lahat ng gawain. Nakakahinga lang ako pag gabi na. Napabuntung-hininga ako saka ko pinikit ang aking mata. "Maligayang kaarawan, Alyana! Disi-otso ka na, anak. Pagdadasal ko nawa'y matupad mo ang iyong pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Natutuwa ako at lumaki kang masipag at mabait na bata," maluha-luhang sabi ng Tiya Lagring sa kanya. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Salamat, Tiya, dahil nandito kayo palagi para gabayan ako. Mula nang mawala si Nanay, ikaw na ang tumayong nanay para sa akin at tatanawin ko itong isang malaking utang na loob sa inyo," madamdaming sabi ni Alyana sa tiyahin. Nagpunas ito ng luha at gumanti ng yakap. "Ano ka ba, wala iyon, anak. Sa susunod na buwan pasukan na. Ang sabi ni Senyor Felipe ay ipapasok ka niya sa kolehiyo basta ba pag-igihan mo lang daw ang maganda mong grado," masayang balita nito sa kanya. Namilog sa tuwa ang mata ni Alyana. Napatalon siya sa sobrang saya. "Talaga ba, Tiya? Sinabi ng Senyor iyan? Naku, pag ako makapagtapos, Tiya, hindi na tayo magiging kasambahay sa mansyon. Ibibili kita ng bahay at sariling kutson para hindi na tayo hihiga sa sahig," masayang sabi niya sa tiyahin. Magsasalita pa sana si Alyana nang makarinig siya ng tunog ng helicopter at sabay silang napatingala sa himpapawid. Hindi ito gaanong kataasan kaya kita nila ang mga nahuhulog na petals ng mga rosas sa kanilang kinatatayuan. Pahapon na noon kaya nasisilaw siya sa liwanag ng araw. Bigla, isang karatula ang nakita ni Alyana na inihulog sa may tapat nila. "Happy 18th Birthday, my dear Alyana." Iyan ang nakalagay sa karatula, naglagi pa ito ng ilang segundo bago umalis palayo ang helicopter kasabay nang paghulog ng mga petals ng red roses sa ere. Parehas na nangunot ang noo ni Lagring at Alyana. Nagkatinginan silang magtiya at nasa mukha nila ang pagtataka kung sino ang may kagagawan nito. **** "Saavedra!" Bumangon ako nang marinig ang tawag sa akin ng guard. "Laya ka na, may nagpiyansa sa iyo," anunsyo nito. "Ho! Sino daw, Ma'am?" gulat na tanong ko. "Ako," anang baritonong boses sa likod ko. Napalingon ako sa may-ari ng boses sa aking likuran. Gulat na tumingin ako sa lalaki. "Sir Noah?" naisatinig ko sa likod ng kaba na aking nararamdaman. He chuckles. "Why? Is there anyone else who can set you free from this prison besides me?" Agad akong umatras at nag-iwas ng tingin sa lalaki.Hindi maari! sigaw ng utak ko. "Bakit mo ba ginagawa ito? Hayaan mo na lang ako dito sa kulungan at pinagbabayaran ko naman ang mga kasalanang binibintang ninyo sa akin," matapang na sabi ko dito. The man crossed his arms over his chest and stared at me intently with a blank expression. "I want you to suffer before you die," sabi nito at titig na titig sa akin, hindi ko alam kung seryoso ba ito sa binitiwan nitong salita o balak lang nito takutin ako. Agad na nag-iwas na lang ako ng tingin dito at piniling manahimik.Afterall, i has nobody para magkaroon pa ng halaga ang aking buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD