MULI

1340 Words
Chapter 2 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Maaga pa lamang ay nasa mansyon na ang mag-ina dahil ngayon na ang araw ng pistahan sa bayan nila. Inilabas ni Nimfa ang lahat ng mga kakailanganin niyang sangkap para sa lulutuin. Kahapon ay nagbigay siya ng listahan para sa ipapasabay ni Lagring na bibilhin sa palengke. Pinatulog na muna ni Nimfa ang anak sa isang kuwartong naroon para makatulog pa ulit ang bata. Masyadong abala ang lahat dahil mamayang tanghali ay ilalabas nila sa malawak na hardin ng mansyon ang lahat ng niluto nila. Magluluto siya ng kare-kare, hipon at alimango sa maraming bawang at iba pang mga alam niyang putahe. Alas-onse na nang tanghali at tapos na rin silang lahat. Nakapagbihis na ng uniporme si Nimfa at nag-umpisa na silang ilabas ang mga niluto niyang mga ulam sa hardin. Kinakabahan man na baka hindi ito magustuhan ng mga panauhin ng Mayor ay pinuri naman ito kanina ng alkalde kaya kumpiyansa siyang magugustuhan ng lahat ang kanyang luto. Agad na inasikaso nila ang mga bisita. Pagod man ngunit hindi mawala ang ngiti sa labi ni Nimfa. Masaya siya at kahit papano makakapa-ipon siya para sa pasukan ng anak sa susunod na pagbubukas ng klase sa kinder. Sa likod ng bahay ay pakanta-kanta ang batang si Alyana habang nilalaro ang bagong biling barbie doll ng ina. Dito siya pinaupo ni Lagring nang magising at abala na ang lahat sa pag- aasikaso sa labas. Napalinga-linga siya ng may bumato sa kanya. Narinig niyang may naghagikhikan sa likod ng halaman kaya pinuntahan niya ito at nakita ang isang batang lalaki at babae na naghagikhikan pa. Binelatan siya ng mga ito at agad na tumakbo palayo ang dalawa. "Salbahe kayo," sigaw ni Alyana sa mga ito. Napasimangot na lang na sinundan niya ng tingin ang dalawang bata na tawang-tawa pa sa kanya.Nakita niyang sinesenyasan siya ng batang lalaki ngunit hindi niya ito masyadong nakikita dahil sa distansya nito sa kanya.Sinimangutan ito ni Alyana saka bumalik ng mahabang bangkong naroroon at nilaro ulit ang barbie doll. ****** Sa hardin. Napabitaw sa hawak na babasaging baso si Nimfa nang magtama ang tingin nila ni Cristobal. Hindi niya akalain na isa ito sa bisitang dadalo ngayon. Nanlamig ang kanyang buong katawan nang makitang papalapit sa kanya ang lalaki at titig na titig sa kanya. Napatigil ito nang pumulupot sa braso nito ang kamay ni Feliz at nakita niyang natigilan si Cristobal ngunit hinawi nito ang kamay ng babae at naglakad palapit sa kanya. Dahil sa kaba ay agad na tumalikod si Nimfa at iniwan ang nabasag na bubog ng baso sa semento. Nagmamadali siyang pumasok sa kusina at kinuha ang gamit nila ni Alyana. Pinuntahan niya ang anak sa likod at hinila ang bata na halatang nagulat sa kanyang ginawa. Samantala, sinundan rin ni Lagring ang pinsan dahil pakiramdam niya may hindi magandang mangyayari kung magharap si Nimfa at Cristobal. Pinuntahan niya ang mag-ina sa likod at tinulungang lumabas sa maliit na pintuan na nandoon. Nagkatinginan silang dalawa ni Nimfa at tinanguan ito ni Lagring. "Ako na ang bahala, Nimfa. Umalis ka na agad at ilayo mo si Alyana dito, sige na," pagtataboy ni Lagring sa pinsan. Agad na pumara ng traysikel si Nimfa nang makalabas. Biglang kumabog ang dibdib ni Nimfa nang makita niyang humahabol pa rin si Cristobal at nakasunod dito si Feliz na siyang ikinatigil nito. Nag-uunahan sa pagpatak ng kanyang luha. Limang taon na ang nakalipas ngunit nasa puso pa rin ni Nimfa ang sakit na binigay sa kanya ng dalawa. Napahawak siya sa dibdib at naalala ang nangyari noon. Five years earlier. "Salamat sa paghatid, mahal. Mauna na akong pumasok sa loob," paalam ni Nimfa sa kasintahan. Day-off niya ngayon at ipinasyal siya ng kanyang nobyo sa farm nito.Magkasintahan na sila ni Cristobal dahil nakuha na nito ang kanyang matamis na oo pagkatapos nang mahabang ligawang nagnap sa kanila. "Sige, mag-iingat ka palagi. Mahal na mahal kita," sabi ng nobyo at buong pagmamahal na hinagkan siya sa labi. Matagal na siyang gustong paalisin ng nobyo sa pagiging kasambahay niya at bigyan na lang daw siya nito ng ibang trabaho sa munisipyo na kasalukuyang Mayor naman ang ama nito ngunit tumatanggi si Nimfa. Ayaw niya na may masabi ang pamilya ni Cristobal kaya hinahayaan na lang siya nito makapag-ipon para sa sunod na pasukan ay makapag-aral siya. Kumaway pa ito sa kanya bago pinaharurot ang sasakyan. Napakagwapo talaga ng nobyo niya bukod dito napakabait pa at pakiramdam niya napakaswerte niyang babae sa buong Rizal. Sobrang lawak ng ngiti niya ng pumasok sa loob ng kwarto kaya naging kumpulan siya ng tukso sa mga kasamahan.Pinagkibit balikat na lamng niya ito at nakikitawa na lang sa mga tukso sa kanya basta siya masaya sa kung anong meron sa kanila ng nobyo. Kinaumagahan, nagulat siya ng humahangos na pinuntahan siya ni Tonet sa kwarto. Kakapalit pa lamang niya ng damit at basa pa ang buhok niya't kagagaling lang niya sa banyo. "Nimfa!" sigaw nito. "Bakit?" takang tanong niya sa kasama. "Halika dito, dali!" at kinaladkad siya papuntang sala. Tumambad sa kanya ang malaking screen ng TV at kitang-kita niya ang pag-anunsyo ng ama ng nobyo na ikakasal ng anak nitong si Cristobal kay Feliz. Nanlaki ang mata ni Nimfa sa gulat at nabitawan ang hawak niyang tuwalya. Nanginig ang kanyang buong katawan at nag-unahan sa pagpatak ng kanyang luha. Paano nangyari iyon kahapon lang masayang-masaya sila ng nobyo at inihatid pa siya nito sa bahay kagabi. Biglang nagdilim ang kanyang paningin at sigaw ni Tonet ang narinig niya bago siya mawalan ng malay. "Mama," tinig ng anak ang nagpabalik sa kanyang diwa. Itinago niya ang kanyang mukha dito at alam niyang sa edad nitong limang taon nakakaintindi na ang kanyang anak. "Bakit, Anak?" malambing na tanong niya dito. "Bakit hindi natin hinintay si Tiya Lagring, Mama?" tanong nito. "Mamaya pa ang Tiya, anak. Sa bahay na lang natin siya hintayin. Ayaw mo ba noon makakapaglaro ka ng maayos habang nilulutuan ka ni Mama ng paborito mong meryenda?" sabi ni Nimfa sa anak. "Opo, Mama. Gusto ko po iyon. Salamat po, Mama," malambing na sagot nito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Lalo naman napaluha si Nimfa. Si Alyana lang ang mayroon siya ngayon kaya kung malaman ni Cristobal na nagkaanak sila, hindi niya kakayanin na mapalayo sa kanya ang bata. Kilala niya ang lalaki, dati pa nito sinasabi sa kanya na gusto na nitong magkaroon ng sariling anak pero hindi man lang siya nahinatay nito nakuha pa soyang lokohin sa mismong kaibigan niya pa. Kaya hanggat kaya niya ay itatago niya ang anak sa tunay nitong ama at hanggang maari pati ang tunay na pagkatao ni Alyana. Natatakot siya para sa anak lalo na kung malaman ito ni Feliz. Masyadong tuso ang babae yun at naliwanagan siya na ginamit lang siya nito para makalapit kay Cristobal at ginamit din siya nito para makalabas-pasok sa bahay ng dati niyang pinagtatrabahuan at huthutan ng pera ang dating amo. Napaka-tanga niya lang, masyado siyang nagtiwala dito. Galit siya kay Cristobal dahil iniwan siya nito sa ere. Hindi niya alam na nagdadalang-tao na pala siya noon kung hindi lang siya nahimatay at dalahin sa hospital. Si Tonet lang ang tanging nakaalam ng tunay niyang sitwasyon noon at binilin niyang huwag ipagsabi kahit na kanino ang kanyang sikreto para sa kapakanan ng bata. Umalis din siya sa Rizal at pinuntahan si Lagring sa Batangas. Minsan tumawag si Tonet na pumunta daw doon ang lalaki ngunit mahigpit na pinagbawalan niya itong huwag magsabi ng totoo lalo nabalita na ang kasal ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nangyari basta gumising na lang siya na wala na ang lalaking kanyang pinagkatiwalaan sa buong buhay niya at hinding-hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanya. Pinunasan niya ang kanyang luha at pilit na iniwaglit sa isip ang kanyang nakaraan sa lalaki.Laking pasalamat niya lang dahil kahit iniwan siya ni Cristobal nagkaroon naman siya ng isang magandang anak na naging dahilan ng kanyang pagsusumikap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD