Longging for freedom

1564 Words
Chapter 10 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ ALYANA Silaw na nagmula sa liwanag ng araw ang nagpagising sa akin mula sa tulog. Agad akong napabalikwas ng bangon nang maalala ko kung nasaan ako. Tiningnan ko ang pinto at nadismaya dahil nakasara pa rin ito. Sinilip ko ang siwang sa may gilid at napansin ang liwanag ng araw. Uhaw na uhaw na rin ako at gutom na, ngunit wala yata akong balak pakainin ng lalaki. Tumayo ako at nilapitan ang pinto, nagbabakasakaling bukas ito. Saktong paghawak ko ng seradura, bumukas naman ito. Nagtama ang tingin namin ng lalaki. Impit akong napakislot nang marahas akong hawakan nito sa braso at kinaladkad palabas. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit ng paghila niya at ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko mula nang pwersahan niya akong angkinin kagabi. Napasubsob ako sa sahig ng sala nang ihagis niya ako. Mabuti na lang naharangan ko ng kamay ang sahig dahil kung hindi, baka ulo ko ang unang tumama sa semento. "Ipaalala ko lang sa’yo na hindi libre ang tira mo dito. Paghirapan mo ang bawat pagkain na kakainin mo at gamit na gagamitin mo sa pamamahay ko, naiintindihan mo ba?" gigil na sabi nito sa akin. Tumango ako. Wala na rin akong lakas para sagutin pa ang lalaki dahil pakiramdam ko ubos na lahat ng lakas ko mula pa kahapon. Dahan-dahan akong tumayo at umalis sa harapan nito. Pumasok ako sa kusina at doon ko pinakawalan ang luha na kanina pa nagbabadyang mahulog. Hindi pwedeng makita ng lalaki na umiiyak ako; mas lalo itong matutuwa kapag makita nitong nahihirapan ako. ****** Isang linggo na rin ang mabilis na lumipas. Tulad ng nakagawian, maaga pa rin akong gumising. Tinapos ko muna ang paglilinis sa buong bahay maliban sa kwarto ni Noah. Saka ko pa lang malilinisan iyon kung nakaalis na siya papuntang trabaho. Saktong alas sais na nang mag-umpisa akong magluto. Nagpainit na ako ng kape at nagprito ng ham para sa sandwich nito. Hindi kasi mahilig kumain ng heavy ang lalaki pag umaga; mas gusto nitong magkape lang kadalasan. Noong una, lagi ako nitong nasisigawan dahil palpak daw ako sa lahat ng gawain. Sinasakal ako nito at palagi rin pinagbubuhatan ng kamay. Sa katunayan, may mga pasa pa ako sa gilid ng labi at sa braso. Nagsusuot na lang ako ng mahabang manggas para hindi ito masyadong kita kahit dalawa lang naman kami dito sa bahay. Wala din itong kinuhang katulong dahil ano daw ang silbi ko kung di ko paghihirapan mga kinakain at ginagamit ko. Malungkot na inayos ko na ang mesa kung saan siya palaging nakaupo. Maya-maya pa ay narinig ko na ang yabag nito pababa ng hagdan. Tiningnan ko ito nang umupo ito sa upuan kaharap ng lamesa. Bawal ko rin itong kausapin at bawal din ako umalis sa gilid; kailangan nakatayo lang ako doon at hintayin kung kailan ito matatapos saka ko liligpitin ang kinainan nito. May pagkakataon din na matagal itong tumayo sa mesa at may mga binabasa pang kung ano sa papel kaya minsan umaabot ng tatlong oras akong nakatayo lang at ngalay na ngalay na ang binti. Lagi rin pang isahan lang ang pinaluto nito sa akin dahil siya lang naman daw ang kakain. Ayaw din nitong makita na kumakain ako kaya palaging tago ang kain ko. Kung hindi sa laundry area ay sa likod ng bahay ako kumakain kapag nasa bahay ang lalaki dahil baka hindi lang kamao nito ang malalasahan ko kundi pati tadyak. Napaangat ako ng tingin nang makitang tumayo ito. Kinuha nito ang dalang attache case. Agad akong tumakbo sa pinto at pinagbukasan ito hanggang sa marinig ko na lamang ang sasakyan nito palayo. Itinaas ko ang kamay ko at isang maliit na kaway ang binigay ko sa papalayong sasakyan. Kusang tumulo ang aking luha dahil pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko ngayon. Wala ako kahit na sino, at kahit mamatay siguro ako, ay wala naman may pakialam. Si Tiya Lagring, hindi ko na rin nakita; ilang taon na. Bumuntung-hininga ako at sinarang muli ang pinto. Matamlay na bumalik ako sa loob at umupo sa isang silya malapit sa inuupuan ni Noah. Kinain ko ang iniwang sandwich nito at ininom ang tira nitong kape. Lagi akong ganito dahil ayaw niyang galawin ang pagkain sa ref hanggat hindi ito ang lulutuan ko. Pagkatapos kong linisin ang kwarto nito, nagtungo ako sa likod-bahay. Marami akong tanim na halaman; sari-sari ito at mga gulay. Dito ko inuubos ang oras ko sa mansyon niyang bahay dahil hindi rin naman ako makakalabas at si Noah lang din ang may access sa gate. Masyadong mataas ang bakod para tumakas pa ako. Kung mayroon man akong pinagpasalamat, ay yung nakalaya ako sa malamig na rehas at kahit papaano ay nakakalanghap ng sariwang hangin sa labas. Pagkahapon, inihanda ko na ang lulutuhin ko para sa hapunan nito. Magluluto ako ng kare-kare dahil alam kong paborito ito ng lalaki noon pa. Inilabas ko ang mga sangkap at nagsimula na sa pagagayat. Nagsaing na rin ako ng kanin. Malapit nang maluto ang kare-kare nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan. Dumating na siya kaya agad naman akong pumunta sa pintuan para pagbuksan ang lalaki. Ngunit nagulat ako dahil hindi ito nag-iisa. May kasama itong magandang babae at para itong buhay na Barbie sa paningin ko. Napakaganda at kumikinang ang alahas sa katawan na halatang mamahalin, pati ang bitbit nitong bag. Idagdag na rin ang maputi at makinis nitong balat at seksing dress na may slit pa sa gilid. "Who is she, babe?" kunot ang noong tanong nito sa lalaki ngunit sa akin nakatingin. Yumuko ako at binati ito. "The new maid," narinig kong sabi ni Noah sa babae. Tumaas ang isang kilay nito sa sinabi ni Noah. "Really?" sagot nito at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Naiilang na nagbawi ako ng tingin dito. "Sir, nagluto ako ng hapunan. Ipagahanda ko na lang kayo," lakas-loob na sabi ko sa lalaki para lang makaalis sa presensya nilang dalawa. "Hindi kami dito kakain; itapon mo na lang ang niluto mo." Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ang boses ni Noah. Tumango na lang ako ng hindi lumingon sa kanila. Agad na nagtungo ako sa kusina at pinatay ang burner. Iniahon ko ang kawali at itinabi sa gilid. Malungkot na umupo ako sa silyang naroon at pinagmasdan ang ulam. Sayang naman! Kaysa tumunganga, tumayo na lang ako at nagsimulang hugasan ang kalat sa kusina. Pati ang dining area ay nilinisan ko na rin. Inalis ko ang mga nailagay kong plato na para sana sa lalaki. Narinig ko ang ugong ng sasakyan nito palabas ng bahay, hudyat na umalis na ang dalawa. Kumuha ako ng pinggan ko at nilantakan ang niluto kong kare-kare. Kung ayaw ng Noah na iyon, kakainin ko. Kaysa masayang ang ulam, ako na lang ang makikinabang; mabubusog pa ako at lalakas pa ang katawan. Ilang araw na ba ako, panay kape at tinapay lang ang laman ng tiyan, na halos tira pa ng lalaki. Hindi ko na rin hinintay pang makauwi siya dahil noong nakaraang hinintay ko siya, sinigawan ako. Wala daw akong karapatan hintayin siya dahil ayaw niyang nakikita ang pagmumukha ko. Pasalampak na naupo ako sa sahig ng bodega. Dito pa rin niya ako pinatulog kung saan niya ako unang kinulong. Walang ilaw kaya nagkakasya na lamang ako sa liwanag na mula sa kandila. Hindi naman ako naniniwala na walang ilaw ang bodega; sinadya lang talaga nitong huwag lagyan para lalo akong pahirapan. Noong dito niya ako pinatuloy, nilinis ko ito ng mabuti. Maraming nakatambak na lumang gamit at sinalansan ko ito ng maayos sa gilid para lumawak pa ang pwesto ko. Nakakita din ako ng lumang kutson at iyon ang ginagamit ko ngayon. May mga malalaki ding T-shirt na kinuha ko din at nilabhan para may masuot ako sa pang-araw-araw. Yung underwear ko na tatlong piraso lang na bigay pa sa akin ng babae noon ay hindi din nagkakasya sa pang-araw-araw kong bihis. Mabuti pa sa rehas binibigyan sila ng pang-hygiene sa katawan. Humiga na ako at pinilit ang sarili kong umidlip dahil bukas, panibagong pakikibaka na naman. Nagising ako sa gulat nang may tumapong tubig sa akin. Nagmulat ako ng mata at nakita si Noah. May hawak na balde at galit na galit ang mukha. Dumating na pala siya, parang ang bilis naman niyang nakabalik. Tatayo na sana ako nang hilahin nito ang braso ko at agad na pinagsasampal sa mukha. Tatlong sampal ang pinatikim nito sa akin at agad kong nalasahan ang lasa ng dugo sa bibig ko. "You b***h, hindi kita pinatuloy sa pamamahay ko para magpatulog-tulog," sabi nito at kinaladkad ako palabas ng bodega. Ramdam ko ang bigat ng kamay nito sa braso ko habang hinahakbang ako nito at itinutulak sa may harap ng bahay. Hindi nakaligtas sa ilong ko ang amoy alak nito. Pinilit ako nitong ihiga sa may damuhan at umibabaw sa akin ang lalaki. "Parang awa mo na, huwag mong gawin sa akin ito. Palayain mo na ako," umiiyak at takot na takot kong sabi dito. Ngunit imbes na sumagot, mas lalo akong inipit nito sa ibaba at ilang sandali pa ay pinunit nito ang suot kong T-shirt. Luhaan ako habang nagpupumiglas sa kanya. Saglit siyang tumigil at sinikmuraan ako. Napabaluktot ako sa sobrang sakit at maya-maya pa ay nagdilim na ang buong paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD