Her painful past 2

1361 Words
Chapter 9 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Hindi ginusto ni Alyana na humantong sa ganito ang kabaitan ni Senyor Felipe, ngunit wala na siyang nagawa. Masyado nang mababa ang tingin sa kanya ng lahat. Hindi na rin siya pinapalabas ng bahay ng tiyahin, at ito na lamang ang namimili para sa kanila. Hindi na rin siya nag-aral pa dahil nawala na ang kanyang scholarship. Napapaiyak si Alyana sa kawalan nang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Sumilip siya sa bintana at isang desisyon ang nabuo sa kanyang isip. ***** Kanina pa siya palinga-linga sa paligid at tumakas lang siya sa bahay habang wala ang tiya Lagring at nasa talipapa. Pupuntahan niya si Senyor Felipe sa opisina nito sa bayan at hihingi ng tulong. Si Senyor Felipe na lang ang tanging pag-asa niya na malinis ang kanyang pangalan. Kailangan sabihin ni Senyor Felipe na hindi siya ang kabit nito at wala silang ugnayan sa isa't- isa. Wala na rin kasi siyang balita mula nang sumabog ang isyu na kabit siya ng Senyor.Galit sa kanya ang pamilya nito lalo na si Noah. Nagmamadali ang mga hakbang ni Alyana upang maabutan si Senyor Felipe sa opisina. Patawid na sana siya ng kalsada nang may humila sa braso niya. Hindi na siya nakagalaw nang takpan nito ang kanyang bibig at piringan siya. Naramdaman na lang ni Alyana na tumatakbo na ang sasakyang lulan nila bago siya nawalan ng malay.Nagising siyan ng itulak siya ng isa sa mga dumukot sa kanya. Nahulog siya sa lupa at ramdam niya ang mga tinik na tumusok sa kanyang katawan. Naririnig niya ang mga usapan nito mula sa hindi kalayuan at kinabahan nang marinig niya ang pangalan ni Senyora Claudette. Hindi siya makagalaw dahil mahigpit ang pagkakatali ng kamay niya sa likod at ang panga niya ay kanina pa nangangalay gawa ng telang nakatakip sa kanyang bibig. Anong binabalak ni Senyora Claudette sa akin? Napatanong siya sa kanyang sarili. Wala naman siyang intensyong masama; gusto lang niyang makausap si Senyor Felipe para linisin ang kanyang pangalan. Tahimik na umiyak siya at maingat na hindi makagawa ng ingay. Isang malakas na lagabog ang nagpabalikwas sa kanya mula sa pagkakahiga sa papag. Nakatali pa rin ang kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung anong oras na, ngunit alam niyang gabi na dahil naririnig na niya ang mga kuliglig sa paligid. Nag-aalala na tiyak ang tiya Lagring niya at ngayon siya nagsisi bakit pa siya nagbalak na puntahan si Senyor Felipe. Isang kamay ang naramdaman niyang humawak sa pulsuhan niya. Tinanggal nito ang pagkakatali sa kanyang kamay at piring. Gulat na naaninag niya mula sa liwanag ng buwan ang mukha ni Senyorita Victoria. Sinenyasan siya na huwag siyang maingay kaya tikom ang bibig na sumunod siya dito. Patingkayad na dumaan sila sa likod ng bahay o tamang sabihin na lumang bodega. Patakbo na sana sila papuntang labasan nang makita sila ng isang bantay. Agad na sinigawan sila nito kaya hinila niya ang braso ni Victoria at sabay silang kumaripas ng takbo sa loob ng malawak na maisan. Pareho silang hingal at kapwa napatili nang umalingawngaw ang putok ng baril. Ngunit buong lakas na tinakbo pa rin nila ang maisan hanggang sa napadpad sila sa may kalsada. Hingal at pawisan na silang dalawa ni Victoria. "Tumakbo ka na, Alyana. Papatayin ka nila at huwag mo nang hintayin na mahabol ka ng mga tauhan ni Mommy," sabi nito sa kanya. "Senyorita, hindi kita puwedeng iwan dito. Baka kung ano ang gawin nila sa'yo," nanginginig na sabi niya kay Senyorita. "Huwag mo na akong intindihin. Hindi ako papakialaman ng mga tauhan ni Mom. Umalis ka na habang may oras pa, dali na," sabi nito at pinagtutulakan pa siya. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya kay Victoria at nagpasalamat dito. "Tumakbo ka na, Alyana. Baka maabutan ka pa nila," taboy nito. Bumitaw siya dito at patakbo na sana nang isang malakas na putok ang narinig niya at may kung anong mainit na bagay ang tumama sa kanyang likod. Nanginginig na dahan-dahan siyang lumingon at napasigaw nang makitang nakahandusay si Veronica at puno ang katawan nitong dugo at tumalsik pa sa kanya. Napasigaw siya sa sobrang takot at hindi nakagalaw sa kinatatayuan hanggang sa nawalan ng malay. Pagising niya, nagtaka siya kung bakit nasa loob siya ng istasyon ng mga pulis. Duguan pa ang kanyang bestida at walang sapin sa paa na nangingitim sa dumi. Nagtaka na lang siya kung bakit siya nakaposas. Magsasalita na sana siya nang pumasok ang Senyora Claudette. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. "Pinag-aral kita, Alyana. Tinuring kang sariling anak at kinupkop sa mansyon. Paano mo nagawang patayin si Veronica?" galit na sabi sa kanya ni Senyora. "Hindi ko pinatay si Senyorita!" Napaiyak na umiling-iling siya at walang mahagilap na sasabihin. Gusto niyang isatinig na hindi totoo ang sinasabi nito pero wala siyang lakas ng loob para magsalita dahil okupado ng isip niya si Victoria. Patay na si Victoria! Bigla siyang napahagulhol ng iyak sa naisip. Agad na hinawakan siya ng mga pulis na naroon at kinaladkad palabas ng istasyon. Nagpumiglas siya nang makabawi sa gulat. "Hindi totoo ang binibintang ninyo. Hindi ako pumatay kay Senyorita Victoria!" sigaw niya at nagwawala sa labas ng istasyon ngunit lumapit sa kanya ang senyora at sinampal siya sa magkabilang pisngi. "You blackmail my daughter. Pinuntahan ka ni Veronica dahil humihingi ka ng tulong pero nang matanggap mo ang pera, binaril mo siya," sabi ni Senyora Claudette sa kanya. "Ikulong ninyo ang babaeng ito!" Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at umiiling na mariing itinanggi ang binibintang nito na walang katotohanan. Siya ay dinukot at pinapatay ni Senyora Claudette ngunit tinulungan siya ng anak nito. Kaya imbes na siya ang mamatay, si Veronica ang namatay. Mas lalo siyang nagulat nang ilabas ng mga pulis ang ebidensya na nagdidiin sa kanya sa pagkamatay ng senyorita. Kita ang limpak-limpak na salapi, baril, at ang higit sa lahat, ang fingerprint na nakuha umano sa baril na nagdidiin sa kanya sa krimen. Luhaang umiling ulit siya. Wala na siyang alam na sasabihin dahil para siyang sinasakal na nauubusan ng hangin at na-blangko dahil sa nangyari. Sinenyasan na ni Senyora Claudette ang mga pulis na pilit siyang pinapasakay sa mobile car ng mga ito. Hindi pa man siya naisakay ay dumating ang kotse ni Noah. Bumaba ito sa sasakyan na galit ang mukha ng dumako ang tingin sa kanya. Nakita niyang kinausap nito ang ina at sabay itong tumingin sa gawi nya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sinalubong niya ang tingin ng lalaki. Gusto niyang iparating dito na inosente siya sa pamamagitan ng tingin niya at nagmamakaawa. Lumakas ang t***k ng puso niya nang makitang naglakad ito papunta sa kanyang pwestong kinatatayuan. Tumingala siya dito dahil mas matangkad ito sa kanya. Kahit nasasaktan siya sa pagkakaposas ng kamay niya sa likod at hawak-hawak ng pulis ay pinilit niyang tawirin ang distansya nila ng lalaki at lumuhod sa harap nito. "Parang awa mo na, tulungan mo ako. Hindi ako ang pumatay kay Senyorita Veronica. May mga lalaking dumukot sa akin at binaril nila si Senyorita. Hindi ko alam, basta gumising na lang ako na pinagbibintangan ni Senyora Claudette," sabi niya dito na umiiyak at litong-lito. "Noah!" tawag ni Senyora Claudette sa binata. Hindi ito pinansin ng lalaki at maya-maya pa ay lumuhod ito sa harap niya para magpantay sila. Isang sarcastic na ngiti ang binigay nito sa kanya. "Ano sa tingin mo ang gagawin mo para mapaniwala mo ako na hindi ikaw ang pumatay? The fact na madaming ebidensya ang hawak ng mga pulis laban sa'yo, ha," galit na sabi nitong pabulong sa kanya. Mahigpit na hinawakan nito ang kanyang baba pataas. "I will make sure na mabubulok ka sa bilangguan dahil sa pagkamatay ng ate ko, at idagdag mo rin ang kasalanan mo kay mom dahil pumatol ka kay dad," anito at malakas na binitawan ang kanyang mukha. Napayuko siya at wala siyang nagawa kundi humagulhol ng iyak at nagpaubaya nang dalhin na siya sa kulungan.Nilingon niya ito hanggang mawala ito sa paningin niya. "Hinding-hindi kita tutulungan!"iyan ang katagang binitawan ni Noah bago siya nito layuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD