Dine together

1479 Words
Chapter 11 R-18 MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ ALYANA Impit na lamang akong napaiyak nang magising akong nasa ibabaw ko si Noah at ginagawan ako ng kahalayan. Sa sobrang pagod ko nang manlaban, hinayaan ko siyang magtagumpay sa gusto nito. Hindi ko maintindihan ang lalaki, sinasabi niyang galit siya sa akin pero ginagamit niya ang katawan ko. Dahan-dahan akong tumayo at kinuha ang damit kong nagkalat sa damuhan. Naliliyo pa ako ng tumayo, siguro dahil sa pagsikmura niya sa akin. Bumalik ako sa bodega at doon ko hinayaang ilabas ang lahat ng iyak ko. Gumising ako na grabe ang hilo at mainit ang pakiramdam. Ngunit pinilit ko pa ring bumangon kahit masakit ang katawan ko. Nagsipilyo at naghilamos ako bago pumunta sa kusina. Matamlay akong pumasok sa loob at nag-init ng kape. Sigurado akong mamaya bababa na ang lalaki. "Pack your things. We’ll be leaving in five minutes." Muntik akong mapatalon sa boses ni Noah na bigla na lang sumulpot sa likod ko. Lumingon ako sa kanya. As usual, blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya, pero hindi maipagkaila na napakagwapo nito. Kung mabait lang siya sa akin, baka mas lalo pa akong hahanga sa kanya. "What!" iritableng bulyaw nito sa akin na nakakunot ang noo nang nakitang nakatitig lang pala ako sa kanya. Tumalikod siya at umakyat sa taas. Pinatay ko naman ang initan ng kape at pumasok na sa bodega. Kinuha ko ang isang plastik at inilagay dito ang ilan kong gamit. Agad na bumalik ako sa sala, baka masigawan na naman ako ni Noah. Saan na naman kaya kami pupunta? Kahit mahina ako sa English, naiintindihan ko naman ang sinabi niyang aalis kami. Nakita kong nagmamadali siyang bumaba ng hagdan dala ang isang travel bag. Nang lumabas siya ng bahay, sumunod ako. Siya na rin ang nagkandado ng pintuan. Sumakay siya sa kotse na nasa garahe at pinaatras. Huminto naman siya sa tapat ko kaya kahit hindi niya ako pinasakay, agad akong pumasok sa likuran nito, baka mamaya masigawan na naman ako sa pagiging mabagal ko. Kunot ang noong lumingon siya sa akin, halatang inis ang itsura niya kaya napakurap-kurap ako. Ano na naman kaya ang ginawa ko? Lagi na lang siyang galit sa akin. "Balak mo yata akong gawing driver mo. Dito ka sa harap at hindi mo ako driver," sabi nito. Nagmamadaling bumaba ako at lumipat sa harap. Ramdam ko ang init ng kanyang braso nang masagi ito sa akin. Sinabihan niya akong magsuot ng seatbelt, ngunit lumalabas talaga ang pagiging lutang ko dahil hindi magkanda-ige ang pagsusuot ko ng seatbelt. Idagdag pang lakas ng t***k ng puso ko. Narinig kong pumiksi si Noah at inagaw sa akin ang seatbelt at agad na isinuot ito sa akin. Para namang slow-motion ang kanyang mukha na sobrang lapit sa mukha ko. Inaatras ko ng konti ang ulo ko baka konting lingon lang niya, mahalikan na ako. Ambisyosa! Napapikit ako at lihim na kinastigo ang sarili dahil sa mga pumapasok sa utak ko. Umayos ng upo si Noah pagkatapos nitong lagyan ako ng seatbelt. "Salamat," mahinang sabi ko sa kanya. Hindi siya lumingon at blangko pa rin ang mukha na nakatutok lang sa daan habang umuusad ang sasakyan. Hindi na lang din siya lumingon muli at tinanaw na lang ang mga nadadaanan naming tanawin sa labas. Kung saan man kami pupunta, wala akong ideya. Nagising na lang ako nang biglang nagpreno ng malakas si Noah. Napasubsob pa ako sa sobrang lakas at tumama ang noo ko sa harap ng kotse. Gulat na napahimas ako sa noo ko at tumingin sa kanya. Nakita kong gulat din ang itsura niya ngunit agad siyang bumaba ng sasakyan. May sinilip siya sa kotse at narinig ko ang sandamakmak na "f**k" at "b***h" habang pinagsisipa ang gulong ng kotse. Napasigaw ako nang bigla niya akong hatakin palabas ng sasakyan. "This is all your fault! Napakamalas mong tao, f**k!" sabi nito sabay duro sa akin at namumula sa galit. Nanginginig ako sa takot na baka saktan na naman niya ako. Ngunit lumayo siya at halatang nagtitimpi lang. Nag-angat ako ng tingin saka ko lang na-realize na nasa gitna pala kami ng kakahuyan at walang katao-tao sa paligid. Tiningnan ko ang kotse saka ko din napansin na putok ang isang gulong nito. Dahil nag-ala mantika ako ng tulog, hindi ko napansin na pumutok ang gulong ng sasakyan niya. Tumingin ako kay Noah at nakita kong may kausap siya sa telepono kaya minabuti ko na lang na umupo sa malaking ugat ng kahoy na nasa gilid. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo samantalang si Noah ay sumampa sa harap ng kotse at humiga doon. Nahihilo na rin ako at pakiramdam ko tatrangkasuhin pa ako dahil kanina pa din ako nababahing. Mataman kong pinagmasdan si Noah na nakahiga. Naka-sideview siya sa akin kaya kita ko ang matangos niyang ilong at nakapikit ang mata kahit pa may nakapatong na itim na salamin sa mata. Long sleeve na itim at blue pants ang suot niya kaya kita ang hulma ng katawan sa suot niyang medyo fitted. Hindi ako nakapaghanda nang bigla siyang tumingin sa gawi ko kaya napalunok ako at agad na tumungo. Nakakahiya ka, Alyana, baka isipin niyang pinapantasya mo siya! Lihim na kinastigo ko na naman ang sarili. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na bumaba siya ng kotse. Akala ko nga sa akin pupunta ngunit narinig ko ang ugong ng paparating na sasakyan. Isang truck ang dumating at nang tumingin sa akin si Noah, alam kong sinasabi niya na kailangan na naming umalis. Hinatak nito ang kanyang kotse at si Noah ay sa kotse nito sumakay samantalang ako ay sa truck sumakay, katabi ng driver nito. "Naku ma'am, mabuti natawagan ako ni boss Gabriel dahil delikado na maabutan kayo dito ng gabi. Medyo malayo pa ito sa bayan," sabi sa akin ng driver na nagpakilalang si Mang Berto. Panay ang kwento nito habang nasa biyahe kami at panay tango at oo lang ang sagot ko sa kanya dahil wala na ako sa focus at sumasama pa lalo ang pakiramdam ko. Pumasok kami sa bayan at dinala sa talyer ang sasakyan ni Noah. Narinig kong aabutin pa ng kinaumagahan bago makuha ang sasakyan niya dahil papalitan pa ito ng gulong at wala available sa talyer ng kagaya ng gulong ng sasakyan ni Noah kaya tumawag pa ito sa kasama para magdala ng gulong. Nakatayo lang ako sa gilid habang may kausap sa telepono si Noah. Tumingin siya sa gawi ko. "Let’s go," tipid na sabi niya. Agad na nagpatianod na lang ako kung saan siya pupunta. Pumasok kami sa isang gusali na may mahabang hallway. Sinamahan kami ng isang babaeng naka-uniporme at itinuro kay Noah ang isang kuwarto. Kanina narinig ko na wala nang bakanteng silid kaya napilitan siya na isa lang ang kukuning silid. Ibig sabihin magsasama kami sa loob ng silid? Baka naman dito ako sa labas nito patulugin dahil ayaw pa naman niyang nakikita ang kanyang pagmumukha. Bigla akong kinilabutan sa naisip at nagpalinga-linga sa loob. Sobrang laki ng silid, mabango, at sobrang linis din sa loob; nahihiya na lang ang mga paa kong umapak. Tumingin ako kay Noah na nasa balkonahe ng silid at may kausap pa rin sa telepono. Umupo ako sa isang kalapit na sopa at ramdam ko ang lambot nito sa likod dahilan para isandal ko ang aking ulo at pumikit. Ilang minuto akong nanatiling ganon hanggang sa nakarinig ako ng katok. Pinuntahan ito ni Noah at pinagbuksan ang babaeng may dalang pagkain sa tray. Naamoy ko ang bango nito at bigla akong natakam. Kagabi pa talaga akong walang kain at pasado alas dos na ng hapon ngayon ayon sa relong nakakabit sa dingding. Nang lumabas ang babaeng nagdala ng pagkain, nakita kong umupo si Noah sa upuan kaharap ng mga pagkain. Hindi ako gumalaw at nanatiling nakaupo sa sofa. Lumingon ito sa Lumingon ito sa gawi ko at agad akong nagbaba ng tingin.Baka masyado na akong halatang patay-gutom na.Tsk! nag-iingay na talaga mga bulate sa tiyan ko. "What are you doing?" iritable na namang sabi nito. "Ha?" "Sit here and eat!" napapiksing sabi nito, kunot na naman ang noo. Hindi ko maintindihan ang lalaking ito na sinasabi niyang ayaw niyang nakikita akong kakain at lalo ayaw niyang nakikita ang pagmumukha ko, pero heto't papaupuin niya ako sa harapan niya para sabay kaming kumain. Naglakad ako palapit sa mesa nito at umupo sa isang silya. Nagsimula na itong kumain at ako naman ay kinuha agad ang isang plato, sumandok ng kanin at ulam, sabay nilantakan ito. Sa sobrang gutom ko, nakalimutan ko na kaharap ko ang lalaki. Busog na busog ako sa sobrang dami kong nakain; napadighay pa ako ngunit agad na napatuwid ng upo nang masalubong ko ang blangkong ekspresyon ni Noah. "You're gross," napangiwing sabi nito at umalis sa hapag at pumasok ng banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD