Her painful past (SPG❗)

1430 Words
Chapter 8 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ -ALYANA- Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta pagkatapos ng nangyari sa amin ni Noah. Hiyang-hiya ako sa sarili dahil nagpatangay ako sa aking damdamin. Mababa na nga ang tingin sa akin ng lalaki, ay pumatol pa ako dito. Nanakit ang gitnang bahagi ng aking hita gawa ng walang prenong pag-araro nito kanina. Hinanap ko ang pinto papunta sa labas ng malaki nitong bahay. Nararamdaman ko na hindi ko kakayaning makisama dito at hahanap ako ng paraan para makatakas sa poder nito. Palabas na sana ako ng gate nang may humila sa aking braso. Amoy pa lang nito ay alam ko na agad kung sino ito. "Balak mo ba akong takasan ha?" galit na salya nito sa akin sa semento. Napaigik ako sa sobrang sakit nang tumama ang likod ko sa upuang bakal. Napahawak ako sa sariling likod at hindi na makatayo dahil sa naramdamang sakit. Itinaas ni Noah ang aking baba para magpantay ang kanilang ang aming tingin. "Sa susunod na tangkain mong lumabas sa pamamahay na ito, hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin," anito sa nagbabaga ang tingin.Galit na galit ito dahil nag-iigtingan na ang mga litid nito sa leeg. Hinila ako ni Noah patayo at kinaladkad papunta sa likod ng bahay. "Saan mo ako dadalhin? Pakawalan mo ako Noah! Wala akong kasalanan sa inyo ng pamilya mo," nagpupumiglas na sabi ko dito. Kumuha ako ng pagkakataon at kinagat ko ang kamay nito na nakahawak sa braso ko. Napabitaw at napadaing sa sakit ang lalaki kaya nakakuha ulit ako ng pagkakataong tumakbo palayo dito. Mabilis na tinakbo ko ang gate ngunit bago pa man ako makarating ay nahila na nito ang aking buhok. Masakit na rin ang mga paa ko dahil wala man lang akong suot na tsinelas, hindi ko na nga inintindi ang mga batong tumutusok sa paa ko. Itinulak ulit ako ng lalaki sa may fountain kaya nabasa a g buo kong katawan.Hindi ko inasahan na lalapit pa siya sa akin at bigla akong sakalin. ***** Nanginginig sa galit si Noah habang sakal ang babae. Hindi niya makontrol ang kanyang sarili na hindi ito masaktan. Kanina, pagkatapos ng nangyari sa kanila, ay naisip niyang kausapin ito kung ano ang magiging set-up nila kaya bumaba siya at naabutan niya itong palabas na ng kanyang bahay.Biglang uminit ang kanyang ulo sa nakita at sinakal ito.Nakita niyang unti-unti itong nanalalambot kaya binitawan niya ang leeg nito. "Hindi kita papatayin nang ganito kaaga. Ipaparamdam ko sa'yo ang sakit ng paghihiganti para sa pamilya ko sinira mo" galit na kinaladkad ni Noah ang babae pabalik ng malaking bahay. "Wala akong alam sa mga binibintang mo sa akin! Hindi ako ang sumira sa pamilya mo kaya parang awa mo na, pakawalan mo na ako," takot na umiiyak si Alyana at pilit na kumakawala sa hawak ng lalaki. Ngunit matigas ang puso ni Noah. Dinala niya sa bodega ang babae at isinara nito ang pinto. Naiwang umiiyak si Alyana at umupo siya sa gilid na yakap ang sariling tuhod. Lamig na lamig siya dahil basa ang kanyang damit. Tahimik na umiiyak siya at ramdam din niya ang paninikip ng kanyang dibdib. Madilim ang buong paligid at hindi niya alam kung anong oras na ngayon basta ang alam lang niya, malalim na ang gabi. Nakapikit at tahimik na humihikbi siya. Naalala niya na dati naranasan din niyang makulong sa bodega nang pagtripan siya nito. She closed her eyes and remembered how her life had ended like this. Palabas na ng school si Alyana nang mamataan niya ang kotse ni Senyor Felipe. Agad na lumapit siya dito nang ibinaba ng driver nito ang salamin at sumenyas sa kanya na lumapit siya. "Magandang hapon, Senyor," magalang na bati niya sa butihing mayor ng kanilang lugar. "Magandang hapon naman sa'yo, hija. Pauwi ka na ba at ipapahatid kita kay Celso sa mansyon," nakangiti na sabi ni Senyor Felipe kay sa kanya. "Hindi na ho, Senyor. Dederetso po kasi ako ngayon sa bahay at may pinapakuha po ang Tiya Lagring," magalang na sagot ni Alyana sa lalaki.Kumaway pa siya dito nang magpaalam. Pangiti-ngiti siya habang nag-aabang ng tricycle pauwi ng bahay nila ng tiya. Masaya lang siya ngayon at patapos na ang semester kaya sa susunod na taon ay kolehiyo na siya. 18 na siya ngayon at sa edad niyang iyon ay napakarami niyang pangarap sa buhay. Nakasakay na siya ng tricycle at nagpahatid sa bahay nila sa may dulo pa ng bayan. May baon naman siya at iyon ang gagamitin niyang pamasahe. Nagbayad siya pagkababa at agad na pumasok sa loob. Dumiretso siya sa silid nilang magtiya at agad na kinuha ang pinapakuha nitong handbook ng mga resipe. Ngunit kusa siyang napahinto nang marealize niyang hindi siya nag-iisa sa loob ng bahay. Saka lang luminaw sa isip niya na bukas ang kanilang pintuan pati ang kwarto nilang mag-tiya nang pumasok siya. Agad na nanindig ang balahibo ni Alyana at napabitaw sa hawak. Nanigas ang kanyang katawan nang may naramdaman siyang yabag na papalapit sa kanya. Hindi siya makalingon dahil sa sobrang kaba. Dahan-dahan niyang hinawakan ang babasaging garapon sa may gilid niya at inihagis ito sa taong nandoon ngunit umilag ito at tumama ang garapon sa dingding. Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Agad na tumakbo palabas ng pinto si Alyana ngunit nahagip ng lalaki ang kamay niya at pilit na pinapasok siya sa loob ng silid hanggang sa magtagumpay ito. Nilagay nito sa likod ang kanyang dalawang kamay at inihiga siya sa kama at sabay na tinali ng panyo ang kamay niya sa likod. Dahil nakamahabang palda si Alyana, mabilis na natanggal ng lalaki ang suot niyang manipis na short at pinuwersang pasukin ang kanyang p********e. Napahiyaw sa sakit si Alyana at ramdam niya ang pagkapunit ng kanyang hymen. Hindi siya nakasigaw dahil tinakpan ng lalaki ang bibig niya. Hindi na niya alam kung ilang beses siyang ginalaw nito hanggang sa nawalan na siya ng malay. Nagising siyang madilim na ang paligid. Agad na tumayo siya ngunit napadaing siya nang sinubukan niyang lumakad. Nakita niya sa selpon na nakailang tawag na ang tiyahin niya. Napaiyak siya sa nangyari at nagpasundo sa Tiya Lagring. Dumating ito na puno ng pag-aalala ang mukha lalo na nang makitang duguan ang kamay niya. Agad na lumapit ito sa kanya ngunit sabi niya na nasugatan lamang siya ng bubog nang hindi niya sinadyang maihulog ang garapon.Tingin naman niya napaniwala naman niya ito pero kanina ay balak niyang magsumbong dito pero nawalan siya ng tapang nang makita ang nag-aalala nitong mukha. Pinilit niyang tumayo ng tuwid at umupo sa kama. Mabuti na lang at de-kulay ang sapin kundi makikita ang bakas ng kahayupang ginawa sa kanya ng lalaking may takip sa mukha. Mula noon ay naging mailap na lalo siya sa tao at hindi na basta-basta pang nagtitiwala. Naging maingat siya sa mga nakakasalamuha niya at nagdulot ito ng matinding troma sa buong pagkatao niya. Ngunit sa lahat ng takot na pinagdaanan na nilabanan niyang mag-isa, lagi naman nagmamalasakit sa kanya si Senyor Felipe at napapagaan nito ang kanyang loob. Para kay Alyana, si Senyor Felipe ang pumuno ng kakulangan ng pagkatao niya. Bagay na hindi pala niya alam ay ikinagagalit ni Senyora Claudette. Palihim sila nito pinasubaybayan kahit saan kaya nalaman nito na ipinasyal siya ng Senyor sa tabing-dagat at dinala sa pinakamagandang pasyalan sa kanilang bayan. Ngunit ang lahat ng iyon ay inilihim ni Alyana sa tiyahin at wala siyang pinagsabihan kahit na kanino. Hanggang sa isang araw ay kinompronta siya ng Senyora Claudette sa harap mismo ng kanyang tiyahin. Hindi siya nakasagot sa paratang nito na isa siya sa babae ni Senyor Felipe. Kinaladkad siya nito palabas ng mansyon at pinagtatadyakan. Itinapon nito sa kanyang mukha ang sandamakmak na litrato nila ni Senyor Felipe na magkasama. Gulat na napatingin sa kanya ang tiyahin. Napahagulgol siya ng iyak. Kung alam lang nila ang buong katotohanan. Inilayo siya ng tiyahin sa mansyon at umuwi sila ng kanilang bahay. Alam niyang nakikiramdam lang ito sa kanya ngunit mas pinili niyang manahimik at magkulong sa silid.Masyado na siyang pagod para magpaliwanag sa mga nangyayari sa buhay niya.Nagkalat na rin sa buong bayan ang balitang kabit siya ni Senyor Felipe at dahil doon ay kinakamuhian siya ng mga tao. Pinadidirihan siya nito at tinatawag na kabit at walang delikadesa.Ngunit alam ni Alyana na hindi totoo ang mga bintang nito sa kanyan ng mga ito.Nanataling tikom ang bibig niya sa lahat at hinayaang pag-usapan siya.Pakiramdam niya nag-iisa siya at mahinang-mahina na siya at pagod na siya magpaliwanag pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD