Her First Heartbreak

1359 Words
Chapter 15 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ THIRD PERSON POV Nagmamadaling tumakbo palabas ng malaking bahay si Alyana pagkatapos niyang ilabas sa pamamagitan ng iyak ang masasakit na sinabi sa kanya ni Noah. Mugto ang kanyang mga mata habang binabagtas ang daan papuntang tagong talon ng hasyenda. Palagi siyang nagpupunta rito kahit noong dalagita pa siya hanggang sa magdalaga. Bibihira ang mga pumupunta sa lugar na ito dahil medyo masukal at malayo na sa kabahayan. Sinasabi ng iba na delikado itong puntahan nang mag-isa, ngunit sa tagal niyang pabalik-balik dito, wala namang masamang nangyayari sa kanya. Iniisip niya na panakot lang iyon sa mga kabataan sa loob ng hasyenda. Sanay na rin si Alyana sa lugar na ito, ngunit hindi pa rin niya maiwasang maging alerto, lalo na’t ilang taon na rin ang lumipas bago siya muling nakabalik dito. Muli siyang namangha sa nakita; walang pinagbago ang talon. Napakaganda pa rin, at malinis ang tubig. Agad siyang lumusong sa tubig at isa-isang hinubad ang kanyang suot hanggang tanging panty at bra na lamang ang natira. Alam niyang bibihira ang nagpupunta rito, kaya't malaya siyang lumangoy pabalik-balik. Dito niya ibinuhos ang sama ng loob niya sa lalaking patuloy na nagbibigay ng sakit sa kanyang puso, ngunit minamahal pa rin niya nang sobra hanggang ngayon sa kabila ng mga ginawa nito sa kanya. Noah's POV Binalibag ko ang hawak kong kopita ng alak dahil sa init ng ulo. Nakita kong tumakbo palabas ng bahay si Alyana at umiiyak pa rin. Nainis kasi ako sa lakas ng loob nitong mangialam sa mga desisyon ko. This hasyenda is mine now, at ibinigay na ito sa akin ni Dad, karapatan ko kung ano ang gusto kong gawin dito. I have no interest in farms, animals, and mostly, I hate boring places. Sanay ako sa isang toxic city—maingay. Sa kagaya kong pawang mga mayayamang tao lang ang nakakasalamuha araw-araw, para akong mababaliw kapag sobrang tahimik ng mundo ko. Kaya hindi matanggap ng ego ko na isang mutsatsa at kriminal na babae lang ang ipinipilit sa akin na huwag ibenta ang buong hasyenda para lang sa mga taong nakatira dito. I don’t care about those people. So what kung mawawalan sila ng tirahan? I'm not my dad na halos lahat kaawaan. This property is worth billions at kahit mayaman ako, ibebenta ko pa rin ang hasyenda dahil ayaw ko na itong balikan pa. Baka nga ito na ang huling bisita ko sa lugar na ito. Umalsa nang husto ang dugo ko nang muli nitong banggitin sa akin ang tungkol sa naging nakaraan namin. Yes, that Alyana was my secret fling before she went to prison. Naalala ko noong bumalik ako mula sa States—23 years old ako noon, at siya naman ay 18. She was absolutely gorgeous, pero tahimik na tao, hindi tulad dati na tuwing bakasyon naming magkapatid ay pasimpleng nagpapapansin ito sa akin. I hated that when somebody showed interest in me; bumababa agad ang tingin ko sa mga babaeng kulang na lang akitin ako. I found Alyana attractive, pero hindi siya ang tipo kong babae. She was too conservative, lagi siyang mukhang manang at napakabaduy manamit. Hindi ko gusto iyon—parang nakakahiya siyang ipakita sa iba, lalo na sa mga kaibigan ko. Naiintindihan ko naman na probinsyana talaga ito, ngunit sa bayan ito nag-aaral para mahuli pa sa uso. I wanted liberated girls before, yung tipong hihilahin ko na lang at susunod na sa lahat ng gusto ko. Nagsimula lang ang lahat ng minsang nakita ko siyang naglalakad sa gitna ng malakas na ulan, pauwi yata galing sa bayan. Kahit ayaw ko siyang isakay dahil mababasa ang loob ng kotse, nakaramdam ako ng guilt nang lagpasan ko ito, kaya umatras ako at pinasakay siya. Kita ko ang gulat sa mukha nito dahil sa unang pagkakataon, pinansin ko siya at nag-offer na pasakayin sa kotse ko. After all, alam ko naman sa bahay ang uwi nito at katulong ito doon kasama ang tiyahin. Nakita kong nag-alangan siyang sumakay, kaya tinaasan ko ito ng kilay. Sumakay naman siya, pero bigla namang pumutok ang gulong ng kotse ko habang nasa gitna kami ng mahabang palayan. Madilim na, at wala akong masyadong nakikita. Lumabas ako ng kotse at ginamit ang ilaw ng cellphone ko. Pinababa ko siya, at nakita kong may kubo sa unahan, kaya hinila ko ito patakbo roon para hindi kami mabasa ng ulan. Na-flatan kami at wala akong dalang reserba at kotse ito ng daddy na itinakas ko lang. Parehong basang-basa na kami ng ulan. Nakita kong pinagpag niya ang mga damo na dumikit sa kanyang binti. Napansin ko ang mala-porcelanang balat nitong nakatago sa mahabang palda. Nag-iwas ako ng tingin dahil bumakat ang kanyang basang damit sa malulusog niyang dibdib. Inabot ko sa kanya ang jacket ko, na nahihiyang tinanggap naman nito. Hinubad ko ang suot kong t-shirt, at nakita kong umiwas din siya ng tingin. Ilang minuto kaming hindi nag-iimikan, habang palakas nang palakas ang ulan. Lumipas ang oras, pero hindi pa rin tumitila. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatulog na ito, nakasandal sa dayami. Pinagmasdan ko ang mukha niyang parang anghel sa sobrang amo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang batok. Siniil ko ito ng halik na ikinagulat nito, at bagama’t hindi siya gumanti agad, kalaunan naman ay humawak na ito sa braso ko. Unti-unti kong hinubad ang kanyang damit. Sa ilalim ng malakas na hampas ng hangin at ulan, dinama namin ang init ng aming katawan, sa pamamagitan ng makulimlim na liwanag ng buwan. Ilang beses na naulit iyon sa buong magdamag at kinabukasan nga ay nauna na akong umuwi para hindi kami mahalata. Hindi ko na rin inusisa kung anong naging dahilan niya sa tiyahin nang umagang naabutan kong tinatanong ito kung saan nanggaling. Mula noon, nagkaroon kami ng palihim na ugnayan. Palagi rin nauuwi sa mainit na tagpo kapag nasosolo ko ito. Kahit saan kami abutan, ngunit madalas sa kwarto ko kapag pinapalinis ko ito sa kanya. Ngunit alam kong hindi ako patas kay Alyana. Dahil umaasa siya na mamahalin ko siya, pero wala akong nararamdaman para sa kanya. Siguro sa sobrang bored ko, ginamit ko ito para maaliw ako sa probinsya. Kaya nang muling bumalik ako sa hasyenda, dinala ko si Sandra, ang girlfriend ko na kababata ko mula pa noong maliit pa ako. Anak ng family friend namin. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Alyana at bigla itong namutla na parang hihimatayin, pero nanatili pa rin tahimik at nakasunod lang ang tingin sa akin. Isang hapon, habang ako naman ay kagagaling lang sa pangangabayo, pinuntahan ako nito sa kuwadra. "Noah, pwede ba kitang makausap?" Halata ang lungkot sa boses at mukha nito at parang naiiyak. Lumayo ako dito ng konti at umiling. "Not now, Alyana, baka makita pa tayo ng girlfriend ko. I'm sorry, ayaw kong maging unfair sa’yo. Gusto kong kalimutan mo na ako dahil sa totoo lang, wala akong nararamdaman para sa'yo. Masaya ako, oo, pero hanggang doon lang iyon. Si Sandra ang babaeng mahal ko."pormal na sabi ko dito. Humikbi ito ngunit agad na tumalikod sa akin. "Gano’n ba? Paano 'yung paulit-ulit na nangyari sa atin? Kakalimutan mo na lang ba nang gano’n-gano’n lang?"tanong nito pero nakatalikod halata ang basag sa boses nito. I sighed. "Aaminin ko na ginusto ko rin iyon, but look, that was just for fun, Alyana. Lahat ng iyon kagustuhan nating dalawa, and I never ever told you na gusto kita. It was just s*x, you know." Tumingin ito nang diretso sa akin, punong-puno ng pagkamuhi ang bawat kislap ng mga mata nito. "Pinagkatiwalaan kita, Noah. Binigay ko ang lahat sa'yo. Sinabi ko kung anong mga nakaraan ko at buong akala ko, tanggap mo ako," naiiyak na sabi nito. "I'm sorry," sabi ko dito. Sa pagkakataong ito, wala akong maisip na sasabihin sa kanya kahit may awa akong nararamdaman para dito kundi humingi ng tawad dahil nasaktan ko ito. Inihagis ko ang hawak kong telepono sa sofa at lumabas ng bahay. I think I know kung saan ko siya pwedeng puntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD