Accidentally Your's

1181 Words
Chapter 16 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ NOAH'S POV Padilim na ang paligid ngunit hindi ko pa rin nakikita ang babaeng iyon. Galing na ako sa falls ngunit wala man lang anino niya doon. Kanina pa ako inis na inis, iniisip kung bakit ko pa kailangan pag-aksayahan ng oras ang babaeng iyon. Hinawi ko ang nagtataasang mga talahib sa daanan at tiningnan ang oras sa relo ko. It’s 5:45 in the afternoon, kaya pala medyo madilim na. Bahala na ang babaeng iyon, babalik na ako sa mansyon. Marunong siyang umalis, marunong din siyang bumalik. Pero what if tumakas na siya? Napakamot ako sa batok, iniisip na baka nga tumakas na siya. Napahilamos ako sa mukha dahil sa sobrang inis. Bumalik ako sa main road, lumabas mula sa masukal na talahiban, at sumakay sa nakaparada kong kotse. Binuhay ko ang makina at matulin na pinatakbo papunta sa main gate ng hacienda. THIRD PERSON POV Nagtatalsikan ang mga putik mula sa rough road na bahagi ng daan palabas ng malawak na hacienda. Halatang nagtitimpi sa galit si Noah habang diretso ang tingin sa nagdidilim na paligid. Tanging ang ilaw mula sa kotse niya ang nagbibigay liwanag. Bigla siyang napapreno nang makasalubong si Alyana na naglalakad. Gulat na tumigil si Alyana, at napahinto sa paglakad. Bumaba si Noah ng kotse, galit na galit at hinila si Alyana papasok ng sasakyan. Napaigik si Alyana dahil sa madiing pagkakahawak ni Noah sa kanyang braso. “What do you think you’re doing?” singhal ni Noah habang pinapabilis ang takbo ng sasakyan. Napakapit si Alyana sa seatbelt dahil sa bilis ng takbo ni Noah. “Answer me, b***h!” sigaw niya kay Alyana. Napakurap-kurap si Alyana dahil sa kaba. “Ano bang sinasabi mo? Umalis lang ako ng bahay dahil masama ang loob ko. Kung iniisip mong tatakasan kita, hindi ko gagawin ‘yun. Alam kong mahahanap mo pa rin ako,” sagot ni Alyana, pilit pinapatatag ang boses kahit kabado na siya. “Damn you, hindi mo talaga ako pwedeng takasan. Hindi ka pa bayad sa mga kasalanan mo sa akin. One more mistake and you will know how- , s**t!.” Napasinghap si Alyana nang biglang hawakan ni Noah ang kanyang baba nang madiin. Tumango siya, pilit inaalis ang kamay ni Noah hanggang sa bitawan siya nito. Napakapit siya ng mahigpit sa seatbelt dahil sa sobrang bilis ng takbo nila, pakiramdam niya ay parang lilipad sila. Biglang may tumawid na aso, kaya iniliko ni Noah ang sasakyan. Nawalan sila ng kontrol at bumangga sa isang malaking puno. Tanging usok mula sa kotse ni Noah ang makikita sa paligid. Unti-unting dumilat si Alyana pero napangiwi siya dahil sa bigat ng nararamdaman sa ibabaw niya. Nanlaki ang mata niya nang marealize niyang baliktad na ang kotse. Nakabaligtad ito, at nasa ibabaw na ang gulong. Napahawak siya sa kanyang pisngi nang may tumulong mainit na likido—dugo. Napasigaw siya sa takot bago tuluyang nawalan ng malay. ALYANA'S POV Nagising ako na nilalamig. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang puting kisame. Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ko ang kirot, pero nakapa ko ang gauze bandage. Nakita ko rin na may swero ang isa kong kamay. Bigla kong naalala ang aksidente namin ni Noah! Napalingon-lingon ako ngunit hindi ko siya makita. Nagulat ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse na may dalang BP kit. “Mabuti, gising ka na, Ms. Saavedra. Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ng nurse habang inaayos ang swero ko. “Ah, mabuti naman po. Ma’am, ‘yung kasama kong lalaki, nandito rin po ba? Kumusta ho siya?” tanong ko agad, nag-aalala para kay Noah. Kahit siya ang dahilan kung bakit ako nandito, hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi pa man nakakasagot ang nurse nang biglang bumukas ulit ang pinto. Pumasok si Noah, naka-white t-shirt at black na maong pants. Nagkatinginan kami, pero nanatiling blangko ang ekspresyon niya. May bandage sa isang braso at may gasgas naman sa kaliwa. “Kumusta ang pasyente?” tanong ni Noah sa nurse. “She’s fine now, Mr. Gutierrez. Normal na ang kanyang vital signs, maliban lang sa injury niya sa ulo at ilang gasgas sa mukha. In a few days, mawawala rin po ang sugat basta consistent po ang paglalagay ng ointment,” sagot ng nurse. “Good. Pwede na ba siyang ilabas ngayon?” tanong ni Noah, para bang ang tinutukoy niya ay isang bagay lang. “Ah, yes. Pwede na po, sir. As long as after one week, mag-follow up check-up po siya para ma-monitor namin ang kanyang minor injury sa ulo,” sabi ng nurse bago ito umalis. Umupo si Noah sa bakanteng silya at tahimik na sumandal. Maya-maya pa, nakita kong nakapikit na siya. Ang gwapo talaga ng lalaking ito, pero may tinatagong masamang ugali. Ilang beses na ba niya akong inilagay sa kapahamakan at sinaktan? Mula noon, wala siyang ginawa kundi pahirapan ang puso ko. Ngayon na nasa puder niya ulit ako, pakiramdam ko, wala na akong pag-asa. Bigla akong napaiyak sa mga naisip ko. Sino bang mag-aakala na ang munting paghanga ko sa kanya noon ay magiging ganito kalalim? Masaya naman ako noon sa lihim naming relasyon. Noon, naramdaman ko ang kanyang kabaitan at pagpapahalaga, kaya kahit may phobia ako sa mga lalaki dahil sa nakaraan, nagtiwala ako sa kanya. Ibinigay ko sa kanya ang sarili ko, paulit-ulit. Pero sa huli, hindi pala niya ako kayang ipaglaban. Ang pinakamasakit ay hindi niya ako pinagtanggol sa mga magulang niya. Hinayaan niya ang buong San Nicolas na maniwalang kabit ako ng ama niya. Napasniff ako habang tuloy-tuloy ang luha ko. Narinig kong lumingon si Noah, kaya umiwas ako ng tingin. Humiga ako patagilid, ramdam ang antok na unti-unting dumadaloy sa akin. "Parang awa mo na, huwag po," pakiusap niya sa lalaking may takip sa mukha. Isa-isang inaalis ng lalaki ang kanyang pantalon. Napasigaw siya nang hilahin nito ang kanyang blouse at pilit ipinasok ang alaga nito sa kanyang p********e. "You deserve this," bulong ng lalaki sa kanyang tainga. Nanindig ang balahibo niya at muling napasigaw nang magtagumpay ito. “Hey, what’s wrong with you?” tapik sa balikat ko ang nagpagising sa akin. Napasinghap ako at napabalikwas sa kama, napasapo sa dibdib. Binabangungot na naman ako. Tumingin ako kay Noah na nakakunot-noong nakatitig sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay. Babangon sana ako para kunin ang bote ng tubig ngunit inabot niya ito at iniabot sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama at tinitigan ako. “What’s wrong?” tanong niya, sa mababang boses. Nagulat ako sa mababa niyang boses at nag-aalalang tingin. “Wala, nanaginip lang ako,” sagot ko. “Bangungot again, I guess?” tanong nito. Napatingin ako sa kanya. He remembered? Alam kasi niyang madalas akong bangungutin, lalo na noon na madalas magkatabi kami sa pagtulog. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang aking noo. “Rest. Mamaya pa tayo makakalabas,” sabi niya nang mababa ang tono. Nanlaki ang mata ko sa gulat sa biglang ipinakitang gesture niya sa akin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD