Bring up the Past

1402 Words
Chapter 14 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ ALYANA Tahimik lang kami ni Noah habang nasa biyahe. Paminsan-minsan, napapatingin ako sa katabi kong seryoso na naman ang mukha. Malayo na ang narating namin, puro na makakahoy na kapaligiran ang natatanaw ko. Mukhang papasok na kami sa probinsya. "Ahm, saan ba tayo pupunta?" hindi ko na napigilang tanungin. "None of your business," pasupladong sagot niya. Parang tinusok ng maliliit na karayom ang puso ko sa naging reaksyon niya. Kanina lang, ang lambing niya sa akin, at kahit ang nangyari sa amin sa hotel, hindi katulad dati na mapanakit. Masuyo ang mga galaw niya, at nagdulot ng munting kiliti sa puso ko. Mahigit kalahating oras ang lumipas bago kami nakarating sa bungad ng bayan. Nagtaka ako nang mapansin kong pamilyar sa akin ang lugar. Dito ako lumaki, dito ako unang nasaktan nang sobra—sa Hacienda Gutierez. Tumingin ako sa gate na nagbukas at agad kong nakita ang malawak na hacienda. Dati, kabisado ko ang bawat pasikot-sikot dito. Tiningnan ko ang paligid; halos hindi ko na makita ang malaking bahay sa malayo dahil mas kumapal na ang mga tanim na puno. Malinis pa rin, ngunit hindi na tulad ng dati na alagang-alaga. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at pangungulila sa tiyahin kong nagpalaki sa akin. Huminto kami sa harap ng malaking bahay. Bumaba si Noah, kaya sumunod na rin ako. Tiningala ko ang mansyon; wala namang masyadong nabago, gano'n pa rin. Pumasok kami sa loob. May ilang kasambahay na abala sa kani-kanilang gawain. Isa-isa ko silang tiningnan, dahil naranasan ko rin ang pamumuhay na ganito. Mustsatsa lang ng mga Gutierez, gaya ng sinasabi noon ni Senyora Claudette. Lumingon ako sa may pinto nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Nakilala ko ang isang kasambahay na kasama namin noon ni Tiya. Agad itong umiwas ng tingin at mabilis na tumalikod. Kaysa sumunod kay Noah sa itaas, minabuti kong pumunta sa likod-bahay at umupo sa upuan doon. Napansin ko si Lora, abala sa pagdidilig ng mga halaman. "Lora," mahina kong tawag. Lumingon siya sa akin at nagulat, pero lumapit naman. "Alyana, ikaw pala! Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't nasa kulungan ka? Bakit kasama mo si Senyorito?" tanong niya. Nakalaya na ako, pe"ro nagtatrabaho pa rin ako sa kanya," nahihiyang sabi ko. "Huh? Ibig sabihin, nagbalik na siya? Matutuloy na ang plano ni Senyorito dito sa hacienda?" "Plano? Anong plano, Lora?" tanong ko. "Pagkakaalam ko, ipapa-demolish na ang mga kabahayan dito at gagawin itong resort at pabahay ng Senyorito. Pero ang alam ko rin, ibebenta na ito sa isang dayuhan," malungkot niyang sabi. Hindi ako nakasagot. Ano bang alam ko sa mga personal na buhay ni Noah? Matagal na akong walang alam tungkol sa kanya kahit nasa poder pa ako nito. "May alam ka ba? Baka naman puwede mong kausapin si Senyorito na huwag ituloy. Tulungan mo naman kami, Alyana. Kawawa ang mga nakatira dito. Akala kasi namin, noong umalis si Senyor Felipe, malaya na kaming makatira dito basta inaalagaan namin ng mabuti ang hacienda." "Huh? Eh, Lora, sinama lang ako ni Senyorito dito. Hindi ko alam na may plano siyang paalisin lahat ng mga taga-hacienda," pagtatapat ko. Nakita kong lumungkot ang anyo ni Lora. Naiintindihan ko siya. Kawawa ang mga trabahador kapag nawala ang kanilang hanapbuhay at tirahan. Pero wala akong magagawa; si Noah pa rin ang may-ari ng lupa. "Gano’n ba? Sige," malungkot niyang sabi. Iniwan ko na si Lora at lumabas ng gate. Mula sa kinatatayuan ko, natatanaw ko ang mga manggagawa sa palayan at maisan, pati ang mga nagpapastol ng baka, kabayo, at kambing. Naririnig ko ang tawanan ng mga batang naghahabulan sa may dayami. Napangiti ako habang niyayakap ang sarili sa malamig na hangin na amoy bagong aning palay. Napakaganda ng lugar na ito at napakarami kong alaala dito—masaya man o malungkot. Pumasok ako sa loob ng bahay at umakyat sa hagdan. Pakiramdam ko ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kay Noah. Tumingin siya nang mapansin ang presensya ko. Hinintay kong ibaba niya ang telepono bago ako tumikhim. "Kung nagugutom ka, puwede bang sa kusina ka na lang pumunta?" inis na tanong niya. "Ah, hindi. Hindi ako nagugutom," sagot ko, lalong kinakabahan. Tiningnan niya ako nang nakakunot-noo. "O, anong sadya mo?" tanong niya. "Nabalitaan ko na ibebenta mo na itong hacienda," tapang-tapangan kong sabi. Lalong kumunot ang noo ni Noah, at iglap lang napalitan ng galit ang mukha niya. Napaigik ako nang bigla niya akong hatakin sa braso. "What are you trying to say, woman?" galit niyang tanong. Pumiksi ako at nakawala, agad na lumayo sa kanya. Sa puntong iyon, pinagsisihan ko na lumapit pa ako. "S-sinasabi ko lang, baka puwedeng huwag mo munang paalisin ang mga nagtatrabaho dito sa hacienda. Hindi ka ba naaawa sa kanila? Tingnan mo ang paligid, lahat sila masaya at maayos na nagtatrabaho. Tapos aalisan mo sila ng kabuhayan at tahanan? Paano ang mga batang nakatira dito? Sigurado ako, maraming pangarap ang mga 'yan. Kung aalisan mo sila ng karapatan, napaka-selfish mo namang tao!" Hindi ko napigilang sabihin. Napa-aray ako nang hilahin niya ang buhok ko at isalya sa gilid ng mesa. Tumama ang ulo ko sa kahoy, kaya ramdam ko ang kirot. Pinilit kong tumayo, ngunit agad niya akong sinakal. "Wala kang karapatang makialam sa personal kong buhay. Mutsatsa lang kita. s*x slave. You're a w***e, Alyana. Kabit ng ama ko, at isang kriminal. And then here you are, questioning my personal issues? So what? Anong pakialam ko sa mga tao dito? Hindi ako si Dad na kayang utuin ng mga 'yan," galit na sabi niya. Binitawan niya ako. Halos mapugto na ang hininga ko, at luluwa na ang mga mata ko sa kakulangan ng hangin. Habol ko ang hininga habang napahawak sa leeg. Tumingin ako sa kanya nang diretso sa mga mata niya habang patuloy ang agos ng aking luha. "Please, bigyan mo sila ng sapat na panahon para makahanap ng malilipatan. Alam mo kung gaano ko kamahal ang mga taga-hacienda. Maraming alaala sa akin ang lugar na ito, at ayaw kong magaya sa akin ang mga batang 'yan na walang natapos dahil sa hirap ng buhay. Please, itong hacienda na lang ang natitira para sa kanila, para sa amin. Huwag mo na ibenta pa. Kung gusto mo, kahit habambuhay kitang pagsisilbihan kapalit ng pagtira nila dito." Pinilit kong itago ang sakit sa puso, ngunit sadyang mahina ako. Hindi siya umimik, kaya lumuhod ako sa harapan niya. Hindi ko nakikita ang reaksyon ng mukha niya dahil nakatungo ako. "Bakit kailangan mong gawin 'yan para sa mga taga-rito?" tanong niya. "Wala na akong pamilya kaya okey lang sa akin kahit anong mangayri sa buhay ko. Sino pa ba ang tatanggap sa akin dahil sa mga nagawa ko? Ang hacienda na ito ang bukod-tanging nakakaalam ng totoo. Gusto kong iwan ang alaala ko dito hanggang sa huling hininga ko. Ang mga nakatira dito ay masasayang pamilya, kaya huwag mo sana ipagkait sa kanila ang mamuhay ng simple at masaya kasama ang mga anak nila. Dahil ako, kahit kailan, hindi ko na 'yan mararanasan pa." Narinig kong bumuntung-hininga siyap. "You're not a hero to defend those people. You're a loser trying to get my attention, thinking I can pity you for what you've done to us. Hindi mo pa rin maialis sa akin na minsan naging kabit ka ng ama ko at pinatay mo ang kapatid ko." galit pa rin ang boses na sabi nito. Umiling ako kahit hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin. "Minahal kita, Noah, at alam mo 'yan. Alam na alam mo 'yan mula noon. Tinuring kitang napakahalagang tao sa buhay ko dahil akala ko totoo ka sa akin, pero hinayaan mo akong bumagsak mag-isa at hindi mo pinaniniwalaan ang mga paliwanag ko. Ikaw ang sinungaling dahil nangako ka sa akin na poprotektahan mo ako, pero iniwan mo pa rin ako.Umaasa ako noon na ipagtanggol mo man lang ako pero hindi mo ginawa" Napahagulhol na ako sa harapan niya at napaupo sa sahig. Paano niya nasasabi sa akin ang lahat ng ito pagkatapos niya akong pabagsakin at hayaan makulong?Dahil sa sinabi ko mas lalo itong na triggered na saktan ako, kaya hinila nito ang aking buhok patayo at ibinalibag ako sa semento. "You bullshit! Don’t bring up the past! Isa kang kriminal" sabi nito at tinalikuran ako. Naiwan akong nakasubsob sa sahig at umiyak ng umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD