The Beginning

1447 Words
CHAPTER 1 R-18+ MATURE CONTENTS READ AT YOUR OWN RISK❗ "Iiri mo pa, Nimfa, malapit na lumabas," sabi ng kumadrona na nagpapaanak kay Nimfa. Malalaking butil ng pawis ang lumalabas kay Nimfa habang umeere. Isang malakas na pwersa, at tuluyan nang lumabas ang bata. Iyak ng sanggol ang narinig niya. Napangiti siya at naluha nang inabot ito sa kanyang mga braso. "Babae ang anak mo," anito. "Napakagandang bata ng anak mo, Nimfa," sabi ni Lagring sa pinsan habang hawak ang mainit na lugaw na inihanda para sa bagong panganak. "Alyana ang itatawag natin sa kanya mula ngayon, Lagring," naluluha sa galak na sabi ni Nimfa at masuyong hinalikan ang namumulang pisngi ng bata. **PAGKALIPAS NG LIMANG TAON** "**Nimfa-!!**" Malakas na sigaw ni Lagring sa pinsan na kasalukuyang nasa kusina at abala sa paghahanda ng kanilang hapunan kasama ang anak nitong si Alyana. "Oh, Lagring, ba't ba humahangos ka? May humahabol ba sa'yo?" napatigil sa gawain tanong ni Nimfa sa pinsan. "Ano ka ba," sagot nito may kasamang tampal sa braso niya. Umupo ito sa harap niya at sinimulan lagyan ng pagkain ang sariling plato. Aba, at nakalimutan na yata na nagdadasal pa sila bago kumain. "Sa Lunes ay pistahan dito sa bayan natin kaya si Mayor Felipe naghahanap ng dagdag tao para tumulong ng pagluluto sa mansyon, at nirekomenda kita agad sa amo ko. Magaling ka naman magluto kaya hindi tayo mapapahiya doon. Abah! Nimfa, sayang din 'yun, malaki ang bayad nito sa mga tutulong," sabi nito. "Bakit, marami bang bisita ang amo mo?" tanong ni Nimfa sa pinsan at sinisimulan na rin lagyan ng pagkain ang plato ng anak. "Balita nga na may dadalong mga kaibagang pulitika si mayor at ilang kilalang personalidad. Kaya siguro nagpadagdag ng tao ang amo ko. Alam mo naman iyon taon-taon laging magarbo ang handaan. Natuwa naman si Nimfa sa narinig. Sa totoo lang, masyado na siyang nahihiya sa pinsan dahil sa dami nitong naitulong sa kanilang mag-ina mula nang ipinagbubuntis niya ang anak. Parang kailan lang ay sabay pa silang nangarap na mangibang bansa nito. Galing sila sa probinsya ng Surigao. Nang may naghanap ng mag-aapply sa Saudi, ay agad na nagboluntaryo sila at lumuwas ng Maynila para mag-asikaso ng mga papel. Pagkatapos nila makapag-proseso ng mga dokumento, ay siya naman nalaman nila na scam pala ang recruiter na kababayan din nila mismo na nag-udyok sa kanila ng trabaho. Hindi na rin nila nabawi pa ang perang naibigay nila dito, at nang puntahan nila ang address na binigay nito mula sa kanilang inuupahang maliit na kwarto, ay isa pala itong lumang warehouse na wala nang gumagamit kundi tambakan na lang ng basura. Nagpalaboy-laboy sila sa kalsada nang maubos ang kanilang pera. Naranasan ang gutom at walang matulugan. Ngunit mabait pa rin talaga sa kanila ang Diyos dahil may tumanggap sa kanila nang subukan nilang mag-apply bilang mga kasambahay. Kaya simula noon ay namalagi sila sa Maynila. Mababait ang kanilang naging amo na magkakamag-anak din. Hindi man sila magkasama sa iisang bahay ni Lagring, ay tuwing day-off naman ay nagkikita silang magpinsan. Nagtagal si Nimfa sa kanyang amo hanggang sa lumipat ang mga ito sa probinsya ng Rizal. Dala siya ng mga ito at napalayo kay Lagring. Ganoon paman, ay patuloy ang kanilang komunikasyon magpinsan sa pamamagitan ng telepono. Pinagsisikapan nilang makapag-ipon para makabalik silang dalawa sa Surigao. Ulilang lubos si Nimfa pero si Lagring ay may pamilya pa. Tanggap naman ng pamilya nito ang sinapit ni Lagring kaya nangako na mag-iipon para makauwi sa kanilang bayan. Nakilala ni Nimfa si Feliz nang nalipat sila sa Rizal. Nagtatrabaho ito sa isang botique sa labas ng subdibisyon at naging magkaibigan sila. Mabait si Feliz at naging malapit silang magkaibigan nito ngunit ito ay masyadong mataas ang pangarap para sa sarili. Lagi nitong sinasabi kay Nimfa na gusto nitong makapag-asawa ng mayaman para makaahon sa hirap. Magkasalungat sila ni Nimfa ng ugali at pananaw sa buhay. Kung si Nimfa ay gusto makaipon at nangangarap makapag-aral ulit, iba si Feliz. Kaya lahat ginagawa niya para makapag-ipon. Minsan nga nabutan ni Nimfa si Feliz sa loob ng bahay na pinagtatrabahuan niya, at nang tanungin niya kung anong sadya nito, anito ay nagdeliber lang umano ito ng damit para sa anak na babae ng amo. Ngunit isang araw ay nagulat si Nimfa nang pagbukas niya ng pinto ng amo para maglinis, nabungaran niya si Feliz. Nakahubad ito at nasa ibabaw ng katawan ng amo niyang lalaki. Napasigaw at nabitawan niya ang dalang panlinis dahil sa naabutang eksena. Agad na umalis siya sa pinto nang lumingon sa kanya ang dalawa. Lunes ngayon at buong akala niya wala sa bahay ang among lalaki ngunit bakit kasama nito si Feliz at pareho silang nakahubad? Napatayo siya nang pumasok sa kusina si Feliz at gulo pa ang buhok. Nakasuot lang ng roba ang babae at may hawak na baso may lamang alak. "Feliz, anong nangyari? Bakit nasa kwarto ka ni Sir Gorge?" tanong ni Nimfa dito. Tumawa ng malakas ang babae. "My dear friend, napaka-inosente mo talaga. Hindi ba alam mo naman na gusto ko makabingwit ng mayaman," sabi ni Feliz kay Nimfa habang inaayos ang magulong buhok. "Ano? Feliz, may asawang tao iyan si Sir Gorge bakit mo naman pinatulan" inis na sabi ni Nimfa dito. "Hoy! Nimfa, nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko para bukas nang hindi ka na malito sa gagawin mo pagdating sa mansyon ng mga Gutierez?" tapik ni Lagring ang nagpabalik sa huwisyo ni Nimfa. "Ah-- Oo, naririnig ko," pagsisinungaling ni nito sa pinsan. "Saka Lagring, salamat nga pala sa raket na ito ha, malaking tulong ito sa amin ni Alyana. Alam mo naman, sa pasukan papasok na rin ito." Masuyong hinawakan ni Nimfa ang kamay ni Lagring. Gumanti naman ito ng hawak sa kamay niya. "Huwag ka mag-alala, Nimfa. Hanggat nandito ako, sasamahan ko kayo nitong maganda kong pamangkin," anito na pinisil pa ang matambok na pisngi ng bata. Napasimangot naman ito dahil ayaw nitong pinipisil ang kanyang matambok na pisngi. Nagtawanan silang magpinsan at maya-maya pa ay nagpaalam na matulog. Nakahiga na si Nimfa sa higaan nilang mag-ina. Maliit lang ang kanilang silid na nalalatagan lang ng lumang banig para hindi malamigan ang kanilang likod. Masuyong hinawakan ni Nimfa ang kamay ng anak at dinala sa labi niya. Hinagkan ang maliliit na daliri nito na mahimbing na natutulog. Napapaiyak na naman siya sa sitwasyon nila mag-ina. Kung siya lang ang masusunod, matagal na niyang pinakilala sa ama nito ang bata ngunit ayaw niyang mapahamak ang anak niya kaya kahit masakit para sa kanya ay tiniis niyang buhayin mag-isa si Alyana. Sinuklay niya ang buhok nito gamit ang kanyang daliri at inalala papaano niya nakilala si Cristobal Sebastian, ang ama nito. "Nimfa, isasali kita sa mga lalahok para sa Reyna Elena sa darating na santakrusan dito sa bayan," boses ni Aling Choleng ang narinig ni Nimfa habang naghuhugas siya ng pinagkainan nilang mga kasambahay dito sa kusina. "Naku, Aling Choleng, hindi po ako mahilig sa ganyan saka kita ninyo naman na magaganda ang mga sumasali at magagara ang mga kasuotan," sagot ni Nimfa sa mayordoma ng mansyon at napatigil sa ginagawang paghuhugas."Iba na lang ho" "Aba, wala ka bang tiwala sa mukha mong iyan, Nimfa? Ang ganda mong babae, hindi lang napapansin dahil napaka-simple mo. Kung iniisip mo naman na wala kang maisusuot, ako na bahala, may kakilala ako na pwede natin hiraman," sabi nito. Sinang-ayunan ito ng mga kasamahan nilang kasambahay. Kaya heto siya at siya ang napiling maging Reyna Elena sa buong San Isidro. Napakaganda niya sa suot na puting gown at bumagay sa manipis na make-up.Hindi niya akalain na lalabas ang kanyang kagandahan sa kanyang ayos ngayon.Isang ngiti ang binigay niya sa mga taong nasa kalsada. Todo kaway siya sa lahat at ginagantihan ng isang matamis na ngiti ang mga tao sa gilid ng daan. Bagong mukha si Nimfa sa mga lumahok at hindi nila inasahan na isang simpleng katulong lang ito ngunit may tinatagong ganda ang babae.Kahit nangangalay na ang mga paa ni Nimfa dahil sa suot na mataas na takong ay pinag-igihan niya parin ang paglalakad.Ngunit nang humarap siya sa kabilang kalsada ay nagtama ang kanilang tingin ng isang gwapong lalaki.Ang anak ng kanilang Governador si Cristobal Sebastian na kilalang-kilala sa buong bayan. Agad na nag-iwas siya ng tingin dito at kilala din itong babaero sa kanilang bayan.Halos lahat ng babae ay nakakandarapa dito siya na lang yata sa bayan nila ang umiiwas sa anak na binata ng kanilang gobernor. Ngumiti sa kanya ang lalaki ngunit sumimangot siya dito.Hindi niya naman akalain na pagkatapos ng araw na iyon ay naging regular na bisita na niya ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD