CHAPTER 4

1721 Words
KINABUKASAN. Katulad ng dati maagang nagising si Addison pero hindi niya inaasahan na mas maagang nagising si Mikaela kaysa sa kaniya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita nang makapasok siya ng kusina, naroon na si Mikaela at nagluluto. Inakala pa nga niya na baka multo ito pero naalala niyang buhay pa pala ang kaibigan niya. “May sakit ka ba?” Ang unang lumabas sa bibig ni Addison imbes na batiin niya ang kaibigan. “Huh?” Sumulyap si Mikaela sa kaibigan. “May himala yata sa araw na ‘to at nauna kang nagising.” Sabi ni Addison habang naiiling. Mikaela pouted. “I was forced to.” Tumaas ang isang kilay ni Addison saka nagtimpla ng kape. Napangiwi naman si Mikaela. “Ang hilig mo talaga sa kape.” Nagkibit lang naman ng balikat si Addison saka umupo at tinignan si Mikaela na nagluluto. “Umamin ka nga.” Aniya. “Sinong bumatok sa ‘yo kagabi at ikaw ang nagluluto ngayon?” tanong niya. Hindi kasi siya makapaniwala na ang agang nagising ng kaibigan niya samantalang late na itong gumigising lalo na kapag wala itong trabaho o pupuntahan. Umiling si Mikaela. “Wala.” Napailing na lamang si Addison. “Sigurado akong napagalitan ka ni Tita Mhelanie ‘no.” “Nasermunan nga ako ni Mama kagabi. Alam mo bang pumunta pa siya sa kwarto ko para pagsabihan. Kaya ngayon heto ang parusa ko dahil hapon na tayo dumating ng Tagaytay na supposedly umaga tayo dapat dumating.” Nakangusong saad ni Mikaela. Addison chuckled. Sumimsim siya ng kape. Hindi na siya nagsalita at baka mainis pa sa kaniya ang kaibigan. Nag-enjoy na lamang siya sa paghigop ng kaniyang kape. Ngunit sa totoo lamang, maayos ang naging gising niyang ngayong umaga. Malayo siya sa stress at sa maingay na lungsod. Kahit papaano ay medyo tumahimik naman ang mundo niya. She wanted to unwind. That’s why she came to Tagaytay with Mikaela and her family. Makakapagpahinga naman siya kahit papaano. That morning, pagkatapos nilang kumain ng agahan, naligo, nagbihis at nag-ayos ng kanilang mga sarili ay lumabas na sila. They visited the picnic grove where you can have a view of the Taal lake. Kumukuha naman si Addison ng larawan ng mga magagandang tanawin na nakikita niya. They also visited Museo Orlina, and Sonya’s Garden before they went to the restaurant. “Ang sakit ng paa ko.” Reklamo ng ama ni Mikaela. Umismid si Mhelanie. “Ang sabihin mo matanda ka na talaga.” Natawa na lamang ang dalawang bata na kasama nila at umorder ng pagkain para sa kanila. “Hon, ipahinga mo ang paa mo dahil pupunta tayo sa mall mamaya.” Nakangising saad ni Mhelanie sa asawa nito. Nagkatinginan naman si Mikaela at Addison. Sa pagkakataon na ‘yon ay pareho sila ng iniisip. Plano nilang tumakas mamaya. They’re going to the Ayala Mall. At sigurado silang magsho-shopping ang ina ni Mikaela. “Huwag kayong tumakas.” Kaagad na sabi ni Gerald nang mapansin niya ang tinginan ng magkaibigan. “We’re not going to escape, Tito.” Ngumiti pa si Addison para hindi nila malaman na nagsisinungaling siya. “Yeah, we’re going with you.” Dagdag naman ni Mikaela. Pero buo na ang desisyon nila na tumakas — “Kapag tumakas kayo, sa labas kayo ng bahay matutulog mamaya.” Banta ng ina ni Mikaela. Addison and Mikaela’s faces paled. On the other hand, I might go shopping. They both said in their mind. Ngumiti na lamang silang pareho at nagsimula ng kumain ng dumating ang order nila. Nagkatinginan si Addison at Mikaela. Pareho silang umiling sa isa’t-isa. Indikasyon na huwag na silang tumakas. Mahirap kayang matulog sa labas ng bahay lalo na kapag gabi. Siguradong malamig sa labas ng bahay. Habang kumakain sila may napansin si Addison sa gilid ng restaurant. Sa lamesa malapit sa salamin na dingding. Parang pamilyar kasi sa kaniya ang likuran ng lalaki. It was the same as him. She thought. Kapareho ng likuran ng lalaki ang likod ng taong kilala niya. Pero matagal na panahon na ang lumipas. Posibleng nandito siya sa Tagaytay. Umiling si Addison saka nagpokus na lamang sa pagkain. Pero hindi pa rin niya maiwasan na tumingin sa lalaki at saktong naka-side view ito. Kumunot ang nuo niya dahil sa naging mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Naka-side view ang lalaki kaya naman nakita niya ang pamilyar nitong mukha. Addison took a deep breath. Kaagad siyang nagbaba ng tingin nang mapatingin sa gawi niya ang lalaki. Napatitig siya sa pagkain niya. Was it really him? Napailing siya. Imposible naman. “Anak, ayos ka lang?” tanong ni Mhelanie nang mapansin niyang hindi mapakali si Addison. Nag-angat ng tingin si Addison saka ngumiti ng pilit. “Opo. Ayos lamang po ako.” Pagtingin niya sa pwesto ng lalaki ay wala na ito. Ngunit hanggang matapos sila, hindi mapakali si Addison dahil sa lalaki niya na kamukha ng taong kilalang-kilala niya. Ngayon patungo na sila sa mall pero ang nasa isipan niya ‘yong lalaking nakita niya sa restaurant. “Okay ka lang?” tanong ni Mikaela at mahinang siniko ang kaibigan. “Ang tahimik mo.” Umiling si Addison. “Okay lang ako.” “Kilala kita, Addie. What is it?” Giit na tanong ni Mikaela. Malalim na napabuntong hininga si Addison. “Ang lalim no’n, ah.” Komento ni Mikaela saka natawa pero itinigil niya ito nang makita niya si Addison na seryoso. “Mik, I think I saw him again.” Tumaas ang isang kilay ni Mikaela. “Him? Who?” “Stephen.” Sagot ni Addison. Namilog ang mata si Mikaela at natutop niya ang kaniyang labi. “Seryoso ka? Nakita mo siya?” “Not sure.” Pag-iling ni Addison. “Parang siya kasi ang nakita ko kanina sa restaurant.” Nahampas ni Mikaela ang braso ni Addison. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Para sana nakita ko kung gwapo siya.” Bahagyang tinulak ni Addison ang kaibigan. “Loka.” Aniya saka sumunod na lamang sa magulang ni Mikaela. “Pero seryoso. Nakita mo talaga siya?” tanong pa ulit ni Mikaela. Umiling si Addison. “Hindi ako sure kung siya ‘yon.” Nang may makita siyang stall, tumigil siya at bumili ng coke in can. Habang naglakakad, inabala na lamang ni Addison ang pagtingin sa paligid habang nakikipag-usap kay Mikaela na tanong ng tanong. “Bakit parang affected ka na nakita mo siya kung siya ngayon?” Nakangisi niyang pang-aasar sa kaibigan. Umikot ang mata ni Addison. “Hindi na ako affected. Naka-move on na ako matagal na.” “Eh ba’t parang hindi ka sigurado sa mga sinasabi mo? Nararamdaman ko, eh.” Muli pang sabi ni Mikaela saka tinignan ang kaibigan. “Ang totoong naka-move on dapat wala ka ng pakialam sa kaniya. Dapat wala kang reaksiyon kahit pa kamukha niya lang ang nakikita mo.” “Wow, ah.” Saad ni Addison. “Alam na alam. Bakit naka-move on ka na ba sa taong nagustuhan mo na hindi ka naman pala mahal?” balik na tanong niya sa kaibigan. Sumimangot si Mikaela saka umiling. “Hindi pa. Sinasabi ko lang ang mga naranasan ko noon, noong nagmo-move on ako sa naging ex ko. Grabe ‘to.” Natawa lamang ng mahina si Addison saka uminom ng coke pero biglang may nanulak sa kaniya mula sa likuran kaya naitapon ang hawak niyang coke sa taong makakasalubong niya, mabuti na lamang at hindi siya nadapa. Nahawakan siya ng taong makakasalubong niya at the same time natapunan niya ng coke bago pa man siya madapa. “Thank you.” Pasalamat ni Addison saka yumuko upang kunin ang nahulog niyang sumbrero. “You’re welcome.” Biglang natigilan nang marinig niya ang boses ng lalaki. Napatigil ang kamay niya sa pagpulot ng sombrero saka dahan-dahang nag-angat ng tingin. Nahigit niya ang hininga nang makita niya ng kabuuan ang mukha ng lalaki. “Stephen…” Mahinang sambit ni Addison sa pangalan ng lalaki. Ang lalaki na nang-iwan at nanloko sa kaniya. Kahit maraming taon na ang nakalipas, wala pa ring nagbago maliban sa naging mas mature na ngayon ang hitsura ng Stephen na kaharap niya. The man in front of him smiled. “Long time no see, Shorty.” Parang natauhan naman si Addison nang marinig niya ang itinawag nito sa kaniya. Mabilis niyang pinulot ang sombrero saka tumayo. “Addison ang pangalan ko hindi ‘Shorty’.” Inis niyang saad saka tumingin kay Mikaela. “Tara na.” Nagtaka naman si Mikaela sa kinikilos ng kaibigan. Nakita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ni Addison nang makita nito ang lalaki. “So, wouldn’t you apologize?” Stephen asked as he pointed to his wet shirt. “You wet my shirt, Shorty.” Umirap lang si Addison saka naglakad palayo. Inulit pa talaga nito ang pagtawag sa kaniya ng ganun. Bahagya na lang yumuko si Mikaela sa lalaki saka sinundan ang lalaki. Imbes na mainis sa pagkabasa ng suot na damit, napangiti na lamang si Stephen saka sinundan ng tingin si Addison. Natawa siya ng mahina saka napailing. Naglakad siya pabalik sa pinagparadahan niya ng kotse at nagpalit ng damit. “Addison… Shorty…” Stephen mumbled and smiled. “Sir, babalik na ba tayo sa Maynila?” tanong ng assistant niya na naka-upo sa driver seat. “Let’s stay for a few more days. I want to unwind my mind.” Aniya. Pero ang totoo, gusto niyang makita muli si Addison ng ganun kalapit. Walang nagbago sa dalaga maliban lang sa mas lalo itong gumanda. Maraming taon na lumipas. Sa pagkikita nila ni Addison, ramdam niya at nakita niya ang galit sa mga mata nito. At first, her eyes held with innocent gaze, but when she recognized him, her expression changed. Hindi naman niya masisisi ang dalaga kung galit ito sa kaniya. Iniwan niya ito noon. He didn’t even say goodbye. Stephen let out a small sigh. Nagi-guilty siya pero wala naman siyang magagawa dahil tapos na itong mangyari. Maraming taon na ang lumipas. But he couldn’t deny the fact that it was still Addison. Si Addison pa rin ang laman ng puso niya at hindi ito nagbago kahit pa lumipas ang maraming taon na hindi niya nakasama ang dalaga. And all he could do was to win her heart once again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD