CHAPTER 3

1851 Words
NASUNDAN na lamang ng tingin ng mag-asawa ang likuran ng kanilang anak na lumabas sa kusina. Nagkatinginan pa silang mag-asawa. “Talagang nagbago ang anak natin simula ng mag-third year college siya.” Saad ni Anthony. “Siya pa rin naman ang malambing pero naging tahimik at malamig ang pakikitungo niya sa ibang tao. Dumidistansya rin siya at sa tuwing ngingiti siya hindi na ito abot hanggang mata.” Umiling ang ina ni Addison. “Hindi ko alam, Mahal. Ayaw namang sabihin sa atin ni Addison ang problema niya. Lagi natin siyang tinatanong noon pero laging wala ang sagot niya sa atin.” “Can we persuade her to go on her blind date?” Anthony asked. “Hindi ko alam.” Tugon ni Hazel. “Kilala natin si Addison. Determinado siya sa bawat desisyon niya sa buhay. At isa pa, hayaan mo na ang anak natin. Malaki na siya at kaya na niya ang sarili niya. Bilang kaniyang magulang susuportahan na lamang natin siya sa kaniyang desisyon kung anuman ang maging desisyon niya.” “But that man was determined to get to know our daughter.” Giit ni Anthony. Nagkibit ng balikat si Hazel. “Kung gusto niya talaga ang anak natin siya ang gumawa ng paraan upang magkakilala silang dalawa.” “Sabagay.” Sabi naman ni Anthony. “Hayaan na lang natin ang anak natin. Malaki na siya.” Tumango si Hazel. “But he was really a good man. Nakikita ko ‘yon noong pumunta siya dito sa bahay.” Ngumiti lang naman si Hazel saka nagkibit ng balikat. “Tignan natin.” Aniya. PAGKATAPOS ng pag-uusap nila ng kaniyang mga magulang, napagdesisyunan ni Addison na magbakasyon. Plano niyang sumama kay Mikaela sa Tagaytay to unwind her mind. Kaya naman kinausap niya ang kaniyang ina na ito na muna ang bahala sa café niya. “Tungkol sa sinabi namin ng Daddy mo noong umuwi ka sa bahay huwag mo ng isipin pa ang tungkol doon.” Malumanay na sabi ng kaniyang ina. Ngumiti si Addison. “Salamat po, Mommy.” Niyakap niya ang ina. “Addie, anak, alam kong malaki ka na at kaya mo na ang sarili mo. May sarili kang desisyon sa buhay mo. Pero lagi mong tandaan na nandito lang kami ng Daddy mo para sa ‘yo. Hindi ka namin iiwan.” Hinagod ni Hazel ang likod ng anak. Tumango si Addison. “Pero hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung bakit nagbago ka. Sobrang sweet mo at malambing ka dati. Why did you change so much when you were in college?” tanong ni Hazel. Hanggang ngayon pala hindi pa rin tumitigil si Mommy sa katatanong sa akin niyan. Addison thought. Nginitian ni Addison ang kaniyang ina. “Wala po.” Pag-iling niya. “Maybe this is because of my environment.” Tumango na lamang si Hazel pero hindi siya naniniwala. Anak niya si Addison kaya kilala niya ito. Wala rin lang kasing mangyayari kahit pa ipilit niya ang tanong niya na wala pang malinaw na kasagutan hanggang ngayon. “Ilang araw ka roon?” tanong ni Hazel. “Mga dalawang araw lang po, mommy.” “Sige. Ako muna ang bahala sa café mo.” Nakangiting saad ni Hazel. “Salamat po, mommy.” “Pasalubong ko.” Natawa si Addison. “Sige po, mommy. Ano bang gusto niyo?” “A dress.” Umikot ang mata ni Addison. Alam niyang maraming damit ang kaniyang ina pero mahilig lang talaga itong mag-collection ng damit. “Okay po.” Pagkibit niya ng balikat. “Kapag pumunta po si Mark sa café, tumawag na lang po kayo ng pulis.” “Hindi ka pa rin niya tinitigilan?” tanong ni Hazel. Umiling si Addison. “Hindi po, Mommy. Para na nga po siyang obsessed, eh. Nakakainis na. Lagi na lang siyang nagpapakita sa café ko. And sometimes, his face will ruin my day.” Hazel sighed. “Gusto mo bang sabihin ko ‘to sa Kuya mo.” Kaagad na umiling si Addison. “Hindi na po kailangan. Kilala niyo naman po si Kuya. Mas strikto pa ‘yon kaysa po kay Daddy.” Nagkibit lang naman ng balikat si Hazel. “Protective lang ang Kuya mo. Kaya nga muntikan ng makipagtanan ang Ate mo dahil sa sobrang protective siya.” Natawa si Addison nang maalala na nag-away ang Kuya Adrian at Ate Allison niya. The reason is ayaw ng Kuya Adrian niya sa nobyo ng Ate Allison niya noon. Mukha raw itong hindi mapagkakatiwalaan. Pero dahil mahal ng Ate Allison niya ang boyfriend nito, syempre panig ito sa boyfriend nito. Ngunit nagkaroon naman ng away sa pagitan ng Kuya Adrian at Ate Allison na naayos naman dahil sa boyfriend ng Ate Allison niya. Kaya naman natanggap rin ng Kuya niya ang boyfriend ng Ate niya. Tinawagan ni Addison si Mikaela at ipinaalam na sasama siya rito sa Tagaytay. Mikaela shrieked. Nailayo tuloy ni Addison ang cellphone sa kaniyang tainga. “Talaga? Sige. Sige. Masaya ‘to para naman may kasama ako na gumala.” Tumikhim si Addison. “I want to unwind my mind, Mik. Wala akong balak na gumala hanggang sa sumakit ang paa ko.” Mikaela pouted from the other line. “You’re no fun.” Addison smiled and said, “thank you.” Then she ended the call. Napailing na lamang siya saka nag-impake. Bago umalis si Addison papuntang Tagaytay, nagbilin siya sa mga kasama niya sa café. “Don’t worry, mabait naman si Mommy. Don’t be pressured while working.” Aniya. “Sige po, Ma’am. Mag-ingat po kayo doon.” Sabi ni Eva. Tumango si Addison. “Salamat.” Kinabukasan, maagang pumunta si Addison sa condo ni Mikaela para sunduin ito. Since, alam niya ang passcode sa condo ni Mikaela, ginamit niya ‘yon para makapasok siya pero ang loka, hindi pa pala ito gising. Napailing na lamang si Addison saka hinila ang kumot nito. “Rise and shine, Your Highness!” Malakas ang boses niyang nagsabi. “Go away, Addie…” Inaantok na saad ni Mikaela. “Mikalela, tanghali na. Gumising ka na. Sumikat na si Haring Araw, oh.” Muling nagkumot si Mikaela. “Inaantok pa ako…” “Gumising ka na.” Literal na hinila ni Addison si Mikaela upang bumangon na ito. “Mamaya na ang biyahe natin papuntang Tagaytay. And yes, your parents called me and instructed me to wake you up. Alam naming lahat kung paano ka matulog na parang mantika.” Narindi si Mikaela sa boses ni Addison at sa dami ng sinasabi nito kaya naman bumangon na lamang siya. Ngumiti si Addison. “I’ll cook for breakfast.” Mikaela just groaned. Alam niya kasing instant noodles na naman ang lulutuin nito. Kung gaano katamad si Addison na magluto ng pagkain, ganun ang sipag nito sa pagbe-bake ng cake sa café nito. Naghanda si Mikaela habang si Addison naman ay pumunta sa kusina para magluto ng instant noodles. But her smiles faded when she didn’t see instant noodles in the cupboard. “Geez! That woman…” Naiilang niyang saad sa patungkol sa kaibigan niyang tulog mantika. Pero simula ng maging magkaibigan sila noong college. Nasanay na siya. Ang on the way nito ay aabutin ng isang oras. Walang nagawa si Addison kung hindi ang magluto ng totoong almusal. Eksaktong katatapos niya lamang magluto ay lumabas na si Mikaela sa kwarto nito. “Kumain ka na, mahal na prinsesa.” Iminuwestra ni Addison ang kamay sa lamesa na kung saan ay nakahanda na ang pagkain. Ngumiti si Mikaela. “Salamat, bestfriend.” Addison forced her smile. “Oh, you’re not happy?” Mikaela asked as she sat down. Addison remained her forced smile. “Sa tingin mo sasaya ako? Anong oras na? Sabi mo alas otso, alas diyes na ng umaga, oh.” Ipinakita niya pa ang suot na relo. “Sorry na.” Mikaela looked guilty. “Napasarap ang tulog ko, eh.” Addison rolled her eyes and massaged her temples. “Ewan ko sa ‘yo, Mikaela Cruz.” Napangiwi naman si Mikaela nang banggitin ni Addison ang buo niyang pangalan. “Just Mika or Mik. Huwag mo ng banggitin ang buo kong pangalan.” Addison just clicked her tongue. Umupo siya sa bakanteng upuan at nagcellphone na lamang habang hinihintay ang kaibigan. At sa wakas, pagkatapos ng halos isa pang oras nakalabas na rin sila condo ni Mikaela. Napagalitan pa nga ito ng ina nito dahil ang bagal raw nitong kumilos. Hapon na ng dumating sila sa Tagaytay at tumuloy sila sa rest house ng pamilya nila Mikaela doon. Hindi pa naman masyadong malamig sa Tagaytay dahil hindi pa naman taglamig kasi. Hindi pa nito narating ang buwan na talagang malamig. Nasa katamtaman pa lang ang init at lamig. Habang nasa biyahe sila kanina, abala si Addison sa pagkuha ng mga larawan. “Pagkatapos nating kumain, magpahinga muna tayo.” Sabi ng ina ni Mikaela. “Sige po.” Tugon ni Mikaela at Addison. Nag-iisang anak lang si Mikaela at galing ito sa mayamang pamilya. Business partners ang magulang ni Mikaela at Addison kaya naman naging close silang dalawa. Parang anak na nga rin ang turing ng magulang ni Mikaela kay Addison. “Magpahinga kayong dalawa. Baka mamaya lalabas na naman kayo ng hindi nagpapaalam.” Habilin pa ng ina ni Mikaela. “Ma, matanda na kami ni Addison.” Rason ni Mikaela sa ina nito. “Oo nga at matanda na kayong dalawa pero ang mga kalokohan ninyo. Ang lala.” Natawa naman si Addison. “Sige po, magpapahinga kami.” Aniya pero dagdag pa niya, “Pero hindi na po namin kasalanan kung matukso man kaming lumabas mamayang gabi.” Tumawa ang ama ni Mikaela. “Hayaan mo na ang mga batang ‘yan, mahal. Sasakit lang ang ulo mo sa kanila. Ang mabuti pa mag-relax tayo habang nandito tayo.” Tumango naman ang magkaibigan bilang pagsang-ayon. “Pero magpaalam kayo kung lalabas kayo para hindi naman kami nag-aalala sa inyo. Tandaan niyo mga wala pa kayong asawa.” Parehong kumunot ang nuo ni Mikaela at Addison. “Anong koneksiyon ng asawa sa pagpapaalam namin, Ma?” tanong ni Mikaela. “Hangga’t wala pa kayong asawa, magpaalam kayo para alam namin kung saan kayo pupunta.” Sabi ng ina ni Mikaela. Sumabad naman si Addison nang makita niya ang pagtataka sa mukha ng kaibigan. “Ang ibig sabihin ni Tita ay kahit matanda na tayo at kaya na natin ang ating mga sarili, kailangan pa rin nating magpaalam bilang respeto sa mga kasama natin sa bahay.” Paliwanag niya. That’s what her mother had taught her. “Tama si Addison, anak. Makinig ka. Pasaway ka pa naman.” Saad ng ina ni Mikaela. “Okay.” Nasabi na lamang ni Mikaela at nagkibit ng balikat. Nagpahinga si Addison pagsapit ng gabi. Syempre, kung sa ibang magkakaibigan magtatabi sila sa iisang kama pero ayaw niyang makatabi si Mikaela. Mas gusto pa niyang katabi ang multo kaysa sa kaibigan niya. Ang likot nitong matulog. Baka magmukha siyang zombie kinaumagahan kung magtatabi sila ni Mikaela. No way. Addison thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD