CHAPTER 5

1624 Words
NANG makabalik si Addison rest house ng kaniyang kaibigan, nasapo niya ang tapat ng kaniyang puso. Ramdam niya pa rin ang sakit ng ginawa noon sa kaniya ni Stephen. Hindi ito katulad ng sakit na naramdaman niya noong niloko siya ni Mark. Mas masakit pa ang ginawa ni Stephen kaysa sa ginawa ni Mark. Akala niya okay na ang lahat pero hindi pa pala. Dahil sa muli nilang pagkikita parang bumalik ang sakit na naramdaman niya noon. The pain nearly caused her to break down. But she realized that Stephen was not worth her tears. Addison took a deep breath. Humiga siya sa kama at napatitig sa kisame ng kwarto. Habang nakahiga siya sa kama, kusang pumasok sa alaala niya ang mga nangyari noong nag-aaral pa lamang siya ng kolehiyo. The past that shapes her for who she is today and the past that changed her. (FLASHBACK – College life of Addison) The seventeen-year-old Addison entered the coffee shop. Pagkapasok niya sa paborito niyang coffee shop, nakita niyang medyo marami ang tao kaya naman umupo muna siya sa bakanteng upuan at hinintay na kumonti ang tao. Nang mawala na ang mga nakapila, doon na siya tumayo at bumili. “Ano po sa inyo, Ma’am?” “Caramel Frappuccino.” Her favorite coffee. She has already tried a lot of coffee flavors. Marami naman ang mga masasarap na kape pero ang Caraml Frappucino ang nagustuhan niya sa lahat. Ngumiti ang barista. “Okay, Ma’am. Pakihintay na lang po.” Tumango si Addison saka bumalik sa kinauupuan. Habang hinihintay ang kape niya, inilabas niya ang cellphone at naglaro. Pagkalipas lamang ng ilang minuto, tinawag na siya ng barista. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa barista. Nagbayad siya saka kinuha ang kape. Nakayuko siya nang pumihit siya sa kaniyang likuran kaya naman hindi niya agad nakita na may tao pala. At dahil nasa unahan ang hawak niyang kape, ito ang bumangga sa lalaki at natapon pa. Napangiwi na lamang si Addison dahil naitapon rin sa kamay niya ang mainit na kape. Natapunan rin ang lalaki ng kape pero sa damit nito naitapon ang kape. “Sorry. Sorry. Hindi ko sinasadya.” Mabilis na hingi ni Addison ng paumanhin. Hindi siya nag-angat ng tingin. Pinunasan niya ang kaniyang kamay na natapunan ng kape. Nakita niya na nagkulay pula agad ang kamay niya. “Is that your way of saying ‘sorry’, Miss?” seryosong tanong ng lalaki na natapunan ng kape. Kumunot ang nuo ni Addison saka nag-angat ng tingin. Tumaas ang isa niyang kilay. “Kailangan ko bang lumuhod para humingi ng patawad?” balik niyang tanong. Kumunot rin ang nuo ng lalaki. “When you apologize, you should look into my eyes. So, you could show your sincerity.” Seryoso nitong saad. Umikot ang mata ni Addison. “Mister, I have already apologized with my sincerity, okay? So, luluhod ba ako para maramdaman mo ang sinseridad sa paghingi ko ng sorry. But I apologize in advance, you’re not a God. Hindi ako luluhod sa ‘yo.” Aniya. “At isa pa, hindi ko naman sinasadya na mabangga kita. Hindi ko alam na nandiyan ka sa likuran ko. Natapunan ka ng kape, natapunan rin ang kamay ko. Patas na tayo.” Sabi niya saka nilagpasan ang lalaki. Napabuga ng hangin si Addison at tinignan niya ang kamay na natapunan ng kape. Mabuti na lamang at may dala siyang ointment. Nilagyan niya ang parte ng kamay niya na natapunan ng kape para hindi mamaga. Samantala, naiinis naman na sinundan ng lalaki ang tingin ang babaeng nakatapon sa kaniya ng kape. “But she’s interesting, huh.” Anang lalaki. She’s indifferent. He thought. Tinignan niya ang suot na damit. Napailing na lamang siya saka umorder ng kape. Pagkabayad at pagkakuha niya ng kape, lumabas na siya ng coffee shop at pumasok sa sariling sasakyan saka nagpalit ng damit. Good thing, he always brings a spare shirt in his car. Wala siyang problema kapag narumihan ang damit niya. Kapagkuwan naalala niya ang babaeng nakatapon sa kaniya ng kape. Nakita niya ang uniform nito. She goes to the same school as me. He thought. Pero sa tingin niya nasa second year pa lamang ito. Mukhang bata pa, eh. Nakita niya rin ang ID lace nito. Business Education. The same college department. Stephen smirked. Alam niyang magkikita ulit sila ng babae. Addison, on the other hand, had entered the gate of the university. Naglakad siya patungo sa college department na kinabibilangan niya. Ang College of Business Education. Pagdating niya doon, sa mismong classroom, iilan pa lamang sila ng mga kaklase niya. Wala pa ang mga kaibigan niya. Mukhang male-late na naman ang mga ito. Napailing na lamang siya. Laging rason ng mga kaibigan niya kapag nale-late sila na late na ang mga itong gumigising. Bakit late nagigising? Kasi late natutulog. Bakit late natutulog? Kasi cellphone ang inaatupag kaysa ang magpahinga ng maaga. Sanay na si Addison sa mga rason ng mga kaibigan niya at kaklase. Sa totoo lang mas malayo pa siya sa University kaysa sa mga kaibigan. Pero heto, siya pa ang mas nauna kaysa sa mga ito. Kung tutuusin naman ay kapitbahay lamang nila ang University. Kaya totoo talaga ang kasabihan na… kapag ayaw, maraming dahilan. Kapag gusto, maraming paraan. Habang lumilipas ang bawat minuto nagsisidatingan ang mga kaklase niya at sa wakas dumating na rin ang mga kaklase niya. Akala niya makakarinig na naman siya ng sermon galing sa Professor nila kapag mas nauna pa itong dumating kaysa sa kanila. “Hi, Addie.” Bati sa kaniya ni Jessica. Addison waved her hand and smiled. “Hi.” “Bakit parang bad mood ka?” puna naman ni Marie. Ngumiti lang si Addison. “Hindi ka nakainom ng kape ‘no?” ani Jane. “Natapon ang kape ko kanina kasi may bwisit na pumunta sa likuran ko. Hindi ko siya napansin kaya ayun parehas kaming natapunan ng kape.” Inis na saad ni Addison. “Oh. Kaya pala parang hindi maganda ang mood mo.” Sabi ni Jessica. Eksaktong oras na ng klase ng dumating naman ang Professor nila. Unang klase pa lamang nila sa umaga, hanggang dalawang oras agad. Kaya kailangan niyang magtiis na umupo ng dalawang oras at makinig ng lecture baka mamaya kasi may surprise quiz na naman ang Professor nila. Mahilig ang Professor nila na magpa-quiz kapag natapos na nito ang lecture. Bigla na lamang itong magsasabi na maglabas ng papel dahil may quiz. Nasanay na rin siya pero ang mga kaklase niya panay ang reklamo minsan. Kaya naman ang shirt quiz, nagiging long quiz. Hindi na nagtaka si Addison nang matapos ang lecture at nagpa-quiz ang professor nila. Hindi ito mahilig magbigay ng module kaya naman kailangan mong mag-take note talaga. Kapag wala kang na-take note, wala kang reviewer. As easy as that. Kaya naman silang magkakaibigan, talagang nagte-take note sile. Noong una, hindi pa siya nasanay sa ganun pero kalaunan ay nasanay na rin siyang magsulat habang nakikinig sa Professor nila. “Gutom na ako.” Sabi ni Marie nang makalabas sila ng classroom. Napailing naman si Addison. “Marie, alas nueve pa lang.” “Parang hindi ka na nasanay.” Sabad naman ni Jane. “Kilala mo naman na ‘yang si Marie. Patay-gutom.” Tumawa silang magkakaibigan. “Samahan niyo ako sa canteen.” Pag-aya ni Marie sa kanila. “Posibleng hindi kayo gutom.” “Hindi pa ako gutom.” Sabi naman ni Addison. “Samahan niyo na lang si Marie.” “Ikaw na lang ang sumama, Jane. Tinatamad akong maglakad.” Sabi ni Jessica. “Sige.” Tumango si Jane. Umalis na si Marie at Jane patungong canteen. Pumasok naman sa classroom sina Addison at Jessica para sa susunod nilang klase. Pumuwesto si Addison sa gilid ng bintana, sa may mismong tabi ng hallway. Inilabas niya ang notes niya at nagbasa na lang. Habang ang iba niyang kaklase ay abala sa sariling mundo. Maya-maya pa ay biglang umingay ang paligid. Napailing si Addison dahil hindi siya makapag-concentrate kaya naman nagsuot siya ng earphone. Sadyang walang pakialam si Addison sa mundo dahil nakatutok lamang ang atensiyon niya sa binabasa niya kaya naman hindi niya napansin ang isang lalaki na tumigil sa mismong tapat niya at tumingin sa kaniya ng sandali. Si Jessica ang nakakita sa lalaki. Pinigilan na lamang niya ang kaniyang kilig at nang makaalis ang lalaki na tumingin kay Addison, doon na siya tumili at hinampas pa niya si Addison. Nagulat naman si Addison sa ginawa ng kaibigan. “Anong nangyayari sa ‘yo?” “Oh my god! Oh my god! Addison, hindi mo ba nakita kung sino ang dumaan?” Umiling si Addison at ipinakita ang notes na kaniyang binabasa. “Busy ako sa pagbabasa.” Umirap si Jessica. “Dumaan kanina si Kuya Stephen kasama ang mga kaibigan niya. Tumigil siya sa mismong tapat mo at tinignan ka pa niya. Oh my god. Ngumiti pa siya kanina habang nakatingin sa ‘yo.” Kinikilig na saad niya. Kumunot ang nuo ni Addison. “Sinong Stephen?” nagtatakang tanong niya. “Sino ‘yon?” Napabuntong hininga si Jessica. “Addison, minsan bigyan mo rin ng pansin ang mga nasa paligid mo. Nakakainggit ka.” “Bakit?” tanong ni Addison. “Kasi nginitian ka ni Kuya Stephen kahit hindi ka nakatingin sa kaniya.” Addison clicked her tongue. “I don’t care. Hindi ko naman siya kilala.” Wika niya. Kapagkuwan ibinalik niya ang tingin sa binabasa. Napailing naman si Jessica at hinayaan na lamang si Addison. Talagang minsan wala itong pakialam sa mga nangyayari sa paligid nito. At sanay na silang magkakaibigan sa ugali ni Addison. But does Addison care? Or is she just ignoring the things that don't matter?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD