PABAGSAK na naupo si Stephen sa sariling swivel chair pagpasok niya pa lang sa sariling opisina. Since the day he agreed to manage all of their business, he’s been exhausted every day. Minsan na talaga siya nagkakaroon ng pahinga.
His family owned a chain of hotels, restaurants, and resorts. A manager was assigned to manage the business operations in every hotel, restaurant, and resort. And in every chain of their businesses, a CEO supervises the business operations and the managers. The CEO of Villamor’s Hotel, Dine Right Restaurant, and Enchanted Haven Resort were all answering to him.
Stephen took a deep breath.
“Boss, have a rest.” Suhestiyon ni Gail.
Tumango si Stephen. “I’m tired.” Aniya. Ipinikit niya ang kaniyang ama. “By the way, nahanap mo ba ang pinapahanap ko sa ‘yo?”
“Yes, Boss.”
“Tell me.” Wika ni Stephen habang nakapikit pa rin.
“Miss Bartolome quit her job and established her own business. A café.”
“Anything else?” Stephen asked.
“Ahmm, Boss, may nalaman pa ako pero hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa inyo.” Alanganing wika ni Gail.
Nagmulat ng mata si Stephen. “Sabihin mo sa akin, Gail.”
Gail sighed. “Boss, may naging ex-boyfriend si Miss Bartolome at hindi siya tinitigilan ng ex niya.”
Kumunot ang nuo ni Stephen. “Sino siya?”
“Mark Del Rosario.”
Stephen’s mood became sour. “Pangalan pa lamang niya hindi ko na gusto.”
Hindi nagsalita si Gail.
Stephen sighed. Sinenyasan niyang umalis si Gail. “Don’t let anyone enter my office.” Aniya.
Gail slightly bowed his head and left his boss’ office.
Malalim na napabuntong hininga si Stephen. Kumuyom ang kaniyang kamay. Kilala niya si Addison. Hindi ito basta-basta nakikipagrelasyon sa iba kapag… I didn’t break up with her before!
There was really a misunderstanding between them. Kailangan nilang mag-usap pero ayaw naman siyang kausapin ni Addison. Ang lamig na rin ng pakikitungo nito sa kaniya. Honestly, he was hurt when Addison spoke to him with so much coldness in her voice. But he couldn’t blame her dahil alam niyang may kasalanan rin naman siya.
Napatingin si Stephen sa cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa nang umilaw ito. Isang hindi kilalang numero ang tumatawag.
Hindi sinagot ni Stephen ang tumatawag dahil hindi naman niya kilala kung sino ang tumatawag. Pero hindi ito tumigil sa pagtawag kaya sinagot na lamang niya ito.
“Stephen Villamor, speaking. May I know who this is?”
“Stephen, it’s me, Hannah.” Malambing na boses ang narinig ni Stephen mula sa kabilang linya.
Mahinang napabuntong hininga na lamang si Stephen. “What do you want?” Walang gana niyang tanong.
“I’m outside your building. The guards didn’t let me in.”
“Oh.” Parang wala lang kay Stephen ang sinabi ni Hannah. “If they didn’t let you in, then just go.”
Napapadyak si Hannah dahil sa inis. “Stephen, I’m here to see you.”
“Well, I don’t want to see you.” Malamig na saad ni Stephen saka pinatay ang tawag.
Tinawagan niya ang guwardiya.
“Don’t let Hannah Ramos enter the building.” Saad niya.
“Yes, Sir. Inutusan po kami ni Madam Villamor na huwag siyang papasukin.”
“My mom?” Nagtaka si Stephen dahil walang sinasabi sa kaniya ang kaniyang ina.
“Yes, Sir.”
Stephen ended the call. Natawa na lamang siya ng mahina. His mom was showing her good side to Hannah, but when Hannah left, her mother would show her true nature. Nakikisama lamang ito kay Hannah pero alam niyang na hindi talaga gusto ng kaniyang ina ang babae. Dahil kung gusto talaga ng kaniyang ina si Hannah para sa kaniya baka nag-set up na ito ng blind date para sa kanilang dalawa.
Hannah was calling again, but Stephen turned off his phone. He had a lot of work to do. Ayaw niya ng distorbo. Hindi niya namalayan ang oras at nang tumingin siya sa labas ay gabi na pala.
Tumayo si Stephen mula sa pagkakaupo sa swivel chair at kinuha ang coat na nakasampay sa mismong likuran ng upuan. Isinuot niya saka saka kinuha ang attache case at lumabas na siya ng sariling opisina. Wala ng tao sa President’s office at siya na lamang ang natira. It’s already seven in the evening kaya naman hindi na siya nagtataka na siya na lang mag-isa ang natira sa gusali.
Binati pa ng guard si Stephen nang lumabas ito ng gusali. “Gandang gabi po, Sir.”
Tumingin naman si Stephen sa kalangitan bago binati ang guard. “Gandang gabi.” Aniya saka tinungo ang kinapaparadahan ng kotse.
Stephen let out a sigh after he sat in the driver's seat. He started the car’s engine and drove his way out of the parking lot.
Hindi naman alam ni Stephen kung ano ang pumasok sa kaniyang isipan at naisipan niyang tignan si Addison sa café nito. He visited her café the other day. Unfortunately, hindi niya nakita ang dalaga ngunit ayon sa kahera, nasa loob lang raw ito ng opisina nito at nagbe-bake ng cake.
Itinigil niya ang kotse malapit sa café ni Addison. Sa may katabi nitong convenient store. Nakita niyang nagsasara na ang dalaga at mukhang ito na lang ang mag-isang naiwan. Pinagmasdan niya ang dalaga hanggang sa nakita niyang may lumapit ritong lalaki.
Mabilis na bumaba ng kotse si Stephen dahil masama ang pakiramdam niya sa lalaki na lumapit kay Addison. Ngunit hindi muna siya lumapit at tinignan ang dalawa. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito hanggang sa nakita na lamang ni Stephen na pilit na hinihila ng lalaki si Addison.
Stephen immediately went to rescue Addison and punched the man in his face.
“Stephen?” Nagulat si Addison nang makita niya si Stephen na bigla na lang lumitaw mula kung saan.
“Are you okay?” May pag-aalalang tanong ni Stephen sa dalaga.
Umiling si Addison saka pasimpleng hinilot ang braso na hinawakan ni Mark.
“Sino siya?” tanong ni Stephen.
“My ex.”
Tumayo si Mark mula sa pagkakasalampak sa semento dahil sa pagsuntok sa kaniya ng lalaking dumating.
“Sino ka ba?!” Maangas na tanong ni Mark.
Hindi pinansin ni Stephen ang lalaki saka hinawakan ang kamay ni Addison. “Let’s go.” Aniya saka masuyong hinila ang dalaga palayo sa lalaki.
Hinila ni Addison ang kamay pero humigpit ang hawak rito ni Stephen. “Ano ba? Bitiwan mo nga ang kamay ko.”
“No.”
“Addison!” tinawag ni Mark si Addison ngunit hindi siya pinansin ng dalaga. Kumuyom ang kamay niya at tumalim ang tingin niya sa lalaking humawak sa kamay ni Addison.
Wala namang nagawa si Addison kundi kagatin ang kamay ni Stephen na nakahawak sa kamay niya.
“What the—” binitawan agad ni Stephen ang kamay ni Addison. “Why did you bite me?” tinignan niya ang kamay na kinagat ni Addison. Nag-iwan pa ng marka ang ngipin nito sa balat niya.
Addison tsk. “Serves you. Bakit kasi ayaw mong bitawan ang kamay ko?”
“I miss holding your hand.” Sabi ni Stephen sa mahinang boses. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat. “Get in. Ihahatid na kita.”
“No need. Magta-taxi na lang ako.” Magpapara na sana ng taxi si Addison nang pwersahan siyang papasukin ni Stephen sa loob ng kotse.
“Scream and I’ll kiss you.” Banta ni Stephen sa seryosong boses.
Hindi natuloy ang pagsigaw sana ni Addison dahil sa banta ng binata.
“Be good.” Wika ni Stephen saka isinara ang pinto ng kotse. Pagkasara niya ang pinto ng kotse, gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Umikot siya patungo sa driver seat at tinanong kung saan niya ihahatid si Addison.
Sinabi naman ni Addison ang address ng apartment niya.
“You’re not living with your parents?”
Hindi sumagot si Addison sa tanong ni Stephen at bahagyang tumalikod rito.
Kaya naman tumahimik na lamang si Stephen dahil halata naman na ayaw siyang kausapin ng dalaga.
Pagdating nila sa apartment ni Addison, bago pa man makababa ang dalaga sa kotse, ini-lock ni Stephen ang pinto.
Tinignan ni Addison ng matalim si Stephen. “Ano bang gusto mo?” inis niyang tanong.
“I know you’re mad at me. Now, you can ask me anything and I’ll answer you truthfully.” Seryosong sabi ni Addison.
Natawa ng pagak si Addison. “I won’t ask you anything, Mr. Villamor. Tapos na tayo at wala na akong tatanungin pa sa ‘yo.”
“Addison…”
“Let me go.” Pagod na saad ni Addison. “I’m tired and don’t want to argue with you.”
Napabuga ng hangin si Stephen saka ini-unlock ang kotse. Malungkot na lamang na sinundan niya ng tingin ang dalaga na halatang nagmamadaling makaalis upang makalayo sa kaniya.
Mabilis na binuksan ni Addison ang kotse saka nagmamadaling bumaba. Pumasok siya sa sariling apartment at pagkasara niya ng pinto, sinapo niya ang tapat ng kaniyang puso. Her heart was beating so fast. Hindi siya tanga at alam niya kung bakit mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso.
“Until now, I thought this feeling had gone. But I couldn’t betray my own heart. It was still beating, and my heart was screaming his name.”