CHAPTER 21

1802 Words
“BAKIT hindi ka mapakali diyan?” tanong ni Mikaela kay Addison. Kasalukuyan siyang nagmamaneho at nakaupo naman si Addison sa may passenger seat. Bumuga ng hangin si Addison. “Kinakabahan ako.” Natawa ng mahina si Mikaela. “Minsan lang kita makita na kinakabahan.” Aniya. Umiling si Addison. “I’m nervous. Ngayon na lang kami ulit magkita-kita pagkatapos ng ilang taon. I don’t know if they are mad at me.” “Hindi naman siguro. Jessica was happy when she saw you, remember?” Paalala ni Mikaela. Napabuntong hininga na lamang si Addison saka tumingin na lamang sa labas ng kotse. Makalipas ang ilang minuto, nakarating si Addison at Mikaela sa isang Resto Bar. Sabay silang bumaba ng kotse at kinuha ni Addison ang dalang cupcake sa may backseat ng kotse. Pumasok silang dalawa sa Resto Bar at nakita nilang maraming customer sa loob. “Ma’am, kayo po ba si Miss Addison Bartolome?” tanong ng isang waiter na lumapit sa kanila. Tumango si Addison. “Dito po tayo.” Nagkatinginan si Mikaela at Addison saka sumunod sa waiter. Dinala sila nito sa rooftop. Malayo pa lamang si Addison naririnig na niya ang tawanan ng mga tao sa may rooftop. It was Jessica who noticed Addison’s presence. “She’s here.” Imporma niya sa kaniyang mga kasama. Mabilis na napatingin si Jane at Marie kay Addison. Ngumiti si Addison saka kumaway. “H-hi…” Si Jessica ang unang lumapit kay Addison. Niyakap niya ang kaibigan at nakipagbeso siya kay Mikaela. “He’s here.” Kinindatan ni Jessica si Mikaela. Mikaela blushed. “He told me.” Tumawa ng mahina si Jessica saka inaya ang dalawa. “Oh my god, Addison! It’s really you.” Niyakap ni Jane si Addison ng mahigpit. Ganun din si Marie. “I miss you.” Sabi ni Marie. Christian, Marie’s husband, cleared his throat. “My wife, in case you forgot, I’m here. You can’t say those words to someone with so much gentleness in your voice.” Aniya. Inirapan lang ni Marie ang asawa. “Long time no see, guys.” Wika ni Addison. Pasimple niyang tinignan ang mga kasama nila. Nakahinga siya ng maluwang nang makita niyang wala si Stephen. Ipinakilala naman ni Addison si Mikaela sa lahat. “Come here and sit beside me,” Axel said to Mikaela. Pero hindi gumalaw si Mikaela sa kinatatayuan dahil nahiya siya mas lalo na ng tumingin sa kaniya ang lahat. “You had a girlfriend?!” Gulat na saad ni Alex sa kakambal. Axel rolled his eyes to his twin. “Bakit ikaw lang ba ang karapatang magkaroon ng girlfriend?” Aniya. Siya na mismo ang lumapit kay Mikaela at hinawakan ang kamay nito saka itinaas para ipakita sa mga kaibigan. “We’re dating. No questions, please." "Take care of my friend. Baka masakal kita kapag pinaiyak mo siya.” Tinaasan ni Addison ng kilay si Axel. Ngumiti naman si Axel at sumaludo. “Yes, Ma’am. No worries. I’ll take care of her.” Alex sounded like vomiting. “I feel nauseous.” “Bakit buntis ka ba?” nag-aasar na tanong ni Christian. Mabilis na umigkas ang kamao ni Alex patungo kay Christian pero mabilis namang nakailag ang huli. Napailing na lamang si Jane. “Let’s sit and wait for them.” Nagtaka si Addison. “Them? Sino?” Except for Mikaela, they all smiled mysteriously at Addison. Don’t tell me he’s coming. Addison thought. Hindi na siya magtataka kung darating talaga si Stephen. Nandito ang mga kaibigan ni Stephen kaya malamang ay pupunta rin ang binata. Napailing na lamang si Addison at umupo sa tabi ni Mikaela at katabi naman ng kaibigan si Axel. “So, how’s life?” tanong ni Marie kay Addison. Ngumiti si Addison. “Life is good.” Tinignan niya si Marie at Christian. “Congratulations, by the way.” “Thanks.” Ani Marie. “Pero nakakatampo ka. Nandoon ka pala bakit hindi ka man lang nagpakita sa amin.” Napangiwi si Addison. “I’m sorry. Napadaan lang ako noon.” “Kahit na.” Ngumiti lang si Addison saka inilapag sa lamesa ang mga cupcakes na dala. “My apology.” Aniya. Agad namang kumuha ang mga kaibigan ng cupcake at kumain. Habang kumakain sila ng cupcake ay nagku-kwentuhan sila ng mga nangyari sa buhay nila. Hanggang sa dumating si Stephen kasama ang isang pamilyar na lalaki. “Well, still remember him?” Jane asked Addison and held the hand of the man. “Alejandro Najera, my boyfriend.” “Just familiar.” Sabi naman ni Addison. Tumawa si Jane saka tumingin sa kasintahan. “Told you. She doesn’t remember you at all.” Nagkibit lang naman ng balikat si Alejandro. Nagkatinginan naman si Stephen at Addison pero nag-iwas ng tingin si Addison. Alejandro told the waiter to serve the food. “You own this place?” tanong ni Addison. Tumango si Alejandro. “Yep. A fruit of hard work.” Napatango naman si Addison. Nagpatuloy sila sa kwentuhan hanggang sa dumating ang pagkain at kumain na sila. Nang matapos silang kumain, napagdesisyunan nilang uminom. Nagkaroon ng sariling mundo si Axel at Mikaela. Nag-uusap ang dalawa. They were both laughing and talking with each other with smiles on their faces. Pinipigilan naman ni Christian si Marie na uminom, mabuti na lang at nakinig naman si Marie sa kaniya. Jane and Jessica were talking about their boyfriends as if Alejandro and Alex were not before them. Napapailing na lang ang dalawa dahil sa mga kasintahan nila. They just clinked their bottles of beer together. Napapangiti na lang si Addison sa mga kaibigan niya. It’s been so many years and here they are now. May isa ng ikinasal at masaya naman ang iba sa kanilang mga kasintahan. And as for her, napatingin siya kay Stephen. Tahimik itong umiinom ng alak mula sa mismong bote ng beer. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman para sa binata. Galit siya rito. He left her and cheated on her. Stephen promised that he would never cheat, but he still did and that was the most painful thing on her part. She understands why Stephen left. Naiintidihan niya na mas uunahin ni Stephen ang ama nito kaysa sa ibang tao. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kailangan siyang lokohin ni Stephen? Akala nga niya naka-move on na siya pero nang makita niyang muli si Stephen parang bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman niya noon. Kumuha si Addison ng isang can in beer. Binuksan niya ito saka siya uminom. “Addison, baka malasing ka.” Sabi ni Mikaela nang makita niyang kumuha si Addison ng can in beer. Alam pa naman niyang hindi ito umiinom. Umiling lang si Addison. “Isa lang.” Aniya. Ngunit ang isa na sinabi ni Addison ay nasunda ng isa pa at isa pa hanggang sa nalasing siya. “This is…” Axel looked at Mikaela. Mikaela sighed and walked towards Addison. Nakatulog na ito sa mismong kinauupuan. “She never drinks. Malamang mabilis siyang malasing. Ako lang naman kasi ang nag-iimpluwensiya sa kaniyang uminom pero hanggang tikim lang siya. I don’t know what’s gotten into her right now, and she got drunk.” “May problema ba siya?” tanong ni Jane. “Who knows? The last time she got drunk was when she had a big problem.” Sabi ni Mikaela. Walang imik na lumapit naman si Stephen kay Addison saka mahinang napabuntong hininga. “I’ll take her home.” Humarang si Mikaela. “Sorry, but I don’t trust you. She told me that you broke her heart.” Bahagyang natigilan si Stephen nang marinig ang sinabi ni Mikaela. Napabuga na lamang siya ng hangin. “I’ll help you to take her home. Hindi mo siya kayang buhatin.” Aniya. “Just let him.” Ani Axel. Tumingin si Mikaela kay Jessica. Ngumiti naman si Jessica saka tumango. “Okay.” Sabi ni Mikaela kay Stephen. Stephen tossed his keys to Axel. “Drive my car.” “Sige.” Ani Axel. Maingat na pinangko ni Stephen si Addison. Convoy silang umuwi sa apartment ni Addison. Sa kotse ni Mikaela sumakay si Addison at Stephen habang si Axel naman ay minaneho ang kotse ni Stephen at nakasunod siya sa kotse ni Mikaela. “How long have you been friends with Addison?” tanong ni Stephen. “Hmm…naging maging magkaibigan kami noon sa trabaho.” Tugon ni Mikaela saka nagkibit ng balikat. Napatango naman si Stephen saka pinagmasdan si Addison na nakahiga sa bisig niya. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito. Pasimple namang tinignan ni Mikaela si Stephen sa rearview mirror ng kotse. Stephen was looking at Addison with affection in his eyes. Napabuntong hininga siya. Wala siyang karapatang makialam kay Stephen at Addison lalo na at hindi naman niya alam kung ano ba ang nangyari sa dalawa. Ang kailangan niya lang gawin bilang kaibigan ay bantayan si Addison. Tama, bantayan na lamang niya ang kaibigan dahil baka may ibang gawin rito si Stephen. Nakarating naman sila ng matiwasay sa apartment ni Addison at naihiga na ni Stephen si Addison sa kama nang magising ito. “Ikaw…” Saad ni Addison. Stephen expected that Addison would get mad and push him away again, but the opposite happened. Nagulat na lamang si Stephen nang bumangon at yakapin siya ni Addison at umiyak ito. “I miss you…” Stephen stilled and couldn’t believe what was happening right now. “Addison?” “I miss you, Stephen.” Umiiyak na wika ni Addison. Kapagkuwan bigla na lamang itinulak ni Addison si Stephen. Dinuro niya si Stephen. “I hate you!” Patuloy sa pagluha si Addison. “I hate you!” “Addison, can you tell me why you hate me?” Stephen asked. Humikbi si Addison. “You and her are kissing. A-ang sakit nun, Stephen. Sobra!” Addison tapped her chest. “Ang sakit dito.” Sabi ni Addison habang umiiyak. Hinawakan ni Stephen si Addison sa magkabilang braso. “Shorty, I didn’t cheat on you. Wala akong hinalikang ibang babae maliban sa ‘yo.” “Liar!” “Hindi ako nagsisinungaling.” Malumanay na sabi ni Stephen. “Saan mo naman nakita may kahalikan akong ibang babae?” Humikbi si Addison. “Someone sent me a photo. Magkadikit ang labi niyong dalawa.” “I didn’t cheat on you, Shorty. I promised you, remember?” Wika ni Stephen. “Sinungaling!” Pinaghahampas ni Addison ang dibdib ni Stephen. Stephen could only sigh and let Addison do what she wanted. Hanggang sa napagod na yata ito at nakatulog. Muli niyang hiniga si Addison sa kama at kinumutan ito. Napaisip siya. Which photo is that? And who’s the culprit who sent the photo to Addison?

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD