CHAPTER 19

1888 Words
ADDISON and Mikaela are buying some souvenirs when someone calls Addison’s name. Napaangat ng tingin si Addison at natigilan siya nang makita si Jessica. “Ikaw nga!” Niyakap ni Jessica si Addison. “Oh my god, Addie. Long time no see.” Masayang saad ni Jessica. Ngumiti si Addison. “Long time no see.” Aniya sa kaibigan na matagal na niyang hindi nakita. Jessica looked at Addison from head to toe. “Mas lalo kang gumanda.” “Ikaw rin.” Sabi ni Addison. “Addie, it’s been so long. Ngayon lang tayo ulit nagkita. Alam mo ba na ikinasal na si Christian at Marie. And now they’re on their honeymoon.” Tumango si Addison. “I know. I saw them getting married.” Lumaki ang mata ni Jessica. “You saw. Nandoon ka?” “Dumaan lang ako noon sa simbahan. Hindi ko naman inaasahan na kasal pala ‘yon ni Marie.” Sabi ni Addison. “Oh, oo nga pala. Si Mikaela.” Pakilala niya. “Mikaela, si Jessica.” “Hi. Nice to meet you.” “Nice to meet you too.” Sabi ni Mikaela. Nagbeso ang dalawa. Jessica looked at Addison. “Matagal na noong huli tayong nagkita. Mind if we go and sit inside the restaurant?” Tumingin naman si Addison kay Mikaela. Tumango naman si Mikaela. “Wala naman tayong masyadong pupuntahan.” “Great!” Masayang saad ni Jessica. “It’s my treat.” Aniya saka hinila si Addison patungo sa restaurant. Habang nasa loob sila ng restaurant at kumakain, nagkukwentuhan si Addison at Jessica. Addison was telling Jessica about her life after she transferred to another school. “Nag-resign na ako sa dati kong trabaho at may sarili na rin akong café ngayon.” “Really? You’re a baker now?” hindi makapaniwalang tanong ni Jessica. Tumango si Addison. “Nag-aral ulit ako.” Aniya. Ngumiti si Jessica. Kapagkuwan napatitig siya kay Addison. “What’s the matter?” Addison asked. Jessica sighed. “You and Kuya Stephen—” “Jess, please, I don’t want to hear anything from him. It’s already in the past. We have nothing to do with each other anymore.” “Galit ka ba sa kaniya dahil hindi siya sumipot sa dinner date ninyo?” tanong ni Jessica. Umiling si Addison. “No, hindi ako galit dahil doon. He broke my heart, Jess. Stephen broke my heart.” “Nakabalik na siya. Did you let him explain?” Humigpit ang pagkakahawak ni Addison sa baso. “Jess, please, stop talking about him.” Tumango si Jessica. “Okay. But I’ll be honest with you, Addison. The night you got into an accident is the night his father needed him. Addie, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagitan ninyong dalawa at kung bakit galit ka kay Kuya Stephen pero subukan mong pakinggan ang side niya. Maybe maliwanagan ka.” Addison just let out a small sigh. “Okay. Enough with him.” Ngumiti si Jessica. “Akala ko hindi na kita makikita. Pagkatapos ka kasi naming makausap sa hospital, bigla ka na lang nawala. Lumipat rin kayo ng tirahan.” “Biglaan ang paglipat namin. And for me, it's for the best. To move on.” “Have you moved on?” Hindi nakaimik si Addison sa tanong ni Jessica kaya naman iniba na lamang ni Jessica ang topic nila. “So, how about having a reunion? Tayong magkakaibigan lang. Namiss ka na rin ni Marie at Jane. Siguradong magtatampo ang dalawang ‘yon kapag nalaman nila na nakita kita at hindi ko sinabi.” Ngumiti si Addison. “Okay. Reunion it is.” Sumulyap siya kay Mikaela bago niya ibinalik ang tingin kay Jessica. “Can I bring Mikaela with me?” “Sure,” Jessica said quickly. “The more, the merrier.” Tumango si Addison. “Thank you.” “Thanks.” Sabi naman ni Mikaela. Nginitian ni Jessica si Mikaela. “Are you single?” she asked. “Yep, bakit?” “Great. May single rin kasi sa amin.” “Matchmaking.” Sabi ni Addison. “Nagmo-move on pa lang ‘to.” Sabi niya kay Jessica saka tinapik ang balikat ni Mikaela. “That’s good. Axel was looking for a girlfriend after his breakup a year ago. Naingit yata kay Alex kaya naisipang mag-girlfriend ulit. He and his girlfriend broke up. He caught her cheating.” Kwento ni Jessica. “Basta gwapo siya.” Sabi naman ni Mikaeala. Tumawa si Jessica. “Don’t worry, gwapo siya.” Addison realized something. “You and Alex…” Jessica showed her engagement ring to them. “We’re engaged!” Excited nitong sabi. “Wow. Congratulations.” Ngumiti si Jessica. Sumama ang mukha ni Addison. “Huwag mong i-match make si Mikaela kay Axel.” Aniya. “Baka masaktan lang si Mikaela.” Hinampas naman ni Mikaela ang braso ng kaibigan. “Ano ka ba hindi naman ikaw ang masasaktan kung sakali.” She giggled. Tumingin siya kay Jessica. “I’m interested. Give me his number. Ako na ang mag-first move.” Nahilot na lamang ni Addison ang sentido saka napailing na lamang. “Trust me hindi siya playboy. Mabait si Axel.” “Jess, just let Mikaela get to know Axel first. Baka mamaya maniwala pa siya sa mga sinasabi mo.” Sabad naman ni Addison. “Bitter.” Tumatawag sabi ni Mikaela. Addison just rolled her eyes. Hinayaan na lamang niya si Mikaela sa gusto nitong gawin. Nag-kwentuhan pa silang tatlo hanggang sa matapos silang kumain. “I’ll inform you when it will be held.” Sabi ni Jessica habang palabas sila ng restaurant. “Okay. I’ll wait.” Nagbeso si Jessica at Addison. Ganun din si Mikaela at Jessica. Humiwalay na sa kanila si Jessica dahil dumating na raw ang sundo nito. Nagpatuloy naman si Addison sa pamimili ng pasalubong para sa kaniyang magulang. Kinabukasan ay bumalik na sila sa syudad. Dumeresto si Addison sa café at naabutan niya ang kaniyang ina na kasalukuyang kumakain ng cake. Napailing na lang si Addison saka bineso ang ina. “Hi, mom.” “How’s your vacation?” tanong ni Hazel sa anak. Pinagmasdan niya ang mukha nito. “Good.” Nagkibit ng balikat si Addison saka pabagsak na naupo sa sofa. “Good?” Naninigurong tanong ni Hazel sa anak niya. Tumayo siya at lumapit kay Addison. Umupo siya sa tabi nito. “Are you sure, anak? Kasi parang nararamdaman ko na kabaliktaran ang sinasabi mo.” Humiga naman si Addison sa sofa saka ginawang unan ang hita ng ina. “I’m tired, Mom. Let me sleep for a while.” “Eh, kung umuwi ka na lang kaya sa apartment mo para makapagpahinga ka.” Addison yawned. “I’m comfortable with you, Mom.” She closed her eyes. Hinaplos naman ni Hazel ang buhok ni Addison. Nararamdaman niya na parang may kakaiba kay Addison. Though her daughter had changed so much, Addison was still her daughter. May mga beses na wala itong ganang makipag-usap, malamig makitungo sa ibang tao, at minsan naman malambing ito. but looking at her daughter now, parang may bumabagabag rito. NAPABUGA ng hangin si Stephen nang maiparada niya ang kotse sa kanilang garahe. Pinatay niya ang makina ng kotse saka siya bumaba at pumasok sa kanilang bahay. Nadatnan niya ang kaniyang ina na nasa living room at may binabasa. “Kumusta ang baskasyon mo sa Tagaytay?” “Mom, I just attended my friend’s wedding and did some work there. Hindi ako nagbaskasyon.” Sagot ni Stephen saka umupo sa sofa. Ngumiti lang si Grace at tumingin kay Stephen. “Oo nga pala. Pumunta rito si Hannah noong nakaraang araw at hinahanap ka.” “Sinabi niyo bang nasa Tagaytay ako?” “No, of course.” Umiling si Grace. “I don’t want anyone to disrupt your peaceful days there, anak.” Tumango si Stephen. “Thank you, Mom.” “I have a question for you, anak. Hindi mo ba talaga siya gusto?” tanong ni Grace. “No. I don’t like her and I will never like her.” Grace sighed. “You have already reached the age of getting married. Hannah is the best candidate for you to marry. Plus, she came from a good family.” Stephen clicked his tongue. “Good family?” his eyebrow raised. “Mom, nakalimutan niyo na yata ang ginawa ni Hannah noon? She tried to tie me to her by force. At isa pa, sabihin na nating maganda ang background ng pamilya niya pero paano naman ang ugali niya. I don’t like her character, Mom. You know that.” Ngumiti si Grace. “I know, anak. Kaya nga hindi rin ako papayag na magkagusto ka sa kaniya.” “Then why are you telling me she’s the best candidate for me to marry?” Grace shrugged her shoulders. “I was just telling and asking you. Dahil kung sinabi mo na gusto mo siya, I’ll do everything to take you away from her and ruin her.” Stephen chuckled. “Mom, I know you don’t like her. At pakiramdam niya yata ay gusto niyo siya.” “Maayos lang ang pakikitungo ko sa kaniya pero kung hindi ko alam ang muntikan ng pagpikot niya sa ‘yo noon, baka gusto ko rin siya para sa ‘yo. But I don’t like that kind of woman. So, if you want to marry, marry someone who will love you, take care of you and respect you.” Seryosong sabi ni Grace. Sumandal si Stephen sa sofa saka napangiti. “Mom, I have someone special in my heart. I left her seven years ago without any explanation. Now, my goal is to win her back.” “Si Addison Bartolome, hindi ba?” Lumaki ang mata ni Stephen saka nagulat. “How did you know, Mom?” “Back then, alam namin ng Daddy mo na hindi namin naibigay ng buo ang atensiyon at pagmamahal sa ‘yo. We hired a private investigator and found out about her. Like your mother, I felt bad about it.” “Mom, it’s already in the past.” Sabi ni Stephen. Ayaw na niyang maalala ang tungkol doon. Ngumiti si Grace. “Addison was smart. At a young age, she had already established her own business. Mabisita nga siya minsan.” “Mom, not now.” Wika ni Stephen. “Galit siya sa akin. Kailangan ko pa siyang makausap at makapagpaliwanag sa kaniya tungkol sa sitwasyon namin noon.” “Don’t worry, hindi naman ako magpapakilala bilang nanay mo. I just want to meet her and get to know her.” Nakangiting wika ni Grace. “Hindi mo naman ako pipigilan hindi ba, anak?” Napabuga na lamang ng hangin si Stephen. “It’s up to you, Mom.” Sabi na lamang niya saka tumayo. Umakyat siya ng hagdan saka pumasok sa sariling kwarto. Stephen looked at the photo above the bedside table. Larawa nilang dalawa ni Addison ang nasa frame. They were both smiling happily in the picture. Kusang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. “Addison, give me a chance to explain, but even if you don’t want me to explain, like in the old days, I will pursue you again to win you back.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD