CHAPTER 2

2018 Words
“SO, how’s my best friend?” Pumasok ang isang babae sa loob ng opisina ni Addison na may malawak at masiglang ngiti. Nakangalumbaba naman si Addison. “Oops! Not good?” Mikaela, Addison’s best friend since college, said when she saw her friend’s state. Sa hitsura kasi nito ay para itong mayroong malaking problema na walang solusyon. Eh, lahat naman ng problema ay may solusyon. Kailangan mo lang mag-isip. Malalim lamang na napabuntong hininga si Addison saka umiling. “Parang gusto kong sumakal ngayon.” Aniya. Mabilis namang tumigil si Mikaela sa paglalakad palapit sa kaibigan dahil sa sinabi nito saka siya naglakad paatras. Napabuga naman ng hangin si Addison. “Hindi ikaw ang tinutukoy kong sasakalin ko.” Sabi niya. “Oh. Linawin mo kasi.” Sabi naman ni Mikaela saka umupo sa visitor’s chair na mismong harapan ng mesa ni Addison. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ganiyan ang mukha mo?” Umiling si Addison. “Pagod lang ako.” Tumaas ang isang kilay ni Mikaela. “Kilala kita, Addie. Ano ‘yo? Spill the tea, sis.” Humugot ng malalim na hininga si Addison, then she exhaled. “Naiinis ako na nabibiwisit dahil umagang-umaga nakatanggap ako ng ganiyan. Nawalan tuloy ako ng ganang mag-bake.” Inis niyang saad. Tinignan naman ni Mikaela kung ano ang tinutukoy ni Addison. Tumaas na lamang ang dalawa niyang kilay nang makita ang isang bouquet ng bulaklak. Maganda naman ang bouquet pero kilala niya ang kaibigan. Hindi ito mahilig sa mga ganiyan. “Sa bouquet ka ba naiinis o sa nagbigay?” Umikot ang mata ni Addison. “It came from him again. Kaya nawalan na ako ng gana. Sinabihan ko na siya ng ilang beses na walang mangyayari pa sa relasyon namin. Wala na. Tapos na. Ayaw ko na.” Aniya habang naiinis. Frustrated niyang naisuklay ang kaniyang mga daliri sa kaniyang buhok saka sumandal sa kinauupuang swivel chair. “Si Mark?” Tanong ni Mikaela. “Eh di ba? Siya ‘tong nagloko. Mabuti nga at hiniwalayan mo na. Akala ko nga papatawarin mo na naman katulad noong unang beses ka niyang niloko.” “Duh! No way!” Saad ni Addison. “Tama na ‘yon. Nagsawa na ako. Tsaka alam mo naman ang rason kung bakit ko siya sinagot hindi ba?” Tumango si Mikaela. “Gusto mo siyang kalimutan? Ang ex mo bago si Mark? Pero mas malala pa ang naranasan mo. Harap-harapan kang niloloko, girl.” Aniya. Tumayo siya saka kinuha ang bulaklak. “Hintayin mo ako rito at itatapon ko lang ang basura na ‘to.” Lumabas si Mikaela sa opisina ni Addison dala ang bulaklak saka ito itinapon sa may basurahan sa labas ng café. Nagpagpag pa siya ng kamay bago siya bumalik sa opisina ng kaibigan niya. “Ano sa tingin mo ang magandang gawin para tigilan na niya ako?” tanong ni Addison kay Mikaela. Nagkibit ng balikat si Mikaela. “Find a new boyfriend.” Suhestiyon niya. Napairap na lamang si Addison sa suhestiyon ng kaibigan. “Isa ka rin. Anong maghanap? Wala na akong tiwala sa mga lalaki? Pagkatapos kukunin ang tiwala mo, sisirain nila tapos kapag nahuli sa akto hihingi ng tawad at sasabihing hindi sinasadya, natukso lamang sila.” Umismid siya. “Ang sabihin mo hindi lang talaga sila nakukuntento sa isang babae kaya naghahanap sila ng babaeng makakapagbigay ng gusto nila.” Tumitig si Mikaela sa kaibigan. “Iyon ba ang dahilan kung bakit ka niloko ni Mark ng dalawang beses? Hindi mo kayang ibigay ang hinihiling niya?” Tumango si Addison. “Hindi ko alam kung bakit ang ibang lalaki ngayon, hinihiling nila ang bagay na ‘yon kahit hindi pa tamang oras at kapag hindi ibinigay ng babae, magloloko sila at sa huli kasalanan na naman ng babae.” Napailing na lamang siya. Malalim namang napabuntong hininga si Mikaela. “Sad but reality.” Muling nangalumbaba si Addison sa lamesa. “Ano pa lang ginagawa mo rito?” tanong niya sa kaibigan. “Anong gusto mo? Cake? Pastries? Cookies? Coffee?” “Anything.” Tugon ni Mikaela. Tumayo si Addison at naghanda ng meryenda para sa kanilang dalawa ni Mikaela. Inilapag niya ito sa harapan ni Mikaela. Napansin niya ang ekspresyon ng kaibigan. “Broken hearted ka ‘no?” tanong niya. Lumabi si Mikaela saka kumain ng cake. “Ang sakit lang. May gusto pala siyang iba.” Addison’s lips thinned. She was trying to hide her smile. Inilapit niya ang kape kay Mikaela. “Magkape ka na lang, Mik. Ayos lang ‘yan. Hindi pa ‘yan malala. Mas malala ang nangyari sa akin, okay?” “Pero ang sakit kasi, eh.” Tumulo ang luha ni Mikaela. Sinubuan ni Addison ang kaibigan niya ng cake. “Kumain ka na lang kaysa ang umiyak ka.” Nginuya muna ni Mikaela ang cake na sinubo ni Addison saka nilunok. “Umiyak ka rin naman noon, ah.” Katwiran niya. “Yeah, but I realized he’s not worth it.” Nagkibit ng balikat si Addison. Kumain rin siya ng cake. Hinayaan na lamang niya ang kaibigan niya na magdrama. Kapagkuwan naalala niya ang unang beses na umiyak siya ng sobra. Mapait siyang ngumiti. That was many years ago. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Addison. Tinignan niya kung sino ang tumatawag. It’s her mother. “Mommy.” Pagsagot niya sa tawag ng kaniyang ina. “Anak, kailangan mong umuwi. May sasabihin kami sa ‘yo ng Daddy mo.” Kumunot naman ang nuo ni Addison. “Anong pong sasabihin niyo? Akala ko po ba sa weekends?” “Mas magandang dito na lang namin sabihin kaya umuwi ka, okay? Hindi na makakapaghintay ang sasabihin namin. Kailangang masabi na namin ngayon para pag-isipan mo. I’ll cook your favorite sisig.” Malambing na sabi ng ina ni Addison. At bago pa makapagsalita si Addison, nagpaapaalam na ang kaniyang ina. “Sige na, anak. Umuwi ka mamayang hapon, ah. Magluluto ako ng sisig. Bye. Love you.” And the call ended. Napatitig na lamang si Addison sa cellphone saka napailing. Hindi na niya masyadong inisip kung ano ang gustong sabihin ng kaniyang magulang. She texted her mother. ‘Okay, Mom. I got it. Love you.’ Addison looked at Mikaela. “Tapos ka ng magdrama?” Lumabi lang si Mikaela. “I guess I just had to move on.” Natigilan si Addison. “Move on?” “Yeah.” Tumango si Mikaela. “Eh, anong gagawin ko naman ngayon? May mahal na siyang iba. Alangan namang ipagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kaniya. No way. Hindi pa naman ako ganun kadesperada ‘no. Madami pang lalaki diyan.” Move on… Ang daling sabihin pero ang hirap gawin. Addison knows the pain because she has already experienced it. Oo nga, madaling sabihin na mag-move on pero ang hirap gawin lalo na kapag minahal mo ‘yong taong ‘yon. Napabuntong hininga na lamang si Addison saka napailing. “Need help?” tanong niya kay Mikaela. Umiling naman si Mikaela. “No need. May bakasyon ang pamilya ko sa Tagaytay nitong susunod na linggo. Sasama ako sa kanila. Baka gusto mong sumama?” she offered. “Family bonding ‘yon.” Sabi naman ni Addison. “Eh, ano naman ngayon? Parang anak naman na ang turing sa ‘yo ni Mama at Papa.” Sabi ni Mikaela. “Walang magbabantay sa café ko.” “Nandiyan naman ang mommy mo. Hindi ba magaling rin mag-bake ang nanay mo pero natatawa lang ako kasi hindi ka nagpaturo sa kaniya. Kumuha ka pa talaga ng baking lesson.” Nagkibit lang naman ng balikat si Addison. “My mom suggested it. Mas marami raw akong matutunan kapag nag-explore ako.” Aniya. Napatango na lamang si Mikaela sa sinabi ni Addison. Addison went home later that day. Nang makarating siya sa bahay nila, kaagad siyang nagtungo sa kusina dahil naaamoy niya ang mabangong amoy ng nilulutong pagkain. “Mommy, nandito na po ako.” Saad niya saka niyakap ang ina sa mula sa likuran. “Miss you po, Mommy.” “Miss you too, anak.” Saad ni Hazel. “Hi, Dad.” Addison waved at her father. “Mabuti at nakauwi ka.” “Sabi po ni mommy umuwi po ako. May sasabihin raw kayo sa akin.” Sabi ni Addison at kumalas sa ina. Umupo siya sa upuan, sa tapat mismo ng kaniyang ama. Nasulyapan niya ang sandwich na may palaman na kaya kinuha niya ito at kumagat roon. “Si Ate Allison po?” tanong niya. “Lumabas kasama ang fiancé niya.” Tugon ni Anthony. “Sa labas yata sila kakain. Pero alam kong made-date ang dalawang ‘yon.” “Oh,” Addison reacted. “Ikaw na, bata ka. Bakit hindi ka na lang tumira dito sa bahay? Wala kaming kasama rito ng mommy mo kapag ikinasal na ang Ate mo. May sarili ng pamilya ang Kuya mo.” Si Addison naman ngayon ang napagsabihan ni Anthony. Addison just smiled, but her smile didn’t reach her ear. “Mayroon naman po si Ate Emilda.” Pero may napansin siya, “nasaan po pala si Ate Emilda? Bakit parang hindi ko siya nakita?” “Umuwi siya. Bukas pa ang balik niya.” “Oh.” “So, are you going to live with us again?” Anthony asked. Lumabi si Addison. “Ayaw ko po. Mas gusto ko pa rin sa apartment ko. Mas malaya ako doon.” Pagsabi niya ng totoong rason niya. Pasimpleng nahilot naman ni Hazel ang nuo. Minsan talaga ang bunso niya, ang honest masyado. Napailing na lamang ang ama ni Addison at hinayaan na lamang ang anak. Hindi na niya ipinilit ang gusto niya na umuwi si Addison sa bahay nila. Kunsabagay, nasa tamang edad naman na ito. Alam na nito ang tama at mali. “Mommy, ang bango po ng niluluto niyo.” Puri ni Addison. Ngumiti si Hazel. “It’s your favorite.” “Thank you, Mommy.” Pagkatapos magluto ng kaniyang ina, tinulungan na ni Addison ang kaniyang ina na maghanda sa mesa. At habang kumakain sila, tinanong niya ang kaniyang magulang kung ano ba ang sasabihin ng mga ito sa kaniya. Alam niyang importante dahil hindi naman siya papauwiin kung hindi ito importante. “Anak, gusto kong ipaalam na hindi ka namin pinipilit, okay? May business partner kasi kami at nakita nila ang picture mo noong pumunta sila rito sa bahay. Gusto nilang i-blind date ang anak nila sa ‘yo. Pero sa tingin ko, gusto nilang mas higit pa doon.” Maingat na saad ni Hazel. Napatigil si Addison sa pagkain at natigil pa sa ere ang pagsubo niya. “We’re not forcing you, anak.” Sabi ni Anthony. “We just want to secure your future.” Nawalan ng kulay ang mukha ni Addison. Ibinaba niya ang kamay na nakaangat sa ere. “Gusto niyo akong ipakasal sa anak ng business partner niyo?” tanong niya sa walang ganang boses. “Anak, we wanted the best for you. Sa inyong tatlong magkakapatid, sa ‘yo kami nag-aalala ng mommy mo.” Tapat na sabi ni Anthony. “You’ve been cheated twice with the same man and…” “Daddy, okay lang po ako. Naka-move on na po ako. Hindi po solusyon na ipakasal niyo ako sa anak ng business partner niyo. At isa pa po hindi ako pabor sa mga arrange marriage na ‘yan.” Mahinahong sabi ni Addison pero nakakuyom ang isa niyang kamay. She took a deep breath. “Sabi niyo hindi niyo ako pinipilit pero gusto niyong i-secure ang kinabukasan ko. Dad, Mom, I’m fine without the marriage.” Saad niya saka tumayo. “Ayaw ko pong pumayag sa blind date na ‘yan.” “We have already met their son. He’s a good man.” “I don’t believe it,” Sabi ni Addison. Umalis siya ng hapagkainan at nagtungo sa kaniyang silid. Napaupo siya sa gilid ng kama. Kung alam niya lang na ganito ang sasabihin ng kaniyang magulang hindi na sana siya umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD