WHEN Addison woke up the next morning, naramdaman niya ang mainit na likido na dumaloy mula sa kaniyang mata. Pinunasan niya ang luhang tumulo saka napahugot ng malalim na hininga. Parang panaginip lamang ang lahat. Matagal na panahon na ang lumipas. Maraming taon na pero sa tuwing naalala niya ang tungkol doon, umiiyak na lamang siya.
She thought she had already moved on, but after meeting Stephen again after so many years, the pain was still there. Her heart was still in pain. It was painful to be left and betrayed by the person you love the most.
Nanatili si Addison na nakahiga sa kama hanggang sa nakatulog ulit siya. Pagkagising niya, inayos niya ang kaniyang higaan at kumuha ng damit pagkatapos. Pumasok siya sa banyo at naligo.
Pagkatapos niyang mag-ayos ng kaniyang sarili, lumabas siya ng kwarto at bumaba sa kusina. Walang tao sa loob ng resthouse at mukhang siya na lang ang natira. Nang makapasok siya sa kusina, nakita niyang may natakpan na pagkain sa may lamesa at may note pang nakalagay.
‘Hi, Addie. Morning to my bestfriend. Lumabas na kami nila Mama kasi may lalakarin lang kami saglit. Tinignan kita kanina pero mahimbing ang tulog mo kaya hinayaan na lang kitang matulog. Love, Mikaela.’
Napailing na lamang si Addison dahil sa huling sinulat ng kaibigan saka umupo. Kumain siya ng agahan at pagkatapos ay hinugasan niya ang pinagkainan.
Naisipan ni Addison na maglakad-lakad para mabawasan ang kaniyang mga iniisip. She took a deep breath as she held the umbrella in her right hand and walked on the sidewalk. Kapagkuwan napatigil siya nang madaanan niya ang simbahan. Nakabukas ito at nakita niyang parang may kinakasal sa loob ng simbahan. Naisipan niyang pumasok sa simbahan kaya tiniklop niya ang hawak na payong at naglakad papasok sa loob ng simbahan.
Umupo si Addison sa kanang bahagi ng simbahan, sa may pinakalikod na upuan. Tumingin siya sa harapan at pinanood ang ikinakasal. Habang nakatingin siya sa ikakasal, nakita niya na parang pamilyar sa kaniya ang dalawang ikinakasal. Tinignan niya ng maigi ang dalawa at doon niya napagtanto na kilala nga niya ang dalawa.
It’s Marie and Christian!
Nagulat si Addison pero natuwa siya para sa dalawa. Natawa siya ng mahina. Maraming taon na nga ang lumipas. Simula ng lumipat siya ng university, wala na siyang naging balita sa mga ito. She cut off her communication with Stephen and with her friends.
They visited her in the hospital after knowing that she had been in an accident. Kinausap pa naman niya ang mga ito at nagpaalam. She felt guilty inside. It’s just that after learning of Stephen’s betrayal, she badly wanted to move on, so she transferred to another university. At hindi alam ng pamilya niya ang tunay na dahilan kung bakit siya lumipat ng university. Kasabay kasi noon ay lumipat na rin sila ng tirahan. At hindi na siya tumira kasama ang magulang niya. Nag-bording siya para matutunan niyang maging independent. The pain she felt changed her so much.
“Congrats!”
“Congratulations!”
“Congratulations to Mr. and Mrs. Rivera!”
Napakurap si Addison at napatingin sa harapan. Tapos na ang kasal at binabati ng mga bisita ang bagong sakal —este kasal. Nahigit niya ang hininga nang makita niya si Stephen. At kapagkuwan napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso. Her heart was beating so fast.
My heart… does this mean that I still love him?
Mabilis na tumayo si Addison saka lumabas ng simbahan.
NARAMDAMAN ni Stephen na parang may nakatingin sa kaniya kaya naman tumingin siya sa loob ng simbahan. Nahagip ng mata niya ang babae na naglalakad palabas ng simbahan. Addison…
Mabilis na tumakbo si Stephen palabas ng simbahan at hinahanap si Addison. Hindi siya maaaring magkamali. Alam niyang si Addison ang nakita niya. Hindi siya maaaring magkamali. Kahit ilang taon na ang lumipas, kilala pa rin ng puso niya si Addison.
“Addison…”
Stephen sighed.
Hanggang sa may reception area si Addison pa rin ang nasa isipan niya.
Napatingin siya sa tabi niya nang may umakbay sa kaniya.
“Sinong hinahanap mo?” tanong ni Alex.
Umiling si Stephen. “I saw Addison.”
Lumaki ang mata ni Alex. “Nandito siya?”
“I don’t know. Pero alam kong siya ang nakita ko kanina na lumabas ng simbahan. Hindi ako maaaring magkamali.”
“Baka naman namamalik-mata ka lang.”
Umiling si Stephen. “Hindi. Sigurado ako sa nakita ko. Si Addison ‘yon.”
Bumuntong hininga si Alex. “Do you still love her?” he asked.
“Oo naman. Hindi naman ako babalik rito kung wala na akong babalikan.” Seryosong sabi ni Stephen. Nahilot niya ang sentido. “Bumalik ako sa tirahan nila noon pero wala na sila doon?”
Tumango si Alex. “Sabi ni Jessica, lumipat sila Addison ng tirahan. Pagkatapos no’n ay wala na siyang naging paramdam. Ano ba talagang nangyari noon? Did you do something?”
Umiling si Stephen. “Hindi ako nagpaalam noon sa kaniya. I tried to call her, but she’s not answering me.”
“It’s because Addison got into an accident the night you went abroad, Kuya.” Sabad ni Jessica na kakalapit lang sa kanila. Umupo ito sa tabi ni Alex.
“Accident?” Nagulat si Stephen. “Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niyo sinabi sa akin?”
Nag-iwas ng tingin si Alex kaya si Jessica ang nagpaliwanag. “Gusto naming sabihin, Kuya, pero sa mga oras na ‘yon hindi ka rin namin matawagan. Nasa coma na si Addison noong tumawag ka at ipinaalam ang tungkol sa nangyari kay Uncle kaya pinili naming huwag ng sabihin sa ‘yo ang tungkol kay Addison.”
“Pero pinagpaliwanag niya dapat ako hindi ba?”
Jessica sighed. “That’s the weird part. Pati si Ate Allison na ate ni Addison ay naramdaman rin daw na parang may mali. Nang magising kasi si Addison, ikaw ang una niyang hinanap at ang cellphone niya. Then Ate Allison told us, may nakita yata si Addison sa phone niya. She cried and cried. Actually, kinausap niya kami at nagpaalam siya na lilipat ng university. Syempre, tinanong namin pero hindi niya sinabi ang dahilan at ang sabi niya huwag naming sabihin sa ‘yo kaya hindi namin sinabi kasi akala namin may hindi kayo pagkakaunawaan. Sa tingin ko mayroon nga dahil hindi naging maayos ang paghihiwalay niyo noon. Pero ang maalala kong sinabi niya noon gusto niyang makalimot. I don’t know if it was related to you. Then wala na kaming naging balita sa kaniya. She cut her communication with us.”
Naguluhan si Stephen dahil sa sinabi ng pinsan niya. Bakit pakiramdam niya ay may mali?
Pagkatapos kasi ng matagumpay na operasyon ng kaniyang ama, gusto niyang bumalik sa Pilipinas ngunit walang kasama ang kaniyang ina sa pag-aasikaso sa kaniyang ama. Sa mga panahon na ‘yon, wala siyang tigil sa pagtawag kay Addison upang ipaalam rito ang kalagayan niya ngunit hindi na niya ito matawagan. Tinatanong naman niya ang mga kaibigan niya pero ang sinasabi ng mga ito ay maayos ang kalagayan ni Addison.
Kaya gusto niyang makausap si Addison para malinawan silang dalawa. Kung galit si Addison dahil sa pag-iwan niya rito. Hindi naman niya itong intensiyon na iniwan, it’s just that he needed to be with his parents. Hindi niya alam na naaksidente pala ito nang gabing ‘yon.
“Kakabalik mo lang. Just relax. Magkikita rin kayo.” Sabi ni Alex. “Just find Addison and explain to her. Baka maayos niyo pa ang hindi niyo pagkakaintindihan noon.”
“Actually, I saw her a few days ago. Kaya hindi ako umalis dito sa Tagaytay. Hinahanap ko siya pero hindi ko siya mahanap.” Stephen sipped his wine.
“You saw her, Kuya?” tanong ni Jessica.
Tumango si Stephen. “Maglakad-lakad muna ako.” Paalam niya sa dalawa saka lumabas ng wedding reception.
Ngumiti na lamang si Stephen nang makita niya ang view ng Taal Lake mula sa kaniyang kinatatayuan. Tumingin siya sa ibang direksiyon at napansin niya ang isang babae na kumukuha ng larawan sa Taal gamit ang hawak nitong DSLR.
“Addison?”
Hindi siya maaaring magkamali, si Addison ang nakita niya. Mabilis siyang naglakad palapit kay Addison at hindi nga siya nagkamali dahil napatunayan niyang si Addison ang nakita niya nang makalapit siya rito.
“Addison?”
Natigilan si Addison saka mabilis na napatingin sa nagsalita. Her face became emotionless. “Anong kailangan mo?” malamig niyang tanong rito.
“Shorty—”
“Don’t dare to call me that!” Matalim na wika ni Addison. “Wala kang karapatan.”
“Are you mad at me?”
Natawa ng peke si Addison. “Galit? You should know why I am mad at you, Mr. Villamor.” Malamig niyang sabi saka tumalikod.
“Addison, sandali.” Hinawakan ni Stephen ang braso ni Addison pero piniksi ni Addison ang kamay niya.
He was hurt. Ibang-iba na ang Addison na kaharap niya ngayon. The Addison he knew was sweet to him and she was not cold.
“Addison, can we talk?”
Nanatiling nakatalikod si Addison kay Stephen. Mapait siyang ngumiti. “Stephen, wala na tayong pag-uusapan pa. We already have nothing to do with each other anymore. You left me and betrayed me. I tried to move on, and I entered another relationship. I didn’t expect that men were all the same.” Malamig niyang saad saka tuluyan ng umalis.
Hindi naman nakapagsalita si Stephen dahil sa sinabi ni Addison. “I betrayed her?” nagtaka siya at sinundan ng tingin si Addison. “Shorty, hindi kita niloko.”
Umiling si Stephen naging determinado. No, hindi ko hahayaan na ganito ang mangyayari. Addison, after all these years, I still love you. I will do everything to win you back.