CHAPTER 17

1665 Words
It has been two months since Stephen and Addison officially became together. Tinotoo nga ni Stephen ang sinabi nito na kahit dalawa na sila, araw-araw pa rin niyang liligawan ang dalaga. Every morning, he would buy coffee for Addison. Pero sa relasyon ng magkasintahan hindi maiwasan ang selosan at awayan. Stephen was always jealous of Addison’s admirers. “Hindi ba dapat ako ang magselos sa ating dalawa? Ang daming nagkakagusto sa ‘yo, eh.” Sabi ni Addison habang nag-uusap sila sa loob ng kotse ni Stephen. “Hindi ko naman pinapansin ang mga ‘yon, eh. Ikaw lang talaga.” “Hindi ko rin naman pinapansin ang mga nagpaparamdam sa akin.” Sabi naman ni Addison. “But I still get jealous.” Napailing na lamang si Addison. “Stephen, control your jealousy. Baka naman hindi mo namamalayan kinokontrol ka na pala niya.” Stephen sighed. “I’m sorry. I’ll try to control my jealousy.” Hinawakan niya ang kamay ni Addison at hinalikan ang likod ng palad nito. Walang alam ang parents ni Addison tungkol sa boyfriend niya. Ayaw niya rin na malaman ito ng Mommy niya dahil alam niyang araw-araw siyang makakarinig ng sermon. Pero may alam ang Ate Allison niya. Mabuti na lamang at hindi siya nito sinusumbong. Kung isusumbong siya nito, isusumbong niya rin ito para pareho silang mapagalitan. “So, let’s have a date this weekend.” Addison pouted and shook her head. “Sorry, I can’t. May reunion ang family namin sa father side kaya kailangan naming pumunta.” Nalungkot naman si Stephen. “Then I have to hang out with my friends.” Tumango si Addison. “Yeah, mas mabuti pa. Nagrereklamo na nga sila sa akin na hindi mo na raw sila pinapansin.” Nagkibit naman ng balikat si Stephen. “Mas masaya ako kapag ikaw ang kasama ko kaysa sa kanila.” Hinampas ni Addison ang braso ni Stephen. “That’s bad.” “Well, it’s true.” Napailing na lamang si Addison. “Then how about let’s have dinner on Wednesday night?” “Okay. Pero magpapaalam muna ako kay Ate. Wala kasi ang parents namin.” Tumango si Stephen. As the days went by, Stephen and Addison gradually get to know each other more. Mas lalo nilang nakilala ang isa’t-isa. Nalaman ni Stephen na sa likod ng masungit na ugali ni Addison, mabait ito at malambing. Maalaga rin ito at hindi lamang nila nito ‘yon pinapakita sa ibang tao. Mas lalo pang minahal ni Stephen ang dalaga dahil doon. Pero nasubok ang relasyon nilang dalawa nang makatanggap ng tawag si Stephen mula sa kaniyang ina. “Anak, please, come. Nandito ang Daddy mo sa hospital.” Napatigil siya sa paglabas ng kanilang bahay. “Ano pong nangyari?” tanong ni Stephen at nakaramdam ng pag-alala para sa kaniyang ama. “Inatake sa puso ang Daddy mo, anak.” Umiiyak na saad ng kaniyang ina. Stephen cleared his throat. “Hintayin niyo po ako. Pupunta po ako diyan.” Aniya. He ended the call. Nagmamadali siyang sumakay sa kaniyang kotse at minaneho ito patungong hospital. Pagdating niya sa hospital, nakita niyang maraming aparato ang nakakabit sa kaniyang ama. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang maririnig niya mula sa kaniyang ina. “Anak, we have to go abroad. Kailangan nating ipagamot ang Daddy mo doon. I have already booked our flight. We will leave tonight.” “Mom…” “Anak, hindi ko kayang mawala ang Daddy mo. May nakahanda ng heart transplant para sa Daddy mo. Kaya kailangan nating umalis mamayang gabi.” Seryosong sabi ni Grace. Ang ina ni Stephen. Walang nagawa si Stephen kundi ang tumango na lamang. Tinignan niya ang kaniyang ama na nakahiga sa hospital bed at sa kaniyang ina na nakaupo sa tabi nito. Kahit naman hindi niya masyadong naramdaman ang pagmamahal ng kaniyang mga magulang, magulang niya pa rin ang mga ito. At isa pa, siya lamang ang nag-iisang anak ng kaniyang mga magulang. Ayaw niyang magsisi sa huli. Umupo si Stephen sa upuan na nakahilera sa gilid ng hallway. Kapagkuwan natampal niya ang kaniyang nuo nang maalala niya si Addison. May dinner date sila at nakalimutan niya dahil sa pagtawag ng kaniyang ina. “Damn!” Mabilis niyang inilabas ang cellphone at nakita niya ang ilang missed call ni Addison. Naka-silent ang phone niya kaya naman hindi niya ito narinig. Mabilis niyang tinawagan ang kasintahan pero hindi ito sumasagot ng tawag niya. Hanggang sa dumating ang oras ng paglabas nila sa hospital, hindi sinagot ni Addison ang tawag niya at hindi na niya ito matawagan. “Anak, halika na. Kailangan na nating pumunta ng airport.” Pag-aya ng kaniyang ina. Tumango si Stephen at sumabay ng lakad sa kaniyang ina habang ang kaniyang ama ay nakahiga sa stretcher at itinutulak ito ng attendant. Sa lobby ng hospital, palabas na sana sina Stephen nang harangin sila saglit ng guard upang ipasok ang sakay ng ambulansiya. Tumalikod si Stephen at sa kaniyang pagtalikod ang siyang pagdaan ng taong nakahiga sa stretcher na ipupunta sa Emergency Room. Stephen was calling Addison, but she was already out of reach. Stephen sighed. Hindi niya alam ngunit may pakiramdam siya na kailangan niyang lumingon kaya naman lumingon siya sa hallway. Ipinasok na sa Emergency Room ang nasa stretcher. Hindi niya alam ngunit parang gusto ng paa niya na sumunod sa ER which was weird for him. “Anak, halika ka.” Stephen looked at his mother. Naglakad siya palapit sa kaniyang ina at habang naglalakad siya palabas ng hospital, ramdam niya ang bigat ng kaniyang pakiramdam. Para bang may gusto siyang balikan sa loob pero ano naman ang babalikan niya sa loob? Napailing na lamang si Stephen. Pagdating nila sa airport, sinusubukan pa rin ni Stephen na tawagan si Addison ngunit talagang hindi niya ito matawagan. “Okay ka lang ba, anak?” Stephen smiled a little and nodded his head. “I’m fine, Mom.” “Anak, pasensiya ka na kung biglaan ito.” Inakbayan ni Stephen ang kaniyang ina. “Mom, hindi niyo po kailangang humingi ng pasensiya. Wala pong ibang dadamay sa inyo kund hindi ako lang na anak ninyo kaya huwag na po kayong mag-isip ng ibang bagay. Ang kailangan po nating gawin ngayon ay dalhin si Dad sa ibang bansa upang magamot.” Ngumiti si Grace at niyakap ang anak. “Maraming salamat, anak. Nandito ka pa rin kahit marami ang naging pagkukulang namin sa ‘yo ng daddy mo. Hayaan mo. Babawi kami.” Stephen just embraced his mother. But in his mind, he was thinking of Addison. Unbeknownst to Stephen, at that moment, Addison was currently in the Operating Room. It turns out that she was hit by a car while crossing the lane. Addison was waiting for Stephen for their dinner date pero lagpas oras sa napagkasunduan nila ay wala pa ito. Nag-alala si Addison dahil baka may hindi magandang nangyari sa kasintahan. Tinawagan niya ito pero hindi ito sumasagot. “Was he busy?” Pero kahit naman busy si Stephen sasagutin pa rin nito ang tawag niya. Naghintay pa si Addison ng ilang minuto sa parke pero walang Stephen ang dumating. Ni anino nito ay wala kaya naman napagdesisyunan na lamang niyang umalis. Addison was disappointed. Sana sinabi na lamang ni Stephen na hindi ito makakapunta para sana hindi na siya naghintay. O baka naman may nangyari ngang hindi maganda sa binata kaya naman naisipan niyang pumunta sa bahay nito. Pumunta si Addison sa may tawiran at hinintay ang signal na pwede na siyang tumawid. Nang mag-red ang stop light, tumawid na siya sa may kalsada pero nasa gitna na siya nang mapansin niya ang kotse na mabilis na paparating. Hindi nakagalaw si Addison sa kinatatayuan dahil pinaghalong takot at kaba. It was too late for Addison to run to save herself. She was hit by a car. Tumilapon siya ng ilang metro mula sa kaniyang kinatatayuan. Ilan sa mga nakakita ang tumawag ng ambulansiya at pulis. Napag-alaman na lasing ang driver ng kotse at hindi raw nito napansin na may tao sa kalsada. Sa paglabas nila Stephen kanina sa hospital ay siya namang pagpasok ng stretcher na kinahihigaan ni Addison. The doctors were busy reviving Addison. Malakas ang naging impact sa kaniya ng pagkakabangga niya. In one night, two lovers were separated by fate. Stephen was looking at the plane’s window, thinking of Addison, who he didn’t know was fighting for her own life. Addison was in a coma for one week. And when she woke up, she was dazed and confused. But after several hours of being conscious. She remembered what had happened, and she started to look for Stephen. Umaasa siya na makikita niya ito sa kaniyang tabi ngunit wala siyang nakitang Stephen. “Anak, sinong Stephen ang hinahanap ng kapatid mo?” tanong ni Hazel kay Allison. Umiling si Allison. “Baka kaibigan niya po, Mommy.” “Ate, cellphone ko.” Kaagad namang binigay ni Allisin ang cellphone ng kapatid niya. Addison immediately looked for Stephen’s contact number. Ngunit hindi niya inaasahan ang kaniyang makikita sa kaniyang mensahe na padala sa kaniya ng isang hindi kilalang numero. Lumaki ang mata niya at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nabasa. ‘Stephen and I were happy so stay away. He’s mine.’ Below is the attached photo of a woman and Stephen and they are kissing. Tumulo ang luha ni Addison. “Anak, bakit?” Nag-aalalang tanong ni Hazel. Mabilis na pinatay ni Addison ang cellphone saka umiling. “W-wala po. Gusto ko pong magpahinga. Iwan niyo po muna ako.” Aniya. Nakita ni Hazel at Addison na gustong mapag-isa ni Addison kaya naman hinayaan nila ito. Lumabas sila ng silid na inuokopa ni Addison. Pagkasara ng pinto, doon na hinayaan ni Addison na tumulo ang kaniyang luha. Pakiramdam niya ay libo-libong karayom ang tumusok sa kaniyang puso. She was hurt and disappointed. ‘Stephen, was it a joke from the beginning? Because you really fooled me." (END OF FLASHBACK)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD