CHAPTER 1

1630 Words
MAAGA pa lamang ay gising na si Addison. Sanay na siya na laging maagang nagigising. Routine na niya ito dati pa. Bumangon siya, inayos ang kinahihigaan at pumasok sa banyo. After doing her morning routine, she went to the kitchen to prepare her breakfast. An instant noodles… Kung masasabi pa na agahan ‘yon pero iyon ang agahan niya ngayon. Lagi naman, eh. Marunong naman siyang magluto kahit papaano pero nakakatamad lang kasi talaga ang magluto lalo na kapag ikaw lang ang mag-isa. Pero bago pa man siya makapagsimulang makakuha ng cup noodles sa cup board, nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang ina. “Hi, anak. Good morning.” Masiglang bati ng kaniyang ina. Lagi namang masigla ang kaniyang ina. “Morning po.” Bati ni Addison. Walang gana ang kaniyang boses pero may galang pa rin siyang makipag-usap sa kaniyang ina. Napailing na lamang si Hazel na ina ni Addison. Talagang nagbago na ang anak niya. Hindi na ito katulad ng dati na malambing at palangiti. “Anak, may pinadala ako kay Emilda na agahan mo. Baka nandiyan na ‘yon mamaya. Alam kong instant noodles na naman ang kakainin mo ngayon, bata ka. Bakit ka pa kasi humiwalay sa amin ng daddy mo, eh?” Mahinang napabuntong hininga si Addison dahil sa narinig niyang sermon ng kaniyang ina tuwing umaga. “Gusto ko pong maging independent.” Nasabi na lamang niya. Malalim na napabuntong hininga si Hazel. “Anyways, umuwi ka dito sa weekends, okay? May sasabihi kami sa ‘yo ng papa mo.” “Tungkol po saan?” Tanong ni Addison. “Dito na lang namin sasabihin ng daddy mo. Sige na, anak. Hintayin mo na lang ang padala ko diyan sa apartment mo. I love you.” Sabi ng ina ni Addison bago nito pinatay ang tawag. Ibinaba ni Addison ang hawak na cellphone saka nagtimpla na lamang ng kape. Nagkakape siya habang hinihintay ang pagkain na padala ng kaniyang ina. Her mother was the sweetest mother on Earth. Ito lang talaga ang nag-iisa na kahit sobra itong abala sa trabaho, gagawa pa rin ito ng paraan upang maiparamdam nito ang pagmamahal sa kaniya. Tulad na lamang ng paborito nitong ginagawa. Ang ipagluto sila. Lagi naman siyang pinagluluto ng kaniyang ina noong nakatira pa lamang siya sa bahay nila. Hindi lamang siya kundi pati na rin ang Kuya Adrian at Ate Allison niya. Ngunit ginusto niyag maging independent kaya humiwalay siya sa mga ito noong maging third year college na siya. Tinatanong siya ng kaniyang magulang kung bakit pero hindi niya sinabi ang tunay niyang rason. Even her brother and sister were asking her why she moved out of the house, but she never said anything about it. Basta ang sinabi niya, gusto niyang maging independent dahil hindi sa lahat ng oras nakaasa siya ng mga ito. Kailangan niya ring tumayo sa sarili niyang paa. Nakatulong naman sa kaniya ang ginawa niyang pag-alis sa bahay nila. Noong mga unang araw niya sa apartment niya, nahirapan siya dahil namimiss niya ang kama niya sa bahay nila pero kailangan niyang magtiis. She missed the comfort of her own home before. Siguro dahil bago lang sa kaniya ang tumira sa apartment at mag-isa pa siya pero hindi kalaunan ay nasanay na siya. Minsan pa nga dumadating na sa punto na ang magulang at mga kapatid na niya ang bumibisita sa kaniya dahil hindi na siya umuuwi sa kanila. Napatigil si Addison sa paghigop ng kape nang marinig niyang may nag-door bell kaya tumayo siya saka naglakad palapit sa pinto. Binuksan niya ang pinto. “Ate Emilda.” Ani Addison. Ngumiti ang kasambahay saka ipinakita ang hawak nitong paper bag. “Pinadala ni Ma’am Hazel para sa ‘yo.” Kinuha ni Addison ang paper bag. “Salamat, Ate Emilda.” Tumango si Emilda saka nagpaalam ng aalis. Isinara naman ni Addison ang pinto saka bumalik sa kusina. Inilabas niya ang pagkain na nakalagay sa transparent na Tupperware. Tipid na lamang siyang napangiti nang makita ang nilutong pagkain ng kaniyang ina. She picked up her phone and texted her mother. ‘Thank you, M’my. Love you po.’ Magana siyang kumain ng agahan. Pagkatapos niyang kumain, hinugasan niya ang mga nagamit saka naglinis sa kusina. Pumunta siya sa kaniyang kwarto, naligo, nagbihis ng disenteng damit, nag-ayos ng sarili saka lumabas ng apartment. Naglakad siya papunta sa highway saka pumara ng taxi. Ilang sandali lang ay nakarating na siya sa kaniyang destinasyon. “Morning, Boss.” Bati sa kaniya ng mga kasamahan niya sa café. Tinanguan niya ang mga ito. “Morning.” Bati rin niya saka ibinigay ang susi kay Jeff. Kaagad namang binuksan ni Jeff ang café. Kaagad na nagsimula ang kanilang trabaho pagkapasok nila. Apat ang kasama niya sa café. Si Jeff at Mila ay waiter at waitress niya. Si Eva naman ay nakatoka sa cashier at si Dexter na siyang nakatoka sa paghuhugas at paglilinis sa café. Siya bilang manager ng sarili niyang café. Maliit pa lamang ito dahil ilang buwan pa lamang sila nag-o-operate pero sana ay mapalaki niya ito o di kaya naman ay makapagtayo siya ng ibang branch sa mga susunod na taon. Masasabi niyang pinaghirapan niya talaga ang ginamit niya sa pagpapatayo niya ng café niya dahil galing ito sa investment at sarili niyang pera na galing sa mga sahod niya. Hindi madali ang magpatayo ng sariling business lalo na kapag mag-isa ka pero lagi namang nakasuporta sa kaniya ang magulang at mga kapatid niya kaya kinaya niya at natupad niya ang pangarap niya. Ang makapagpatayo siya ng sarili niyang café. Sa totoo lang bago siya nagpatayo ng café ay pumasok siya sa baking lesson para matuto siya sa paggawa ng cakes at pastries. Marami naman na silang customer at medyo nakakabawi na siya pero kulang pa rin. Kasalukuyang nag-e-enjoy si Addison sa pag-decorate ng cake sa kitchenette sa nasa mismong loob ng kaniyang opisina nang kumatok at pumasok si Eva. Sa tingin niya ay may nangyari base pa lamang sa ekpresyon ng mukha nito na nakikita niya. “Bakit? May nangyari ba?” tanong ni Addison. Iisipin pa lang sana niya na baka may customer silang nagreklamo sa lasa ng cake pero bago pa man maisip ‘yon ni Addison ay nagsalita si Eva. “Boss, nandiyan na naman kasi ‘yong ex niyo. Gusto raw ho kayong makausap.” Ani Eva. “Paalisin mo na siya. Busy ako. Wala akong panahong makipag-usap sa kaniya.” “Eh, Boss, ayaw umalis. Gusto raw po talaga kayong makausap.” Sabi ni Eva na mukhang naubusan na ng pasensiya sa ex ng amo. Napabuga ng hangin si Addison saka ibinaba ang hawak na frosting. Tinanggal niya ang suot na plastic gloves saka ang suot na apron. Naghugas siya ng kamay saka lumabas ng opisina. Nakita niya agad si Mark na nakaupo malapit sa cashier at mukha talagang hinihintay siya. “Mark.” Tawag niya sa lalaki. Agad na tumingin ito sa kaniya. “Addison.” Tumayo ito at lumapit sa kaniya. “Sumunod ka sa akin.” Mahinahong sabi ni Addison saka lumabas sa may back door. Hinintay niya si Mark doon. “Addison, please –“ Addison cut off Mark’s words. “Mark, stop coming here. Tapos na tayong dalawa.” “Addie, please, forgive me. Give me a chance.” Pagmamakaawa ni Mark. Sinubukan niyang hawakan si Addison pero umatras si Addison. “Huwag mo akong hawakan, Mark.” Malamig na saad ni Addison. Humugot siya ng malalim na hininga. “Mark, you cheated on me twice. Noong una pinatawad kita kasi akala ko magbabago ka pero inulit mo na naman. Hindi ako tanga para magpakatanga sa ‘yo.” Aniya saka tinalikuran ang lalaki. “Pero ikaw ang mahal ko!” Natawa ng pagak si Addison. “Mahal?” Lumingon siya sa lalaki. “Kung talagang mahal mo ako, naisip mo ba ako noong niloloko mo ako. Mark, tao ako. Akala ko iba ka sa lahat ng lalaki pero wala kang pinagkaiba sa kanila.” Malamig niyang saad saka nagsimula ng maglakad papabalik sa loob ng café. “Huwag ka ng pumunta ulit rito kundi tatawag na ako ng pulis sa susunod.” “Addie, kahit ayaw mo na sa akin. Hindi kita hahayaan na mapunta sa iba! Akin ka lang! Akin ka lang!” Hindi na pinansin ni Addison ang lalaki at napailing na lamang. Bumalik na si Addison sa loob ng café at kinausap si Eva. “Kapag pumunta pa siya rito at nangulit, tumawag ka na ng pulis.” “Yes, Boss.” Bumalik si Addison sa loob ng opisina saka ipinagpatuloy ang ginagawa na itinigil niya kanina. Natawa na lamang siya sa kaniyang sarili. To forget that man in her college days, she moved on and entered a new relationship. Pero mas malala pa pala dahil dalawang beses siya nitong niloko. Noong pinatawad niya ito dahil gusto niyang isalba ang relasyon nilang dalawa ni Mark. Ang sabi nito naakit raw ito at hindi nito sinasadya. She forgave him and gave him another chance, but not long after that, she caught him cheating again. Kaya tama nga ang kasabihan, “cheating is a choice. It’s not an option.” At para sa kaniya tama na ang unang beses, sobra na kung uulit ka pa. Napabuntong hininga si Addison saka tinapos ang fino-frost na cake. Magpapahinga na sana siya pero ang cellphone niya ang nahawakan niya. A notification suddenly popped up on her phone. Addison still sees the man in the picture. It’s him. Mabilis na pinatay ni Addison ang cellphone saka nagpatuloy sa trabaho. She had already closed that chapter of her life before. It’s already in the past. Kinalimutan na niya ang nakaraan at wala na siyang balak na balikan pa. She’s happy now without him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD