CHAPTER 10

1839 Words
“WHAT place is this?” nagtatakang tanong ni Stephen habang sinisipat ng tingin ang kabuuan ng lugar. Addison rolled her eyes. “Sorry, ah. Nakalimutan ko na anak-mayaman ka pala.” Sabi niya saka napailing na lamang. “Rich people,” she murmured. Stephen happened to hear what Addison had murmured but ignored it. “You can’t blame me. I’ve never been in this kind of place.” “This is a food court. Dito sila nagtitinda ‘yong mga small-scale business. At dito mo makikita ang mga murang pagkain.” Stephen could smell the aroma of the food. Amoy pa lang masarap na. But… “Is this place safe for the stomach?” he asked. Nahilot na lamang ni Addison ang kaniyang sentido. “Sa tingin mo kung hindi ligtas ang kumain sa lugar na ‘to, hindi ganito kadami ang tao na pupunta rito at isa pa, kung hindi ligtas na kainan ang lugar na ‘to edi sana matagal na akong patay.” Sabi naman niya. “Tara na. I’ll treat you since it was your birthday.” Nauna na siyang naglakad pero napatigil siya nang may maalala siya. “I’m not as rich as you. So, I can’t afford an expensive restaurant.” Ngumiti si Stephen. “I’m happy that someone will treat me on my birthday.” Aniya. “No one has ever done this for me.” Addison looked at Stephen. Itinuro niya ang kaniyang sarili. “I’m the first?” Tumango si Stephen. “You’re the first.” Hindi alam ni Addison kung ano ang nangyari, naramdaman na lamang niya ang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso. Natigilan pa siya pero hindi niya pinahalata kay Stephen. She felt excited, but then she remembered she didn’t have to be thrilled. This is not a date… wait, bakit napunta sa date? Tumikhim si Addison dahil kung anu-anong pumapasok sa kaniyang isipan. Tinalikuran niya si Stephen saka naglakad palapit sa isang Milktea Shop. Sumunod naman si Stephen kay Addison. “Anong gusto mo?” tanong ni Addison kay Stephen pagkatapos niyang sabihin sa nagtitinda ang order niya. Kaagad namang sinabi ni Stephen ang gusto niya. “Kuya, balikan po namin mamaya.” Sabi ni Addison sa nagtitinda saka hinawakan ang pulsuhan ni Stephen. Hinila niya ito patungo sa nagtitinda ng mga fishballs at kikiams. “Is this edible?” Stephen asked. Addison rolled her eyes. “Kung hindi siya nakakain, sa tingin mo may bibili?” inginuso niya ang mga taong kumakain ng kikiams. Bumili siya ng ilang pirasong kikiam at fishball saka niya ito ipinatikim kay Stephen. Kailangan pa niya itong isubo sa binata dahil mukhang ayaw talaga nitong kainin. “Kainin mo o kainin mo?” masungit na tanong ni Addison habang nakataas ang kilay. “Do I have a choice?” Stephen asked. Ngumiti lang si Addison saka sumeryoso. “Eat it.” Stephen had no choice but to open his mouth and accept the food Addison offered. May pag-aalalangan pa siyang nginuya ang pagkain na isinubo sa kaniya ni Addison. “How’s the taste? Masarap hindi ba?” tanong ni Addison. She was excited to know Stephen’s reaction. Ninamnamn naman ni Stephen ang lasa ng kikiam. Then he thumbs to Addison. “Pwede na rin.” Ngumiti si Addison. “Sabi ko naman sa ‘yo. Hawakan mo.” Pinahawak niya kay Stephen ang baso na may lamang kikiam at fishball. Bumili ulit siya ng fishball at kikiam saka sila bumalik sa Milktea Shop para bayaran at kunin ang Milktea na binili nila. “Let’s sit over there.” Itinuro ni Stephen ang lamesa na bakante. Tumango si Addison. Habang kumakain silang dalawa, napaisip si Addison. Napatitig siya kay Stephen na maganang kumakain ng kikiam at fishball. Samantalang kanina ay ayaw nito. “What’s the matter?” tanong ni Stephen nang makita ang tingin sa kaniya ni Addison. “Sandali lang.” Ani Addison. “Na-realized ko lang. Hindi naman tayo close bakit kita nililibre ng pagkain?” “Like what you said, it’s my birthday today.” Confident na sabi ni Stephen. “Pero kung may balak ka na ipabayad sa akin ang mga kinain ko? I won’t pay you.” Umiling si Addison. “Hindi naman ako ganoong tao. At isa pa hindi ako sanay na ibang tao ang nagbabayad ng pagkain ko. I just don’t understand. We’re not that close and here we are, eating together like we are friends.” Inilahad ni Stephen ang kamay. “Friends?” Tinignan ni Addison ang kamay ni Stephen na nakalahad sa kaniya. “We can be friends. Hindi natin kailangang magdaopang palad.” Aniya. Natawa na lamang ng mahina si Stephen saka ibinaba ang kamay. “Since we are friends now, I have a question for you?’ “Teka lang bago ka magtanong baka pwedeng mag-tagalog ka naman, Kuya. Dudugo ang ilong ko sa ‘yo, eh.” Stephen smiled. “Okay. Okay. Tagalog na kung tagalog.” Aniya saka napailing. “Ilan kayong magkakapatid?” Ngumunguya si Addison kaya naman ipinakita na lamang niya ang tatlong daliri. “Oh. Masaya ba ang may kapatid?” tanong pa ni Stephen. Nilunok muna ni Addison ang kinakain saka uminom ng Milktea bago sinagot ang tanong ni Stephen. "Masaya naman. Maayos ang relasyon naming magkakapatid.” Napatango si Stephen. Kumunot ang nuo ni Addison. “Bakit mo tinatanong?” Umiling si Stephen. “Somehow, I envied those people who had siblings. They looked happy. Nag-iisa lang kasi ako.” “I disagree. Minsan sa relasyon ng magkakapatid hindi naman laging masaya lamang kayo. Kami ng mga kapatid ko, nag-aaway rin kami at sa mga walang kwentang bagay pa.” Ngumiti si Stephen. “Ilang taon ka na ba?” biglang tanong ni Addison. “I turned twenty-two this year.” Natampal ni Addison ang nuo. “Kuya nga talaga kita.” “Don’t call me ‘Kuya’.” Mabilis na sabi ni Stephen. “It’s weird and uncomfortable.” “Yeah, indeed.” Sabi naman ni Addison. Tinapos nilang dalawa ang pagkain saka sila muling naglakad at nagtingin ng pagkain na gusto nilang kainin. Busog na si Addison pero hindi pa si Stephen. Men really have big stomachs. Addison said in her mind and shook her head. Nilapitan niya si Stephen. “Pwede bang umupo tayo doon?” itinuro niya ang bakanteng upuan sa may gilid. Tumango si Stephen. “Thanks for your treat.” Pasalamat ni Stephen nang makaupo sila. Ngumiti si Addison at tumango. Kapagkuwan napansin niya ang paglungkot ng mukha ng binata. “What’s the matter?” tanong niya. Umiling si Stephen. “I just realized that it has been so long since my parents celebrated my birthday with me. Lagi kasi silang abala sa kanilang trabaho. Madalas hindi ko na rin sila nakikita sa bahay.” “Your family is rich. It’s normal for them to get busy every day.” Sabi ni Addison. Huli na ng marealized niya ang sinabi niya. “Sorry. That came out wrong.” Napangiwi siya. Minsan talaga kailangan niyang lagyan ng filter ang bibig niya. “It’s okay. You just spoke what’s on your mind.” Sabi ni Stephen saka uminom ng tubig. “Nasanay na rin kasi ako sa magulang ko.” Napailing siya. “Kaya minsan ayaw kong umuwi ng bahay kasi ramdam mo ang lungkot. But in the end, I still go home hoping that my parents were home.” “And you were always disappointed if they weren’t home?” Stephen nodded. “Nasanay na ako. So, parang normal na lang na hindi ko kasama ang magulang ko.” Addison stared at Stephen. Somehow, she felt pity for him. That was only sympathy though. Mas lalong magiging kawawa ang isang tao kapag kinakawawa ito. But she couldn’t help it. Sa pamilya kasi nila, buo ang atensiyon na binibigay sa kanilang magkakapatid ng kanilang mga magulang. Minsan lamang silang hindi magkakasalo sa hapagkainan. Nangyayari lamang ito kapag nasa ibang lugar ang Daddy niya o di kaya naman ang Mommy niya. Alam niyang sobrang abala rin ang kanilang magulang lalo na ngayon at nag-e-expand ang family business nila pero may time pa rin ang mga ito sa kanila. “Kapag pinili namin ang trabaho, mapapariwara kayo. Alam ko namang mababait kayo pero iba pa rin kapag nandito kami sa lahat ng oras na kailangan niyo kami ng daddy niyo.” Minsang sabi ng kaniyang ina. “Anyway, hindi pa kita natatanong. Mag-isa ka lang bang lumabas?” tanong ni Stephen. Natawa ng mahina si Addison saka umiling. “I’m with my sister. May date siya. Ayaw kong maging third wheel kaya naman naisipan kong i-date ang sarili ko.” Napatango si Stephen. “Shorty, thank you for today.” Umiling si Addison. Hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kaniya ni Stephen ng ‘Shorty’. “Wala rin lang ako gagawin. Hinihintay ko lang ang text ni Ate kapag uuwi na kami.” “Mamayang hapon pa ‘yon.” “How did you know?” Addison asked. “It’s date. Malamang aabutin ‘yon hanggang mamayang hapon. Let’s go.” Hinawakan ni Stephen ang pulsuhan ni Addison saka ito hinila patayo. “Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Addison. “I always wanted to go to that place pero wala akong kasama. Since kasama kita ngayon, tara.” Bahagyang lumaki ang mata ni Addison. “What place?” Nakaramdam siya ng kaba. “S-stephen, huwag kang gagawa ng kalokohan.” Hindi pinansin ni Stephen ang sinasabi ni Addison. Dinala niya ito sa Fun Time Arcade ng isang mall. “Ito ang gusto mong puntahan?” naninigurong tanong ni Addison kay Stephen. Nakangiting tumango si Stephen. “I was here last year. Hindi na naulit. Let’s go.” Sumunod si Addison kay Stephen. Lumapit sila sa isang claw machine. “What do you want, Shorty? I’ll get it for you.” Sabi ni Stephen. Tinignan ni Addison ng masama si Stephen. “Kanina ko pa akong tinatawag na Shorty. Pwede ba? Just call me by my name.” “Ang liit mo kasi.” Mabilis na umigkas ang kamao ni Addison patungo sa binata pero nakailag ito. Addison tsked. Itinuro niya ang penguin stuff toy. “I want that.” Mapang-asar na ngumiti si Stephen. “Okay. Just like you, the penguin was short —” tumahimik siya noong nakita niya ang pagsingkit ng mata ni Addison. Halatang galit na ito. Kaya naman humarap na lamang siya sa claw machine saka sinubukang kunin ang gusto ni Addison na stuff toy. Pagkalipas ng ilang minuto, ibinigay ni Stephen ang stuff toy kay Addison. “Thanks.” Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ni Addison nang mahawakan niya ang stuff toy. Napangiti na rin si Stephen. Though he and Addison are not close, today he felt genuinely happy. He was pleased that someone was there for him to celebrate his special day. Sana, maulit pa ‘to. Later that day, Stephen and Addison parted ways with smiles on their faces.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD