CHAPTER 9

1793 Words
PAGDATING ni Addison sa kanilang bahay, agad siyang nagtungo sa kaniyang kwarto upang ipagpahinga ang kaniyang ulo. Agad siyang nakatulog pagkahiga niya pa lang sa kama at hindi na niya pinansin ang cellphone niya. She just tossed her cellphone on her bed and slept. Nagising na lamang si Addison nang may gumigising sa kaniya. “Addie, wake up and eat your dinner. Huwag ka na namang magpalipas ng gutom.” Malambing na saad ng Ate Allison niya. Kumunot ang nuo ni Addison saka nagmulat ng mata. Tinignan niya ang Ate niya. “Ate, anong nakain mo at ang lambing ng boses mo?” tanong niya rito. Kilalang-kilala niya ang Ate Allison niya kasi halos magkasing-ugali silang dalawa. Hindi malambing ang Ate Allison niya. Naglalambing lamang ito kapag may kailangan. "May kailangan ka ‘no?” Tinaasan niya ito ng kilay. Ngumiti si Allison. “Kumain ka na muna. Ang bait ko hindi ba? Dinalhan kita ng pagkain dito sa kwarto mo.” Umirap si Addison. “What is it, Ate?” tanong niya at bumangon. Kinuha niya ang pagkain na dala ng Ate na nakalagay sa tray. Humiga si Allison sa kama. “Anong relasyon ni Stephen?” tanong ni Allison. “Iyong vice-president ng Student Council ng college niyo.” Kumunot naman ang nuo ni Addison. Napatigil siya sa pagsubo. “Anong ibig mong sabihin, Ate?” Bumuntong hininga si Allison. “Hindi mo lang alam, sikat si Stephen sa buong University.” “And?” Addison asked. “Maraming nagkakagusto sa kaniya.” “Including you, Ate?” “Nope. Pero huwag mo sa akin ipunta ang topic, Addison. If in case you were in a relationship with him. Get ready to be hated by other girls.” Paalala ni Allison. Hindi naman sila pinagbabawalan na makipagrelasyon ng magulang nila pero kung maari sana ay magtapos muna sila bago sila magkaroon ng kasintahan. Umiling si Addison saka ngumiti sa kaniyang kapatid. “Wala akong dapat ipag-alala dahil hindi naman mangyayari ‘yang sinasabi mo, ate.” “Huh?” “I and Stephen have nothing to do with each other. Hindi ko nga siya kilala. Sina Jessica lang ang nagsabi sa akin kasi pinsan niya pala si Stephen. I mean, errr…Kuya Stephen.” Addison felt uncomfortable calling Stephen ‘Kuya’. Sa tanang buhay iisa lamang ang tinatawag niyang ‘Kuya’ at ‘yon ay ang Kuya Adrian niya. “Are you sure?” Naninigurong tanong ni Allison. Napabuga ng hangin si Addison. “Bahala ka kung ayaw mong maniwala, Ate. Sakit na talaga ‘to ng mga tao. Kapag nagsasabi ka ng katotohan, hindi sila maniniwala. Pero kapag nagsasabi ka ng kasinungalingan doon sila maniniwala.” Naiiling niyang saad saka nagpatuloy ng pagkain. “Pero hindi naman masama kung magkaroon ka ng boyfriend.” Sabi ni Allison. Napaubo si Addison. “No need, Ate. I don’t need a man.” Aniya. Tumawa si Allison. “Really?” Addison rolled her eyes. “Ate, huwag mo na lang akong tanungin kung hindi ka rin lang maniniwala sa sagot ko. Habang mabait pa ako. Tell me, anong kailangan mo, Ate? Alam kong hindi ka pumunta dito para lang sumagap ng tsismis.” Tinaasan niya ng kilay ang Ate niya. Ngumiti ng matamis si Allison. Sabi ko na nga ba. Saad ni Addison sa kaniyang isipan nang makita niya ang ngiti ng Ate Allison niya. “I have a date this weekend.” Napatigil si Addison sa pagnguya saka napatingin sa kaniyang Ate Allison. “And?” “Bakit parang hindi ka nagulat?” nagtatakang tanong ni Allison. Addison faked her gasp and pretended that she was really surprised. “Oh my god!” Pasimpleng nahilot naman ni Allison ang sentido. “Dapat hindi na ako nagtaka pa.” Sabi niya. Napailing naman si Addison at uminom ng tubig. “Ate, FYI. Nakita kita noong isang araw. May kasama kang lalaki. Siya ba?” Tumango si Allison. “Yep.” “And?” “Samahan mo ako. Please, Addie.” “Bakit naman sana?” Allison pouted. “Para may kasama ako.” “Gagawin mo lang akong third wheel, Ate. Hindi ko pinangarap maging third wheel. I would rather stay at home and do my part-time job. At least kikita pa ako.” Kibit ng balikat na sabi ni Addison. Hinawakan ni Allison ang kamay ng bunsong kapatid. “Please,” she begged. “I’ll compensate you. Anything na kapalit. You can tell me. Basta samahan mo lang ako.” Addison tsked. “Compensate?” aniya saka napangiti. “Pag-iisipan ko pa kung sasamahan kita, Ate.” “Sige na, Addie.” Tumaas ang sulok ng labi ni Addison. “Okay. Samahan kita. In one condition.” “Ano ‘yon?” mabilis na tanong ni Allison. Bahagya pang natigilan si Addison sa bilis ng Ate niya. Sigurado akong gustong-gusto niya ang lalaking ‘yon. Halatang-halata na gusto ni Ate lumabas this weekend para makipag-date. “Pay me, and I’ll go with you.” “How much?” tanong ni Allison. Lumawak ang ngiti ni Addison saka ipinakita ang kamay. “Five.” “Hundred?” Umiling si Addison. “Thousand.” “Okay.” Mabilis na saad ni Allison. Tumango si Addison. “Okay. Deal, Ate.” Aniya. But deep inside, she felt slightly guilty. She took advantage of the situation. She took advantage of her sister. “This weekend, okay? Huwag mong sabihin kay Mommy at Daddy.” Wika ni Allison saka kinuha ang pinagkainan ng kapatid. Addison just nodded. Nang makalabas ang Ate Allison niya sa kaniyang kwarto at sumara ang pinto, napailing na lamang siya saka nagpalit ng damit. Sa totoo lang, hindi naman niya talaga siya seryoso sa limang libo na kapalit ng pagsama niya sa Ate niya sa date nito this coming weekend. Sinubok niya lamang ito kung talagang gusto ng ate niya ang lumabas. Kuripot ito, eh, pero ang bilis nitong pumayag sa alok niya para lang samahan niya ito. “Pag-ibig nga naman.” Aniya. SUMAPIT ang sabado. Ang paalam ni Allison at Addison ay mamasyal sa mall. Pinayagan sila ng kanilang magulang at pinagamit pa ng kanilang ama ang kotse nito. Since may lisensya na si Allison siya na ang nagmaneho patungo sa destinasyon nila. Addison took a deep breath. “Sana lang hindi malaman nila mommy at daddy kung saan ba talaga tayo pupunta, Ate.” “Hindi nila malalaman kung hindi mo sasabihin.” Sabi naman ni Allison. Addison shrugged her shoulders. “Kahit naman hindi ko sabihin. Posibleng malaman nila sa ibang tao.” “Ah, basta. Dapat hindi nila malaman sa ‘yo.” “Okay.” Sabi na lamang ni Addison. Wala naman talaga siyang balak sabihin sa magulang nila ang tungkol rito dahil siguradong pati siya ay mananagot lalo pa at nagsinungaling silang dalawa ng Ate niya. Nang makarating sila sa mall, sa parking lot, hindi na bumaba si Addison. “Just text me, Ate. Ayaw kong sumama sa inyo ng ka-date mo. Ayaw kong magmukhang third wheel. Dito na lang muna ako.” “Hindi ka lalabas? Window shopping?” “Mamaya na siguro, Ate.” Sabi ni Addison. “Okay. Sige.” Ngumiti si Allison saka bumaba ng kotse. Sinundan naman ni Addison ng tingin ang Ate Allison niya. She took a picture of the man her sister with. Mahirap na ang magtiwala sa panahon ngayon ‘no. Nang mawala ang dalawa sa paningin niya saka naman siya bumaba ng kotse. Alam niyang matatagalan ang Ate niya sa date nito kaya naman mamasyal na lamang siya mag-isa kaysa naman maboring siya sa kakahintay. Addison strolled in the mall on her own. Pagkalipas ng dalawang oras na paglilibot, nadaanan niya ang isang fast food. Naisipan niyang pumasok roon at kumain na muna. Umorder siya ng fries, burger at drinks na rin. Habang hinihintay ni Addison ang order niya, may umupo sa tapat niya. “Hi, Shorty.” Nakangiting bati ni Stepehn. Tinaasan ni Addison ng kilay ang lalaki. “Sa dami ng tao sa mundo ikaw pa talaga ang nakita ko.” Inis niyang saad. Sira na agad ang araw niya. “Parang ayaw mo akong makita, ah.” “Hindi talaga.” Wika ni Addison saka tinignan ang paligid. Ibinalik niya ang atensiyon kay Stephen. “Ang daming bakante.” “Alam ko pero pinili kong maupo dito. Mukha ka kasing walang kasama.” “Meron. Iyong anino ko.” Pilosopong sabi ni Addison. Napailing na lamang si Stephen. “Come on, Shorty. Mag-isa ka lang, mag-isa rin ako. Just let me sit here.” “Suit yourself.” Ngumiti si Stephen. Sabay na dumating ang order nilang dalawa. “Hindi ba mayaman ka?” Hindi napigilan ni Addison ang sarili na magsalita. “Ah?” “It’s surprising to see you here.” Sabi ni Addison at uminom ng coke. Natawa ng mahina si Stephen pero agad na nagseryoso ang kaniyang mukha. “I always came here alone to get rid of my sadness or to celebrate my birthday.” Napatango si Addison. “Mag-isa mo lang ba?” tanong niya. “How about your parents?” Umiling si Stephen. “They’re too busy to remember my birthday.” Aniya at mahinang napabuntong-hininga. Ngumiti si Addison. “My parents were always there for us. Kahit sino sa mga kapatid ko, lagi namin silang kasama kapag mahalagang okasyon o kahit sa mga simpleng bagay.” Pagkwento niya. “You’re lucky.” May inggit na saad ni Stephen saka napatitig na lang sa fries na hindi pa niya nasisimulang kainin. “Yeah, I’m lucky —” napatigil si Addison nang may marealized siya. Tumingin siya kay Stephen. “You…” “What’s the matter?” Stephen asked. “Birthday mo ngayon?” gulat na tanong ni Addison. Tumango si Stephen saka nagkibit ng balikat. “It’s just a normal day though.” Itinulak ni Addison ang burger na hindi pa niya nakakain sa harapan ni Stephen. “Happy birthday.” Bati niya. “Don’t worry, bukal sa loob ko na binati kita.” Aniya. Ngumiti si Stephen. “Thanks. I’m happy that someone remembered it other than my friends.” Addison felt guilty because of her attitude towards him. Napabuga siya ng hangin. “May pupuntahan ka ba sa araw na ‘to?” Umiling si Stephen. “Let’s go.” “Huh?” “Let’s have fun. I’ll treat you since it’s your birthday pero huwag kang humiling ng mahal baka maubusan ako ng pera.” Sabi ni Addison saka pina-take out na lamang ang mga hindi pa nila nakain. “Fun? Where?” Stephen asked. Ngumiti si Addison. “Come with me.” Nauna na siyang umalis. Napangiti naman si Stephen saka sumunod kay Addison.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD