PAPARATING na ang araw ng Sportsfest. Ilang araw na lamang ay sportsfest na. Sobrang abala ang lahat ng kanilang Student Council, faculty and staff. Pati na rin ang mga estudyante na sasali sa event ng sportsfest ay sobrang abala rin.
Habang si Addison ay tahimik lamang na nakaupo sa bench na nasa gilid ng kalsada at nagbabasa. Mag-isa lamang siya at gusto niya ng tahimik kaya naman nandito siya. Hapon na kaya naman wala ng masyadong estudyante. Abala ang college nila sa paghahanda para sa sportsfest kaya naman wala masyadong klase.
“Hi.”
Nagulat pa si Addison nang may biglang salita. Nakapokus siya sa kaniyang binabasa kaya naman hindi niya napansin na may lumapit sa kaniyang tao. Nag-angat siya ng tingin. She didn’t know why she was disappointed that it was not Stephen. It’s someone that she doesn’t know, and she’s not interested in knowing.
“Yes?” Addison asked.
Ngumiti ang lalaki. “Mind if I sit with you?”
Ibinalik ang tingin ni Addison sa binabasang libro. “Hindi sa akin ang school at ang mga nandito. Umupo ka kung gusto mo. Basta huwag kang maingay.”
“Okay. But I can’t promise you. What’s your name? I’m Alejandro Najera by the way, Aled for short.”
Tumango lang si Addison. “Addison.” Pakilala niya sa kaniyang pangalan saka tumahimik na ulit.
Aled was talking and talking, while Addison was nodding and shaking her head. Napansin ni Aled na hindi interesado ang kausap niya kaya naman tumahimik na lamang siya.
Lumipas yata ang kalahating oras nang dumating naman si Stephen sa kinaroroonan ni Addison.
“You’re alone again.” Sabi ni
Addison just shrugged. “I like this kind of peace.”
Napailing si Stephen saka tumabi kay Addison. Napabuga siya ng hangin kaya napatingin sa kaniya ang dalaga.
“Tired?” Addison asked when she saw Stephen’s estate.
Tumango si Stephen. “Marami akong ginagawa. I was also pissed because the other officers wouldn’t listen to me. Kaya pumunta ako rito. I chatted with you but you didn’t reply.”
“I’m offline.” Sabi naman ni Addison. “At times like this, I don’t want any disturbances.”
“You’re really an introvert person.”
“And your extrovert,” Addison said.
“That’s why we are a match.”
Sumimangot si Addison. “Hindi ako posporo.”
Malakas na natawa si Stephen saka napailing na lamang. Sumandal siya sa kinauupuan pero bago pa man siya makasandal mabilis na itinapon ni Addison ang jacket nito sa mismong likuran ni Stephen kaya ito ang nasandalan niya.
“Marumi ang bench. Puti pa naman ang suot mo. Maawa ka naman sa mga naglalaba ng damit mo. Though katulong niyo sila at sinuswelduhan pero mahirap ang maglaba.”
“Pero ang jacket mo ang marurumihan.”
“Hindi naman kita ang dumi diyan kasi itim.” Ani Addison habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa librong binabasa. Kapagkuwan itiniklop niya ito at tinignan ang binata. “Anong ginagawa mo rito?”
“I’m tired, so I came to rest here.”
Addison tsked. “Mahirap ang maging officer hindi ba?”
“Yeah.”
Napailing si Addison. “Bakit ka kasi pumasok sa Student Council?” tanong niya.
Ngumiti lang si Stephen.
“Oo nga pala. Pinapahanap ka ng mga kaibigan mo. Kailangan ka yata nila.”
Kumunot ang nuo ni Addison. “Bakit daw?”
“Hindi ko alam pero magpapatulong yata sila.”
Tumayo si Addison.
“Oh, saan ka pupunta?” tanong ni Stephen.
“Sa mga kaibigan ko.”
“Alam mo ba kung nasaan sila?”
Nagkibit ng balikat si Addison. “Sa office niyo.”
Umiling si Stephen. “Nasa auditorium sila ngayon para sa practice nila.”
“Oh.” Nasabi na lamang ni Addison saka naglakad patungo sa auditorium.
Sumunod naman agad si Stephen kay Addison.
“Sino ‘yong kasama mo doon kanina?” tanong ni Stephen.
Umiling si Addison. “Someone I do not want to know. Hindi ko alam basta nakiupo na lamang siya doon.”
“Be careful of your surroundings. Sometimes other people approach you because of ill intention."
Tumigil si Addison sa paglalakad at tumingin kay Stephen. “You’re concerned about me?”
Mabilis namang nag-iwas ng tingin si Stephen. “I…”
Natawa ng mahina si Addison. “Binibiro lang kita. Ito naman.” Aniya saka sinabayan si Stephen sa paglalakad.
Habang naglalakad sila, may humarang sa kanilang grupo ng mga babae at nagbigay kay Stephen ng card.
Pigil naman ni Addison ang matawa.
Then someone also confessed her feelings to Stephen.
Ngumiti si Stephen. “Sorry, Miss. I already have someone I like.” Aniya saka tinignan si Addison na nakalayo. Hinabol niya ito. “Ang bilis mong maglakad.”
Nagkibit lang naman ng balikat si Addison. “So, how does it feel to have someone confess her feelings to you?”
Umiling lang si Stephen. “She’s a kid. What they feel is just a fancy thing.”
Ngumiti lang ng tipid si Addison. At least he doesn’t take advantage of other people.
Pagdating nilang dalawa sa auditorium, hinatid ni Stephen si Addison sa mga kaibigan nito.
“Nandito ka na rin sa wakas.” Wika ni Jane na mukhang nakahinga pa ng maluwang.
“Bakit?” tanong ni Addison.
“Come here and help us.” Hinila ni Jane si Addison at dinala niya ito sa harapan ng costume ni Jessica at Marie na gagamitin nila sa pageant.
“Anong gagawin ko rito?”
“Just put these beads on the waist. Magaling ka sa paglalagay, eh.” Sabi ni Jane.
Hindi na umimik si Addison at ginawa na lamang ang pinapagawa ni Jane. Lumipas ang oras at hindi namalayan ni Addison ang oras. Gabi na ng tumingin siya sa labas. Hindi man lang niya napansin ang oras. Mabilis niyang tinignan ang cellphone niya at nakailang miss call na pala ang Mommy niya.
She was about to call her mom, but her mom was calling again.
Sinagot ni Addison ang tawag. “Mommy.”
“Nasaan ka? Are you okay, anak? Hindi ka naman napahamak ‘di ba? Anak, we’re worried.” Nag-aalalang saad ng ina ni Addison.
“Mom, I’m alright. Nandito po ako sa school. Tumutulong po ako sa paggawa ng costume na gagamitin para sa pageant.”
Hazel’s sigh of relief could be heard from the other line. “Akala ko naman kung napaano ka na. Hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko. Saka gabi na.”
“Sorry, Ma. Naka-silent po kasi ang phone ko.”
“Susunduin ka ba namin, anak?”
“Hindi na po, Mommy. May sasakyan pa naman ng ganitong oras.” Sabi ni Addison. Alam niyang pagod ang magulang niya. Mas mapapagod ang mga ito kung susunduin pa siya.
“Sige. Sige. Pero kapag walang sasakyan tumawag ka para sunduin ka namin ng daddy mo.”
“Sige po, Mommy.”
“Update me, okay?”
“Okay po.”
When the call ended, Addison smiled. Si Mommy talaga.
“Uuwi ka na ba?” tanong ni Jane sa kaibigan.
Tumango si Addison. “Kanina pa tumatawag si Mommy, eh. Bukas na lang ulit.”
“Sige. Sige. Pero may sasakyan pa ba?” tanong ni Jane. “If not makikiusap ako kay —”
“Ihahatid ko siya.” Sabad ni Stephen na kakalapit lang sa kanila.
“Huwag na. May sasakyan pa naman sa ganitong oras—”
“I insist.” Seryosong sabi ni Stephen. “Gabi na at isa pa, babae ka.”
“You’re worried about me?” nang-aasar na tanong ni Addison.
Stephen rolled his eyes. “Yes.” Mahina niyang sagot. “Let’s go.” Nauna na siyang naglakad palabas ng auditorium at sumunod naman si Addison.
“Get in.” Binuksan ni Stephen ang pinto ng kotse.
Sumakay naman agad si Addison.
Stephen closed the car’s door and walked to the driver's seat. Isinuot niya ang seatbelt saka bumaling sa dalaga.
“Saan ka nga pala nakatira?”
“Sa bahay namin.”
Stephen sighed. “Alam ko pero saan banda?”
Addison smiled and told Stephen her house address.
Stephen was about to maneuver the car, but he noticed that Addison wasn’t wearing her seatbelt.
Tinanggal niya ang suot na seatbelt. He leaned toward Addison and reached for her seatbelt.
“A-anong ginagawa mo?” napaatras si Addison pero siyang maaatrasan dahil sandalan na ng upuan ang nasa kaniyang likuran.
“Seatbelt mo.” Sabi ni Stephen saka inabot ang seatbelt ni Addison. Siya na ang nagkabit. “Safety first.”
Sobrang magkalapit silang dalawa at parehong mabilis ang pagtibok ng puso ng isa’t-isa. Rinig na rinig nila ang mabilis na pintig ng puso ng bawat isa.
Stephen looked at Addison. Ilang dangkal lang ang layo ng mukha nila at konti na lang ay magdidikit na ang kanilang labi.
Ngumiti si Stephen. “Ang ganda mo kahit maliit ka.”
Naningkit bigla ang mata ni Addison at nainis dahil sa huling sinabi ni Stephen kaya itinulak niya ito.
Tumatawa naman si Stephen saka sumayos ng upo at ikinabit ang sariling seatbelt. He started the car’s engine and drove the car towards its destination.
Walang imikan sa dalawa habang nasa biyahe sila. Sa sobrang katahimikan, muntikan pang nakatulog si Addison.
“You can sleep.” Sabi naman ni Stephen.
Umiling si Addison. “I don’t trust you.”
“Huh?”
“Baka sa ibang lugar mo ako dalhin.” Sabi ni Addison. “I apologize if I offended you, but that’s what my mom said. Men are hard to trust.”
Napailing na lamang si Stephen. “Bahala ka na nga kung anong isipin mo.” Aniya.
When they arrived in front of the gate of Addison’s house, Stephen looked at Addison’s house. “Your family is well-off.” Aniya.
“Not rich as you.” Sabi naman ni Addison. “Salamat sa paghatid.”
“Salamat sa pagtulong.”
Addison just waved her hand and entered the gate.
Nang makita ni Stephen na nakapasok na si Addison sa loob, umalis na rin siya at umuwi.