NAGKATITIGAN si Addison at Allison nang pareho silang lumabas ng kanilang kwarto. Pareho silang nakabihis at halatang may mahalagang pupuntahan.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Allison sa kapatid niya.
Ngumiti si Addison. “Saan ka rin pupunta, Ate?”
“I have a date.”
Addison smiled again. “I have a date too.”
Nagulat si Allison. “Alam ba ni mommy at daddy?”
“Malamang hindi. Alam kong hindi rin alam ni Mommy at Daddy na makikipag-date ka ngayon.” Sabi ni Addison. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. “Ate, we are both going into a date.”
“So…”
Tumamis ang ngiti ni Addison. “So, we both know what to do.”
Natawa na lamang ng mahina si Allison saka tumango. “Okay. Mom and Dad are not home. May business trip sila sa ibang lugar so we’re free.”
“How about Manang Emilda?” tanong ni Addison. Pagtukoy niya sa kanilang kasambahay na matagal na nilang kasama sa bahay.
Nagkibit ng balikat si Allison. “Mabait naman tayo, ah. At isa pa hindi nila malalaman kung walang magsasalita sa atin.”
Tumango si Addison. “Okay.”
Pagkalabas nila ng gate, nagpara sila ng taxi at sumakay. Nagpahatid sila sa sentro ng kanilang lugar.
“Call me if anything happens.” Bilin ni Allison sa nakakabatang kapatid. Medyo nag-aalala kasi siya para kay Addison. Alam niyang ito ang unang beses na lumabas si Addison para makipag-date. She’s a little bit worried.
Tumango si Addison.
“Sandali.”
“Bakit, Ate?”
“Sino ka-date mo ulit?”
Ngumiti si Addison. “Stephen.”
Allison gaped at her sister. “He what?”
Addison chuckled and waved her hand. “Bye, Ate. See yah!”
Allison could only sigh. Hindi pa rin siya panatag kaya naman nag-chat siya kay Stephen. ‘Don’t take advantage of my sister if you still want to see the sun tomorrow. And yes, I’m threatening you.’
Addison went to the coffee shop near the mall. Agad niyang nakita si Stephen na naroon at nakaupo sa isang sulok. She smiled and walked towards him. Tinapik niya ang balikat nito.
“Anong iniisip mo?” tanong niya saka umupo sa harapan ng binata.
Stephen smiled and shook his head. “Nothing. I just received a threat.”
“Was it serious?” tanong ni Addison.
Umiling si Stephen. “It’s just a concern of someone.” Aniya. “Here’s your coffee.” Itinulak niya palapit kay Addison ang isang kape na nasa kaniyang harapan.
“Thanks.” Tinignan ni Addison ang kape at hindi pa ito nabuksan.
“I didn’t drink on it. Don’t worry.” Sabi ni Stephen. “You’re too cautious.”
“Sorry. It’s just that I’m not used to someone buying me to eat and drink.” Wika ni Addison saka tipid na ngumiti. “Are we going on a road trip just like we agreed yesterday?”
Tumango si Stephen. “Yeah, so, feel free to buy anything you want. It’s on me.”
Kumislap ang mata ni Addison. “Talaga?”
“Yes.”
Mabilis na tumayo si Addison saka pumunta sa saleslady na nasa likod ng counter.
Natawa na lamang ng mahina si Stephen. “Para talaga siyang bata minsan.” Mahina niyang saad. “But she’s cute when she’s childish.” Aniya. Tumayo siya at sumunod kay Addison sa may counter.
“I’ll pay for it.” Sabi ni Addison. “Road trip tayo hindi ba? So, that means hati tayo. Sa ‘yo ang gas, sa akin ang pagkain.”
“I’m the man. I should pay.”
Umiling si Addison. “Mahal ang gas ngayon ‘no. So, just let me. I don’t want to take advantage.” Aniya sa seryosong boses.
Napabuntong hininga na lamang si Stephen saka napatango. “Okay. It’s up to you.” Sabi na lamang niya dahil nakikita niyang seryoso talaga si Addison sa sinabi nito.
Stephen lets Addison get the food she wants, and she pays for it.
“So, road trip lang ba ang gagawin natin ngayong araw na ‘to?” tanong ni Addison nang makalabas sila ng coffee shop.
Tumango si Stephen. “May iba ka bang gustong gawin?”
Umiling si Addison. “Wala naman. Parang gusto ko lang din magroad trip buong maghapon. I was tired of doing all my homework last night.”
Ngumiti si Stephen. “Mas mapapagod ka kapag fourth year ka na.”
“Mahirap ba talaga kapag fourth year na?” tanong ni Addison having pinapanood si Stephen na ilagay ang mga pagkain sa may backseat ng kotse nito.
“I don’t want to pressure you, but yes. Mas mahirap na sa fourth-year mas lalo na kapag second semester. I’ll be having my on-the-job training next sem.”
Addison pouted. Binuksan niya ang pinto sa passenger seat at sumakay.
Umikot naman si Stephen patungong driver seat.
“Don’t pout. Ganoon talaga.”
“Parang ayaw ko ng mag-aral.” Sabi ni Addison at parang nawalan ng lakas na napasandal sa kinauupuan.
Napailing si Stephen. Kapagkuwan nakita niyang hindi na naman nakakabit ang seatbelt ni Addison. He leaned towards her, and he put her seatbelt on her.
“Thanks.”
Bahagyang natigilan si Stephen saka tumingin kay Addison. “Bakit parang mas bumait ka na ngayon sa akin?”
“So, gusto mong magsungit ako sa ‘yo ng magsungit. Pwede ko namang gawin ‘yon.”
Umiling si Stephen. “It’s better this way,” Nakangiti niyang saad.
They started their road trip. Addison even opened the window beside her to feel the road trip. Minsan ay tumitigil rin sila kapag may nakita silang magandang tanawin. They capture photos and even take pictures of each other.
“Itabi mo muna.”
“Bakit?”
“I’m hungry.” Sabi ni Addison.
Natawa ng mahina si Stephen saka iginilid ang kotse.
Kinuha naman ni Addison ang pagkain sa may backseat saka lumabas. Lumabas rin si Stephen sa kotse.
Pareho silang umupo sa hood ng sasakyan at kumain.
Stephen stared at Addison. Nakatitig naman si Addison sa tanawin na nasa malayo kaya hindi nito napansin ang tingin sa kaniya. Good thing Addison has already reached the right age or else he will be subjected to coveting a little girl.
“Shorty.”
“Hmm?” Lumingon si Addison kay Stephen at natigilan siya nang makita ang titig sa kaniya ng binata. “Bakit ganiyan ang tingin mo sa akin?”
Ngumiti si Stephen. Umangat ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ni Addison. Nagkatitigan silang dalawa.
“Shorty?”
“Hmm?”
“Bakit ang liit mo?”
Biglang tinapik ni Addison ang braso ni Stephen.
Stephen chuckled. “Ito naman. Binibiro lang kita.”
Umirap si Addison. “It’s not funny, Mr. Villamor.”
Umangat ang kamay ni Stephen saka pinisil ang pisngi ni Addison. “I’m just teasing you.” Aniya. Inabutan niya ang dalaga ng hawak niyang cupcake. “Why do girls love sweets?” he couldn’t help but ask Addison.
“Dahil sa pagkain lang kami hindi naloloko. Ang mga lalaki kasi, matamis magsalita minsan pero hindi naman napapanindigan.” Then Addison looked at Stephen. “Some men. I’m not referring at all.”
“Pero bakit parang nagpapatama ka? You looked at me like you’re saying I’m one of those kinds of men.’
Ngumiti si Addison. “Bakit? Ganun ka ba?”
“No.” Mabilis na wika ni Stephen.
Addison shrugged. “Then don’t feel guilty.”
“I am not.” Inis na saad ni Stephen. “To tell you honestly, even though my parents aren’t home often, I have Manang Lita to teach me things that my parents couldn’t teach.”
Humigop ng kape si Addison at napatango. “Tell me.”
Stephen sighed. He glanced at Addison. “You’re interested in knowing about me?”
Addison rolled her eyes again. “Ang sabi mo kilalanin mo ako at kilalanin kita. This is it.”
Napangiti si Stephen. “Lumaki na kadalasan na ang mga kasambahay namin ang kasama. Si Manang Lita ang nagturo sa akin ng mga simpleng bagay na kailangan kong matutunan. She taught me how to respect girls, and my elders. So, I couldn’t even yell at my parents.”
Addison thumbs up. “Manang Lita is a good teacher. That’s good. Natuto ka.” Aniya.
“Do you think so?”
Tumango si Addison. “I could say that you really respect girls. Ilang beses mo akong hinatid sa bahay noong tumutulong ako para sa sportsfest. At gabi na tuwing hinahatid mo ako. If you have any ill intention, you would not have sent me to my house.” Nagkibit siya ng balikat. “Honestly, at first, I wasn’t comfortable with you around.”
“But now? Are you comfortable now?”
“Sa tingin mo ba sasama ako kung hindi ako komportable sa ‘yo?” Balik ni Addison kay Stephen.
Stephen smiled. Nang may bigla siyang naalala. “Remember our deal? You told me to do a favor.”
Napatango naman si Addison. “Yeah, what about it? Anong gusto mong gawin ko?”
Hinawakan ni Stephen ang kamay ni Addison. “You’re my girlfriend now.”
Nanlaki ang mata ni Addison. “K-kapal mo, ah. Isang linggo ka pa lang na nanliligaw. Bakit sigurado ka ba na gusto rin kita?” Galit-galitan niyang saad.
“Hindi ba?”
Addison rolled her eyes. Tumikhim siya.
“Come on, Shorty. Your eyes can’t lie. “Pero kahit naman tayo na, liligawan pa rin kita.”
“Whatever you say.” Nasabi na lang ni Addison.
Lumaki ang mata ni Addison. “You agreed to be my girlfriend.”
“The favor.” Paalala ni Addison.
Sa tuwa, niyakap ni Stephen ang dalaga. “Thank you, Shorty.”
Tinapik ni Addison ang likod ni Stephen. “Baka pwedeng pakawalan mo na ako. Hindi maganda kung may makakita sa atin dito na nagyayakapan.”
Pero hindi inasahan ni Addison ang sunod na gagawin ni Stephen. Hinalikan siya nito bigla sa pisngi at hindi niya napaghandaan ‘yon kaya naman bahagya siyang nagulat.
“You…”
Ngumiti si Stephen saka itinaas ang kanang kamay para manumpa. “I promise to treat you well.”
Addison just smiled and nodded her head.
Tumabi si Stephen kay Addison at magkatabi nilang pinanood ang tanawin sa kanilang harapan.