NANG magising si Stephen, alas kwatro na ng hapon. Medyo magaan na ang pakiramdam na at hindi na mabigat katulad kanina. Bahagya siyang natigilan nang makita niya si Addison na nakaupo sa pang-isahang sofa na malapit sa bintana at nagbabasa.
Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ni Stephen. “You’re still here.”
Mabilis na nag-angat ng tingin si Addison. “Gising ka na pala.” Aniya. Itiniklop niya ang binabasang libro saka tumayo. Lumapit siya kay Stephen saka sinalat ang nuo nito. Napatango siya nang maramdaman niyang hindi na mainit ang binata. “Kumusta ang pakiramdam mo?”
“I feel better now.”
“Mabuti naman kung ganun. Nag-aalala si Manang Lita sa ‘yo. Mabuti na lamang at nagpawis ka ng nagpawis. Gagaan ang pakiramdam mo kung ganun lalo na kung may sakit ka.”
Napatingin si Stephen sa suot na damit. Napalitan na ang damit niya. Tumingin siya kay Addison. “You changed my clothes?”
“Hindi. Si Manang Lita at Kuya Benjie ang nagpalit sa ‘yo.”
“Oh.” Nasabi na lamang ni Stephen saka inangat ang kalahati ng katawan saka sumandal sa headboard ng kama. “Have a seat.” Tinapik niya ang espasyo sa gilid ng kama.
Umupo si Addison sa gilid ng kama ni Stephen. She glanced at him. “May I ask you something that may invade your privacy?”
Stephen nodded. “Okay. I don’t mind.”
Huminga muna ng malalim si Addison saka nagtanong. “Are you venting your own anger at yourself, Stephen?”
Natigilan si Stephen. Kumunot ang nuo niya. “What do you mean?” he asked.
“May tampo ka sa mga magulang mo hindi ba? You were hoping that when you got sick, they would come home and take care of you.” Seryosong sabi ni Addison.
Nag-iwas ng tingin si Stephen dahil totoo ‘yon. Tinamaan siya sa sinabi ni Addison. The reason why he doesn’t eat and take his medicine is because he wanted to get his parents' attention.
“But you failed to get their attention, right?” maingat na tanong ni Addison.
Tumango si Stephen. Pagak siyang natawa. “Yeah, I failed. So, when I am sick, I think of death.”
Hinawakan ni Addison ang ilang hibla ng buhok ni Stephen saka ito hinila. “Hindi ‘yon maganda. Hindi mo dapat pinapahirapan ang sarili mo. Stephen, I grew up in a loving and caring family, so I don’t understand what it feels when your parents don’t give attention to you. Pero sa tingin ko hindi rin maganda na pahirapan mo ang sarili mo para makuha ang atensiyon nila. Ikaw rin lang ang mahihirapan.”
Inabot ni Stephen ang kamay ni Addison at hinawakan ito. He felt that he could trust Addison, so he let her see his weak side. “Hindi ko alam. Hindi ko alam.” Tumulo ang luha niya. “Mula bata ako ganito na ang nangyayari sa pamilya namin. Yes, we are wealthy. Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko pero hanggang doon lamang ‘yon. Totoo nga ang kasabihan na kailanman hindi nabibili ng pera ang tunay na kasiyahan.” Seryoso niyang saad.
Nag-iwas ng tingin si Addison saka hinila ang kamay na hawak ni Stephen pero humigpit ang hawak ng binata sa kamay niya.
“Stephen, ang kamay ko.” Ani Addison. Sinusubukan niyang hilain ang kamay niya pero mahigpit ang hawak ng binata sa kamay niya.
“Shorty, may I ask you something?”
Tumango si Addison. “Bitiwan mo muna ang kamay ko.”
“Ayoko.” Sabi ni Stephen. “Addison, kung sakali ba na ligawan kita, may pag-asa ba na maging tayo?”
Nanlaki ang mata ni Addison at napatingin kay Stephen. “A-anong…”
Ngumiti si Stephen. “I like you.”
Addison’s eyes widened even more.
Natawa si Stephen. “You’re cute.” Aniya saka inabot ang pisngi ni Addison at pinisil ito. “Shorty, can I court you?”
“I…” hindi makasagot si Addison at nakatitig na lamang siya kay Stephen. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya. Did he just confess to me?
“Shorty? Addison?” Stephen waved his hand in front of Addison’s face.
Mukhang natauhan naman ang dalaga sa ginawa niya. “U-uh… ano ‘yon?”
“You’re blushing.”
Mabilis na hinawakan ni Addison ang magkabilang pisngi. Ramdam niya ang pag-iinit nito. “I…” Tumingin siya kay Stephen and he was smiling.
“It’s rare to see you like this.” Sabi ni Stephen. “Madalas kasi na seryoso ka at hindi ngumingiti. Ang sungit mo kaya.”
“It’s your fault!”
Natawa ng malakas ng Stephen. “Then I’m honored.”
Addison clicked her tongue and rolled her eyes.
Napailing na lang si Stephen nang bumalik na naman ang dating Addison na masungit. “But I will court you.”
“Liligawan mo ako? We’ve only known each other for not more than three months.” Seryosong sabi ni Addison.
Pero ngumiti si Stephen. “Yeah, indeed. But we can get to know each other. Kilalanin kita at kilalanin mo rin ako. Hindi naman kita minamadali na sagutin ako.”
“Why me?” tanong ni Addison. “Marami namang babae diyan ang nagkakagusto sa ‘yo.”
“Marami nga pero nag-iisa ka lang naman.” Sabi ni Stephen.
Addison tsked. “Men’s mouths are really good at deception.” Inis niyang saad.
Natawa na lamang si Stephen. It’s useless kung kokontrahin pa niya ang sinabi ni Addison. Tinignan niya ang oras. “It’s quarter to five. You should go home. I’ll ask Manong Lando to give you a ride.”
“No need. Kaya ko namang umuwi ng mag-isa.”
Umiling si Stephen. “I insist, Shorty. Hindi ako mapapanatag kapag hindi kita pinahatid sa bahay niyo. Let me, please.”
Somehow, Addison got softened by the word ‘please’ from Stephen. Tumango siya. “Okay. Rest well. Eat and take your meds.”
Tumango si Stephen at ngumiti.
“Makinig ka. Don’t be stubborn again.” Paalala ni Addison.
“I got it. I’ll listen to you, okay?”
Tumaas ang sulok ng labi ni Addison. Umalis na siya at paglabas siya ng mansyon nila Stephen nasa labas na ang maghahatid sa kaniya.
Pagdating niya sa kanilang bahay, nag-text siya kay Stephen na nakarating na siya sa bahay nila. And she also thanked him.
“Addie.”
Napatingin si Addison sa Ate Allison na pababa ng hagdan. “Ate?”
“Okay ka lang ba? May sakit ka ba?” Mabilis na bumaba si Allison ng hagdan saka sinalat ang nuo ng kapatid. “Wala ka namang sakit pero bakit namumula ka?”
Napahawak agad si Addison sa sariling pisngi. Kapagkuwan nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang ngiti na gustong kumawala sa kaniyang labi.
“Oh, bakit parang kinikilig ka pa?”
Ngumiti si Addison saka yumakap sa kapatid niya. “Masaya lang ako, Ate.” Aniya saka pinakawalan ang Ate niya. Patakbo siyang umakyat ng hagdan.
“Addie, huwag kang tumakbo! Baka madapa ka!”
“Got it, Ate!”
Addison went to her room. She closed the door after she went inside, tossed her bag on the bed and jumped on her bed. Ibinaon niya ang mukha niya sa unan at sumigaw. Ramdam niya sa sarili niya sa sobrang saya niya.
Was it because of Stephen?
Addison chuckled.
Then she heard her phone beeped. Mabilis niyang kinuha ang phone niya sa bag at nakaramdam siya ng excitement nang makitang si Stephen ang nag-text.
‘I’m fine now. Makakapasok na ako bukas. I’ll buy you coffee tomorrow.’
Ngumiti si Addison. ‘Okay…’ Before she could hit send, naisip niyang parang emotionless naman ang reply niya sa binata. Nakailang bura siya ng ire-reply niya kay Stephen hanggang sa nag-thumbs up na lamang siya.
This was all new to her. It was her first time feeling this kind of excitement. Though kinikilig na siya sa mga pinapanood niyang c-drama, iba pa rin talaga kapag totoong tao ang nagpakilig sa ‘yo.
THE NEXT DAY. Another day. Kasalukuyang nagbabasa si Addison ng kaniyang notes dahil may quiz sila nang kinalabit siya ni Jessica na katabi niya.
“Si Kuya Stephen oh.” Itinuro ni Jessica ang nasa labas.
Mabilis namang tumingin si Addison sa labas. Nasa tabi siya ng bintana at nakita niya si Stephen na nakatayo sa tabi niya ngunit nasa labas ito ng room.
“Masyado kang nakapokus diyan sa notes mo. Hindi mo na napansin na kanina pa may ibang tao na naghihitay rito na mapansin mo.” Sabi ni Stephen saka inabot ang kape kay Addison.
“Thanks.”
Ngumiti si Stephen. “Lunch later.”
Tumango si Addison.
Umalis na si Stephen.
Nakangiti namang tinignan ni Addison ang hawak na kape. Pero nawala ang ngiti niya nang maramdaman ang titig sa kaniya ng mga kaklase niya mas lalo na ang mga kaibigan niya.
“What was that?” Jane asked.
“What’s the real score between you and Kuya Stephen?” Jessica asked.
“Is he courting you?” Marie asked.
Addison blushed. She smiled. “Don’t ask. Don’t be so nosy, guys. Mag-review na lang tayo.” Aniya saka humigop ng kape. Tinignan niya ang phone niya nang maramdaman niyang nag-vibrate ito.
‘Good luck with your quiz, Shorty.’
Gumuhit na lamang ang ngiti sa labi ni Addison.
With coffee, she faced the day being inspired.