LUNCH TIME. Addison was eating at the canteen with her friends when Stephen’s friends approached them and sat with them.
“Ang daming bakanteng lamesa. Baka pwedeng doon kayo mga Kuya.” Sabi ni Jane.
“Yep, girls will hate us.” Sabi naman ni Jessica.
Alex sighed and said, “Let them hate you.”
Tinignan ni Jessica ng masama si Alex. “Eh, kung sakalin kaya kita diyan.”
Tumawa lang naman si Alex.
“What are you doing?” tanong ni Christian kay Marie nang makita niyang busy ang dalaga sa pag-cellphone.
“I’m chatting on our group chat. Sinasabi kong huwag kaming kuyugin mamaya dahil hindi naman namin kayo inaya na makiupo sa amin.” Wika ni Marie. “Lumayo ka sa akin, Kuya.” Aniya nang sumilip si Christian sa kaniyang phone.
Natawa ng mahina si Addison saka tumayo. Lumapit siya sa kitchen staff saka umorder ng isang litrong softdrink at kumuha na rin siya ng baso. Nagpatulong na lamang siya sa kitchen staff na magdala ng baso sa mesa nila dahil hindi naman niya kayang buhatin ang lahat. Kapag nabitawan niya at nabasag kasalanan pa niya.
“Thanks, Addison,” Christian said. Ito na ang naunang kumuha ng softdrink.
“Ikaw daw magbabayad diyan.” Pagbibiro ni Marie.
“It’s on me.” Wika ni Addison saka napailing.
“Wait, bakit parang kulang kayo.” Sabi ni Jessica. “Nasaan si Kuya Stephen?” tanong niya. “Parang first time na hindi niyo siya kasama.”
Alex shrugged his shoulders. “May sakit siya.”
Napatigil si Addison sa pagkain.
Sa sinabi ni Alex, pasimple silang tumingin kay Addison.
Siniko ni Alex ang kakambal niya.
“Yeah, ahmm… may sakit siya. Kahapon pa yata ‘yon. Ayaw niyang uminom ng gamot, eh.” Sabi ni Axel.
Sumang-ayon naman si Christian. “Ayaw niya ring kumain. Stephen was stubborn when he was sick.”
Tahimik na nagpatuloy sa pagkain si Addison at parang walang pakialam.
“Addie, hindi mo ba bibisitahin si Kuya Stephen?” tanong ni Jessica.
Nag-angat ng tingin si Addison. “Bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi naman niya ako girlfriend. At isa pa, mayroon naman ang magulang niya…” Napahina ang pagkasabi niya tungkol sa magulang ni Stephen dahil sumagi sa isipan niya ang kwento ng binata tungkol sa magulang nito.
Nagkibit na lamang ng balikat si Addison. “I have nothing to do with him anyway.” Aniya saka nagpatuloy sa pagkain.
Mukhang mang walang pakialam si Addison pero sa totoo lang, deep inside, she felt worried of Stephen kaya naman noong matapos siyang kumain, nag-chat siya sa binata.
Is your parent’s home?
Lumipas yata ang tatlumpung minuto nang mag-reply si Stephen sa kaniya. No.
Ngumiti si Addison. Wala na siyang klase mamayang hapon kaya naman naisipan na lamang niyang puntahan si Stephen sa bahay nito.
Addison Bartolome: Send me your address.
Stephen Villamor: Huh? Bakit?
Addison Bartolome: Pupunta ako diyan.
Napangiti si Stephen nang mabasa ang chat ni Addison. No need. I’m fine.
Addison Bartolome: Have you eaten? Have you taken your meds? Be honest, Stephen Villamor!
Napangiwi si Stephen nang mabasa niya ang buo niyang pangalan at may padamdam pa talaga sa dulo. Nakangiwi siya habang nagre-reply. No and no.
Addison Bartolome: Your address, please. I don’t have patience. Someone here told us that you’re stubborn when you're sick. Totoo nga.
Stephen just sighed. Alam niyang mga mokong niyang kaibigan ang nagsabi no’n kaya hindi na siya nagtaka na nalaman ni Addison ang ugali niya kapag may sakit siya. Kaya naman pinadala na lamang niya ang home address niya kay Addison.
Then he sent Addison’s picture to the guard to let her in when she arrived. Nagpadala rin siya ng mensahe sa chef at sa head maid.
‘She is my guest. Treat her well.’
Then Stephen fell asleep again. Hindi na niya kaya ang katawan niya.
AFTER Addison received Stephen's home address, she immediately thought of an excuse. Usapan kasi nilang magkakaibigan na magtambay sa school hanggang hapon at gumawa na lamang ng kanilang research paper.
“May pupuntahan pala ako.” Sabi ni Addison at nagmamadaling inilagay sa bag ang hawak niyang laptop.
“Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong naman ni Marie.
Addison smiled. “Secret.” Aniya saka nagmamadaling umalis.
“Addison!”
“Addie!”
Tinatawag pa siya ng mga kaibigan niya pero hindi na niya pinansin ang mga ito.
Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makalabas siya ng university. Pumara siya ng sasakyan at nagpahatid sa bahay nila Stephen. Nagulat pa siya kasi mukhang kilala ng tricycle driver ang bahay nila Stephen.
“Si Stephen ba ang pupuntahan mo diyan sa malaking bahay, ineng?” tanong ng driver.
Tumango si Addison. “Opo. Kaibigan ko po siya.”
“Mabait na bata ‘yon. Bata pa ‘yan noong lagi ‘yang nag-aabang ng sasakyan. At kapag sobra ang binayad niya hindi na niya kinukuha ang sukli kaya naman halos kilala namin siya bilang mga tricycle driver dito sa lugar namin.”
Kusang napangiti si Addison. Mayaman naman sila. Hindi kaya siya hinahatid ng driver nila?
Nagkibit na lamang ng balikat si Addison saka nagbayad. Nang makaaalis ang tricycle na pinagsakyan niya, lumapit siya sa gate nila Stephen. Akala niya mahihirapan siya sa paghahanap ng bahay ng loko hindi naman pala.
“Kuya —”
“Pasok po kayo, Ma’am.” Sabi agad sa kaniya ng guard at binuksan ang gate.
Hindi maiwasan ni Addison ang magulat dahil sa inasta ng guwardiya ng bahay nila Stephen. “Kuya, hindi mo ba tatanungin kung sino ako? Talagang pinapasok mo na ako?”
Ngumiti ang guard saka may pinakita sa cellphone nito. “Sabi ni Sir papasukin ko kayo agad.”
Addison was pissed when she saw her picture. Halatang stolen ang larawan niya kay Stephen. Ang mokong na ‘yon humanda siya sa akin mamaya. Aniya sa kaniyang isipan.
Pumasok si Addison sa loob ng compound nila Stephen. May dalawang guard sa gate at ang nagbukas sa gate ang sumama sa kaniya patungo sa mansyon. Sumakay siya sa golf cart at minaneho ito ng guard patungo sa malaking pinto ng mansyon.
Addison shook her head. Rich people… Aniya. Bakit parang sinampal sa kaniya na mahirap siya? Her family had an average life, but they weren’t as rich as Stephen. Pero pakiramdam niya ay talagang mahirap siya kung papasok siya sa ganitong bahay.
“Ma’am Addison, dito po tayo.”
Nagulat na naman si Addison nang may nag-aabang sa kaniya sa malaking pintuan. “Ho? Ako po?” Itinuro pa niya ang kaniyang sarili.
“Yes, Ma’am. Sinabi ni Sir Stephen na darating po kayo. Ako pala si Lita. Ako ang head maid.” Pakilala ng medyo may edad ng babae.
Napatango na lamang si Addison saka tumingin sa katabi ng Headmaid.
“Ako si Benjie. Ang Chef dito, Ma’am.” Pakilala naman ng lalaki na mukhang wala pa sa trenta ang edad.
Addison could only nod her head. “Si Stephen po?” tanong niya. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa tutal si Stephen ang sadya niya.
“Nasa kwarto niya at natutulog, Ma’am.”
“Manang, Addison na lang po. Huwag niyo na po akong tawaging ‘Ma’am’. Hindi po ako komportable.” Ani Addison. May kasambahay naman sila pero tinatawag siya sa kaniyang pangalan.
Nagkatinginan naman si Manang Lita at Benjie.
Huminga ng malalim si Addison. “Kaibigan po ako ni Stephen.”
“May sakit siya at ayaw niyang kumain at uminom ng gamot.” Sabi ni Manang Lita at halata sa mukha nito ang pag-aalala. “Nag-aalala nga ako dahil mula pa kahapon na hindi siya kumakain. Hindi ko naman matawagan ang magulang ni Sir Stephen.”
Pasimpleng nahilot ni Addison ang nuo. “Manang, dalhin mo ako sa kaniya.” Aniya. Bumaling siya sa Chef. “Chef, pwede po bang gumawa ka ng chicken soup?”
“Sige, Ma’am — Addison pala.”
Ngumiti si Addison saka tumango. “Salamat.”
Sumunod si Addison kay Manang Lita. Dinala siya nito sa second floor. Kahit lumaki naman siya sa may kayang pamilya, talagang nalulula pa rin siya sa ganda ng mansyon nila Stephen.
“Ito ang kwarto ni Sir, Addison.”
“Salamat, Manang.” Wika ni Addison. Siya na ang nagbukas ng pinto at hindi niya ito sinara. She went inside and saw how wide Stephen’s room was.
Nakita ni Addison si Stephen na natutulog sa malaki nitong kama. Naglakad siya palapit sa kama ni Stephen. Ibinaba niya ang bag niya sa may gilid ng kama.
May nakalagay na bimpo sa nuo ng binata. Kinuha naman niya ang bimpo, halos tuyo na ito. Sinalat niya ang nuo ni Stephen.
Napabuntong hininga na lamang si Addison nang maramdaman ang mainit na temperatura ng katawan ng binata. Nakita niya ang maliit na palanggana sa may bedside table na may lamang tubig. Binasa niya ang bimpo saka ito piniga at inilagay sa nuo ni Stephen.
Habang si Manang Lita naman ay nakatingin sa nangyayari sa loob ng silid. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Kalmado ang mukha ni Addison pero napansin niya sa mga mata nito na nag-aalala ito. Kaibigan ba talaga siya ni Sir Stephen? Tanong niya sa kaniyang sarili pero wala siya sa posisyon upang magtanong. Kaya naman bumaba na lamang siya sa kusina upang tanungin si Benjie kung handa na ba ang chicken soup na pinaluto ni Addison.
Addison looked around Stephen’s room. The wall was covered with white paint. May malaking closet rin ito at may isa pang pinto. Siguro sa comfort room ito. Then may pinto rin patungo sa may terasa ng silid.
Parang siya yata ang magkakasakit dahil sa kwarto ni Stephen. Nakabukas ang aircon at nakasara ang mga bintana. Hindi siya nakatiis, pinatay niya ang aircon ng kwarto ni Stephen. Hinawi niya ang mahahabang kurtina at binuksan ang bintana.
Huminga ng malalim si Addison.
“A-addison?”
Mabilis na lumingon si Addison. Nakita niyang gising na si Stephen. “Gising ka na.”
Stephen closed his eyes. “A-ang…liwanag…”
Napailing si Addison. “Good air can make you feel better.” Aniya. “I turned off the aircon. May sakit ka na nga naka-open pa ang aircon ng kwarto mo.”
Stephen opened his eyes. “Kanina ka pa ba?”
“Oo.”
Kapagkuwan naramdaman ni Stephen na may nakalagay sa noo niya. “Did you put this on me?”
“No, si Manang Lita siguro. Binasa ko lang ulit kanina kasi natuyo na. Ang init mo, sobra.” Umupo si Addison sa may gilid ng kama. “Bakit ayaw mong kumain at uminom ng gamot?”
Nag-iwas ng tingin si Stephen.
Tumaas lang ang kilay ni Addison at hindi na pinilit ang binata na sumagot.
Maya-maya pa ay dumating si Manang Lita na dala ang chicken soup na pinaluto ni Addison. At may dala na rin itong gamot at tubig.
“Salamat po.” Pasalamat ni Addison saka tinulungan si Stephen na bumangon. Nilagyan niya ng unan ang likuran ni Stephen para doon ito sumandal.
“I’ll feed you.”
“I don’t want to —”
“Stephen Villamor, eat.” Seryosong saad ni Addison. “Don’t make me say it twice.”
Manang Lita smiled and excused herself. Alam niyang kayang pakain ni Addison si Stephen kaya makakahinga na siya ng maluwang.
Walang nagawa si Stephen kundi ibuka ang kaniyang bibig at tanggapin ang sinusubo ni Addison. May pakiramdam siya na baka kapag hindi siya sumunod sa dalaga ay hindi niya magugustuhan ang gagawin nito.
Addison smiled triumphantly when Stephen ate all the food in the bowl and even drank his medicine. Pero agad rin itong nakatulog dahil na rin siguro sa sama at bigat ng pakiramdam nito.
Pagkalipas ng ilang sandali habang nakatitig si Addison kay Stephen, natigilan siya at napatanong sa mismong sarili kung bakit siya nag-aalala sa binata.
Wala naman silang relasyon kaya bakit siya nag-aalala rito?
Addison stared at Stephen. Does this mean I like you? But impossible. I’ve only known you for not more than three months.