HABANG naglalakad si Addison sa kalsada patungo sa paborito niyang pwesto sa university, may humarang sa kaniya na grupo ng mga babae. Halatang seniors niya ang mga ito pero makakapal ang kanilang make-up. Gustong niyang matawa dahil parang clown na ang mga ito dahil sa kapal ng kanilang make-up.
“You’re Addison Bartolome, right?” tanong ng mukhang leader ng mga ito.
Tumango si Addison.
“Are you Stephen’s girlfriend?”
Umiling si Addison. Hindi naman, ah.
“Sinungaling! Nakita ko kayong dalawa na laging magkasama.” Sabi ng isa sa mga ito.
“But it doesn’t mean that we are together.” Sabi ni Addison at balak na niya sanang lagpasan ang mga ito dahil wala siyang panahon na makipagtalo pero hinawakan siya ng dalawa at pinaharap sa leader nila.
Hinawakan ng leader ang mukha ni Addison ng mahigpit at halos bumaon na ang kuko nito sa mukha ni Addison.
“Kilala mo ba ako?”
In that situation, nakuha pa ni Addison ang umirap. “Hindi.”
“Well, magpapakilala ako. I’m Hannah Ramos. I’m telling you hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo kung hindi mo layuan si Stephen.” Banta ng isang babae sa grupo. Mukhang ito yata ang leader nila.
Addison rolled her eyes again. “Sa kaniya mo sabihin ‘yan huwag sa akin.” Walang gana niyang saad.
Nainis si Hannah. Binitawan niya ang mukha ni Addison saka mabilis itong sinampal.
Napabaling ang mukha ni Addison sa kaliwa. Doon napigtas ang pasensiya niya. Kaya naman kumawala siya sa pagkakahawak sa kaniya ng dalawang kasama ni Hannah saka malakas na sinuntok ang babae.
Napaupo si Hannah sa semento dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Addison. Dumugo pa ang ilong nito.
Kukuyugin na sana ng mga kasama ni Hannah si Addison nang may nagsalita.
“Try to hurt her, and you will meet your demise.” Malamig na saad ng isang boses.
Napatigil ang lahat.
Kumunot naman ang nuo ni Addison dahil parang pamilyar sa kaniya ang boses ng nagsalita. Hindi nga siya nagkamali at nakita niya si Stephen na nakapamulsa at seryosong nakatingin sa kanila.
“Get lost.” Malamig ulit na saad ni Stephen.
Natakot ang grupo ni Hannah kaya naman mabilis ang mga itong umalis.
“You’re fighting against them?”
“It’s all thanks to you.” Peke ang ngiti ni Addison saka napailing.
“Huh?” Nagtaka naman si Stephen.
Umiling lang si Addison. “Pero salamat at dumating ka. Baka pinag-isahan na ako ng mga ‘yon.”
“Ano bang nangyari?” tanong naman ni Stephen.
“Huwag mo ng tanungin. Wala rin lang kwenta ang dahilan.” Sabi ni Addison saka umupo sa bench. Tinignan niya ang kamao niya na siyang sumuntok kay Hannah. Talagang nawawalan siya ng pasensiya kapag sinasaktan siya. Talagang gaganti siya.
“Kilala mo ba sila?” tanong ni Addison.
Tumango si Stephen. “Pinsan niya si Andrew. Bully rin ‘yan. Ang dami na niyang kaso dito sa school.”
“Was it related to you?” Addison asked.
Kumunot ang nuo ni Stephen saka umiling. “I have nothing to do with her.” Mabilis niyang depensa sa kaniyang sarili.
“I…” Then why did she attack me?
Napabuga na lamang ng hangin si Addison. Forget it. Tumingin siya kay Stephen na nakaupo sa tabi niya. “Since you helped me, I will return your favor. I will do anything you want.”
“Anything?” Stephen asked.
“Anything except sex.” Deretsahang sabi ni Addison.
Napatanga si Stephen kay Addison. “Ganun ba ang tingin mo sa akin?”
Nagkibit ng balikat si Addison at napabuntong hininga. “I’m sorry if you’re offended. But you can’t blame me. Men sometimes chase women for flesh and not for their hearts.” Pagsabi niya sa katotohanan. She didn’t experience it pero nakikita niya.
“I’m not like them.” Stephen defended himself. Napa-sign of the cross pa siya dahil sa mga naririnig niya mula kay Addison.
Tumango naman si Addison. “Just tell me your favor.”
“Wala pa akong maisip. Saka na siguro.”
“Okay. I’ll wait.” Sabi ni Addison. “Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa ‘yo.” Dagdag pa niya.
Kumunot ang nuo ni Stephen saka nagtanong kay Addison. “Hindi ka naman man-hater ‘di ba?”
Umiling si Addison. “Hindi naman. It’s just that. I already saw the reality in this world. Maraming naghihiwalay na mag-asawa dahil sa lalaki. It’s either the husband cheating or physically abusing his wife. There are men that only want a woman’s virginity and, after that, they will cast her aside. Sa panahon ngayon nakakatakot na ang magtiwala kaya inunahan na kita.”
“Indeed.” Wika ni Stephen. Then he looked at Addison, “I’m not like those men you mentioned.” He defended himself.
Ngumiti ng tipid si Addison. “Hope you’re not in the future.” Sabi niya pero mahina lamang.
“You punched the girl earlier. Get ready to be called in the Student Council.” Sabi ni Stephen.
Ngumiti si Addison. “Thanks for the reminder.” Aniya.
Kinabukasan pinatawag nga si Addison sa Student Council’s office. Halos naroon ang lahat ng officer ng Student Council. Napansin ni Addison si Stephen pero hindi niya ito tinignan.
Addison looked at Hannah. And she had those smug looked on her face. Kasama ni Hannah ang mga kaibigan nito. Pero hindi naitago ang benda sa ilong nito. Mukhang malakas yata talaga ang pagkakasuntok niya rito.
“Ano bang dahilan ng away niyo?” tanong ng Presidente ng Student Council nila pagkatapos ng konting usapan.
Addison pointed Stephen. “Him.” Sagot niya kaya napatingin ang lahat kay Stephen.
Nagulat naman si Stephen. “Ako?” Itinuro pa ni Stephen ang sarili.
Tumango si Addison saka isinalaysay ang buong pangyayari, “…that’s what happened.”
“That’s not what happened! She provoked me first!” Hannah pointed at Addison. Trying to turn the tide.
Sinang-ayunan naman ng mga kaibigan ni Hannah ang sinabi nito.
Tumaas ang kilay ni Addison. Natawa siya ng mahina saka napailing.
“Anong nakakatawa?” inis na tanong ni Hannah.
“You have your witnesses and they are your friends. Malamang kakampihan ka nila. Ako, wala akong kasama that time. So, I don’t have any witnesses. Only myself.” Seryoso niyang saad. “You slapped me and I punched you. So, we’re even.” Aniya.
Andrew looked at Stephen. Mukhang walang pakialam si Stephen dahil abala ito sa kung anuman ang ginagawa nito sa lamesa nito. Looks like he won’t interfere in this. Andrew said in his mind.
“You slapped me first!” Hannah defended herself.
“Excuse me, hindi kita kilala. Hinarang mo ako at ikaw ang nagpakilala sa sarili mo sa akin. Sinabi mo rin sa akin na layuan ko si Stephen. Well, nandito na siya at kaharap mo. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin hindi ‘yong mandamay ka pa ng ibang tao.” Sabi ni Addison saka naghalumikipkip. “Hindi ako nakikipag-away. Pero gaganti ako kapag sinasaktan ako.” Dagdag pa niya.
“Kuya, she’s lying. That’s not what happened!” Hannah still lying to defend herself.
Napairap na lamang si Addison.
Andrew was in a dilemma. Hindi niya alam kung sino ang papaniwalaan niya sa dalawang panig. Hannah is his cousin, but even if she is his cousin, he won’t favor her. Unfair naman ‘yon kay Addison.
Tumingin si Andrew kay Stephen. “Won’t you help me?”
Stephen shrugged. “You’re the president of the Student Council.” Aniya.
“But at least you will help me to decide.”
Umiling si Stephen. “No.”
Napabuga ng hangin si Andrew saka hinarap ang si Hannah at Addison.
“How about this? We will settle this now. Magkapatawaran kayo at mangangakong hindi na mag-aaway.”
“No.” Matigas na sabi ni Hannah. “I want her to be punished!”
Isang malakas na hampas sa mesa ang nagpatahimik sa kanilang lahat. Lahat sila ay napatingin kay Stephen na seryoso ang mukha. “Kanina pa ako nagtitimpi rito na huwag makisali. Ayaw mo ba talagang magpakumbaba, Miss Ramos?” tanong niya.
Nagbaba ng tingin si Hannah at mukhang natakot kay Stephen.
Addison was happy. May takot rin pala ang mokang na ‘to. Akala mo naman kung sino noong hinarang niya ako.
“I don’t want to interfere because I want this case to be fair. You’re Andrew’s cousin and I am Addison’s friend.” Tumikhim si Stephen dahil sa huli niyang sinabi pero nagpatuloy siya. “I know that Andrew will handle this fairly. Andrew didn’t offer any punishment. He was asking the two of you to apologize to each other. But you,” Stephen pointed at Hannah, “are lying and trying to turn the situation to your side. Since Addison doesn’t have witnesses, I’ll be her witness. I saw everything you have done.” He tossed his phone to Andrew.
Mabilis namang nasalo ni Andrew ang cellphone ni Stephen.
“There’s a video in there.” Sabi ni Stephen. In his phone there’s a video of Hannah and Addison’s fight. Kinuha niya ito sa security room ng university. Bawat sulok ng university ay may CCTV kaya naman walang lusot ang mga gagawa ng kalokohan. Mukhang nakalimutan ito ni Hannah dahil ang lakas ng loob nito na nagreklamo sa Student Council.
Stephen looked at Hannah. “You slapped Addison first and she punched you. In my view, you two are already even to each other. I don’t even know if you just wanted attention or what.” Naiiling niyang saad.
Napailing si Andrew nang mapanood niya ang video. “Hannah, hindi ka nadala sa mga ginawa mo noon.” Galit na saad ni Andrew sa pinsan nito.
Yumuko naman si Hannah dahil sa pagkapahiya.
“Wala ng saysay pa ang reklamo mo, Hannah. Totoo ang lahat ng salaysay ni Addison at Stephen. Ngayon, ikaw ang lumalabas na may kasalanan at ikaw pa ang may ganang magreklamo. You even lied to us.” Napailing si Andrew. Tumingin siya kay Addison. “You can go. You won’t be punished because you told us the truth.”
Ngumiti si Addison saka tumayo. “Thank you, President.” Aniya.
“And as for you,” Andrew looked at his cousin. Napabuga siya ng hangin. “You and your friends will have sixteen hours of community service at our college. Iyon ang pinakamagaan na parusa ko sa ‘yo. I don’t want to suspend you because this is not the Dean’s office.”
Masayang lumabas si Addison sa Student Council’s office.
“How was it?” Jane asked.
Addison shrugged. “Anong ginagawa niyo rito?”
“Kuya Stephen texted me.” Sagot ni Jessica.
Ngumiti na lamang si Addison. Inaya na niya ang mga kaibigan niya at pumunta sila sa kanilang klase.
Stephen smiled while looking at Addison through the window of their office. She’s really adorable when she’s happy.