“ANONG hinahanap mo?” tanong ni Marie kay Addison nang mapansin niyang panay ang Kalkal nito sa bag.
“Ang ID ko. Nawawala.”
“Huh? Kailan pa?” tanong ni Jane.
“Hindi ko alam. Ngayon ko lang napansin na nawawala. Kailangang kong mahanap ‘yon. Hindi ako makakalabas ng school kapag wala akong ID.” May pag-aalalang sabi ni Addison.
Ilang beses na niyang kinalkal ang bag niya pero hindi niya nakita ang ID niya. “Mauna na kayong umuwi. Hahanapin ko pa ang ID ko.” Sabi ni Addison sa kaniyang mga kaibigan saka nauna ng lumabas ng room.
Binalikan niya ang inupuan niya kaninang tanghali. Baka sakali na doon niya nahulog at nandoon pa ang ID niya. Pero pagdating niya sa bench na inupuan niya wala doon ang ID niya.
Napasimangot na lamang si Addison dahil hindi niya nahanap ang ID niya. Kailangan niya itong i-report para magawan siya ng bagong ID kung hindi niya mahanapan ang ID niya. Umupo siya sa bench at tinext ang mga kaibigan niya na mauna na ang mga itong umuwi.
“Are you looking for something?”
Nagulat pa si Addison nang may nagsalita sa likuran niya. Mabilis siyang napatayo at napatingin sa kaniyang likuran. Kumunot ang nuo niya. “Ikaw…”
Stephen nodded. “Ako nga. Anong hinahanap mo?” tanong niya sa dalaga.
“Ang ID ko po.”
“Nawawala?”
Addison couldn’t help but to roll her eyes. “Malamang. Hindi ko naman po hahanapin kung hindi nawawala hindi ba?”
Imbes na mainis sa pamimilosopo ng dalaga, natawa na lamang ng mahina si Stephen saka napailing. “Ang sungit mo. Ang pilosopo mo pa.”
“That’s the real me.” Sabi naman ni Addison. “Hindi po ako sanay makipagplastikan kaya totoong ugali ko po ang pinapakita ko.”
Napailing na lamang si Stephen saka kinuha sa bag niya ang ID ni Addison. “Here. Your ID. Nahulog mo kaninang tanghali dito sa inupuan mo. Good thing I picked it up.”
Natigilan si Addison saka napatingin sa ID na hawak ni Stephen. Kinuha niya ang ID. Nakaramdam siya ng hiya dahil sa pagsusungit at pamimilosopo niya sa binata. “Thank you po.” Aniya sa malumanay na boses.
Stephen chuckled. “Ang ganda ng boses mo kapag malumanay kang magsalita.”
Addison’s face became blank. “Alam ko. Hindi mo na ako kailangan pang bolahin.” Aniya. “Maraming salamat sa pagbabalik ng ID ko.”
Tumango si Stephen.
Tumalikod na si Addison.
Mabilis namang sumabay si Stephen kay Addison. “Can I walk with you?” he asked.
“Baka pwedeng mag-tagalog ka. Dudugo ang ilong ko sa kaka-english mo, Kuya.” Medyo may inis na sabi ni Addison. Isinuot niya ang ID lace sa kaniyang leeg.
Stephen glanced at Addison. “Kuya talaga?” natawa siya ng mahina. This girl is really interesting.
Nagkibit ng balikat si Addison. “You’re older than me anyway. My parents told me to respect the elderly.” Aniya. And yes, may kasamang pang-iinsultong sabi niya.
Stephen clicked his tongue. “I’m not old. Mas matanda lang yata ako sa ‘yo ng tatlong taon.”
“Ewan ko. I don’t care.” Walang ganang sabi ni Addison. Napabuga siya ng hangin. “Hindi naman tayo close. Bakit kita kinakausap?” tanong niya saka binilisan ang paglalakad para makalayo sa lalaki.
Mabilis na hinabol ni Stephen si Addison. “Wait!”
Addison looked at Stephen with a bored expression on her face.
Ngumiti si Stephen. Inilahad niya ang kaniyang kamay. “Stephen Villamor.” Pakilala niya sa kaniyang sarili.
Sandaling natigilan si Addison. “Close ba tayo?”
Stephen sighed. “Kaya nga ako nagpapakilala hindi ba?”
Napabuga ng hangin si Addison. “Addison Bartolome.” Aniya pero hindi niya tinanggap ang pakikipagkamay ni Stephen. “Thanks for giving back my ID.” Tumalikod na siya at iniwan si Stephen.
Namulsa naman si Stephen saka sinundan na lamang ng tingin si Addison. Nailing na lamang niya ang kaniyang ulo dahil kakaiba talaga si Addison. All the girls in the university would blush when talking to him, and they would even become shy.
But this girl… kaya niya akong pilosopohin at sungitan. Interesting.
Sumakay si Stephen sa sasakyan saka umuwi na. Pagkauwi niya hinanap niya ang kaniyang magulang dahil sabi ng mga ito na sama-sama silang kakain ng dinner.
“Nasaan po sila?” tanong niya sa kasambahay nang makita niyang wala ang kaniyang magulang sa bahay nila.
“Ang sabi nila ay may out of town activity sila.” Sagot ni Manang Eden. Ang pinakamatagal ng kasambahay nila.
Stephen could only sigh. He was disappointed. Inaasahan pa naman niya ang kaniyang magulang na makasalo niya ang mga ito sa dinner ngayong gabi pero wala naman pala sila. Sana lang hindi na ang mga ito nangako kung hindi naman pala nila tutuparin.
“Lagi na lang.” Sabi ni Stephen saka umakyat sa hagdan.
Nag-iisa lamang siyang anak. And yet he couldn’t feel his parent’s love. Laging wala ang mga ito. Isa hanggang tatlong beses lamang silang nagkikita sa isang linggo. Minsan nga isang linggo na hindi niya nakikita ang mga ito dahil sa pagiging abala nila sa kanilang mga trabaho.
Stephen tried to understand his parents. Pero darating rin pala siya sa puntong mapapagod na siya kakaintindi sa mga ito.
He felt lonely. Tanging mga kasambahay lamang ang mga kasama niya. Ang mga kasambahay ang nakakasama niyang kumain at parang wala nga siyang magulang. Mula bata pa siya, ganun na lamang lagi. Laging inuuna ng kaniyang magulang ang trabaho kaysa sa kaniya. Nasanay na siya pero minsan umaasa pa rin naman siya. Kaya lang, mabigat sa pakiramdam na umasa siya sa wala.
Stephen opened his room and went inside. Ini-lock niya ito. Basta na lamang niyang binitawan ang hawak niyang bag at bumagsak ito sa sahig. Humiga siya sa kama at napatitg sa kisame. He had everything he wanted. Naibibigay ang lahat ng gusto niya dahil bukod sa nag-iisa siyang anak, may kaya ang pamilya nila.
Pero ang atensiyon at pagmamahal na gusto niyang makuha mula sa kaniyang magulang ay hindi kayang tumbasan ng pera at materyal na bagay. Minsan nga naiisip niya na kung simple lamang ang buhat nila, baka posible na ang dalawang bagay na gusto niyang makuha sa kaniyang magulang ay nakukuha niya.
Stephen wanted to feel his parents' love, but they couldn’t give it to him. Hindi nila maiparamdam ang pagmamahal sa kaniya. Minsan nga naiingit siya sa ibang tao dahil nakukuha ng mga ito ang bagay na hindi niya nakukuha. He had everything he wanted but the attention and love of his parents for, he couldn’t have them. It’s not that he couldn’t have them, he just didn’t feel it.
PAGKAUWI ni Addison, nakita niya sa garahe ang kotse ng Kuya Adrian niya. Nakadestino sa ibang lugar ang Kuya niya dahil sa trabaho nito bilang pulis at hindi ito masyadong nakakauwi. Namiss niya ang Kuya niya kaya naman patakbo siyang pumasok sa loob ng bahay nila.
“Kuya!” Excited niyang sigaw.
Tumakbo siya agad sa kusina na kung saan ay doon niya naririnig na may nag-uusap.
“Kuya!” Niyakap niya ang Kuya Adrian niya nang makita niya ito.
Natawa na lamang si Adrian sa bunso niyang kapatid. He patted Addison’s head. “Parang tumangkad ka."
Sinimangutan ni Addison ang Kuya niya. “Kuya naman. Parang nang-aasar. Alam ko namang kinulang ako sa height. Edi kayo na si Ate Allison ang matangkad.” Sabi niya saka sinulyapan ang Ate niya na kumakain ng sandwich.
“Huwag mo akong idamay. Wala akong ginagawa. Tahimik lang ako rito.” Sabi naman nito.
Addison just pouted.
Umiling si Adrian saka pinisil ang ilong ni Addison. “Kumusta ang pag-aaral mo?” tanong niya. “May boyfriend ka na ba?”
Sinamaan ni Addison ang tingin ng kapatid niya. “Wala pa sa isipan ko ‘yan, kuya.”
“Good.” Sabi naman ni Adrian at nakahinga ng maluwang. “Mag-aral ka muna. Pati ikaw, Allie, mag-aral ka muna.”
“Kuya, graduating na ako.” Sabi naman ni Allison.
Sumeryoso si Adrian. “Kahit na. Maraming pwedeng mangyari sa isang araw. Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin.” Pinandilatan niya ang dalawang kapatid. “Pasaway pa naman kayong dalawa.”
Bumalig si Allison sa kanilang ama na tahimik lamang at pinapanood silang magkakapatid. “Dad, tinalo ka na ni Kuya magsermon.”
Tumawa lang naman ang kanilang ama. “Mabuti nga at mayroon ang Kuya niyo. Hindi ako nahihirapan na magsermon sa inyong dalawa. Sa inyo ako tatanda ng mabilis, eh. Ang pasaway niyo ni Addison.”
Nginisihan ni Adrian si Allison. “Hear that?”
Allison tsked. “Oo na, Kuya.”
Ngumiti si Adrian. “Sabado bukas. How about going out as a family? I’ll treat you all. Babalik na naman ako sa trabaho ko sa linggo.”
“Sige.” Mabilis na pagpayag ng kanilang ina.
Tumango si Adrian. “It’s my treat.”
Sa sinabi ni Adrian, nagkatinginan ang dalawang prinsesa na pasaway. Mabilis nilang tinabihan ang Kuya Adrian nila.
“Kuya, ibibili mo rin ba kami ng gusto namin?” tanong ni Addison habang nakangiti.
Tumango si Adrian.
“Anything?” Allison asked.
Adrian pointed at Allison. “Don’t try to trick me, Allie. Hindi mo na ako madadala.”
Tumawa si Allison. “Kuya naman, eh. I just want a new dress.”
“Okay.” Bumaling ang atensiyon niya kay Addison. “Ikaw?”
Tinignan naman ni Addison ang hawak na panyo. “Kuya, luma na ang mga panyo ko. Gusto ko na ng bago.”
“Okay.”
“Thank you, Kuya.” Nakangiting saad ni Addison.
Napangiti na lamang ang magulang ng magkakapatid at gumuhit ang ngiti sa kanilang mga labi. Masaya sila na maayos ang relasyon ng mga anak nila. Ibig sabihin ay napalaki nila ang mga ito ng maayos.