“SA WAKAS makakakain na rin ako.” Wika ni Jessica. “Gutom na gutom na talaga ako. Nakakagutom ang pagtuturo ng last subject teacher natin.”
Siniko naman ni Addison si Jessica. “Bibig mo.”
“Hindi naman ako nagbanggit ng pangalan, ah.”
“Kahit na.” Sabi ni Addison saka pinauna na ang kaibigan na umorder ng pagkain. Nauna ng nakakuha ng pagkain si Jane at Marie. Naghihintay na ang dalawa sa pinakalikod na bahagi ng canteen.
Malawak ang canteen ng college nila pero kinukulang pa rin ang lawak nito dahil may mga taga-ibang college ang dumadayo. Masarap kasi ang luto ng canteen nila kaya naman minsan nagkakaubusan ang pagkain.
“Una na ako doon, Addie.”
Tumango si Addison at umorder ng sariling pagkain. Pagkakuha niya ng pagkain, pumunta na siya sa pwesto kung saan nakapuwesto ang mga kaibigan niya. Pagkaupo niya, biglang natahimik ang buong canteen at may tinitignan ang mga ito.
“Oh my god! Nandito sila.” Sabi ni Marie na mukhang kinikilig pa.
“Sino?” tanong naman ni Addison.
May inginuso naman si Jessica at Jane sa kaniyang likuran kaya lumingon siya. Bahagya siyang natigilan nang makita ang lalaking natapunan niya ng kape sa may coffee shop noong nakaraang araw. May tatlo ang mga itong kasama. Magkamukha pa ang dalawa, kambal yata.
Tumaas ang kilay niya nang mapansin niyang tinitignan ang mga ito ng mga tao sa cafeteria.
“Sino siya?” tanong ni Addison sa mga kaibigan. “At parang kinikilig pa kayong tatlo.”
Napabuga ng hangin si Marie. “Hindi ko alam kung tao ka ba talaga o bato ka, Addison? Can’t you see? They’re so handsome. Sa k-drama ka lamang makakakita ng mga ganiyang kagwapong lalaki.” Kinikilig niyang sabi.
“Bakit k-drama lang? may c-drama pa naman. Gwapo rin ang mga bidang lalaki doon.” Ang nasabi naman ni Addison.
Tinignan niya ang apat na lalaki na kumukuha ng pagkain. “Gwapo nga sila pero nakakakain ba ‘yo? I still prefer a man who can respect a woman and can be responsible when needed. Hindi na mahalaga ang hitsura.”
Jane sighed. “Addie, hindi mo naman kailangang seryoshin ang sinabi ni Marie. Crush lang naman. Wala namang masama kung crush hindi ba?”
Nagkibit ng balikat si Addison. “We have freedom of speech. Sinasabi ko lamang ang opinyon ko.”
Napailing na lang si Jane.
Kapagkuwan kumunot ang nuo ni Addison. “Sino ba sila? Mukhang sikat sila?”
“Hindi lang sila sa college natin sikat. Pati na din sa ibang college. Buong University yata ay kilala silang apat.” Sabi ni Jane. Maya maya ay kumunot ang nuo niya at napatingin kay Addison na maganang kumakain. “Hindi mo siya kilala.”
Uminom si Addison ng tubig. “Bakit? Tatanungin ko ba kayo kung kilala ko siya?” Balik niyang tanong kay Jane.
“Seryoso?”
Tumango si Addison.
“Saang lupalop ka ng mundo napunta, Addie?” Natampal na lamang ni Marie ang sariling nuo. “Huling-huli ka na sa mga balita.”
“At least hindi ako huli sa mga pinag-aaralan natin.”
Itinaas ni Jessica ang kamay para kunin ang atensiyon ng mga kaibigan. “Jane, sabihin mo na lamang kay Addison kung sino sila para matapos na. Para naman magkaroon siya ng kaunting knowledge.” Napailing pa siya dahil hindi niya alam kung anong masasabi niya kay Addison.
Noong una pa lang, nakita na nila na parang walang pakialam si Addison sa mga tao sa paligid nito. Pero mabait si Addison at totoo ang pinapakita nitong ugali. At isa pa, kahit parang wala itong pakialam sa mga paligid nito, hindi ito plastic kaya naging kaibigan nila ito. Bukod kasi sa tahimik si Addison, matalino ito at masipag mag-aral.
“Well, kilala lang naman namin sila sa pangalan.” Sabi ni Jane.
“Tell me.” Ani Addison. Gusto niyang malaman kung ano ang pangalan ng lalaking natapunan niya ng kape noong nakaraang araw. Sinundan niya ito ng tingin at umupo sila sa bakanteng pwesto. Talagang nakuha ng mga ito ang atensiyon ng mga tao sa loob ng canteen.
“That’s Stephen Villamor. Graduating na siya. Business Admistration rin ang course niya katulad natin pero major in Finance ang kinuha niya. Siya rin ang Vice-President ng College natin. Posibleng hindi mo alam 'yon?” Ani Jane.
Umiling si Addison. Stephen Villamor? Parang narinig ko na ang pangalan na ‘yan. Hindi ko lang maalala kung saan ko narinig. Sabi ni Addison sa kaniyang isipan.
Napailing na lamang si Jane dahil batid nila ang ugali ni Addison. Hindi ito mahilig sa mga social events at kadalasan hindi ito nakikinig kaya hindi nito kilala ang mga officer ng Student Council ng college nila.
“Galing siya sa mayamang pamilya. They owned a chain of hotels, restaurants and resorts in the Philippines. May malawak rin silang hacienda sa probinsiya.” Pagpapatuloy ni Jane. “Ang mga kasama naman niya ay ang mga kaibigan niya.”
Tumaas ang kilay ni Addison. “Kuya Stephen talaga. Bakit? Magkapatid kayo?” tanong niya.
Umiling si Jane. “Nope. But we are cousins.”
“Oh.” Napatango si Addison.
Jane continued her story telling. “That red-haired guy, his name is Christian Rivera, mayaman rin ang pamilya nila. Sila ang may-ari ng pinakamalaking manufacturing company dito sa Pilipinas. Then iyong magkamukha na dalawang lalaki, kambal, kaibigan rin ni Kuya Stephen, they are Alex and Axel Rosales. Ang pamilya nila ang nagmamay-ari ng University na pinapasukan natin. Well, their family owned a lot of universities all over the country. Sa kanilang apat na magkakaibigan, si Kuya Stephen ang laging seryoso at madalang na ngumiti.”
“So, basically they all came from a wealthy family.” Sabi ni Jessica at nagkibit ng balikat. “Considering that they came from a wealthy family, they all took finance major.”
Sumubo si Addison ng pagkain habang tumatango-tango. “So, sinong crush niyo sa kanila?” tanong niya sa mga kaibigan at tinaasan ang mga ito ng kilay.
Ngumiti si Marie. “Secret.”
Natawa si Jane. “Kilala ko kung sino.”
“Ssshhh! Huwag mo ng sabihin. Magaling mang-asar si Addison baka hindi niya ako tigilan.” Sabi naman ni Marie.
Tumawa lang ng mahina si Addison saka napailing. Nagpatuloy siya sa pagkain at hindi niya napansin na may nakatingin sa kaniya.
TINIGNAN ni Stephen ang babaeng nakatapon sa kaniya ng kape noong nakaraang araw. Sabi na nga ba niya makikita niya rin ito.
“Sinong tinitignan mo?” tanong ni Christian kay Stephen.
Bumaling ang atensiyon ni Stephen sa kaibigan. “Her.” Aniya at muling tumingin sa babae na kung saan ay kasama ito ng pinsan niyang si Jane.
“Sino?” nagtatakang tanong ni Christian at sinundan ang tinitignan ni Stepgen
“That girl na nakatali ang buhok.”
Tinignan rin ni Alex at Axel ang tinitignan ni Stephen.
“You like her?” Christian asked, teasing his friend.
Umiling si Stephen. “I just found her interesting.”
“Then you like her.” Sabi ni Alex.
Stephen just clicked his tongue. “Hindi nga.”
“Hindi mo naman mapapansin ang isang babae kung hindi mo siya gusto.” Wika ni Axel.
Sinamaan ni Stephen ng tingin ang kambal niyang kaibigan.
“Kaibigan naman niya yata ang pinsan mo.” Sabi ni Christian nang makita niyang kasama ng babaeng sinasabi ni Stephen si Jane. “Why not ask her?”
Tinapos ni Stephen ang pagkain saka uminom ng tubig. “I’m not interested.” Seryoso niyang saad.
“But you found her interesting,” Alex pointed out.
Walang imik na kinuha ni Stephen ang pinagkainan saka ibinalik ito. Nauna na siyang lumabas ng canteen at pumunta sa kinaroroonan ng kotse niya. Doon siya tumatambay hanggang sa sumapit ang oras ng klase niya sa hapon.
Sumunod rin naman sa kaniya ang mga kaibigan niya. At ginawa nilang tambayan ang sasakyan niya.”
“You have your own cars. Bakit hindi kayo doon tumambay?” Ani Stephen.
“Boring kapag walang kasama.” Sagot ni Christian. Tinignan niya ang kambal sa backseat na natutulog na. “See?” he looked at Stephen. “Tulog na sila.”
Napailing na lamang si Stephen saka nagsuot ng sombrero. Lumabas siya ng sariling sasakyan.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Christian.
“Sa lugar na wala ka.” Pilosopong sagot ni Stephen saka naglakad patungo sa mga upuan na nasa silong ng mga puno. Umupo siya doon habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin.
“So, quiet. Ganito sana palagi.”
Napatingin si Stephen sa katabi niyang bench at nakita niyang umupo doon si… hindi niya pala alam ang pangalan nito. Ang tanging alam niya lang ay ito ang nakatapon sa kaniya ng kape. So, maybe he could name her ‘Shorty’ or ‘Coffee Girl.’ Coffee Girl? It’s so lame. ‘Shorty’ na lang kaya tutal maliit ito. Hanggang dibdib niya nga lang ito.
Mukhang hindi siya nito napansin dahil nakasuot siya ng sombrero at sinadya niyang ibaba ito upang matakpan ang mukha niya. Ayaw niya kasing makaagaw ng atensiyon ng iba. Lagi na lang kasing sila ang pinagtitinginang magkakaibigan lalo na kapag magkakasama sila.
Pasimple niyang tinignan si Shorty. May ginagawa ito sa laptop nito. She was typing and she was focused on it.
Hindi namalayan ni Stephen ang pagguhit ng ngiti sa labi nito habang nakatingin kay Shorty. And while looking at her, she found her pretty.
Napailing na lamang si Stephen at umayos ng upo. Ipinikit niya ang kaniyang mata. Sampung minuto yata ang lumipas nang marinig niyang may nagsalita.
“Addie, tara na! Malapit na ang klase natin!”
“Sige. Susunod ako.” Tugon ni Shorty.
Napamulat ng mata si Stephen at napatingin kay Shorty. Addie? Is that her name?
Nagmamadaling inilagay ni Shorty sa loob ng bag nito ang laptop saka ito nagmamadali ring sumunod sa mga kaibigan nito.
Natawa ng mahina si Stephen saka may napansin sa inupuan kanina ni Shorty. Tumayo siya at lumapit sa bench na inupuan ni Shorty. Pinulot niya ang ID na nasa upuan at tinignan kung sino ang nagmamay-ari.
“Addison Bartolome.” Basa niya sa pangalan. “So, her name is Addison? Addie for short. But I still prefer to call her Shorty.”
In Stephen’s mind, Addison was a short woman, but she was sharp-tongued. Napailing si Stephen saka ibinulsa ang ID ni Addison. An idea came into his mind and he would give back Addison’s ID personally to her.