CHAPTER 8

1570 Words
HINILOT ni Addison ang sentido dahil ramdam na naman niya ang pagsakit ng kaniyang ulo. Kasalukuyan ang meeting ng college nila. Lahat ng estudyante ng College of Business Education ay nasa auditorium. Hindi na sana siya pupunta pero their attendance is a must naman kasi. At isa pa, hinila siya ng mga kaibigan niya dito sa auditorium. She’s not used to close space and crowds. Nahati sila sa dalawang grupo. Magkakasama ang mga sophomore at ang mga graduating students. Habang magkakasama naman ang mga freshmen at mga third year. Addison let out a small sigh and silently prayed to end the meeting quickly. But her prayer wasn’t heard when their Student Council President spoke about the sports and events of the upcoming Sportsfest of their college. At susunod na naman sa Sportsfest ay ang Intramural meet. “Anong sasalihan mong sports?” tanong ni Marie kay Addison. Magkatabi sila ng upuan kaya naman madali lamang na makausap ni Marie si Addison na kanina pa tahimik. Umiling si Addison. “Hindi ako interesado. Manunuod na lamang ako.” “Bakit naman?” tanong ni Jane. “Ganiyan na naman last year, eh. Hindi ka naman sumali sa mga contest.” Napabuga ng hangin si Addison. “Ayaw kong sumali.” Aniya. Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Stephen na nakatayo sa harapan. Right, he’s the Vice-President of their college student council. Natatawa na lamang siya sa kaniyang isipan dahil hindi niya ito kilala. Hindi kasi siya mahilig sa mga social events ng school kaya naman halos nagtatago lamang siya. Saka lamang siya pupunta kapag attendance na. “Hay naku. Huwag niyo ng pilitin si Addison.” Sabi ni Jessica. “Talagang hindi ‘yan sasali. Pati ako hindi rin ako sasali. Manunuod lang ako sa Sportsfest.” “Pati ako.” Sabi ni Marie. “Baka ma-sprain na naman ang paa ko katulad last year.” Last year, sumali si Marie sa volleyball. Na-sprain ang paa nito at ilang buwan rin itong naka-cast ang paa. “Next ang ang pageant natin. Ang mananalo sa pageant sa Sportsfest ay siyang isasali natin sa pageant para sa Intramural. So, sino ang gusto niyong isali para sa pageant? Pwedeng ang dalawa hanggang tatlo sa bawat grupo.” Anang president ng Student Council ng College nila. “Sa akin kayo magpalista.” Sabi naman ni Stephen habang nakaupo ito sa gilid. Walang plano si Addison na makisawsaw lalo na at nagtuturuan na ang ibang estudyante kung sino ang sasali. Nagkakantyawan na rin ang mga ito. “How about you?” President Andrew asked Stephen. He’s a bi. Halata naman kahit sa kilos nito. Umiling si Stephen. “Hindi ako pwede ngayon dahil ako ang vice-president ng College natin. I already joined last year. If you want, si Christian na lang.” Itinuro ni Stephen si Christian. Mabilis namang tinakpan ni Christian ang mukha gamit ang hawak nitong papel. “Huwag niyo akong idamay diyan. Tahimik lang ako dito.” President Andrew clapped his hands. “Come on, guys. Sumali na kayo. Freshmen at junior, sinong pambato niyo? Sophomores and seniors, sinong pambato niyo? Come on, guys. Kung sino ang may gustong sumali, huwag na kayong mahiya. Pare-pareho tayong tao rito kaya pwede kahit sino ang gustong sumali. Magpalista na kayo kay vice.” Inilibot niya ang tingin niya sa mga kasama niyang estudyante hanggang sa makita niya ang isang estudyante na nakaupo at nakapikit ang mata. Tumingin si President Andrew kay Stephen. “Do you know her? The student who was wearing a checkered long sleeve on the Sophomore group.” Sinundan naman ni Stephen ang itinuturo ni Andrew. “Yeah, I know her. Sort of. Bakit?” “Gusto niya kayang sumali?” Umiling si Stephen. “Kausapin mo siya. But based on her personality, na nakita ko, baka ayaw niya.” Addison seems to be an introvert person. Iyon bang gusto laging mapag-isa. “Kausapin mo.” Ani Andrew. Stephen rolled his eyes. “Ikaw na. Ikaw naman ang may gusto na sumali siya.” Ayaw kong masungitan na naman at baka mamaya pilosopohin na naman niya ako. “Ang ganda niya.” “Kinulang nga lang sa height.” Natatawang sabi ni Stephen. Napailing naman si Andrew saka bumalik sa pakikipag-usap sa mga estudyante. Pagkatapos ng ilang minuto, may walong nagpalista para sa pageant. Apat sa somophore at seniors. Apat rin sa freshmen at junior. Sa seniors, nakuha ang dalawang kaibigan ni Stephen na si Christian at si Axel. Sa somophore naman ay si Jessica at Marie. Ang dalawa ay pinili ni Christian at Axel dahil wala namang may gustong sumali sa grupo nila. Parehong natatawa si Jane at Addison dahil napasubo si Jessica at Marie sa pageant. Ngayon nagmeeting na sila habang si Addison naman ay umupo sa may gilid ng auditorium upang kalmahin ang kaniyang ulo dahil masakit na talaga ito. “Does your head hurt?” Tanong ng isang pamilyar na boses. Nagmulat ng mata si Addison at dahil nakatungo siya, nakita niya ang isang pares ng paa na nakasuot ng leather shoes. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Addison at parang mas lalong sumakit ang ulo niya nang makita si Stephen. Hindi nagsalita si Addison. Inayos niya ang checkered niya na nakapatong sa kaniyang hita para hindi siya masilupan. Pagkatapos ay ipinikit na lamang niya ang kaniyang mata. “I have meds for headache.” Sabi ni Stephen. Umupo siya sa tabi ni Addison. “Here. Inumin mo.” Nagmulat ng mata si Addison saka tinignan ang gamot na nasa kamay ni Stephen. Walang imik na kinuha niya ito saka ininom. “Tubig.” Kinuha ni Addison ang tubig na binibigay ni Stephen saka uminom. “Salamat.” Mahina niyang saad. “You actually know how to say ‘thank you’. That’s nice, Shorty.” Sabi ni Stephen na bahagya pang nagulat. Umigkas bigla ang kamao ni Addison patungo kay Stephen pero mabilis na nakailag ang binata habang tumatawa. Walang lakas si Addison upang makipag-argumento lalo na at masakit ang ulo niya. “Bakit masakit ang ulo mo? May lagnat ka ba?” tanong ni Stephen saka sinalat ang nuo ni Addison saka ang leeg nito. “Huwag mo akong hawakan.” Ani Addison. She pushed Stephen away. “Wala ka namang sakit.” “Crowded. Sound. Too loud.” Nagtaka pa si Stephen sa sinabi ni Addison pero kapagkuwan na-realized niya rin. “Hindi ka sanay sa maraming tao?” Tumango si Addison. “Then you should go out. Come on.” Hinawakan ni Stephen ang braso ni Addison at inalalayan ito patayo. Addison was obedient to Stephen because of her headache. Inalalayan ni Stephen si Addison palabas ng auditorium. Nakita naman ni Jessica at Marie si Stephen at Addison. Nagkatinginan ang dalawa. “Magkakilala sila?” nagtatakang tanong ni Jessica. Marie shrugged. “Iyan ang hindi natin alam. Pwede naman nating tanungin si Addison. Pero mukhang lumala na naman ang sakit ng ulo niya lalo na at closed space dito sa auditorium.” Napailing si Jessica. Nang makalabas si Addison ng auditorium, nakahinga pa siya ng maluwang. At nakaramdam siya ng ginhawa. “Let’s sit over there.” Itinuro ni Stephen ang upuan sa ilalim ng mangga. Tumango si Addison. Habang nakaupo sila sa ilalim ng mangga, walang umiimik sa kanilang dalawa. Pinagpasalamat naman ni Addison ang tahimik na paligid dahil kumakalma na ang ulo niya. “Kumusta? Ayos na ang pakiramdam mo?” Tumango si Addison. “Pwede mo na akong iwan dito. You can go back inside the auditorium. Baka hinahanap ka na.” “Nah. Andrew was there. Kaya na niya ‘yon.” “Passing your responsibility, I see.” Sabi ni Addison. Napahinga ng malalim si Stephen. Sinulyapan niya si Addison. “Sa tingin ko okay ka na. Sinasagot mo na ako, eh.” Napailing lamang si Addison at hindi na nagsalita. Baka biglang bumalik ang sakit ng ulo niya kapag kausapin pa niya ang katabi niya. “What sport will you join?” Stephen asked. He was trying to open up a conversation. Umiling si Addison. “Hindi ako sasali.” “Bakit?” “No reason.” Tumaas ang kilay ni Stephen. “Introvert I see.” Aniya. Ngumiti ng peke si Addison at nagkibit ng balikat. “Don’t smile if it’s fake.” Seryosong sabi ni Stephen. Nagulat si Addison. “You…” He actually knew that my smile was fake. Well, I’m not used to smiling at other people. “I've already done smiling fake many times, so I know it,” Stephen explained. “Don’t do it again, Shorty. Hindi bagay sa 'yo." Aniya. Sumimangot si Addison. “Stop calling me Shorty. It’s annoying.” “Sorry, Shorty. Ang liit mo kasi.” Sabi ni Stephen saka hinawakan ang ulo ni Addison. “Shorty.” Addison pushes Stephen’s hand away. “Go away.” “Shorty, don’t go too far. Ako na ‘tong nagpapakabait sa ‘yo. You’re the only one...” Stephen didn’t finish his words. “Hindi ko naman hiniling na magpakabait ka sa akin.” Seryosong sabi ni Addison. Tumayo siya. “Uuwi na ako. Thank you for your meds.” Aniya. “Kaya mo na ba?” concern na tanong ni Stephen. Tumango si Addison saka naglakad na palayo. A smile appeared on Stephen’s lips. Now, I realize that a short person can also be cute at the same time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD