HINILOT ni Addison ang sentido dahil sumasakit ang ulo niya. Napuyat siya kagabi dahil sa mga ginawa nila dito sa auditorium. She helped Marie and Jessica with their costumes last night for the pageant this afternoon. Ngayon nasa auditorium sila para sa pagbubukas ng Sportsfest ng college nila. Kasalukuyan ng pinapakilala ang mga players ng bawat events.
“If you win your own games, to whom will you dedicate this event?” President Andrew asked Alejandro, the Captain of basketball.
“The other day, I met someone and was fascinated by her.”
“Awww!”
“Yieee!”
Naghiyawan ang mga estudyante.
“Who is she?” Andrew asked excitedly. “Para naman madala namin siya sa mismong game mo. To give you inspiration, of course.”
Ngumiti si Alejandro.
“That’s her. Miss Addison Bartolome.” Itinuro niya si Addison na nakaupo sa gitna.
Biglang napamulat si Addison nang marinig niya ang kaniyang pangalan at nakita niyang nakatingin sa kaniya ang lahat. Tumingin siya kay Jane na katabi niya. “Bakit nakatingin silang lahat sa akin?”
Jane smiled. “Someone has dedicated his game at the sportsfest to you.”
“Huh?” Nagtaka si Addison. “I wasn’t listening. Inaantok ako.”
Ngumiti lang ulit si Jane.
“Sorry, but she’s taken.” Sabad naman ni Stephen gamit ang microphone kaya narinig ito ng lahat.
‘Awww’ could be heard from the audience. And the officers of their college tease Stephen.
Addison just closed her eyes again.
Stephen looked at Addison. Napailing na lamang siya habang nakangiti dahil halatang inaantok ito.
After declaring the opening of their College Sportsfest, Addison could finally breathe a sigh of relief. Sa wakas makakauwi na rin siya. Tutal wala naman siyang laro, uuwi na lang siya at matutulog. But then she remembered na may attendance pala. And their attendance is a must.
Napagdesisyunan niyang manatili na lamang sa university. Isang araw lang naman ang Sportsfest nila. Kakayanin na niya ang isang araw na ‘to. Konting tiis na lamang. No, hanggang gabi pala ang Sportsfest na ‘to dahil may pageant pa na magsisimula mamayang alas tres ng hapon.
“Bakit ka nag-iisa? Nasaan si Jane?” biglang sulpot ni Stephen sa harapan ni Addison.
Nagulat pa si Addison at napaatras saka napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso.
“You looked like a panda.” Sabi ni Stephen habang natatawa.
Kumuyom ang kamay ni Addison at balak niyang suntukin si Stephen dahil sa pang-aasar nito. Pero hinawakan ng binata ang kamay ni Addison at masuyo itong hinila.
“T-teka saan tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Addison.
“Papatulugin kita.”
“Ah?” Nagulat si Addison.
Lumingon si Stephen kay Addison. “Matulog ka na muna kaya kahit konting oras lang. Tignan mo nga hitsura mo. Mukha ka ng panda. Ang laki ng eyebags mo.”
Addison tsked.
Stephen guided Addison to his car and let her sleep there.
“No worries. You’re safe here.” Wika ni Stephen nang tignan siya ni Addison habang naniningkit ang mata nito.
Tumaas ang kilay ni Addison.
Mahinang napabuga ng hangin si Stephen saka kinuha ang kamay ni Addison at inilagay niya doon ang susi ng kotse.
Addison smiled in triumph. “Thanks.” Then she entered the back seat of Stephen’s car.
Finally, she felt comfortable sleeping.
Stephen smiled and left to attend to his duties. Lumipas ang oras at ramdam na ni Stephen ang pagod. Hindi na siya nagtaka dahil kanina pa panay ang lakad niya. Papalit-palit ang pwesto niya. Sa auditorium at sa field. Mabuti na lang at medyo magkalapit ang dalawa kaya hindi siya masyadong nahirapan. But he’s tired already.
Now, he’s watching the players of basketball. Nakita niya ang lalaki na nag-mention kanina kay Addison. Naningkit ang mata niya.
“Who is he?” he asked Alex.
“Why are you asking?”
“I hate his face.” Deretsong sabi ni Stephen.
Tumaas ang kilay ni Alex. “You hate his face, or you’re just jealous.” Sabi naman niya. Nasa auditorium siya kanina kaya narinig niya ang lahat.
Stephen glared at Alex.
Itinaas naman ni Alex ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Okay. Hindi ka nagseselos.” Sabi niya. “He’s name is Alejandro Najera. He’s in third year college.”
Stephen tsked.
Ngumiti ng mapang-asar si Alex. “Don’t look at him like you wanted to kill him.”
“I’m pissed.” Saad ni Stephen saka ibinigay kay Alex ang hawak niyang papel. “Ikaw na ang bahala rito. May pupuntahan pa ako.”
“I’m not an officer.”
Nagkibit lang naman ng balikat si Stephen saka umalis.
Napailing na lamang si Alex saka pinuntahan ang kakambal niya na naghahanda para sa pageant mamayang hapon.
Stephen went back to his car. He knocked on the window in the back seat. Bumaba naman ang bintana ng kotse.
“Are you hungry, Shorty?” he asked Addison. Halatang kagigising lang ito. “I hoped you slept well in my car, Shorty.”
“Annoying.” Sabi ni Addison saka uminom ng tubig.
“Let’s eat first, Shorty. Magsisimula na mamayang alas dos ang pageant.”
“Akala ko ba mamayang alas tres.”
“Andrew adjusted the time para maaga raw matapos.”
Napatango si Addison saka lumabas mula sa kotse ni Stephen.
“Halatang kagigising mo talaga, Shorty.” Natatawang sabi ni Stephen at inayos ang magulong buhok ni Addison.
Addison pushes Stephen’s hand away. “Don’t touch my hair.” She doesn’t want anyone touching her hair.
Pagkatapos ayusin ni Addison ang buhok niya, pumunta sila ni Stephen sa canteen upang kumain. Sadly, no food is left.
Addison pouted.
“Don’t pout. Nagpa-reserve ako kanina ng pagkain natin.”
“Natin? Hindi ba may pagkain ang college na provided para sa mga players at officers?”
“Meron pero ayoko.” Sabi ni Stephen. Pero ang totoo niyan gusto niyang makasama ang dalaga sa pagkain.
Pagkakuha ng pagkain na pina-reserved ni Stephen, umupo sila sa bakanteng pwesto at kumain. Mabuti na lamang at kaunti lang ang tao sa canteen. Maganang kumain si Addison ng pananghalian.
Nang biglang maalala ni Addison si Jane. Inilabas niya ang cellphone pero bago pa man siya makapag-chat kay Jane, inagaw ni Stephen ang phone niya.
“Eat first, Shorty.” Seryoso nitong saad.
“I-text ko lang si Jane.”
“She is with Alex. Nasa auditorium silang dalawa.”
“Oh, okay.” Nasabi na lamang ni Addison saka nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos nilang kumain, pumunta sila ng auditorium. Of course, Addison went to her friends. Tinulungan niya ang mga ito.
“What’s the real score between you and Kuya Stephen?” tanong ni Jane. “Parang nitong mga nakaraang araw napansin kong lagi kayong magkasama.”
Itinaas ni Addison ang kamay para patigilan si Jane sa gusto nitong ipahiwatig. “There’s nothing between me and Stephen, okay.”
Pero nasa mukha ni Jane na hindi ito naniniwala. “Wow, first name basis, ‘teh.” Aniya.
“Baka naman kasi may something na.” Giit pa ni Jessica. “Pero wala namang masama. Bagay kayong dalawa ni Kuya Stephen.
“Indenial lang ‘yong isa diyan.” Sabi naman ni Marie at binuntutat ng tawa.
“Tigilan niyo nga ako.” Wika naman ni Addison. Tinalikuran niya ang mga kaibigan.
Nagkatinginan naman ang mga ito.
“Did you see it?” Jane asked while smiling.
Tumango si Jessica at Marie saka nag-apir pa ang dalawa.
“She’s blushing.”
Ngumiti si Jane. Looks like our dear friend Addison, who was NBSB since birth, will be in a relationship in a few months from now.
“Is she your girlfriend?” Christian asked Stephen. Nakita niya kasi kanina ang babaeng kasama ni Stephen.
Lahat ng mga kaibigan ni Stephen ay napatingin rito. They are on the left wing of the auditorium at nasa right wing naman ang mga babae.
“No.” Tugon ni Stephen.
“But you wished she was.” Sabi ni Axel habang mine-makeup-an na ito ng make-up artist.
Stephen sighed. “She’s still a kid to me.”
“She’s already at the legal age.” Sabad ni Alex na abala sa hawak nitong DSLR Camera.
Kumunot ang nuo ni Stephen. “Bakit ganiyan ang sinasabi niyo sa akin?”
“It was what we saw,” Christian quoted on the air. “Ito ang unang beses na may babaeng nakalapit sa ‘yo. Usually, you don’t get along with girls well. Pero nitong mga nakaraang araw napansin namin na iba ang pagtrato mo kay Addison. You treated her with care and respect.”
“Well… that’s what a big brother does to his little sister, right?” Stephen reasoned. Trying to get out of the situation he was in.
Umiling si Alex. “That’s not how a big brother cares for his little sister.” Seryoso niyang saad.
“You like her.” Sabi ni Axel. It wasn’t a question but a statement.
Natahimik si Stephen. “Do you think so?”
“Stephen, try to listen to your heartbeat.” Sabi ni Axel. “And don’t ask us. Ikaw rin lang makakasagot ng sarili mong sagot.”
“My twin brother was right,” Alex agreed.
Stephen looked at Christian.
Nagkibit lang naman ng balikat si Christian.
Stephen let out a sigh. Tumayo siya saka lumabas ng left wing. His mind was filled with only one woman. Addison…
Hindi namalayan ni Stephen na dinala siya ng paa niya sa right-wing ng auditorium na kung saan ay naroon si Addison. Nakita niya ang dalaga na nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Stephen didn’t notice that he was already smiling while looking at Addison.
Napansin naman ni Jane si Stephen kaya tinapik niya si Addison saka tinuro si Stephen na nakatingin sa kanila o mas magandang sabihin na nakatingin kay Addison.
Lumingon si Addison at nagtama ang mata nila ni Stephen.
At that moment, pareho nilang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanilang puso.