Part 3

492 Words
Namuo ang galit at pighati sa kanyang puso parang nais niyang pumatay ng mga sandaling iyon pero naisip niya na hindi iyon tama. Bagkus, hinamig niya ang sarili, pinahid ang luha at tumikhim dahilan para matauhan ang dalawang nagpapakasap. "B-Babe!" gulat na sabi ni Rowena. Agad itong umalis sa ibabaw ng lalaki at binalot ang hubad na katawan ng kumot. Ang lalaki namang kaulayaw nito na namumukhaan niyang isa sa katrabaho ng kanyang magaling na kasintahan ay hindi magkamayaw kung saan tatakbo. "Hi Babe!" tila normal lang na tawag niya kay Rowena, sabay mapait na ngumiti dito. "Babe, s-sorry. Please, let me explain hindi naman...." "It's okay babe, sorry kung naabala kayo sa pagpapasarap nyo, tuloy nyo lang yan, Goodbye!" pauyam na sabi niya dito, habang nanginginig ang buo niyang katawan. Umiyak si Rowena at paulit-ulit na sinasabi ang katagang "sorry" pero bingi na siya doon. Hindi na niya hahayaang bilugin pa nito ang ulo niya. Isasara na niya ang pinto para sana umalis na pero naalala niya ang engangement ring na ibibigay niya dito. Bigla siyang pumihit muli at ipinatong ang jewelry box na kinalalagyan ng diamond ring na para sana dito. "By the way babe, ito nga pala sana ang engagement ring na ibibigay ko sayo mamaya sa dinner natin, balak ko sana na isurprise ka kaya sinusundo kita pero hindi ko alam na ako pala ang masusurprise. Salamat sa surprise mo ha, hinding-hindi ko ito makakalimutan. Sayo nalang yan, wala naman akong pagagamitan niyan ei," walang emosyong sabi niya sa babae. Sabay talikod niya na hinayaan ng nakaawang ang pinto. Hinabol siya ni Rowena at yinakap siya sa likod habang paulit-ulit itong humihingi ng tawad. Inalis niyang pilit ang kamay na nakapulupot sa bewang niya at hinarap ito. Walang emosyong tiningnan niya ito, sabay inilapit ang bibig sa tenga nito at binulong na... "Wag mo akong hawakan, nandidiri ako sayo!" Napahagulhol si Rowena at sumalampak sa sahig habang tinatawag ang pangalan niya. Nagpatuloy naman na siya sa paglayo sa condo iyon na minsan naging saksi sa pagmamahal at pagsamba niya sa maling babaeng iyon. Simula ng mangyari iyon, nagkunyaring matatag si Gerry. Nakakangiti siya sa harap ng kanyang kabanda, sa mga fans na halos hindi magkamayaw sa tuwing kumakanta siya. Dumating ang sandaling tila lubog na lubog na siya, parang nais niya ang suporta ng kanyang mga magulang,ng kanyang mga kapatid kaya ang ginawa niya nagtungo siya sa kanilang bahay sa Quezon City. "At ano nanamang ginagawa mo dito lalaki ka! Diba sinabi ko na hindi ka maaring tumuntong sa pamamahay ko kapag hindi mo pa magawang iwan ang walang kwenta mong hilig!" bungad sa kanya ng kanyang Daddy,papasok palang siya sa gate ng kanilang bahay. Nagkataon kasing nasa may hardin ito habang umiinom ng tsaa, grills lang ang kanilang bakod kaya nakita agad siya nito. Hindi niya pinansin ang sinabi nito, tumuloy lang siya at lumapit dito para magmano. Hinayaan naman siya nitong kuhain ang kamay nito. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD