"Kumusta po Dad?" nakangiting tanong niya dito.
"Okey kanina pero ng dumating na sumama na ang pakiramdam ko! Hala,maiwan na kita dyan. Naaalibadbaran ako dyan sa mga burda mo sa katawan na tila proud na proud ka pang ipakita sakin!" tila nang-uuyam na sabi nito sa kanya sabay tayo sa kinauupuan at naglakad na papasok ng bahay.
Hinabol niya ito at hinawakan sa kamay.
Agad na iwinaksi nito ang kamay niya at tiningnan siya ng masama.
"Ano bang drama mo yan Gerry!" galit na sabi nito.
"D-Dad, p-pwede ba kitang makausap? Hindi ko na po kasi kaya ang pinag-dadaanan ko, k-kailangan po kita ngayon bilang ama ko. Gusto ko lang pong kahit ngayon lang maramdaman kong may halaga pa rin ako sa inyo," medyo gumaralgal ang boses na pakiusap niya dito.
Ngumisi ito at hinarap siya.
"Kakausapin lang kita ng matino kapag sinunod mo na ang gusto ko! At magpapakaama ako sayo kung babalik ka dito, iiwan mo ang basurang hilig mo na yan at tutulungan mo akong patakbuhin ang negosyo natin. Sama mo na yang mga burda mo na yan! Ipabura mo lahat. Kapag nagawa mo yan, saka kita matatanggap muli!" pauyam na sabi nito sa kanya,sabay talikod at nagpatuloy na sa pagpasok sa kabahayan.
Nanginginig ang tuhod na napaupo siya sa inalisan nitong upuan. Kusang tumulo ang kanyang mga luha at agad na sinapo niya ang ulo. Sumakit kasi iyon bigla at agad na andiyan nanaman ang mga boses na parati niyang naririnig.
"Wala kang kwentang anak,pakamatay ka nalang kasi para makita ng tatay mo ang halaga mo!"
"Kawawa ka naman, bilisan mo na! Kumuha ka ng kutsilyo at patayin mo na ang Ama mo!"
"Ano pang ginagawa mo, tumalon kana sa building wala ka namang halaga ei!"
"Walang kwenta! Kawawa ka talaga Gerry!"
Ilan lamang iyan sa mga boses na paulit-ulit niyang naririnig, isama pa ang boses ng kanyang taksil na kasintahan. Iyong mga ungol nito na tila nasasarapan. Mas lalo lamang lumala at bumigat ang nararamdaman ni Gerry ng mga sandaling iyon.
Nakita niya ang kanyang Mama at dalawang kapatid na babae na palabas ng main door. Napansin siya ng mga ito.
"Aba andito pala ang adik kong anak! Ano, naubos na ba ang kinita mo sa pipitsuging banda mo at pumunta ka dito para humingi ng pera?! Wala akong pera! At kahit meron hindi kita bibigyan!" mataray na pahayag nito.
Hinayaan lamang niya ito sa sinabi, gusto niya itong makausap na kahit sandali maramdaman ang yakap nito katulad noong maliit palang siya. Kapag umiiyak siya ay niyayakap siya nito.
Tumayo siya at lumapit dito, kinuha ang kamay nito para magmano pero iwinaksi nito iyon. Pinigil niya ang muli nanamang mapaluha, bagkus ngumiti siya.
"Sorry po Mama, medyo madumi nga pala iyong kamay ko. Kumusta na kayo? At kayo Sherly, Sheila?" tanong niya sa mga ito, pinasigla niya ang kanyang boses.
Itutuloy...