Dumating ang araw na nakilala niya si Rowena, ang babaeng hindi niya akalaing magpapatibok sa pihikan niyang puso. Nagkaron ng kulay ang madilim niyang mundo ng makilala niya ito, halos isang taon din siyang nanligaw bago siya nito sinagot. Mas naging kapana-panabik ang bawat araw sa kanya ng sa wakas sagutin na nga siya ni Rowena.
Si Rowena ay baguhan pa lamang sa larangan ng pagmomodelo. Kaya hindi din niya hiningi ang lahat ng oras nito, hinayaan niyang yumabong pa ang career nito. Minsan lang sila kung magkita dahil na rin sa hectic ang sched niya. Lalo pa at may mga tour concert na rin sila sa iba't-ibang bansa.
Pero hindi yon naging hadlang para hindi tuluyang makawala sa madilim na mundo niya si Gerry, sa bawat kantang nililikha niya at bawat awit na kinakanta niya ay iniaalay niya sa babaeng kanyang pinakamamahal. Halos tumagal ng dalawang taon na sila ay magkasintahan hanggang sa magpasya si Gerry na magpropose kay Rowena.
Isang sikat na restaurant ang kanyang inarkila ng buong gabi para sa espesyal na araw na iyon. Maraming beses niya itong tinawagan ng hapong iyon para ayain niya itong magdinner. Pero walang sumasagot kaya nagpasya siyang puntahan ito sa condo unit nito na siya mismo ang bumili para dito kaya meron siyang sariling susi niyon.
Siguro umaga nanaman ito nakauwi kaya kahit ilang beses siyang tumawag ei hindi nito sinasagot,marahil tulog pa ito ng mga sandaling iyon. Gusto rin niya itong isurprise,halos isang linggo na rin ng huli silang magkita. Namimiss na niya ito, ang mga halik at yakap nito na parati niyang pinananabikan. Masigla siyang nagpark sa parking lot ng building at mabilis na nagtungo sa 3rd floor ng building kung saan andon ang condo ni Rowena.
Binuksan niya ang pinto gamit ang sariling susi. Pagpasok niya,wala ito sa sala kahit sa kusina. Napangiti siya, marahil tulog talaga ito. Nagtungo siya sa pinto ng kwarto nito, pipihitin nalang niya ang door knob nito ng biglang...
"s**t baby! Ohhhh! f**k! Your so good babe! Ughhhh...."
Boses ng isang babae na kilalang-kilala niya kung sino. Na kahit nakapikit yata siya ay makikilala pa rin niya ito. Ang boses ng babaeng nagbigay ng liwanag sa kanyang mundo. Biglang nanlamig ang buo niyang katawan, nanginig ang kanyang mga kamay na napahawak sa kanyang bibig para pigilan ang pag-iyak. Pati tuhod niya ay tila nawalan ng lakas tila anumang oras ay babagsak siya.
Hinamig niya ang sarili, gusto niyang matiyak kahit pa dinig na dinig niya ang bawat pagdaing, ang ungol at mga salita nitong tila sarap na sarap na parang patalim na tumutusok sa kanyang puso.
Dahan-dahan niyang pinihit ang siradura ng pinto at tumambad sa kanya ang pinakamamahal niyang kasintahan na nasa ibabaw ng lalaking kaulayaw nito,habang mabilis na gumagalaw doon.
Pakiramdam niya gumuho ang mundo niya ng mga sandaling iyon. Ang puso niya na hindi makaya ang sakit na nararamdaman tila napakaraming kutsilyo ang paulit-ulit na tumutusok doon.
Itutuloy...