Nasa isang sulok ng silid na iyon si Gerry habang tinatakpan ang tenga at animo takot na takot na palingon-lingon sa paligid.
"Huhuhu, tigilan nyo na ako! Ayoko na!" sigaw niya.
Muli siyang tumayo at tila balisang palingon-lingon sa paligid.
Tumakbo siya sa ibabaw ng kama at doon pinagpapalo ng sariling ulo gamit ang kanyang kamay.
Kapag mag-isa si Gerry, ganyan ang kanyang ginagawa. Para kasing palaging may nagbubulong sa kanya. Na gawin mo ito, gawin mo yan. Palaging may mga boses siyang naririnig na nagsusolsol sa kanya ng kung ano-ano.
Labing siyam na taon palang si Gerry ng magsimula siyang makaramdam ng ganito. Hanggang ngayong siya ay 25 years old na.
Mas lalo lamang itong lumala ng pagtaksilan sya ng babaeng kanyang pinakamamahal.
Maraming gumugulo sa isip niya.
Bakit nito nagawa iyon?
May pagkukulang ba siya?
Anong nagawa niyang kasalanan?
Kulang pa ba ang pagmamahal na ipinadama niya dito?
Bakit nito nagawa iyon sa kabila ng palagi nitong sinasabi na mahal siya?
Yan ang mga katanungang palaging umuukilkil sa kanyang isipan.
Dumagdag pa ang problema niya sa kanyang pamilya. Isa siyang music lover at dahil doon naging parte siya ng bandang sumisikat ngayon sa Pilipinas.
Ngunit dahil iba ang pangarap ng kanyang parents sa kanya, hindi siya matanggap ng mga ito. Palagi ng mga itong pinapadama na isa siyang basura.
Kahit naman puro tattoo siya at pang bad boy ang mga pormahan ay never siyang tumikim ng ipinagbabawal na gamot. Kahit ang pag-inom ng alak ay iniiwasan niya, ayon kapag may okasyon umiinom siya pero konti lang.
Noon, medyo iniinda na niya ang problema niya sa pamilya. Iyong tila nandidiri sa kanya kapag tumitingin ang sosyalerang Ina. Sa tuwing tumitingin ang kanyang Papa na tila hindi siya katanggap-tanggap, mga Ate at Kuya niya na iniiwasan siya kapag nasa bahay siya.
Lahat yon, nakaya pa niya, lahat yon tiniis niya. Kahit ang totoo sobrang napakasakit na. Minsan naiisip niya, papano kaya kapag nawala siya iyong mamatay siya. Madisgrasya habang nagmomotor o mabaril siya.
Kaya matanggap na siya ng mga ito? Umiyak kaya ang mga ito kapag nangyari yon? O makita ng mga ito ang halaga niya bilang anak ng mga ito.
Sobrang sakit kasing isipin na sarili mo pang pamilya ang humuhusga sayo. Iyong sarili mong pamilya na dapat sumusuporta sa mga ginagawa mo.
Oo marami ang humahanga sa kanya, sumisigaw at halos sambahin siya sa tuwing hawak niya ang kanyang electric guitar na saksi at kasama niya sa lahat ng paghihirap at pagtitiis na nararanasan nya. Lalo na kapag hawak na niya ang mikroponong nagbibigay buhay sa mga kantang kanyang nilikha na patungkol sa mga problemang kinakaharap ng bawat isa.
Itutuloy...