Part 5

433 Words
Bigla niyang namiss ang dalawa niyang makukulit na kapatid, dalagita na pala si Sheryly at malaki na rin ang ipinagbago ng kanyang Ate Shiela. Simula kasi ng magsimula siya sa banda,hindi na siya tumira sa bahay nila dahil na rin sa pagtataboy ng kanyang Papa. Hindi manlang sumagot ang mga ito, at kapwa umismid pa habang nakatingin sa balat niyang may tattoo at animo diring-diri. Pinalampas nya nalang ang ginawa ng mga ito. Nakangiti siyang bumaling sa Ina. "Mommy, pwede mayakap ka kahit saglit lang?" tila nagsusumamo niyang sabi dito habang mapait na nakangiti. "Ano?! Hay naku Gerry! Tigil-tigilan mo nga ako sa kalokohan mo! Umalis ka na nga diyan at baka malate pa kami ng mga kapatid mo sa pupuntahan naming party!" inis na sabi nito,tsaka tinabig siya at naglakad na patungong garahe. Nasundan nalang niya ang mga ito ng tingin, hanggang sa makasakay na ang mga ito sa kotse at makalayo na sa bahay nila. Malungkot siyang napatitig sa bahay nila. Sa bahay na dati-rati ay naging kanlungan niya kasama ang kanyang mahal na pamilya. Noon, maayos naman ang lahat. Ngunit nagbago lang ng hindi niya sundin ang kagustuhan ng kanyang Papa, simula ng mainlove siya sa musika at maging sa tattoo. Simula noon, naging ganito na ang trato sa kanya ng mga ito. Mahal niya ang kanyang pamilya pero ayaw niyang maging sunod-sunoran sa kagustuhan ng Ama. Ayaw niyang isakripisyo ang pagmamahal niya sa musika para lamang sa kagustuhan nito. Laglag ang balikat na nilisan niya ang bahay na iyon. Imbis na makatulong sa kanya ang pagpunta dito, mas lalo lamang siyang nalubog. Tila nalulunod siya at hindi na niya kayang bumangon pa. Kinagabihan. Mag-isa nanaman siya sa kanyang malaking bahay sa Laguna. Madilim ang buong paligid at tanging lampshade lamang ang nagsisilbing ilaw sa kanyang kwarto. Nasa isang sulok nanaman siya, tumutungga ng alak habang nakikinig ng musika. Dati isang bote lang ng maliit ng Redhorse lasing na siya at nakakatulog agad siya. Ngunit ngayon, nakalimang bote na siya ay hindi pa rin siya tinataman iyon bang parang walang epekto sa kanya ang alak kahit pa hindi naman talaga siya manginginom. Nais na niyang makatulog dahil napakaraming gumugulo sa kanyang isipan, idagdag pa ang nangyari sa kanya kanina. Na harap-harapan siyang pinakitaan ng masama ng mga taong inaasahan niyang makakatulong sa kanya. Ang kanyang pamilya,na ewan niya kung matatawag paba niyang pamilya. Biglang napatayo si Gerry, dahil sa tila may bumulong sa kanyang tenga. Kinalikot niya ang tenga at tinakpan. Lalo siyang nabalisa ng marinig niya na parami na ng parami ang boses. Boses na iba't-iba ang sinasabi. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD