Ang kanyang Mommy at Daddy kasama ang kanyang Kuya Wally, ang Ate Shiela niya at si Sherly. Lahat sila ay masayang nakangiti sa tila lutang na si Gerry. Mababanaag ang kasiyahan sa mukha nito kahit parang wala sa sarili. Unti-unti siyang lumapit sa mga ito ngunit biglang naglaho ang mga ito sa kanyang paningin at purong kadiliman nalang ang kanyang nasisilayan.
Sumigaw siya ng sumigaw.
"Rowena! Rowena,mahal ko! Asan ka na?! Mommy! Dad! Ate Shiela! Kuya Wallyyyy! Sherlyyyy! Asan na kayo, bakit ninyo ako iniwan?!" tawag niya sa mga ito habang umiiyak.
Tumakbo siya ng tumakbo sa kawalang iyon, kahit nagkakandapa-dapa na siya wala siyang pakialam. Gusto niyang makitang muli ang kanyang mahal na si Rowena at marinig ang masayang tawanan ng kanyang pamilya habang nakangiti sa kanya.
Ngunit bigla niyang narinig ang pamilyar na ungol na iyon na halos nagpapabaliw sa kanya sa tuwing maaalala niya ang kataksilan ng kasintahan.
Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha mula sa pagkakasubsob sa kamay niya. At ganon nalang ang panlulumo niya ng muli niyang nasaksihan ang tagpong iyon. Ang tagpong maharot itong gumigiling at nagtataas baba sa ibabaw ng lalaking kaulayaw nito.
Tila nakakaloko pa ang babae at lalaking tumingin sa kanya habang nakangisi. Napasabunot siya sa buhok at naghihiyaw na animo baliw.
Sinundan pa ng mga boses ng kanyang Daddy at Mommy habang nauuyam na kinakausap siya. Nilalait ang buong pagkatao niya at damang-dama niya ang pandidiri ng mga ito sa kanya. Ang mga halakhak na pauyam ng kanyang Kuya Wally, ang tila diring-diring boses ng kanyang Ate Shiela habang sinasabi nitong lumayo dito at maging boses ni Sherly habang sinasabi ang katagang....
"Ewww Kuya! Don't you ever touch me ha! Nakakadiri kaya yang mga kuko mo! Kulay itim ang nail polish! Daahh..as in yuck!"
"Waahhhh! Tama naaaaa! Aaahhhhhh!" hiyaw niya sa kadilimang iyon.
At halos mabaliw-baliw siya ng muli nanamang marinig ang mga boses na parati niyang naririnig.
"Magpakamatay ka na Gerry! Wala ka namang silbi diba?!"
"Mamimiss ka nila Gerry kapag namatay ka na! Pagsisisihan nila lahat ng mga nagawa nila sayo."
"Kumuha ka ng kutsilyo Gerry, tapusin mo na ang paghihirap mo. Tutal wala namang nagmamahal sayo ei. Wala lubog na lubog ka na!"
"Magpakamatay ka na para makonsensya ang taksil mong girlfriend."
Ilan sa mga boses na kanyang naririnig na halos ikabaliw na niya. Biglang parang naging lutang ang kanyang isipan, napapangiti siya. May naaninag siyang liwanag, liwanag na nais niyang puntahan.
"Sige Gerry, lumapit ka sa liwanag na iyan. Yan ang magwawakas ng mga paghihirap mo," sabi muli ng isang tinig.
Nakangiting sumunod dito si Gerry, napakaliwanag niyon tila inaaya siyang magtungo doon.
Itutuloy...