"Aaahhhh! Tigilan nyo na akooo!" malakas na sigaw niya saka niya ibinato ang hawak na bote ng maliit na redhorse.
At mariing tinakpan ang tenga,ngunit mas tila lumakas pa ang mga boses nito. Hanggang may isang musikang tinugtog sa mula sa kanyang speaker. Ang kanta ng kanyang pinaka iniidolong lead singer ng isang banda. Ngunit sa kasamaang palad, nagpatiwakal ito dahil sa hindi na kinaya ang depression.
Isa ang kantang ito sa mga kantang pinakanagustuhan niya dahil halos sumasalamin ito sa nararamdaman niya ngayon. Tila isang himala na nawala ang mga boses na kanyang naririnig, dahan-dahang niyang inalis ang kamay na nakatakip sa sariling tenga.
Napangisi siya, dahil totoo ngang nawala ang mga boses. Pumikit siya at ninamnam ang liriko ng kantang tila nagdadala sa kanya sa kawalan. Simula palang ng kanta ay talagang umakto na sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
I'm dancing with my demons
I'm hanging off the edge
Storm clouds gather beneath me
Waves break above my head
Sinabayan niya ang kanta habang gumagalaw-galaw ng bahagya ang ulo dahil isinasabay nya ito sa beat ng kanta.
At first hallucination
I wanna fall wide awake now
You tell me it's alright
Tell me I'm forgiven
Tonight
Patuloy ng kanta...
Sinabayan pa rin niya ito.
But nobody can save me now
I'm holding up a light
Chasing up the darkness inside
'Cause nobody can save me
Tumimo sa kanyang isipan ang katagang
"Nobody Can Save Now" parang paulit-ulit niya iyong narinig at hindi niya maintindihan kung bakit tumigil nalang doon sa huling katagang nabanggit sa kanta.
Tila naglakbay ang kanyang isipan, napangiti ulit siya.Totoo ang sinasabi ng kanya na..
"Nobody can save me now..." dahil iyon talaga ang pakiramdam niya.
Biglang tumahik ang paligid, maging kantang pumupuno kanina sa loob ng kanyang silid ay biglang naglaho.
Nagmulat siya ng mga mata at natuklasan niyang nasa madilim na lugar siya, sa lugar na binuo ng kanyang isipan. Sa lugar na maaari niyang takasan ang lahat ng kanyang problema,at kalimutan lahat ng masasakit na ala-ala. Napangiti siya, tila napakagaan ng kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon. Hanggang sa tila may nabubuong porma ng isang babae sa kanyang harapan.
"Si Rowena!" sabi niya sa sarili.
Suot ng babae ang damit noong una niya itong makilala, noong panahong down na down siya at ito ang nag-iisang dumamay sa kanya. Kahit hindi pa siya nito noon kakilala kaya naman nainlove siya dito ng husto.
"R-Rowena! Mahal ko! Miss na miss na kita!" tila wala sa sariling sabi niya sa imaheng nakangiti sa kanyang harapan.
Maya-maya ay may narinig naman siyang masasayang tawanan. Unti-unting nagkaron ng mukha ang masayang tawanang iyon.
Itutuloy...