Part 8

520 Words
Samantala... "Manong, sigurado ka bang andito ang anak ko? Bakit nakapatay lahat ang ilaw ng kabahayan?" tanong ng Mommy ni Gerry na noo'y nasa loob ng kotse na nasa may labas ng bakuran ni Gerry. "Mom, pagod na ko sa biyahe ei. Dimo ba pwedeng tawagan si Kuya para dito na tayo matulog," sabi naman ng naiinis ng si Sherly sa Ina. "Mom, baka natutulog lang ang lalaking iyon. Manong, try mo kaya po Manong itutok sa may tapat ng kwarto nya ang headlight. Kahit hindi naman tutok yan ei sigurado namang mapapansin niyang may tao dito sa baba," sabi naman ni Sheila na naiinip na rin. "Tumuloy na kaya tayo sa loob Manong, iopen mo na nga lang yong gate," utos muli ng Ginang. Sumunod naman ang driver dito. Gustong-gusto ng Ginang na makita ang anak na kaninang umaga lamang ay pinakitaan niya ng kagaspangan ng ugali. Maling-mali pala ang pagkakakilala niya sa anak, kaya sising-sisi siya sa nagawa kanina at maging ang lahat ng mga kasamaang nagawa niya dito dati pa,lalo na kapag pinagtatabuyan niya ito sa tuwing susubukan lumapit sa kanya. Kanina pa niya ito gustong-gustong yakapin, dahil kaninang umaga hinihiling nito na yakapin sya nito pero hindi siya pumayag. Maling-mali siya, bilang ina hindi manlang niya inintindi ang anak. Agad-agad niya itong hinusgahan, pero lahat ng iyon ay mali pala. Napakabuti pala ng kanyang anak, oo puro tattoo ito kaya nga ganon nalang ang naiisip niya tungkol dito. Napakamapanghusga niya, napakasama niya, napakalaki ng pagkukulang niya bilang Ina dito. * flashback * Nagmamadali si Ginang Zenaida kasama ang kanyang bunsong si Sherly at pangalawang anak na si Shiela. Nakatanggap kasi siya ng tawag na may anonymous person na magdodonate ng malaking halaga sa kanyang Charity Foundation. Nabungaran nga niya si Gerry na nasa labas ng kanilang bahay, naaalibadbaran siya kapag nagtutungo ito sa kanilang bahay dahil na rin sa itsura nito. At sa paniniwala nga niya na adik ito. Hindi niya ito pinansin kahit medyo may nadama na siyang kakaiba dito kanina. Pagdating niya sa address na sinabi ng kausap kanina sa phone. Napag-alaman niyang manager iyon ng banda ng kanyang anak. Doon niya natuklasan na ang anak pala niya mismo ang magdodonate ng napakahalagang iyon. Bale, may upcoming concert ang banda nito next month at wala pa man ay sold out na agad ang ticket. Halos kalahati ng napagbentahan ng ticket ay idinonate ng grupo sa kanyang foundation. Halos malula siya sa nalaman, hindi niya akalaing ganon pala kalaking kumita ang kanyang anak. Dito palang iyon sa Pilipinas ei di mas doble kapag sa ibang bansa. Nag-usisa pa siya tungkol sa kanyang anak, parang nangibabaw sa kanya ang pagiging Ina ng mga sandaling iyon. Gusto niyang alamin ang tungkol sa kanyang anak na noon lang niya narealize na halos wala na pala talaga siyant alam tungkol dito,simula ng umalis ito sa kanilang bahay mga limang taon na siguro ang nakakaraan. Sa mabait na manager ni Gerry niya napag-alamang, napakabait na bata pala ni Gerry never daw itong naging sakit ng ulo ng manager. Marami daw itong tinutulungan, kadalasan ay mga taong palaboy-laboy sa lansangan. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD