Part 9

586 Words
Never din daw ito gumamit ng ipinagbabawal na gamot, kahit nga daw uminom ng alak ay bibihira. Parang napahiya siya sa sarili, hindi niya matanggap na hinusgahan niya ang anak na isang adik samantalang hindi naman pala. Napakalaki niyang tanga, bakit siya ganon. Alam niya na sa tuwing lumalapit ito sa kanya ay nangangailangan ito ng kalinga niya pero anong ginawa niya? Paulit-ulit niya itong ipinagtabuyan. Nalaman din niya na sinabi ni Gerry na itago sa kanya na ito mismo ang magbibigay ng donation, ayaw daw kasi nitong malaman niya dahil baka hindi niya matanggap at isipin na galing iyon sa masama. Napaiyak siya ng sandaling iyon, doon niya narealized na napakalupit niya sa anak. Napakalupit nila dito, sila na mismong pamilya pa nito ang unang-unang humusga at tumulak dito palayo. Nagpaalam sila sa manager, ngunit biglang may pumailanlang na isang awitin na kanilang narinig. Semi rock ang music pero mararamdaman mo ang bigat ng lyrics,animo tumatagos sa puso ng mga taong makakarinig nito. Idagdag pa ang boses ng singer, napakaganda at bagay na bagay sa kanta. Tungkol sa pangungulila ang pinupunto ng kanta. Bumaling si Shiela sa manager. "Sir, pwede ba magtanong?" sabi ni Shiela. "Yes Mam, ano yon?" tugon ng manager. "Ano po ang Title at sino ang kumanta ng song na iyan?" Nacurious kasi si Shiela sa ganda ng boses at tagos sa pusong pagkanta ng singer. Napangiti ang lalaking manager ng kapatid niya. "Hindi nyo po ba nakikilala ang boses ng kapatid ninyo? Ang song po na yan ay tungkol sa pangungulila niya sa kanyang pamilya. Alam nyo po bang naghit ang kanta na iyan at ngayon ay sikat na sikat sa Pilipinas, maging sa ibang bansa man," tila proud na proud na pahayag ng manager. Napaawang nalang ang kanilang mga labi dahil sa tinuran nito. Hindi nila akalain na ganon kaganda ang boses ng kapatid, na ni minsan hindi nila manlang ginustong pakinggan ang boses nito pati na ang mga kantang ito mismo ang lumikha. Napaluha si Shiela, maging ang bunsong si Sherly at napaluha din. Si Ginang Zenaida naman ay di napigilan ang mapahagulhol ng mabanggit sa kanta na... "I miss your warm hug Mom." Hindi niya akalain na ganon katalented ang kanyang anak. Na napakagaling nitong kumanta at lumikha ng makabagbagin damdaming kanta. Sa bawat lyrics na binabanggit sa kanya ay damang-dama niya ang sakit at pangungulila nito. Pinahid niya ang luha at tuluyan ng nagpaalam sa manager. Nagpasya siyang magtungo sa anak, sa bahay nito sa Laguna. Para personal na makahingi ng kapatawaran dito. * End of flashback * Maya-maya bumalik na ang driver, at tumuloy na nga sila sa may garahe na nasa may tapat ng bintana ng veranda sa second floor. Papasok palang sila sa garahe para maayos na pumarada ng biglang... BLLAAGGG! Malakas na tunog ng kung anong bumagsak sa hood ng kotse. Kasunod niyon ang malakas na pagtili ng tatlong kababaihan at maging ang driver ay napahiyaw ng mapagtanto kung ano ang bumagsak sa hood ng kotse. Ang katawan ni Gerry na noo'y wala ng katinag-tinag habang mulat ang matang tila nakatingin sa kanila sa loob. Umaagos ang dugo mula sa noo ito at maging sa bibig. "A-Anak koo! Oh Diyos ko! Berting! Tulungan mo ang anak ko!! Gerryyy!" nagpapanic ng sambit ng Ginang, tsaka mabilis na bumaba sa kotse kasunod ang driver. Si Sheila naman ay pinilit na kalmahin ang sarili para makatawag ng ambulansya, at si Sherly naman ay walang tigil sa kakaiyak habang tinatawag ang pangalan ng kanyang Kuya Gerry. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD