Nagsisisi sila sa mga nagawa, pero makaligtas lang ito. Marami pang panahon na maaari nilang bawiin o punuan ang mga pagkukulang nila dito bilang magulang.
Si Sherly naman ay mas humanga pa sa kanyang Kuya Gerry ng pakinggan nito ang mga songs ng kanyang Kuya sa spotify. Halos lahat ay nagustuhan niya at hindi niya lubos maisip na ang mga kanta palang pinapakinggan ng kanyang mga classmate na minsan nga napag-uusapan pa ng mga ito ay kuya niya ang kumanta at nagcompose. Wala kasi siyang pakialam noon sa kanyang Kuya kaya ni hindi siya nag-abalang alamin ang banda nito. At maging kung ano ang pangalang ginagamit nito bilang lead vocalist ng banda nito.
Ngayon, aminado siyang isa na siya sa mga tagahanga nito at nag-uumapaw ang paghanga niya sa kanyang Kuya. Nangako siya na kapag gumaling lang ang kuya niya, babawi siya dito. Magtatayo pa siya ng fan club para dito. At ipagsisigawan niya sa kanyang mga classmate na kuya niya ang hinahangaan ng mga ito.
Ilang oras pa ang itinagal ng operasyon.
Kaya naman alalang-alala ang lahat. Biglang bumukas ang pinto ng operating room at agad na nagsilapitan ang mag-anak sa doktor.
"Doc, kumusta na po ang anak ko? L-Ligtas ba sya?!" tanong ng padre de pamilya na di maiwasang gumaralgal ang boses.
"Sa awa ng Poong Maykapal, ligtas na po sya sa bingit ng kamatayan. Hindi naman napuruhan ang kanyang ulo kaya nakaligtas pa rin sya kahit medyo mababa ang tyansa. Tsaka lumaban ang ating pasyente, nasa puso niya ang pagnanais na makaligtas. Marahil pinagsisisihan niya ang nagawa o may nagtutulak sa kanya para lumaban. Sa ngayon po ay hihintayin nalang natin na siya ay magkamalay. Pano, maiwan ko muna po kayo dahil may isa pang nakaschedule na ooperahang pasyente. Hintayin nyo nalang po na maiayos siya sa private room, saka nyo na sya puntahan," masiglang pahayag ng Doctor.
"Oh,Dyosko! Salamat po, salamat po talaga! Salamat dahil binigyan nyo pa sya ng pangalawang pagkakataong mabuhay at binigyan nyo rin kami ng tyansang makabawi sa mga pagkukulang sa kanya. Maraming-maraming Salamat po Panginoon ko!" umiiyak na pasasalamat ni Ginang Zenaida.
Umiiyak naman habang magkayakap ang dalawang anak na babae at ganon din ang mag-ama.
Makalipas ang halos tatlong Linggo.
Tuluyan ng nakarecover si Gerry.
Sa katunayan araw na ng paglabas niya sa ospital. Punong-puno ng kasiyahan ang kanyang puso. Damang-dama kasi niya ang pagbabago ng pakikitungo ng pamilya sa kanya. Damang-dama niya ang pagmamahal ng mga ito, kaya naman lahat ng pinananabikan niyang gawin noon kasama ang mga ito ay nagagawa na niya. Nakatulong din iyon sa mabilasan niyang pagaling.
Kung dati nangungulila siya sa yakap ng Ina, ngayon halos araw-araw siya nitong niyayakap with bunos kiss pa sa noo. Ang kanyang Papa ay araw-araw na dumadalaw sa hospital minsan naglalaro pa sila ng chess. At nag-uusap na rin sila ng normal niro. Kinukumusta nito ang pakiramdam niya, kung ano ang masakit. Ang Ate Sheila niya na noo'y halos di niya makausap ngayon palagi ng nagkukuwento ng mga nangyari dito. Maging lovelife nito ay naikuwento na sa kanya.
ITUTULOY